You are on page 1of 10

KOMPOSISYONG

PANGMASA
Ito ang isang uri ng komposisyon na madaling
ihanda o isulat. Inilaan ito sa madla o sa masang
mambabasa. Di mahirap ihanda dahil di naman
nangangailangan ng matatayog na pananalita tulad
din ng di pangangailangan ng mga kaisipang bunga
ng pananaliksik.
Katangian ng Komposisyong
Pangmasa

 Simple ang pananalitang gamit.


 Hindi kailangan ng napakahaba.
 Tumatalakay sa mga pangyayari sa
kapaligiran.
 Hindi kakikitaan ng mga matalinghagang
pahayag.
Mga Uri ng
Komposisyong
Pangmasa
1. Patalastas

Ito ay mga paalala ipanaabot


sa taong bayan na maaaring
magbigay ng tamang
direksyon at magturo ng
tamang kaalaman sa mga
tao. Maaring nakadikit sa
isang poste ng ilaw o maaari
namang sadyang isinulat sa
sulatang pisara sa kantong
daanan ng mga taong
barangay.
Islogan

Ito ay maikling pahayag na


tiyak ang paksa o isyu na
maaaring nakasulat sa anyong
patula. Simple ang
pagkakaanyo at pagkakapili ng
mga salita upang madaling
maalala ng madlang
mambabasa. Idinidikit din ito
sa mga lugar na daanan ng
mga tao at minsan ay
nagsisilbing pamapaalala sa
mga tao dahil kung uunawaing
mabuti may aral na
ipinaalam/pinababatid.
Tugmaang de gulong

Ito rin au nakasulat sa anyong


patula na may tugma at
kadalasa’y binubuo ng 2
taludtod. Nakatatawa and diwa
ngunit kung susuriin sadyang
nangyari sa ating mga
karanasan sa araw-araw.
Kadalasan nakadikit ito sa
sasakyan at nagsisilbing pang-
aliw sa mga pasahero lalo na
kung di pa umuusad ang
sasakyan.
Panalangin

Ito ay dasal na binibigkas o binabasa sa


isang okasyon o pagtitipon. Ito’y
panalangin mula sa puso ng gumagawa
kayat sariling pananalita ang dasal na ito.
May patern o balangkas ang dasal na
sariling gawa.
Unang pahayag ( Pag-aanyaya sa
Panginoon o gawaing panalangin.
Panglawa pahayag ( Pasalamatan ang
Panginoon sa mga biyayang
natamo,natatamo, at tatamuhin pa sa
araw-araw.
Pangatlo ( Dito na babanggitin ang mga
bagay na nais mong hingin sa ating
panginoon)
Komentaryo

Ito ay maituturing na panunuligsa


ukol sa mga isyung nakakaapekto
sa karamihan, maliit man o malaki.
May himig ito ng panawagan
tungo sa pagbabago o sa kaunlaran
kayat simpleng pananalita ang
gamit at diretsahan ang pahayag.
Maingat ang pagkakasulat at
maaaring magmungkahi ng
solusyon sa ikakaunlad ng paksang
pinag-uusapan.
Dayari
Ito ay pansariling tala ng mga
pangyayari magaganap sa buhay ng
isang indibidwal. Sangkot dito ang
mga karanasang emosyunal,sosyal,at
ispiritwal. Napakapersonal kaya di
sangkot ang anumang opinyon o kuro-
kuro ,simple ang pananalita na galing
sa puso kayat diretsahan. Walang
bahid ng pagsisinungaling sa pagsulat
ng adayari dahil malaki ang silbi nito
sa sumusulat lalo na sa pagdating ng
panahon.Sa bagay na ito, ang dayari
ay tunay na napakapaktwal.
Jornal

Halos kamukha ng dayari ngunit naiiba


di lamang sa pansariling kaganapan sa
buhay ang itinatala. Ang mga
pangyayari sa labas ng bahay o sa
kapaligiran ay maaaring paksa ng
isusulat sa jornal. Kabilang din dito ang
mga repleksyon, obserbasyon,
nadarama, at maging ang mga puna at
komentaryo. Sa jornal mqalayang
naisusulat ng awtor ang sariling
opinyon o kuro-kuro sa tinatalakay. Ito
ay maaaring basahin ng iba na di tulad
ng dayari na pinagkatatago-tago ng
may-ari dahil sagrado ito para sa kanya.

You might also like