You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon X-Hilagang Mindanao


Dibisyon ng Syudad ng Iligan
Iligan City National High School
Mahayahay, Iligan City
Self- Learning Activity 2
FILIPINO 8
IKALAWANG MARKAHAN

IKALAWANG LINGGO

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat katanungan sa lahat ng gawain.


Isulat ang sagot sa SAGUTANG PAPEL (answer sheet) lamang.

ARALIN 3: SANAYSAY

Mga Layunin:
1.Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing, at iba pa)
sa pagsulat ng sanaysay.
2. Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan at daigidg.
3. Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda.

Ang sanaysay ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuru-kuro ng sumulat


tungkol sa isang bagay o paksa. Ang salitang essay (sanaysay) ay hango sa
salitang Franses na essayer na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkain”.

Ayon kay Alejandro Abadilla ang salitang sanaysay ay nangangahulugang


“nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito’y isang akdang
pampanitikang nasa anyong paglalahad o tekstong pasalaysay.

May dalawang uri ng sanaysay. Ang una ay ang pormal na sanaysay na


tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang
tinatalakay. Tinuturing din maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling pananalita kaya mabigat
basahin. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling
sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.
Ang pangalawa ay ang di-pormal na sanaysay tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw,
nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at
personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang
personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang
pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling
maintindihan. Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing
gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda
ang pananaw.

Halimbawa ng sanaysay
Pintig, Ligalig at Daigdig
Jet Oria Gellecanao

“Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging mga oras, ang bawat oras
ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang
pintig ng bawat sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay rin sa isang
maligalig na daigdig.”

Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga usapang ito “Talagang sang-ayon
ako sa mga pahayag na ito,” wika ng isang lola. “Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na
mapanganib!” Mas matigas na rin ang ulo ng mga kabataan!” sambit naman ng isa. Sumagot naman itong si
lolo: “Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas maabilidad na ang mga bata sa ngayon.” Kaya,
kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga
talento at taglay na kaalaman?

Madalas rin silang magpayo sa atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka ika’y madapa, mas
malalim ang sugat.” Dapat lamang na pakinggan natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga
katagang “Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong
kaisipan.” Kaisipang nagpapaalala sa atin na nawa’y tahakin natin ang tama at tuwid na landas.

Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga pagbabagong nagaganap sa
kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri
at istilo ng pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na sa kanilang
mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao
ngayon ay ang pag-usbong ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng “Globalisasyon” at
ang paglitaw ng teoryang “Global Village” kung saan ang mundo, ang bawat bansa at bayan na naririto ay
wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang
Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang mas higit na mapadali at mapabilis ang
komunikasyon.

Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na dahil sa labis na ang


kasamaan ng tao, sandali na lamang at magugunaw na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang iba’t
ibang mga hula ng mga tao tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi upang
gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya
lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya
mangyayari ang pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha.

Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulaybulay.


Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? Higit sa lahat, ay ang iyong magandang
kaugnayan sa Diyos. Kaya’t ito ang tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay.
Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang
“Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.”

Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras, nagiging minuto
hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, pintig... at pintig sadyang may ligalig sa ating daigdig...
Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo ang hamon sa iyo!

Iba't ibang Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad

Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay- kaalaman o pakahulugan, at nagsusuri upang lubos


na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita sa manunulat.
Maaaring ito ay tumutugon sa mga katanungan kung ano ang katuturan ng isang bagay o salita, kung
paano ang pagsasagawa ng isang bagay, kung ano ang kakanyahan ng isang layunin o simulain.

1.Pag-iisa-isa
Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na
paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Dito ay malinaw na
naipakikita ang mga dahilan at bunga ng mga pangyayari.

2.Paghahambing at Pagsasalungatan
Ginagamit ang paraang ito sa paghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang
paraang ito ang pinakamalimit na gamitin.

3. Pagsusuri
Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.

4. Sanhi at Bunga
Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito
madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.

5. Pagbibigay Halimbawa
Ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling
makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig. Siguraduhin lamang na tiyak o makatotohanan ang
ibibigay na halimbawa.
Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin,
pagpapaliwanang sa kahulugan, malinaw at maayos na pagpapahayag at walang kinikilingan.
Gawain 1

Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing, at iba pa)
sa pagsulat ng sanaysay.

Panuto: Gumawa ng maikling pagpapahayag tungkol sa paksa sa bawat bilang gamit ang mga paraang
nakatala sa ibaba. (3 puntos bawat bilang)

1. Pag-iisa-isa

(Mga dapat gawin upang makaligtas sa pagyanig ng lupa o lindol)

Sagot:

2. Paghahambing

(Kalagayan ng ekonomiya ng bansa noon at ang kalagayan ng ekonomiya sa kasalukuyan)

Sagot:

3. Pagsusuri

(Mga dahilan kung bakit hindi matigil tigil ang problemang kinakaharap ng ating bansa sa Pilipinas)

Sagot:

4. Sanhi at bunga

(Ano ang naidulot ng mabuting edukasyon sa mga kabataan lalong lalo na sa mga estudyante ngayon?)

Sagot:

5. Pagbibigay Halimbawa

(Ano ang iyong magagawa sa programa ng kalinisan: Basura ko! Sagot ko! sa iyong paaralan?)

Sagot:
Gawain 2

Layunin:
Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda.

Panuto: Ipaliwanag ang mga ipinapahiwatig ng mga sumusunod na pahayag sa binasang sanaysay na “Pintig,
Ligalig at Daigdig”.

Pahayag 1.
“Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib! Mas matigas na rin ang ulo ng ilang
kabataan!

Pahiwatig: _____________________________________________________________________________

Pahayag 2.
Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang
“Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.”

Pahiwatig: ______________________________________________________________________________

Gawain 3

Layunin: Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, pamilya, lipunan at daigdig.

Panuto: Buuin ang graphic organizer. Isulat ang inyong sagot sa loob ng kahon.

sarili pamilya

Bilang kabataan, paano mo


maipapakita ang iyong mabuting
gawain para makatulong sa
iyong sarili, pamilya, lipunan at
daigdig para masugpo ang
pagkalat ng krimen sa bansa?

Lipunan daigdig

You might also like