You are on page 1of 2

Alamat ng Lawigan

Ni Lakay Gulamit

Noong unang panahon sa lugar ng Boliney, may isang bundok kung saan pangangaso ang
ikinabubuhay ng mga tao. Sa bundok na ito maraming mga mababagsik na hayop tulad ng baboy
ramo, usa at marami pang iba na pwedeng ikabuhay ng mga tao. Ang tawag sa bundok na ito ay
Bundok Malnupol.

Isang araw may isang matanda na taga-Malnupol na naglalakad patungo sa Lantagan, ang
lugar na kalapit sa Malnupol. Dahil sa layo ng nilakad nakaramdam ng pagod ang matanda kaya
nagpasya itong magpahinga sa silong puno. Dahil sa simoy ng hangin at tahimik ng paligid
humiga ang matanda at ipinatong muna ang kanyang “jakaw”o “suwako” sa katabing bato bago
siya tuluyang nakatulog ng mahimbing.

Nang magising nagalit siya ng makitang napalitan ng dumi ng baboy ang kanyang tabako
na nakalagay sa suwako. Dahil sa gal;it nagsumbong ang matanda sa kanyang mga kasamahan sa
kanilang lugar sa Malnupol. Nakinig naman ang kanyang mga kasama at sila’y naghanda para sa
nalalapit na digmaan para ipaghiganti ang matanda.

Pagsapit ng araw ng labanan ay nagulat ang mga grupo ng Lantagan, hindi nila inakala na
ang kanilang makakalaban ay may malalaking leeg na halos hindi mahawakan ng dalawang
kamay at kung tumakbo ay napakabilis na animo’y parang ibon na kung tawagin nila ay
“lawlawigan” na dahilan ng pagkatalo ng grupo ng Lantagan. Ang grupo ng Malnupol ay
bumalik sa kanilang lugar na dala ang tagumpay mula sa labanan.

Simula noon ang Manupol ay napalitan ng Lawigan dahil ang mga tao doon ay may
kakaibang katangian na napakabilis kung kumilos na animo’y ibon na kung tawagin ay
“lawlawigan”.

Ang Alamat ng Lamao

Noong unang panahon may isang mangangasong nagngangalang Lamao na galling sa


Binongan sa parte ng Licuan-Baay. Isang araw nagtungo sa gubat si Lamao kasama ang kanyang
dalawang aso. Habang naglalakad sa gubat ay nakakita sila sa isang usa. Nang makaramdam ang
usa ay tumakbo ito patungo sa kanlungan, sinundan ito ni Lamao at ng kanyang aso ngunit hindi
nakasabay sa Lamao dahil masyadong mabilis ang dalawang hayop. Nakarating ang dalawang
hayop sa bundok ng Sallapadan. Nagtago ang usa sa malalim na butas sa gilid ng Manicbel
River. Patuloy na tinatahulan ng aso ang usa pero hindi niya ito hinuli dahil hinihintay niya ang
kanyang amo na si Lamao. Nang makarating si Lamao sa kung nasaan ang aso’t usa, tumakbo
ang usa patungo sa itaas ng bundok at sinundan ulit ng kanyang aso sa bilis nila naiwan si Lamao
sandal. Sa sobrang pagod ng usa huminto at para labanan ang aso na tumatahol sa kanya.
Pagdating ni Lamao. Nag-aaway sina usa’t aso at walang patalo sa kanila.

Sa takot ni Lamao na masugatan ang aso ay pinana niya ang usa. Tinamaan naman ang
usa at ito’y nagulat at tuamakbo ngunit mabilis na nasundan ni Lamao ang usa. Nahuli naman
niya ang usa sa gilid ng bangin ngunit dahil sa bigat ng usa ay pareho silang nahulog sa malalim
na bangin. Namatay ang usa at napilayan naman ni Lamao, hindi siya makagalaw at makatayo
dahil sa sakit hanggang makatulog sa tabi ng usa.

You might also like