You are on page 1of 41

Sa Hapunan

1. Ang mga panauhin ay nagsidulog na sa hapag-kainan.


Walang tigil sa pagpuri sa handa samantalang hindi pa
naman nila natitikman ang mga iyon
2.Parang nag-uunahang tinungo nina Padre Damaso at
Padre Sibyla ang kabisera ng hapag kainan. Pero nang
halos sabay na makarating doon ay parehong tumigil
na para bang handang magbigay sa isa’t isa.nagkaroon
ngbahahagyang pagtatalo kung sino ang uupo sa
kabisera.
3. “sige maupo na kayo padre damaso,”itinuro ni Padre
Sibyla ang upuang pangunahan ng hapag.
4.Sa himig na nagbibigay,isinagot ni Padre
Damaso,”Kayo na ,Padre Sibyla.’’
5. Ngumiti nang alanganin si Padre Sibyla
6.’’ Mas kilala kayo sa bahay na ito. Kayo pa yata ang
kumpesor ng nasirang misis ni Kapitan Tiago. At
alang-alang narin na kayo ay higit nakatatanda.’’
7.’’ Bakit natin dadaanin sa patandaan,’’ tanong ni Padre
Damaso.
8.’’ Kayo ang kura sa pook na ito , kaya kayo ang dapat na
maupo sa kabisera.’’
9.’’Sa utos ninyo, ako’y handang sumunod,’’ sagot ni
Padre Sibyla at umasta nang uupo.
10.’’Aba hindi ko kayo inuutusan! Bakit ko kayo
uutusan?’’ Hawak pa rin ni Padre Damaso ang
sandalan ng upuan.
11.Maging si Tenyente Guevarra ay inalok din ni Padre
Sibyla ngunit tumanggi ang tenyente, sapagkat halata
ang pagkukunwari ng pari. Para palabasin ang
kanyang pagkamapagbigay ,sinabi niya sa tenyente,’’
Dahil nasa lipunan tayo at wala sa simbahan, dine na
kayo maupo.’’ Isa pang dahilan ng tenyente sa
pagtanngi ay ayaw niyang mapagitna ng upo sa
dalawang pari.
12. Sino man sa dalawang pari ay di nakaalalang alukin si
Kapitan Tiago, tanging si Ibarra lamang , ngunit may
tao ng lahat ng upuan. Kaya nang anyong ibibigay ng
binata ang kanyang upuan , ’’Aba! Huwag kayong
titindig ,’’ang wika ni Kapitan tiago kay Ibarra.’’alam
ninyo ang hapunang ito’y isang pasasalamat sa Mahal
na Birheng dahil sa inyong pagdating
13.Ipinahain ni kapitan Tiago ang tinola,”oy, dalhin na
rito tinola!”bumaling kay Ibarra at
sinabingt,”nagpaluto ako ng tinola para sa inyo,G.
Ibarra.kasi’y alam kong matagal na ninyo ito’y hindi
natitikman.”
14.Ipinasok ng utusan ang tinola at sinimulang
ipamahagi. Sa sinasadya man o hindi,maramingupo at
sabaw, kapirasong leeg at maganit na pakpak ang
napunta kay Padre Damaso,samantalang kay Ibarra ay
puro pitso ,hita at mga laman loob.ibinagsak ni Pdre
Damaso ang kutsara at itinulak sa harapan ng pingga
dahil sa sam ng loob.kinusa na marahil na hindi
pansini ang ginawa ng pari.
15.Habang kumakain,kwentuhan, balitaan at tanungan
ang naganap.tinanong si Ibarra ng ibang panauhin
tungkol sa kanyang paglalakbay swa Europa.
16.’’Ilang taon kayong nawala sa inyong bayan?’’ ang
tanong ni Laruja kay Ibarra.
17. ;;Humigit –kumulang po sa pito ,’’ sagot ni Ibarra.
18.’’Kung gayo’y maaring malimot na ninyo ang pilipinas’’
19. ’’Malayo pong magkaganoon. Kung ako man ay
sakaling nalimot na nga ng aking bayan. Ako nama’y
laging nakaalala sa kanya.’’
20.’’Ano ang ibig ninyong sabihin?’’ ang tanong ng
lalaking may pulang buhok.
21. ’’Isang taon na akong di nakatatanggap ng mga balita
buhat sa aking bayan. Para akong isang dayuhan na di
nakababatid kung kailan at papaanong namatay ang
aking ama.’’
22. ’’A, ganoon pala ang nangyayari sa inyo,’’ ang wika ng
nakikinig na tenyente.
23. ’’Saan kayo naroroon at hindi kayo tumelegrama?’’
ang tanong ni donya Victorina na humalo sa usapan.
’’Nang ikasalkami, nagpadala kami ng telegrama sa
Espanya.’’
24. ‘’ Nasa Alemanyo po ako at sa polonia nitong huling
dalawang taon .’’ sagot ni Ibarra.
25.’’Anong wika ang inyong ginagamit kung kayo ay nasa
ibang bansa ?’’ Usisa ni Donya Victorina.
26.’’Ginagamit ko poa ang wika ng bayang kinaroroonan
ko’’
27. ‘’ At alin sa mga bansa sa europa ang lalong naibigan
ninyo,’’ ang tanong ng lalaking pula ang buhok.
28.’’Higit ko pong gusto ang Espanya na siya kong
ikalawang bayan.Pero naibigan ko rin po ang lahat ng
ibang lugar na napuntahan ko .’’
29.’’aling bansa sa mga narating ninyo ang nakatawag sa
inyong pansin na may kinalaman sa pamumuhay ng
bayan,sa lipunan,sa politika,sa relihiyon,sa kalahatan
sa diwa,sa kabuuan?”ang usisa ni laruja.
30.Matagal munang nag-isp si Ibarra bago sumagot.
31.”bago po ako pumunta sa isang bayan,pinag-aralan ko
muna ang kasaysayan ng bayan ng bayan na
iyon.pinag-aaralan ko iyon kung paano iyon umuunlad
at sumulong ang kabuhayan. At natuklasan ko ang
paghihirap o pag-unlad ng isang bayan ay laging may
kaugnayan sa kalayaan o kagipitan ng naturang
bayan. Pag malaya ang kaisipan ng mga
mamamayan,mas malamang na maunlad din ang
kanilang kabuhayan
32.”Wala ka bang ibang nakita kundi iyan?”tatawa-
tawa,nanunuyang sangkot ni Padre Damaso na noon
na lamang sumagot. “hindi mo sana inaksaya ang iong
salapiupang matutuhang ang maliit na kaalaman na
iyan. Nag sino mang batang eskwela ay nakakaalam
niyan
33.Natakot ang lahat na humantong sa gulo ang usapan.
Si Ibarra napatingin sa madla nang di malaman ang
sasabihin. Nakuha parin niya nag magtimpi.
34.”Mga ginoo, huwag po kayong magtaka at palgay lang
ang loob sa akin ng dati naming kura. Bata pa kasi
ako’y palagay na ang loob sa akin ni Padre Damaso.
Ngunitpinasasalamatan ko parin ang aming
kurapagkat sinsariwa nila sa aking gunita ang mga
araw na yaong madalas silang dumalaw sa aming
tahanan at magpaunlak sa pakikisalo sa hapag ng
aking ama”
35.Napatingin si Padre Sibyla kay Padre Damaso.
Nahalata ng una na parang nanginginig si Padre
Damaso. Kung anong dahilan,hindi alam ni Padre
Sibyla.
36. Si Ibarra ay nagpatuloy ng pagsasalita na sinabayan
ng tindig. ”Paalam na po sa inyo, mga Ginoo,
kararating ko lamamng at dapat ding umalis ako
bukas. Marami pa po akong mga bagay na dapat
asikasuhin. Ang pinakamahalagang bahagi ng
hapunan ay natapos na. Ako naman po ay hindi
umiinom ng alak. Hindi ko nakagawiang uminom ng
inuming nakalalasing. Sa ngalan ng Espanya at ng
pilipinas’’ Dinampot ni Ibarraang nasa harap niya ang
isang kopita ng alak na wala pang bawas at tinungga
iyon hanggang sa masaid. Ang matandang tenyete ay
nakigayang tumungga ng walang kaimik-imik.
37.Noo’y nakalapit kay Ibarra si Kapitan Tiago.’’Huwag
mo na kayong umalis. Darating si Maria Clara,Sinundo
ni Isabel. Darating din ang bagong kura sa inyong
bayan,banal ang kurang iyon!’’
38. “Babalik po ako bukas bago umalis. Mayroon lamang
po akong dadalawin na di dapat ipagpaliban.”
39. Tuluyan nang umalis si Ibarra,samantalang si Padre
Damasoo ay mayroon pang sinabi , hinarap ang
lalaking may pulang buhok , ‘Nakita na ninyo! Kay
yabang! Hindi matanggap na mapagsalitaan sila ng
kutra. Ang tingninsa sarili’y akala mo kong sinong
nakapag-aral. Iyan ang masamang bunga ng
pagpapaaral ng mga indio sa Europa Kung ako lang
ang masusunod, Ipagbabawal ko ang pagpapadala ng
indio sa Europa.’’
DONE

You might also like