You are on page 1of 32

IKATLONG MARKAHAN 

FILIPINO 8 

MGA EKSPRESYON SA
PAGPAPAHAYAG

Inihanda ni: Binibining Ara Tan Manubag


Nakakikilala at nakatutukoy ang mag-
aaral ang kaibahan ng katotohanan,
opinyon, hinuha at personal na
interpretasyon
Nakabibigay ang ngmga
pakikipag-usap. 
mag-aaral ng mga
halimbawa sa mga pangungusap tungkol
LAYUNIN sa iba’t ibang ekspresyon sa
pagpapahayag.
: Nakapagpapahayag ang mga mag-aaral
ng kanilang pagpapahalaga sa iba’t
ibang ekspresyon sa pagpapahayag.
Nakabubuo ng isang talatang gamit ang
iba’t ibang ekspresyon sa
pagpapahayag.
HALIKA'T
MAGLARO TAYO!
1. Sa palagay ko, magiging
maganda at maayos ang
iyong pamumuhay kapag
ikaw ay 25 taong gulang na.
SAGOT: 
PAGHIHINUHA
2. Sa aking palagay
ay mahihirapan ang
mga estudyante sa
gawaing ito. 
SAGOT: 
OPINYON
3. Ang presidente ng
Pilipinas ay si
Rodrigo Duterte.
SAGOT: 
KATOTOHANAN
4. Mayroong labing
dalawang buwan
sa isang taon. 
SAGOT: 
KATOTOHANAN
5. Siguro ay
magiging maayos
ang ating lugar
kung maayos na
maipapatupad ang
batas dito.
SAGOT: 
HINUHA
Mga Ekspresyon ng
Pagpapahayag
Paghihinuha
Ang paghihinuha (inferring) ay magagawa lamang
ng mambabasa kung tunay na nauunawaan niya ang
kanyang binabasang artikulo o seleksyon. Sa bawat
seleksyon, nagbibigay ng mga pahiwatig ang
manunulat na hindi tuwirang sinasabi o ipinahahayag
sa halip ay ibinibigay na implikasyon. 
Sa pakikinig o pagbabasa, nalalaman ang
pagpapahayag gamit ang paghihinuha sa
tulong ng mga hudyat. Ang mga halimbawa ng
mga hudyat sa paghihinuha ay; 

baka, siguro, marahil, baka, yata, tila, sa


palagay ko. 
Mga Halimbawa:
    Marahil umaasa ang milyon-milyong mga Pilipino sa
bakunang darating sa bansa ngayong 2021 na baka iyon
na para sa kanila angmakaliligtas mula sa banta ng Covid-
19. Hindi malayo na makamtan ito sapagkat iilang mga
lokal na pamahalaan ang naghahanda na ng pondo para
sa bakunang ituturok sa kani-kanilang mga kinasasakupan.
Mga Halimbawa:
    Marahil umaasa ang milyon-milyong mga Pilipino sa
bakunang darating sa bansa ngayong 2021 na baka iyon
na para sa kanila ang makaliligtas mula sa banta ng Covid-
19. Hindi malayo na makamtan ito sapagkat iilang mga
lokal na pamahalaan ang naghahanda na ng pondo para
sa bakunang ituturok sa kani-kanilang mga kinasasakupan.
Katotohanan
    Ang katotohanan ay isang pahayag na
nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan
at tanggap ng lahat na totoo at
hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito
nagbabago at maaaring i-verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian
tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi
nito.
Sa pagpapahayag ng katotohanan maaring
gamitin ang mga sumusunod na mga hudyat: 

batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula 


kay, sang- ayon sa, tinutukoy ng, mababasa
sa…
Mga Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti
ng nababawasan ang mga out-of school youth.

 2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga


ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating
bansa.
Mga Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti
ng nababawasan ang mga out-of school youth.

 2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga


ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating
bansa.
Opinyon
Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao
o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas
malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento.
Sa pagpapahayag ng opinyon ay maaaring
gamitin ang sumusunod na hudyat:

sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita


ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, sa ganang akin.
Halimbawa:
1.Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
pagkakaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 

2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay


ng isang tao na may takot sa Diyos.
Halimbawa:
1.Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
pagkakaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 

2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay


ng isang tao na may takot sa Diyos.
KATANUNGAN? 
PAGBUBUOD
SA TINALAKAY
Para sa gawain: Bumuo ng dayalogo na kung saan
kakikitaan ito ng iba’t ibang ekspresyon ng
pagpapahayag.

Rubriks: 

1. Pagbibigay ng mga pangungusap


na kaugnay sa paksa – 10 puntos

2. Ayos o daloy ng dayalogo- 10 puntos

3. Wastong gamit ng mga salita at bantas- 10 puntos


Kabuuan: 30 puntos 
TAKDANG
ARALIN:
Bubuo ng tiglilimang (5)
halimbawa ang mga mag-aaral ng
mga pahayag na nagpapakita ng
PAGHIHINUHA, OPINYON, AT
KATOTOHANAN tungkol sa
napapanahong isyu sa lipunan.
Maraming
salamat!

You might also like