You are on page 1of 8

Hand out # 2- Finals

Kakayahang Sosyolinggwistiko

 Ito ang teorya ng kakayahang komunikatibo.


 Ang salitang sosyolinggwistik ay ipinanganak noong 1939 sa artikulong
“Sociolinguistics in India” ni Thomas C. Hudson.
 Naging sika tang pag-aaral ng sosyolinggwistik nong 1960.
 Ang teoryang sosyolinggwistiko ay pamamalagay na ang wika ay isang
panlipunang penominon.
 Ang mga salita, kilos at pahayag ng isang indibidwal ay nagkakaroon ng
kabuluhan kung ito ay nakapaloob sa konteksto ng isang lipunan.
 Nakakabuo ng sariling konteksto sa paggamit ng wika ang isang lipunan
dahil sa iba’t ibang gawi, tungkulin, saloobin o pananaw ang mga tao sa
loob ng nasabing lipunan. Kaya naman possible na magkaroon ng iba’t
ibang konteksto ang paggamit ng wika.
 Ang kakayahang sosyolinggwistik ay ang kakayahang gamitin ang wika
na aangkop sa anumang kinabibilangang lipunan pata sa isang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon.
  Kakayahan ng wika na nagangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng
lipunan kung saan niya ito ginamit, Savignon(1997).
 Ayon pa kay Savignon ang “competence” ay ang batayang kaalaman ng 
isang tao sa wika samantalang ang “performance” ay paggamit ng tao
ng wika.
 Ayon kay Fantini, may mga salik-panlipunan na dapat isaalang-alang
na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika. Ito ay ang ugnayan ng nag-
uusap, ang paksa, lugar at iba pa.
 Ang mga salik panlipunang ito ay pinaikli at nilagom naman ni Dell Hymes
noong 1974 at inilapat niya ito sa akronym na SPEAKING.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON
(SPEAKING)
SETTING (S) Saan nag-uusap? Ang lugar ay may malaking impluwensya
sa komunikasyon.
PARTICIPANTS (P) Sino ang kausap? Mahalagang isaalang-alang din kung sino
ang kinakausap. Iba ang paraan natin ng pakikipag-usap
depende sa kung sino ang ating kausap.
ENDS (E) Ano ang layunin sa pag-uusap? Bakit ka nga ba makikipag-
usap?
ACTS SEQUENCE (A) Paano ang takbo ng pag-uusap? Ang komunikasyon ay
dinamiko. Maaaring sa isang usapan magkaroon ng
pagbabago sa daloy ng usapan.
KEYS (K) Pormal ba o Impormal ang usapan? Isinasaalang-alang ang
pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap.
INSTRUMENTALITIE Ano ang midyum ng usapan? Ang midyum ang humuhubog
S (I) at naglilimita sa isang mensahe.
NORMS (N) Ano ang paksa sa usapan? May mga paksang maalam ka o
di naman kaya ay limitado ang iyong kaalaman. Kailangan
itong isaalang-alang upang mas maging mabisa ang usapan.
GENRE (G) Nagsasalaysay, nakikipagtalo o nagmamatuwid?
Naglalalarawan o nagpapaliwanag? Nagkakaroon ng
miskomunikasyon kung magkaiba kayo ng genre ng kausap.

Kakayahang Pragmatiko (Pragmatik)


 Ang salitang “pragma” ay galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin
na ang ibig tukuyin ay galaw, kilos, gawa o gawain.
 Ang pragmatiks ay ang relasyon sa pagitan ng wika at ng tao na
gumagamit nito.
 Pagtukoy sa mga sitwasyong sinasabi, di-sinasabi at ikinikilos ng kausap.
 Ayon kay Yule (1996), gamit ang wika sa mga kontekstong panlipunan at
kung paano lumilikha at nakauunawa ng mga kahulugan ang tao sa
pamamagitan ng wika.
 Batay naman kay Fraser (2010), Pagpaparating ng mensaheng ninanais
kasama ang lahat ng iba pangkahulugan- sa anumang kontekstong
sosyo-kultural.

 Ayon kay Badayos at mga kasama (2010), ang pramatik ay


kinapapalooban ng tatlong pangkalahatang komunikasyon:

 Ang gamit ng wika sa iba’t ibang layunin;


 Paghiram o pagbago sa kinakailangan o inaasahan ng
tagapakinig at/o sitwasyon;
 Paggamit ng tuntunin sa isang talastasan at mga naratibong
dulog.

ANG KAKAYAHANG PRAGMATIKO SA KOMUNIKASYON


1. Kakayahang iparating ang isang tukoy na mensahe.
2. Ang lantad at di-lantad na kahulugan sa anumang konteksto hinggil sa
Kultura.
3. Pagbibigay ng kahulugan ng taga-tangga ng mensahe sang-ayon na rin sa
nais ipabatid ng tagapaghatid nito.
4. Mahalagang elemento ang pag-alam sa kumbensyon ng sosyolinggwistika
upang makaisakatuparan nang may kaangkupan ang gamit ng wika sa
isang konteksto.
5. Bahagi ng pragmatiks ang paggalugad sa paraan ng paghihinuha ng isang
mambabasa/tagapakinig sa mensaheng natanggap kabilang ditto ang hindi
nakikitang kahulugan.

Sa pag-aaral ng kakayahang Pragmatiko bahagi nito ang pag-unawa sa


konsepto na SPEECH ACT. Ayon kay J.L. Austin, ang pakikipag-usap ay hindi lamang
paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi paggawa ng mga
bagay gamit ang mga salita o speech act.

TATLONG SANGKAP NG SPEECH ACT

1. Lokyusinari – ang tungkulin ay pagsasabi ng isang bagay na makabuluhan


o may katuturan. Ito ay pagsasaad ng isang pangungusap o bahagi ng
pangungusap na literal na nauunawaan sa paggamit ng wika.
Halimbawa:
“Pangako kong tuturuan kitang magsayaw.”
 Ang tagapagsalita ay nagsasaaad ng isang proposisyon sa pagtuturo
ng pagsayaw na ipinahahayag sa literal na pangungusap.
 Tiyak ang kahulugan na nais ipahayag.

2. Ilokyusyonari – ang tungkulin ay pagsasagawa ng isang bagay o mensahe


ayon sa intension ng nagsasalita.
Halimbawa:
Magkita tayo mamaya at tuturuan kitang sumayaw. (Pangako)
Maaari bang turuan mo akong sumayaw? (Pakiusap)
Turuan mo akong magsayaw mamaya. (Pag-utos)
3. Perloksyunari – ang tungkulin ay dulot ng pwersang ilokyusyonari. Ito ay
epekto sa tagapakinig.

Halimbawa: pagtugon sa hiling o pagbibigay atensyon.

Berbal at Di-Berbal na komunikasyon


 Komunikasyong Berbal – ay komunikasyong gumagamit ng wika sa
pamamagitan ng pagsasalita o pagsulat. (Pasulat kung nababasa at Pasalita
kung naririnig)
 Komunikasyong Di-Berbal – Kilos o galawa ng katawan ang ginagamit sa
pakikipag-usap. Mga halimbawa nito ay ekspresyon ng mukha, galaw ng mata,
at kilos ng kamay at paa.

 Iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon

 Kinesika – Tumutukoy sa kilos ng katawan. Bahagi nito ang ekspresyon


ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay at tindig ng katawan.
 Proksemika – Tumutukoy sa oras at distansiya sa pakikipag-usap.
 Pandama o Paghawak (Haptics) – Tumutukoy sa paggamit ng “sense of
touch” sa paghahatid ng mensahe.
 Paralanguage – Tumutukoy sa tono ng tinig sa pagsasalita gayundin anf
kalidad at bilis nito.
 Katahimikan o Kawalang-kibo – Dalawa ang maaaring kahulugan nito.
Isa ay pag-iisip ng malalim at ang ikalawa ay ang pagpapahiwatig ng
pagtatampo o sama ng loob.
 Kapaligiran – Tumutukoy sa pinagdarausan ng pag-uusap. Mahihinuha
ang intensiyon ng kausap batay sa lugar ng pagdarausan ng pag-uusap.

 Nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino

 Ayon sap ag-aaral ni Manggay (2002) sa kultura at komunikasyon ng


mga Pilipino. Binigyang-diin niya ang pagiging high context ng
kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang pagbabahaginan ng mga
kahulugan kahit sa pamamagitan ng pahiwatig.
 Mga salitang kaugnay ng PAHIWATIG:

 Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o lihis na pagpapatama o


pagpupuntirya:

 Pahaging –Isang mensaheng sinadyang magmintis at


ipaalingawngaw lang sa paligid.
 Padaplis – Isang mensaheng sadyang lihis sa layuning
matamaan nang bahagya ang kinauukulan nito.
 Mga salitang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap
kundi ang mga tao sa paligid at nakaririnig ng usapan:
 Parinig – Malawakang ginagamit upang ipahayag ang
naisasaloob, hindi sa kaharap na kausap kundi
sinumang nakikinig sa paligid.
 Pasaring –Mga berbal o di-berbal na pagpaparating ng
puna, paratang at iba pang mensaheng nakasasakit sa
mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.

 Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng


pandama:

 Paramdam – Isang mensaheng ipinaaabot ng tao o


maging ng espiritu sa pamamagitan ng ekspresyon
nararamdaman tulad ng pagdadabog, pagbagsak ng
pinto at iba pa.
 Papansin – Isang mensaheng may layuning
humingi ng atensiyon na kadalasan ay naipapakita
sa pamamagitan ng pagtatampo, pangungulit,
pagkabalidosa sa pananamit at iba pa.

 Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa


nakaririnig ay napatatamaan siya:

 Sagasaan – Pahayag na lumalagpas sa


hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang
tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na
maaaring may masaktan.
 Paandaran – Mekanismo ng pahiwatig na
kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa
na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na
binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasan
ay kinaiinisan ng nakikinig.
.

Kakayahang Diskorsal
 Ayon sa UP Diskunaryong Pilipino (2010), ang diskurso ay
nangangahulugang “pag-uusap at palitan ng kuro-kuro”.
 Mayroon itong dalawang uri: Kakayahang Tekstuwal at
kakayahang Retorikal.
 Ang kakayahang tekstuwal ay tumutukoy sa kahusayan ng
isang indibidwal pagbasa at pag-unawa ng mga kadang
pampanitikan, gabay instruksiyonal at iba pang pasulat na
komunikasyon.
 Ang kakayahang retorikal naman ay tumutukoy sa
kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain ang
iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw at
opinyon.
 Sa pinakasimpleng pagpapakahulugan, ang kakayahang
diskorsal ay tumutuon hindi sa interpretasyon ng mga
indibidwal na pangungusap kundi sa koneksyon ng
magkakasunod na mga pangungusap tungo sa isang
makabuluhang kabuuan. (Savignon, 2007).

Dalawang dapat isaalang-alang upang malinang ang kakayahang


diskorsal.
 Kohisyon – ayon kay Halliday at Hassan (1976) ito ay tumutukoy sa ugnayan ng
kahulugan sa loob ng teksto.
 Kohirens – Tumutukoy sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na
ideya.

Paglalagom sa kakayahang komunikatibo


Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Komunikatibo (Canary at
Cody)
 Pakikibagay (adaptability) – tumutukoy sa kakayahang magbago ng ugali at
layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
 Paglahok sa pakikipag-usap - Kakayahang lumahok at gamitin ang kaalaman
sa pakikipagtalastasan.
 Pamamahala sa pakikipag-usap – tumutukoy sa kakayahang magkontrol sa
daloy ng usapan.
 Bisa – Kakayahang mag-isip kung ang pakikipag-usap ay epektibo o
naunawaan.
 Pagpukaw ng damdamin – Ito ay ang kakayahang mailagay ang sarili sa
kalagayan ng ibang tao.
 Kaangkupan – tumutukoy sa pagtingin kung angkop sa sitwasyon, lugar at
taong kausap ang paksa.

You might also like