You are on page 1of 6

BUONG KWENTO NG BIAG NI LAM-ANG

May isang mag-asawa na nagngangalang Juan at Namongan ay nakatira sa malayong baryo ng


Nalbuan. Isang araw iniwan ni Don Juan ang kanyang buntis na asawa at pumunta sa kabundukan
upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot. Habang papunta sila sa kabundukan ay ipinanganak
ni Namongan ang isang batang lalaki. Kakaiba ang sanggol sa iba sapagkat pagkasilang pa lamang ay
nakapagsasalita na ito. Gusto niyang pangalanan siyang Lam-ang. Siya na rin mismo ang pumili ng
kanyang mga ninong nang siya ay binyagan. Nasaan ang aking ama? isang araw ay tinanong ni Lam-
ang ang kanyang ina na si Namongan. Nasa kabundukan siya upang ayusin ang di pagkakaunawaan sa
isang grupo ng Igorot doon, sabi ng kanyang ina. Nalungkot si Lam-ang. Hindi pa niya nakikita ang
kanyang ama buhat ng siya ay isinilang at nasasabik na siyang makita ito. Matatagalan kaya ang
kanyang pagbalik? Hindi ko alam, malungkot na sagot ng kanyang ina na si Namongan na nasasabik
din itong makita. Ni hindi ko man lamang alam kung buhay pa siya. Isang araw ay nanaginip si Lam-
ang. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang ama na walang awang pinatay ng isang grupo
ng Igorot. Lubos siyang namuhi nang siya ay nagising. Nagpasya siya na sundan ang ama sa
kabundukan. Siyam na buwan siya noon. Nang marating niya ang pamayanan ng mga Igorot, nakita
niya na nagsasayawan ng mga ito paikot sa ulo ng kanyang ama na nakatusok sa isang kawayan. Sa
kanyang galit ay kinalaban at pinatay niya ang lahat ng Igorot, kasama ang kanilang pinuno na
pinahirapan muna bago pinatay. Sa kanyang pag-uwi sa Nalbuan ay napadaan siya sa ilog ng
Amburayan. Doon ay naligo siya sa tulong ng kanyang mga kaibigang babae na pinupunasan ang
kanyang katawan upang maalis ang mga dumi at dugo, ngunit ito’y nakapatay sa lahat ng nabubuhay
na hayop sa ilog. Nang siya ay nasa hustong gulang na upang mag-asawa ay may nakilala siyang isang
magandang babae, si Ines Kannoyan at umibig siya rito. Pumunta siya sa bahay nila Ines upang
umakyat ng ligaw kasama ang kanyang puting tandang at ang kanyang paboritong aso. Nang
makarating siya sa bahay ay nainis siya sa dami ng naunang manliligaw sa kanya. Inutusan niyang
tumilaok ang kanyang tandang at sinunod naman siya nito. Noon din ay gumuho ang bahay nila Ines
at nangamatay ang lahat ng kanyang manliligaw. At inutusan naman niyang tumahol ang kanyang aso
at tumahol nga ito. Mabilis na bumalik sa dati ang gumuhong bahay. Lumabas si Ines at ang kanyang
mga magulang upang salubungin siya. Ipinaramdam ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang kay Ines
Kannoyan. Ang aking panginoon na si Lam-ang ay iniibig ka at gusto ka niyang pakasalan, sabi ng
puting tandang kay Ines sa lenggwaheng naiintindihan niya. Pakakasalan kita kung matutumbasan mo
ang aming kayamanan, sagot ni Ines Kannoyan. Ang pagsubok’na ibinigay ni Ines ay hindi
nakapagpahina kay Lam-ang. Umuwi siya kaagad at bumalik kasama ang isang malaking bangka na
puno ng ginto, hinigitan nito ang halaga ng kayamanan nila Ines. Ikinasal sila at namuhay ng masaya.
Lumipas ang mga taon at dumating ang pagkakataon ni Lam-ang na humuli ng isda na tinatawag na
rarang. Ito ay isang obligasyon ng bawat may asawang lalaki sa kanilang komunidad upang manghuli
ng rarang. Ngunit nararamdaman ni Lam-ang na mapapatay siya ng isang berkahan, (isang uri ng isda
na kabilang sa pamilya ng mga pating) kapag pumalaot na siya upang manghuli ng rarang. Ngunit
kailangan niyang tuparin ang kanyang tungkulin at isang gabi ay pumalaot siya sa karagatan. Napatay
siya ng berkahan tulad ng kanyang inaasahan. Tumangis si Ines sa kalungkutan. Umisip ang kanyang
puting tandang ng paraan upang buhaying muli si Lam-ang. Umarkila si Ines Kannoyan ng mga
maninisid upang hanapin ang mga buto ni Lam-ang sa ilalim ng dagat. Madaling nahanap ng mga
maninisid ang lahat ng mga buto at pinagsama-sama ni Ines ang mga ito. Kasama ang puting tandang
at ang paboritong aso ni Lam-ang ay namanata siya gabi-gabi hanggang sa isang araw ay nabuhay si
Lam-ang. At mula noon ay namuhay sila ng masaya.
Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)

Noong unang panahon ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng Mantapuli. Ang
Mantapuli ay matatagpuan sa bahaging kanluran ng Mindanao, doon sa malayong lupain kung saan
ang araw ay lumulubog. Si Indarapatra ay nagmamay-ari ng isang makapangyarihang singsing, isang
mahiwagang kris at isang mahiwagang sibat. “Hinagud, aking sibat, magtungo ka sa bahaging silangan
at lupigin moa ng aking mga kaaway!” ang makapangyarihang utos ng hari. Pagkatapos magdasal,
inihagis niya ang sibat na si Hinagud nang ubod lakas. Nang makarating na ito sa Bundok Matuntun,
agad na bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat sa kanyang hari.

“Aking dakilang hari, maawa kayo sa mga taga Maguindanao. Sila’y pinahihirapan at kinakain ng mga
walang awing halimaw. Sinisira ng mga halimaw ang kanilang mga pananim at ang mga kabahayan.
Binabalot ng mga kalansay ang kalupaan!” ulat ni Hinagud.

Nagalit si Indarapatra sa narinig. “Sino ang mga halimaw na iyon na walang awing pumapatay sa mga
walang kalaban-laban na mga taga-Maguindanao?” galit na tanong ni Indarapatra.

“Ang una po ay si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat sa pagkain, kahit limang tao’y
kayang maubos,” sagot ni Hinagud. “Ang ikalawa’y si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang tao
na nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang tao na kanyang mahuli’y agad niyang kinakain. Ang ikatlo’y
si Pah, isang ibong malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim sa laki ng kanyang mga pakpak. Ang
lahat ng tao’y sa kweba na naninirahan upang makaligtas sa salot. Ang ikaapat ay isa pang ibon na
may pitong ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na mata pagkat maaari
niyang matanaw ang lahat ng tao.” Sunud-sunod na paliwanag ni Hinagud.

Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na si Sulayman, ang
pinakadakilang mandirigma ng kaharian. “Mahal kong kapatid, humayo kayo at tulungan ang mga
taga-Maguindanao. Heto ang aking mahiwagang singsing at si Juru Pakal ang aking mahiwagang kris.
Makakatulong sa iyong pakikidigma ang mga ito.” Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at
ipinakiskis niya ang singsing na ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi,”Ang halamang ito
ay mananatiling buhay habang ikaw ay buhay at mamamatay ito kung ikaw ay mamamatay.”

At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta patungong silangan at lumapag sa
Maguindanao. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Juru Pakal, ang mahiwagang kris, at
kusang sinaksak si Kurita. Taas-baba si Juru Pakal hanggang mamatay si Kurita.

Pagkatapos nito ay kinalaban naman si Tarabusao. “Lisanin mo ang lugar na ito, kundi ay mamamatay
ka!” ang malakas na utos ni Sulayman.

“Lisanin ang lugar na ito! Nagkasala ang mga taong ito at dapat magbayad!” sagot ni Tarabusao.

“Narito ako upang tapusin na ang inyong kasamaan”” ang matapang na sabi ni Sulayman.

“Matalo man ako, mamamatay akong martir!” sagot ni Tarabusao. Naglaban sila at natalo ni
Sulayman si Tarabusao.
Naglakad si sulayman sa kabilang bundok upang sagupain si Pah. Ang bundok Bita ay balot ng mga
kalansay at ng mga naaagnas na bangkay. Biglang dumating si Pah. Inilabas ni Sulayman si Juru Pakal
at pinunit nito ang isang pakpak ni Pah. Namatay si Pah ngunit nahulog ang pakpak nito kay Sulayman.
Namatay si Sulayman.

Sa Mantapuli, namatay ang tanim na halaman ni Indarapatra. Agad siyang nagtungo sa Maguindanao
at hinanap ang kapatid. Nakita niya ito at siya’y nagmakaawa sa Diyos na buhayin muli ang kapatid.
Tumagis siya ng tumangis at nagdasal kay Allah.

Biglang may bumulwak na tubig sa tabi ng bangkay ni Sulayman. Ipinainom ito ni Indarapatra kay
Sulayman at biglang nagising pagkainom. “Huwag kang umiyak, aking kapatid, nakatulog lang ako
nang mahimbing,” sabi ni Sulayman. Nagdasal sila Indarapatra at Sulayman upang magpasalamat sa
Diyos. “Umuwi ka na, aking kapatid, at ako na ang tatapos kay Balbal, ang huling halimaw,” utos ni
Indarapatra. Umuwi si Sulayman at nagtungo si Indarapatra sa Bundok Guryan at doon nakipaglaban
kay Balbal.

Isa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na lamang ang natira. Dahil ditto,
lumisan si Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra na namatay na si Balbal habang tumatakas. Ngunit
ayon sa matatanda ay buhay pa si Balbal at patuloy na lumilipad at humihiyaw tuwing gabi.

Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagsipagtago sa kweba
ngunit walang sumasagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siya’y magutom at mapagod. Gusto
niyang kumain kaya’t pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsasaing ni Indarapatra.
Inipit niya ang palayok sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang palayok.
Nakita ito ng isang matandang babae. Namangha ang matandang babae sa taglay na kagalingan ni
Indarapatra. Sinabihan ng matanda na maghintay si Indarapatra sa kinalalagyan sapagkat dumaraan
doon ang prinsesa, ang anak ng raha. Umalis ang matandang babae dala ang sinaing ni Indarapatra.

Paglipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra ang tiwala nito. Itinuro
ng prinsesa kung saan nagtatago ang ama nito at nalalabi sa kaharian nila. Nang Makita ni Indarapatra
ang raha, inialay ng raha ang kanyang pag-aari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra
bagkus kanyang hiningi ang kamay ng prinsesa.

Sa maikling panahong pananatili ni Indarapatra sa Maguindanao, tinuruan niya ang mga tao kung
paano gumawa ng sandata. Tinuruan niya kung paano maghabi, magsaka, at mangisda. Pagkalipas ng
ilang panahon pa, nagpaalam si Indarapatra. “Tapos na ang aking pakay rito sa Maguindanao. Ako ay
lilisan na. Aking asawa, manganak ka ng dalawa, isang babae at isang lalaki. Sila ang mamumuno rito
sa inyong kaharian pagdating ng araw. At kayong mga taga-Maguindanao, sundin ninyo ang aking
kodigo, batas, at kapangyarihan. Gawin ang aking mg autos hanggang may isang mas dakilang hari na
dumating at mamuno sa inyo,” paalam ni Indarapatra.
‘Hudhud Hi Aliguyon’ : Alamat Ni Aliguyon

Isang araw nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang
sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag
matuto ng iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga
kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang
mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong
bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.

Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama,
sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-
iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at
bihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon.

Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad


si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang
kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik
kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat.
Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.

Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Pumbakhayon hanggang


umabot ng tatlong taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko.
Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban,
at pagkaraan ng tatlong taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa’t isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at


nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na
sumang-ayon lahat ng tao sa dalawangg nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng dalawang
bayani.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang dalawanf nayon. Naging matalik na magkaibigan


sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan,
ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan hanggang
lumaki itong napaka-gandang dalaga.

Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya. Ang
dalawang pamilya nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.
Bidasari
(Epikong Mindanao)
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon.  Ang ibong ito ay
mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao.  Ang ibong ito ay ang ibong garuda.
Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga
yungib.  Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.Sa pagtatakbuhan ng mga
tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat.  Ang sultana ng Kembayat ay
nagdadalantao noon.  Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog.
Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.May nakapulot
naman ng sanggol.  Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian.  Kanyang
pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol.  Itinuring niya itong anak.  Pinangalanan nila ang
sanggol ng Bisari.  Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda.  Maligaya si Bidasari sa
piling ng kanyang nakikilalang magulang.Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay
dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari.  Mapanibughuin si Lila Sari.  Natatakot siyang umibig
pa sa ibang babae ang sultan.  Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na
sasagutin naman ng  sultan ng : mahal na mahal ka sa akin.  Hindi pa rin nasisiyahan ang
magandang asawa ng  sultan.  Kaniyang itinanong na minsan sa sultan:  Hindi mo kaya ako
malimutan kung may makita kanghigit na maganda kaysa akin?  Angnagingtugon ng  Sultan ay: Kung
higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.  Nag-alala ang sultana na baka
may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan.  Kaya't karakarakang inutusan niya ang
matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na
maganda sa sultana.Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa
kay Lila Sari.Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay
gagawing dama ng sultana.  Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa
isang silid at doon pinarurusahan.Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya,
sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama.  Kapag araw ito'y
ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay
mamamatay.  Pumayag si Lila Sari.  Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si
Bidasari.Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi.
Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi.  Nag-alala si Diyuhara na
baka tuluyang patayin si Bidasari.  Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at
doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat.
Nakita niya ang isang magandang palasyo.  Ito'y nakapinid.  Pinilit niyang buksan ang pinto.  Pinasok
niya ang mga silid.  Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog.  Ito ay si Bidasari.
Hindi niya magising si Bidasari.  Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari.  Bumalik
ang sultan kinabukasan.  Naghintay siya hanggang gabi.  Kinagabihan nabuhay si Bidasari.
Nakausap siya ni Sultan Mongindra.  Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari.  Galit na
galit ang sultan.  Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari.  Si Bidasari
na ang naging reyna.Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni
Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat.  Nagkaroon pa sila ng isang supling.
Ito'y si Sinapati.  Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati,
anak ng sultan at sultana ng Kembayat.Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari.  Kinaibigan
nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati.
Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila.  Pinasama
ng ama si Sinapati sa Indrapura.  Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas
dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha.  Natunton ng Sultan ng Kembayat ang
nawawala niyang anak na si Bidasari.  Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang
si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

You might also like