You are on page 1of 44

Pag-aaral ng

Diskursong
Filipino
(FIL1)
FILIPINO 1
MGA NATATANGING DISKURSO
SA WIKA AT PANITIKAN

Ma. Salome P. Santos, MAT


NILALAMAN :
Ayon sa diksyunaryo ni Leo James English (2007)
ang kahulugan ng diskurso ay may kinalaman sa
pagsasalita at pagtatalumpati. Marapat lamang na
sabihin na ang diskurso ay isang pagbibigay ng
pagtalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat mam o
pasalita.
Dahil sa diskurso maraming nalalaman ang
tao mula sa mga taong nagsisipagsulat ng kani-
kanilang mga akda at gayundin sa mga taong
nakikipagpalitan-tugon sa pamamagitan ng
pagsasalita sa kanilang mga kausap.
Samakatwid ang diskurso ay isang gawain ng
tao para maipabatid ang mga kaalaman sa
paraang mauunawaan pasalita man o pasulat
Mula naman sa aklat nina Carpio, Perla
et.al (2016) na ang diskurso ay “wikang
ginagamit sa mga salita, pangungusap o
pahayag kaugnay ng lipunang ginagalawan
ng tao na ang tuon ay ang kanyang pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan “
Binibigyan diin sa kahulugang ito na ang
diskurso ay hindi mga salitang ginagamit sa
pagpapahayag bagkus ito ang kahulugang
ipinaaabot ng tao sa kanyang kapwa layon ang
makapamuhay nang matiwasay at mapayapa.
Ang bawat isa ay may sariling
pagpapakahulugan sa mga naririninig at
nababasa, kung kaya’t mahalaga na igalang at
unawaain ang opinyon ng isang indibidwal.
Kahalagahan ng Diskurso:
Sa aklat ni Dolores Tanawan et.al. (2019)
mayroong kahalagahan ang Diskurso
1.Sa pamamagitan ng diskurso naipaparating ang mga
mensahe ng isang tao sa kaniyang kapuwa upang siya
ay lubusang maunawaan.
2.Ito ay nagsisilbing hudyat sa pagtugon na nakabatay sa
lipunang kinabibilangan
Mahalagang malaman na ang diskurso ay
fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay
nagkakaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng
tagapagsalita , tagapakinig, manunulat at
mambabasa. Sa pamamagitan ng diskurso
lubusang nagiging matagumpay ang pag-unawa
kung ito’y maipaparating ng malinaw, maayos
ang mensahe ng isang tao
Layunin ng Diskurso
1.Makalikha ng imahe sa isipan ng mambabasa upang maging
sila ay maranasan din ang nararanasan ng manunulat
2. Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook,
damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o
kakintalan
3. Makahikayat ng tao sa isyu o panig
4. Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag
sa isang isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o
tagapakinig
Mga Konseptong
Pandiskurso
Ma. Salome P. Santos, MAT
Kahulugan at Anyo ng
Diskurso
Ano ang Diskurso?
Ang pakikipag talastasan, pakikipag usap
o anumang paraan ng pagpapahayag ng
ideya sa isang paksa.

Ito ay berbal na komunikasyon


tulad ng kumbersasyon
Dalawang anyo ng Diskurso
1.) Pasulat na Diskurso

2.) Diskursong pasalita


Pasulat na Diskurso
Nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa
kanyang kakayahang pangwika upang matiyak
na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang
isinulat ang kanyang mensahe.

Halimbawa:
Artikulo, Babasahin, at Pahayagan
Diskursong pasalita
Mahalaga ang kakayahang pangwika sa
pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan
ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang
kalagayang sosyal habang nagaganap ang
diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang
kakayahang komunikatibo.

Halimbawa:
Talumpati. Pagsasalaysay at Debate.
Uri ng Diskurso
Uri ng Diskurso
1) Paglalarawan
2) Pagsasalaysay
3) Paglalahad
4) Pangangatwiran
1.Paglalarawan - ang diskursong ito ay
naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang
tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari, at
maging sa damdaming nararamdaman ng isang
tao at hayop.
2.Pagsasalaysay – ang pagsasalaysay ay isang
diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan
maging sa nakaraan o kasalukuyang
pangyayari.
3. Paglalahad – ito ang diskursong nagpapaliwanag kung
saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang
kaalaman na inihahag sa isang maayos at malinaw na
pamamaraan.

4. Pangangatwiran—ang pangangatwiran ay isang


diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o
tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit na
anong argumento. Kailangan ang mapalawak na
kaalaman.
Kontekstong
Diskurso
Kontekstong Diskurso
1.Interpersonal
2.Panggrupo
3.Pang-organisasyon
4.Pangmasa
5.Interkultural
1. Interpersonal – usapang magkaibigan o
malapit ang kasangkot sa isa’t isa

2. Panggrupo – ang mga kasapi ay may


ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat
tulad ng isang klase

3. Pang-organisasyon – ang mga kasapi ay


bahagi ng isang organisasyon o samahan
tulad ng isang kumpanya, sa pagitan ng
pamunuan at ng mga empleyado
4. Pangmasa – sa harap ng malaking
grupo ng tao tulad ng
pangangampanya

5. Interkultural – ang mga kasapi ay


nabibilang sa magkakaibang kultural
na pangkat pangkasarian – ang mga
kasapi ay nabibilang sa isang
partikular na kasarian tulad ng
usapang lalake
Kahalagahan ng Diskurso at Pagdidiskurso

❑ Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa


pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa
pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng
manunulat at mambabasa.

❑ Sa pamamagitan ng diskurso nakapaparating ng


mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay
lubusang maunawaan.
Proseso ng
Diskurso
Proseso ng Diskurso
Ito ay ang pagbibigay ng tagahatid o enkowder ng
mensahe sa tagatanggap o dekoder. Maaring gumamit
ng tsanel ang mga tagahatid upang mas lalong
maintindihan ng tagatanggap ang mensahe o ang
impormasyon na nais ipabatid ng tagahatid. Mula roon,
upang magkaroon ng interaksyon, maaring magbigay ng
pidbak o ng ganting mensahe ang mga tagatangap at
maging enkowder o ang pinagmulan ng impormasyon.
Mga Elemento at Proseso ng
Diskurso
1.Tagahatid/enkowder
⮚ Ang nagpapadala ng mensahe
⮚ Bumubuo ng mensahe
⮚ Nagpapasya sa layunin

2.Mensahe
⮚ Ang ipinapadalang salita
⮚ Mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika.
⮚ Mesaheng berbal o mensaheng di berbal
3.Tagatanggap/ dekoder
⮚ Nagbibigay pangkahulugan sa mensaheng natanggap.
⮚ Siya ang nag dedekowdang tumatanggap at
nagbibigay Interpretasyon sa mensahe
4. Daluyan/ tsanel
⮚ Daluyan ng mensahe, berbal man o di berbal
⮚ Ang mga paraang ginagamit sa paghahatid ng mensahe
⮚ Dalawang kategorya daluyang sensori o tuwirang
paggamit ng paningin, pandinig, pang amoy, panlasa at
pandama. Daluyang institusyunal pakikipagtalastasan
sa pamamagitan ng sulat, telegrama, mga kagamitang
elektriko
5. Ganting mensahe/ pidbak
⮚ Ang sagot ng tumatanggap sa mensahe
⮚ Ang kumukontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
Tuwirang tugon, di tuwirang tugon naantalang tugon
⮚ Proseso sa pagbabalikan ng mensahe
⮚ Ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa bawat
panig
6. Mga Hadlang o Sagabal

Ang mga bagay bagay na maaaring


makasagabal sa mabisang komunikasyon.
Matatagpuan sa tagapagpadala ng mensahe, sa
mensahe mismo sa daluyan ng mensaheo di kay ay
sa tatanggagap nito.
❖ Semantikong sagabal- matatagpuan sa
salita o pangungusap mismo

❖ Pisikal na sagabal- mga ingay sa paligid,


mga distraksyong biswal, suliraning teknikal
na may kaugnay sa sound system
❖ Pisyolohikal na sagabal- mga matatagpuan
sa katawan ng nasgpapadala otagatanggap ng
mensahe tulad ng kapansanan sa paningin,
pandinig, o pagsasalita.

❖ Sikolohikal na sagabal- pagkakaibaiba ng


mga kinalakihang paligid at pagkakaiba-iba ng
nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mga
mensahe.
Mga Modelo ng
Diskurso
Modelo ng Diskurso
Modelo ng Helikal Spiral ni
Frank Dance

Tuloy tuloy na proseso kung


saan hindi nababalik sa pinagmulan
ang palitan ng komunikasyon.
Modelo ni Schramm

Sa modelo niyang ito sabay na nagpapadala at


tumatanggap ng mensahe. Higit na malaki ang nalilikhang
ugnayan ng senyas kung may malaking ugnayan sa
karanasan ang dalawang naguusap.
Modelo ni Berlo

Sa modelong ito binibigyang diin ang ugnayan sa pagitan


ng taong nagpapadala ng mensahe. Dapat mataas ang
kasanayan ng nagpapadala at tumatanggap ng mensahe.
Tatlong Konsepto
sa
Pagpapakahuluga
1. Kahulugang konseptwal
❑ Ito ang pansariling kahulugan ng isang salita. Bawa’t
salitang ginagamit sa texto ay may ibig sabihin.
Maaaring maging payak o komplikado ang kahulugan
ng salita. Ang konseptwal na kahulugan ng mga salita
sa texto ang isang batayan ng iba pang mga
kahulugan.

2. Kahulugang proposisyunal
❑ Ito ay ang pansariling kahulugan ng isang
Pangungusap. Ang mga pangungusap ay may
Kahulugang taglay kahit na hindi ginagamit sa
Isang kontexto. Nakatayo ito sa kanyang sarili.
3. KAHULUGANG KONTEKSTWAL
Ito ay ang kahulugang taglay ng pangungusap
kung nasa isang kalagayan o konteksto.
Makukuha ang kahulugang kontextual batay sa
ugnayan ng mga pangungusap sa texto. Makukuha
rin ang kahulugan nito ayon sa paraan ng
pagkakagamit ng awtor sa mga pangungusap.

You might also like