You are on page 1of 35

MAGANDANG

UMAGA
Panalangin

More info on how to use this template at www.slidescarnival.com/help-use-presentation-template


This template is free to use under Creative Commons Attribution license. You can keep the Credits slide or mention SlidesCarnival and
other resources used in a slide footer.
Layunin
 Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa
pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng
iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika F11EP – IId –
33
 Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon
sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa
radyo at telebisyon F11PN – IId – 89

3
Balik-Aral
Kakayahang Sosyolinggwistiko

Ano ang modelong speaking ni
Dell hymes
Balik-Tanaw
Ayusin ang sumusunod na pangungusap upang makabuo ng mga pahayag na
nagtataglay ng pagkamagalang.
1. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na ang programa.
2. Pahingi ng donasyon para sa proyekto.
3. Isarado mo ang pinto
4. Gusto kong malaman ang opinion mo sa isyung ito.
5. Papasok ako sa bahay mo.

6
Sana positibo ang tugon mo sa aking kahilingan.
6.

7. Kunin mo ang aking relo


8. Tumayo na kayo para sa pag-awit ng “Lupang
Hinirang”
9. Ayos ba na ikaw ang mamuno sa panalangin?
10. Puwede nang kumain.
7
Gabay na tanong
1. Ano ang napansin sa pangungusap?
2. Ano ang mga isinaalang-alang mo sa pagpili ng mga salitang iyong ilalapat sa
pangungusap?
3. Nakatulong ba ang mga salitang ito?

8
Kakayahang
Pragmatiko
Pahiwatig at Pag-unawa
sa mga salita at kilos

9
 Naranasan mo na bang magtampo sa iyong kaibigan?
Paano mo ito ipinabatid sa kanya? Sa pamamagitan ba ng
tahasang pagsasabi o sa iyong mga aksyon lamang?

 Nakasasakay ka ba sa mga biruan? Paano mo


nalalamang biro lamang ang sinabi ng iyong kausap?

 Nakiusap ka na ba sa iyong guro sa anumang


pagkakataon sa iyong buhay? Paano mo ito ginawa?

10
 Hindi lamang sa kaalaman sa bokabularyo at sa
pagbubuo ng mga pangungusap batay sa itinatakda ng
gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng
wika. Mahalaga ring matutuhan ang kasanayan sa
pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa
mga papuri at paumanhin, pagkilala sa mga biro, at
pagpapadaloy ng usapan. Samakatwid, kailangang
matukoy ng isang tao ang maraming kahulugan na
maaaring dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t
ibang sitwasyon (Lightbrown at Spada 2006).
◉ Halimbawa, ang tanong na “Sa iyo ba ang bag na ‘yan?” ay
maaaring mangahulugan ng:

◉ (1) pagtitiyak sa kung sino ang may-ari ng bag;

◉ (2) papuri o pagkutya sa estilo ng bag; o

◉ (3) pagkainis sa nakakalat na bag.

12
Ano ang
Kakayahang
Pragmatiko?

”13
Ayon kina Lightbrown at Spada (2006), ang pragmatiko ay
tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang
partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang
deretsahan o may paggalang. Ibig sabihin, ang isang taong
may kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit ang
yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon
at kahulugan nang naaayon sa konteksto ng usapan at
gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-
sinasabi at ikinikilos ng kausap.

14
Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang
konsepto ng speech act. Para sa pilosopo sa wika na
si J. L. Austin (1962; sipi kay Hof 2001), ang
pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga
salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi
“paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita” o
speech act. Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi,
pagpapaumanhin, pangangako, at iba pa.

15
May tatlong sangkap ang speech act:

(1) ang sadya o intensyunal na papel nito o


illocutionary force;

(2) ang anyong linggwistiko o locution; at

(3) ang epekto nito sa tagapakinig o


perlocution.
16
SANGKAP KAHULUGAN HALIMBAWA
Illocutionary Force sadya o intensyunal pakiusap, utos,
na papel pangako

Locution anyong linggwistiko patanong,


pasalaysay

Perlocution epekto sa pagtugon sa hiling,


tagapakinig pagbibigay-atensyon

17
 Tingnan natin ang isang senaryo. Isang kostumer sa
restawran ang nagpahayag sa waiter ng ganito:
“Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?” Sa
halimbawang ito, ang illocutionary force ng kostumer ay
ang paghiling na madalhan siya ng inuming tubig na
walang yelo. Ipinadaloy niya ito sa locution na patanong.
Ang epekto nito, o perlocution, ay ang pagsunod ng
waiter sa kanyang kahilingan.

18
 Sa kaso ng pagkatuto ng ikalawang wika,
tinatawag na interlanguage pragmatics
(Bardovi-Harlig 1999; sipi kay Lightbrown at
Spada 2006) ang pag-aaral sa kung paano
ang mga hindi taal na tagapagsalita ng
partikular na wika at nagsisimulang matuto nito
ay umuunlad ang kakayahan sa
pagpapahayag ng kanilang intensyon sa
pamamagitan ng iba’t ibang speech act
19
◉Berbal at Di-
Berbal na
Komunikasyon

”20
 Ang berbal na komunikasyon ay ang uri
ng komunikasyong gumagamit ng salita
sa anyong pasalita at/o pasulat man.
Samantalang ang di-berbal na
komunikasyon ay pagpapadala ng
mensahe nang hindi nangangailangang
gumamit ng mga salita.
21
 Ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng
elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga taong
napapaloob sa sariling kultura. Sa katunayan,
tinatayang 70 porsyento ng isang karaniwang
kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na element
(Maggay 2002). Ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na
komunikasyon ay ang mga sumusunod:

22
1. Kinesika (Kinesics)
-tumutukoy sa galaw o kilos ng katawan. Bahagi nito ang
ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mag kamay, at
tindig ng katawan.
2. Proksemika (Proxemics)
-tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap. Ang oras ay
maaaring pormal gaya ng isinasaad sa relo, o impormal na
karaniwang nakadikit sa kultura gaya ng mga terminong “ngayon
na”, “sa lalong madaling panahon”, at “mamaya na”. Ang distansya
naman ay nagbabago rin depende sa natamong ugnayan sa
kausap. Kapansin-pansing ang mga bagong magkakakilala ay may
mas malaking distansya kumpara sa mga taong matalik na
magkakaibigan. 23
Pandama o Paghawak (Haptics)
-itinuturing na isa sa mga pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang
nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang
karanasan. Halimbawa nito ay pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap
Paralanguage
-tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.
Katahimikan o Kawalang-Kibo
-lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip at
paghandaan ang sasabihin, o dili kaya ay magparating ng tampo o sama ng
loob.
Kapaligiran
-tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at kaayusan nito.
Mahihinuha ang intensyon ng kausap batay sa kung saan niya nais makipag-
usap. 24
Ang Kagawiang
Pangkomunikasy
on ng mga
Pilipino:
25
Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang
pagkilala sa kagawiang pangkomunikasyon ng
mga tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Sa
pamamagitan nito, natatantiya ng isang mag-aaral
ng wika kung ang kanyang sasabihin ay lubhang
tuwiran o napapalooban ng tamang pagkilala at
paggalang sa kausap.
26
 Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni
Maggay (2002), kanyang binigyang-diin ang pagiging high
context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang ating
pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit sa pamamagitan ng
mga pahiwatig. Mapapansin ito sa kung paano nating
itinuturing ang katahimikan o kawalang-kibo bilang malalim na
pag-iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan.

27
 Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang maituturing
na pinakalaganap at pinakabuod ng kulturang
pangkomunikasyon. Ito ay “isang katutubong
pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang
ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa
pamamagitan ng matalas na pakikiramdam, at
matunog na pagbabasa ng mga himaton, o ng
mga berbal na palatandaan ng mga ito”.
28
Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig
(Maggay 2002):

A. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o


pagpupuntirya:

Pahaging- isang mensaheng sinadyang magmintis at


ipinaaalingawngaw lamang sa paligid.

Padaplis- isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan


nang bahagya ang kinauukulan nito.
29
B. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang
kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakarinig ng
usapan:

Parinig- malawakang ginagamit upang maiparating ang


naisasaloob, hindi sa kausap kundi sa sinumang nakikinig sa
paligid.

Pasaring- mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna,


paratang, at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga
nakaririnig na kunwari ay labas sa
30
usapan.
C. Mga salitang kumukuha ng atensyon sa pamamagitan ng pandama:

Paramdam- isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa


mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng
mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos at iba pa.

Papansin- isang mensaheng may layuning humingi ng atensyon na


kadalasang naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa
sa pananamit at pagkilos, sobra-sobrang pangungulit, at iba pang
kalabisang kumukuha ng pansin.

31
D. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa
nakaririnig ay napatatamaan siya:

Sagasaan- pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-


usap na karaniwang tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala
na maaaring may masaktan: “Dahan-dahan at baka makasagasa
ka.”

Paandaran- mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at


umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang maipahayag, subalit
paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang
kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing: “Huwag mo akong
paandaran.” 32
Gawain #1
Pagsulat ng Sanaysay. Pumili ng isa sa mga saligan sa ibaba at
sumulat ng sanaysay batay sa napiling saligan.
1. “Ang kahulugan ng sinasabi ng tao ay hindi lamang nakabatay
sa mga salitang kaniyang binibigkas kung hindi nasa kung
paano niya ito binigkas. Nagreresulta sa pagkakaroon ng iba’t
ibang kahulugan o interpretasyon ang binitiwang salita dahil sa
paraang pagbibitiw ng salita”.
2. “Ang kahulugan ng sinasabi ng tao- berbal man o di-berbal ay
nakaayon sa kulturang kaniyang kinabibilangan.

33
3. Ang kahulugan ng sinasabi ng tao ay nabubuo sa pamamagitan
ng pakikipagnegosasyon o pakikipagtalaban ng kahulugan sa
kausap?
Gumamit ng sariling pagtatasa (Self-Assessment) sa ginawang
sanaysay. Gamit ang inihandang rubrik.

34
Oraganisayon Puna
• Malinaw na naipaliliwanag ang
tinutukoy ng saligan
• Lohikal ang pagkakasunod-sunod
ng mga ideya. Iskor___/40
Estilo Puna
• Sapat ang mga patunay at detalye
ginagamit
• Maayos at mabisa ang paggamit
ng wika Iskor___/30
Anyo Puna
• Angkop ang pormat na ginamit
• Wasto ang pagkakasulat ng mga
pangungusap Iskor___/30
Kabuuan _____/100

35

You might also like