You are on page 1of 3

ARALIN 2

Komunikasyong Berbal at Di-Berbal

Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

Komunikasyong Berbal
Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita
at/o pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at
kakilala, pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga usapan sa kumperensiya at seminar. Pasulat
naman itong napadadaloy sa mga sulatin sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na
liham, at iba pa.
▪ Denotatibo
➢ Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita.
▪ Konotatibo
➢ Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng emosyon o pansaloobin.
➢ Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng karagdagan o kahulugang literal.

Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Berbal

▪ Referent – mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita, tiyak na aksyon,

katangian ng mga aksyon at ugnayan ng bagay sa ibang bagay
▪ Komong Referens – tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay ng mga tao.
▪ Kontekstong Berbal – ang kahulugan ng isang salita na matutukoy ayon sa
kaugnayan nito sa ibang salita

Komunikasyong Di-Berbal

Ang di-berbal na komunikasyon ay ang komunikasyon na naipapahayag ang damdamin o gusto sa

pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa. Madalas itong ginagamit ng mga taong
may kapansanan sa pagsasalita at pakikinig.

Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong Di-Berbal

Ang komunikasyong di-berbal ay maaring matagpuan sa iba’t iba nitong anyo katulad ng mga
sumusunod na paksa ng mga pagtalakay.

1. Kinesika – pinapatunayan lamang sa bahaging ito na ang bawat kilos ay may kaakibat na
kahulugan na maaaring bigyang interpretasyon ng mga taong na kanyang paligid. Ekspresyon
ng mukha tulad ng pagkunot ng noo at pagtaas ng kilay.
2. Proksimika – gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang agwat ng tao sa kapwa ay may
kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng tagatanggap ng mensahe tulad ng nag- uusap
na malapit ang distansya.
3. Oras(Chronemics) – oras ang pinapahalagahan sa uring ito na nahahati sa apat: teknikal o
eksaktong oras, pormal na oras o kahulugan ng oras bilang kultura, impormal na oras o
o ras na walang katiyakan at sikolohikal na nakabatay sa estado sa lipunan at mga personal
na karanasan.
4. Paghaplos (Haptics) – karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi na maaaring
bigyang pakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe sa paraan ng paghaplos nito tulad
ng pagtapik sa balikat na waring nakikiramay o pagbati.
5. Paralanguage – tumutukoy sa di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
tulad ng intonasyon, bilis at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
6. Katahimikan – ang katahimikan katulad ng pgsasawalang kibo, pagbibigay ng blangkong
sagot sa isang text message ay maituturing na mga mensahe sa isang akto ng komunikasyon.
Ang mga ito ay mga di-berbal na komunikasyon na ang kahulugan ay nakabatay sa pananaw
ng taong tumatanggap nito
7. Kapaligiran – Ang anumang kaganapan sa kapaligiran ay maaring bigyan ng
pagpapakahulugan ng mga taong tumitingin ditto. Ang pisikal na anyo ng pagdarausan ng
isang paliham ay pagpapaalala kung gaano pinaghandaan ng tagapangasiwa ang mahalagang
okasyon sa araw na iyon. Ang kaayusan ng lugar ng pagdarausan ng Gawain ang
makatutulong upang malaman kung ang magaganap na talakayan ay pormal o impormal
TALAKAY

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ______________________

Guro: ______________________________________________________ Marka: ______________________

A. Panuto: Sumulat ng talata upang mabigyan ng angkop na pagpapaliwanag ang sumusunod na

di-berbal na komunikasyon. (3 puntos bawat bilang)
1. Pagkindat
_________________________________________________________________________________________________________

2. Pagpapakita ng kamao

3. Paggamit ng bandilang pula

4. Pagpapalaki ng mata at ilong

5. Pag-angat ng dalawang balikat
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
6. Pagkagat ng labi

7. Pagsusuot ng puting blusa

8. Pananahimik

You might also like