You are on page 1of 21

A Strong Partner for Sustainable Development

Modyul sa
FILIPINO 116
________________
Mga Natatanging Diskurso sa
Wika at Panitikan
 
 
 

 
College of Education
BSEd-Filipino
 
 
 
Modyul 1

ANG DISKURSO, PROSESO AT


KAHALAGAN

Unang Semester 2022-2023

Inihanda ni:
_______________

MARITESS B. VARUA
INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay magsisilbing alternatibong kagamitan sa pagkatuto


katulad ng mga ginagawang paraan ng pagtuturo sa silid-aralan. Ang mga panuto
at pamamaraan ay ipapaliwanag ng mga guro sa mga mag-aaral upang makamtan
ang mga inaasahang matutunan, gayun din amg mga gawain o aktibiti na kanilang
matutunan sa kabila ng pandemyang lumalaganap. Pag-uusapan sa modyul na ito
ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa pagdidiskurso.
Sa inyong pakikipagtulungan sa ganitong kaparaanan ng pagtuturo, nawa’y
maunawaan at mapahalagahan ninyo ang mga bagay bagay tungkol sa
Pagdidiskusro. Inaasahan na matapos gamitin ang modyul na ito mabibigyang
halaga ang wastong pagdidiskurso at mahusay na pakikipagtalastasan gamit ang
ating Panitikan.
TAGUBILIN SA MGA MAG-AARAL

Bigyang pansin ang mga sumusunod na mga paalala.


1. Magiging epektibo lamang ang modyul na ito kapag pinagsikapan at buong
pusong sinagutan ang mga inihandang gawain.
2. Basahing mabuti at sundin ang mga panuto
3. Nangangailangan ng pananaliksik at masinsinang pagbasa ang ilang mga
gawain. Gawin at kailangang maging responsable sa mga ito.
4. Kontrolado mo ang takbo at bilis ng iyong pagkatuto kaya gamiting mabuti ang
iyong oras.
5. Dapat ipasa ang mga natapos na gawain sa napagkasunduang platforms.
6. Gamitin ang opisyal na Group Chat kung mayroong mga tanong at paglilinaw.

STAY SAFE AND HEALTHY!

Welcome to Western Philippines University!


Shape your dreams with quality learning quality experience.

I’m Blue Bee, your WPU Mascot.”


PAMAGAT: FILIPINO 116
(Mga natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan )

Talaan ng nilalaman
Panuto sa mga mag-aaral
Panimula
Kabanata 2
Aralin 1
a. Layunin
b. Nakalaang Oras
c. Pre- Test (paunang pagtataya)
d. Talakayan
e. Mga pagsasanay Panghuling
f. Pagtataya
g. Mga Sanggunian
Panimula
Ang kursong ito ay susuri sa mga piling diskursong pangwika at konteksto ng
lipunang Pilipino.Pagtukoy sa mga konsepto at isyung pang wika at pampanitikan ,
kahalagahan at kaugnayan ng mga ito sa akademiko at di akademikong gawain at
karanasan ng mga mag-aaral na Pilipino.

Ang pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang biyayang ipinagkaloob


sa atin ng ating Poong Lumikha. Dahil dito malayang nasasabi ng tao ang kanyang
saloobin, kaisipan o ideya sa kahit sinumang lahi ng tao sa mundo, kung kaya mahalaga
ang pakikipagdiskurso sa buhay ng tao. Kung tatahakin ang etimolohiya ng salitang
diskurso, nagmula ito sa Middle English na “discours” na mula sa medieval at lateLatin na
“discursus”. Ito ay nangangahulugang “argumento” at “kumbersasyon”. Sa makalumang
kahulugan nito, tumutukoy ito sa kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o
pagiging makatwiran ng isang tao.

KABANATA I
DISKURSO AT PAGDIDISKURSO

Overview (paunang- layunin)


1. Makilala ang layunin at kahalagahan ng diskurso sa iba’t ibang sitwasyon o usapin.
2. Makabuo ng mga ideya na angkop ang gamit na estruktura ng wika.
3. Matukoy at magamit ang uri at istelo ng pangungusap sa mga makabuluhang usaping
panlipunan.
4. Malinang ang kakayahang komunikatibo pasulat o pasalita man
5. Makapagsalita at makapagsulat ng iba’t ibang uri ng diskurso

ARALIN 1/ modyul 1 Batayang kaalaman sa Diskurso at Pagdidiskurso


a. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng diskurso sa iba’t ibang sitwasyon
2. Nailalarawan ang pagkakaiba ng pasalita at pasulat na diskurso, teksto at konteksto ng
diskurso.
3. Napag-uugnay –ugnay ang kahalagan ng kakayahang pangwika at kakayahang
komunikatibo sapagdidiskurso.
4. Nauuri ang iba’t ibang paraan ng pagdidiskurso batay sa iba’t ibang sitwasyon.
5. Naiisa-isa ang mga uri at anyo ng diskurso

b. Nakalaang Oras: 5 oras

c. Pre- Test (paunang pagtataya)


Sagutin ang mga katanungan ayon sa inyong sariling pagkakaunawa.
1. Bakit mahalagang matutunan ang mabuting pagdidiskurso?
2. Bilang mag-aaral, mahalaga ba ang kasanayan sa pagdidiskurso? Bakit?

Batayan ng Pagmamarka:
Nilalaman - 50%
Paghahanay ng ideya - 30%
Wastong gamit ng salita- 20%
Kabuuan 100%
d. Talakayan/diskusyon
 Ang wika ay isang behikulo at instrumentong ginagamit ng tao at institusyon sa
lipunan. Alinman o maging anumang uri o anyo ng lipunan ay nanganagailangan ng
wika upang higit na magkaunawaan, maging episyente ang pagpapagalaw ng mga
gawain at maging epektibo ang inihahaing simulain. May kapangyarihang
kumontrol ang wika. May kakayahan itong maglimita, magpalawak, magpalinaw o
magpalabo ng mga ideya. May iba’t ibang kaparaanan upang ipahayag ang hangarin
ng tao sa kanyang kapwa. Upang higit na mauunawaan ang halaga ng
komunikasyon dapat mabatid ang iba’t ibang hangaring pandiskurso.

 Ayon naman sa diksyunaryo ni Leo James English (2007) ang kahulugan ng


diskurso ay may kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati, sapagkat ang
talumpati at sinasalita at kadalasan ay sinusulat muna ito bago bigkasi sa harap ng
mga tao, marapat lamang na sabihin na ang diskurso ay isang pagbibigay ng talakay
sa iba’t ibang paksa, pasulat man o pasaita. Dahil sa diskurso maraming nalalaman
ang mga tao mula sa mga taong nagsisipagsulat ng kani-knilang mga akda at
gayundin sa mga taong nkipagpalitang-tugon sa pamamagitan ng pagsasalita sa
kanilang mga kausap.

 Ang diskurso, ayon sa diksyunaryong Ingles-Filipino (1984) ay nangangahulugang


magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan.
 Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang
pormal na pagtalakay sa isang paksa pasulat man o pasalita. Sa karaniwang
pagpapakahulugan, ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o
anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

 Ang paghahatid ng iniisip t nadarama sa hangaring maunawaan at unawain ang


kausap na maaring maisagawa nang pasalita o pasulat ay tinatawag na diskurso.
Ano nga ba ang DISKURSO?
DISKURSO
 ang pagpapahayag o diskurso, sa anumang uri ng wika- sa diyalekto, sa wikang
rehiyunal, sa wikang pambansa, sa wikang pandaigdig—ay nagsimula sa salita na
naging isang sugnay na sa pagsasama-sama ay nagiging isang ganap na talataang
may ganap na mensaheng ipinapahayag.
-tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon
-maari rin daw itong pormal at sistematikong eskaminasyon ng isang paksa, pasalita
man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon.
 Ang DISKURSO ay ang gamit ng wika ng komunikasyon na nagreresulta sa pagbuo
ng mga talata.
• Ito ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyonal na interaksyon sa pagitan ng
tagapagsalita at tagapakinig, Ang kumbersasyon ay isang klase ng pag-uusap o
komunikasyon na kadalasang nauuwi sa walang saysay na usapan.
• Maaari rin itong isang pormal o sistematikong eksaminsayon ng isang paksa pasalita man
o pasulat. Isang halimbawa ng pasulat ay ang disertasyon o “Thesis”
 Ang diskurso ay ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng
mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay lubusang maunawaan. Isa
itong yunit ng wika na higit na mahaba sa isang pangungusap. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng paraang pasalita o pasulat.
LAYUNIN
Ang layunin ng Diskurso ay malinaw na maipaunawa sa kapwa, sa pasalita man o
pasulat, ang nais niyang sabihin, o ihatid na ideya, saloobin, paniniwala at iba pa
nang tama at walang labis walang kulang.
Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng
ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng manunulat at mambabasa.
Teksto at Konteksto ng Diskurso
Ang TEKSTO ay ang lawak ng wika na binibigyang kahulugan nang walang konteksto.
Ang konteksto ay ang panlipunan at pisikal na kaligiran na nakikipag-interak sa teksto
upang makalikha ng diskurso. Ang kontesksto ng isang diskurso ay maaaring
interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
Halimbawa.
1.Kontekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan
2.Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral
3.Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat
ng empleyado (o pag nagpopromote)
4.Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
5.Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN
6.Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa.
Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan
ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon.
Pansinin na laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob ng panggrupo at
organisasyunal. Ang kontekstong pangkasarian naman ay lagi ring umiiral sa tuwing ang
mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang
konteksto. Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinararaanan sa mga midyang pangmasa
at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura, nagkakaroon ng diskuro sa
kontekstong interkultural. (sa kahit anong kontekstong gamitin, laging magagamit ang
interpersonal).
May dalawang anyo ng diskurso:
1. Pasalitang Diskurso
Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang tekswal o abilidad na
sumulat o magsalita nang may organisasyon o kohisyon at ang abilidad na magamit ang
wika para manipulasyon,
imahinasyon o sa paglilinaw ng ideya at maging sa pagtuturo. Nangangahulugan ito na ang
isang tao ay marunong kung kailan niya dapat sabihin ang isang bagay o ideya sa isang
angkop na panahon, lugar at pamamaraan.
Karaniwang magkaharap ang mga participant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga
salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng
komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig,
tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago sa kahulugan
ng mensahe.
2. Pasulat na Diskurso
Ang kakayahang pangwika ay tumutukoy sa kaalaman sa Sistema ng wika. Ibig sabihin ay
mahusay sa gramatika ang isang ispiker o manunulat at may kakayahan siyang
manipulahin ang wika upang makamit ang layunin ng diskurso.
Higit sa pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensaheng
nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito’y kanyang
nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang sinulat.
MAHALAGA NA:
1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi maging sa kulturang nakapaloob dito;
2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon (kilos + salita)
3. Kritikal nap ag-unawa sa pag-unawa ng mga mensahe
4. Isaalang-alang ang sumusunod na dimension:
4K (Konteksto, Kognisyon, Komunikasyon, Kakayahan)
Sa unang malas, tila iisipin na magkaiba lamang sila sa anyo o pamamaraan ng
pagsasagawa. Maaaring tama ito dahil kapwa mahalaga sa dalawang anyo ng diskurso ang
kakayahang pangwika at kakayahang komunikatibo. Ngunit mapag-iiba ang dalawa sa
kanilang mga kahingian, Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang
tekstwal o abilidad na sumulat o magsalita nang may organisasyon o kohisyon at ang
abilidad na magamit ang wika para sa manipulasyon, imahinasyon o sa paglilinaw ng ideya
at maging sa pagtuturo. Nangangahulugan ito na ang isang tao ay marunong kung kailan
niya dapat sabihin ang isang bagay o ideya sa isang partikular na tao sa isang angkop na
panahon, lugar at pamamaraan.

Ang kakayahang pangwika ay tumutukoy sa kaalaman sa sistema ng wika. Ibig sabihin


ay mahusay sa gramatika ang isang ispiker o manunulat at may kakayahan siyang
manipulahin ang wika upang makamit ang layunin ng diskurso.

Tandaan na Sa pasalitang diskurso, mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap


ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang
kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang
kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging
sa taong kausap upang makamit ang layunin.

Sa pasulat na diskurso, mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang


pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang
kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa
pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin o
format, uri ng papel at iba pa.Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat at
mayroong eidensya ng teksto kaya’t maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

Konteksto ng diskurso – nagbabago ang anyo at pamamaraan ng diskurso maging ang


daloy nito depende sa konteksto ng diskurso. Ang konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo
at maging ang taong kasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay
nararapat na pagtuonan din ng pansin dahil maaaring makaapekto ito di lamang sa daloy
ng komunikasyon kundi maging ng kalalabasan nito.

TATLONG URI NG DISKURSO


1. Personal
pasalita- harapan
pasulat- jornal, liham pangkaibigan, talaarawan o dayari, awtobayograpiya,
refleksyon o balik-larawan, alaala imahinasyon
2. Pambayan-
pasalita- talumpati
pasulat sanaysay, editoryal, artikulo at ka-uri
3. Tranksaksyunal-
pasulat- sagutin sa liham, memo sirkular atbp
uri at anyo ng diskurso
1. Diskursong Personal- Sumasaklaw ito sa pansariling sulatin, gaya ng;
a. Harapang usapan
b. Liham pangkaibigan
c. Talaarawan o dayari-rekord ng magagandang nagawa sa bawat araw
d. Jornal-uri ng panalangin sa bawa’t araw
e. Awtobayografiya- sinulat sa sariling talambuhay
f. Refleksyon o balik-larawan, alaala, imahinasyon
Na hindi nangangailanan ng formal na salita, maaring gamitan ng mga salitang islang,
intimate o kombersasyonal.
2. Diskursong Pambayan- ito’y mga seryusong diskurso, kaya karaniwang dito’y piling-pili
ang mga salitang pampanitikan. Dito pumapasok ang masisining na pananalita-
maretorikang pananalita
3. Ang transaksyunal na sulatin ay isang uri ng pormal na pagsulat, maysariling pokus at
mensaheng nais ipabatid, komunikasyon ang pangunahing layunin ng sulating ito.
Karaniwan ding ginagamit sa pagsulat ay ang ikatlong panauhan na siya, sila, may, nila at
iba pa sa paglalahad ng teksto. Gayundin ang target nitong mambabasa ay ang ibang tao sa
kanyang paligid.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
1. Proposal
2. Advertisement
3. Patakaran
4. Memo
5. Plano
6. Panuto
7. Liham Pangangalakal
8. Papel sa Pananaliksik
9. Rebyu
10. Ulat
11. Interbyu
12. Dokumentaryo

Personal at transaksyunal
Ang anumang naisulat ng mga mag-aaral ay ituturing na personal . Ang isinulat ay.
sa maunawang pakikinig sa iba’t iabng diskurso na may layuning transaksyunal.
Bilang personal- ang pagsusulat ay tumutulong sa pag-unawa ng sa sariling
kaisipan. ng pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan. - tinatawag ding
transaksyunal.
Pagpapahayag na Impormasyonal o Transaksyunal. Ginagawa ito kung . Mga
Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin. Tapik o Paksa kailangan . URI NG SULATIN.
Personal : tala, diary.

Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay


1.Speech act theory
•nakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action
•isang paraan ng pag-convey(pagdala) ng impormasyon.
-Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi
ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga
simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.

May tatlong komponent ang mga aktong linggwistik


a. Aktong lokyusyonari o akto ng pagsasabi ng isang bagay. (May kahulugan)
b. Aktong ilukyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng bagay.(May
pwersa)
c. Aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagpoprodyus ng
mga tiyak na konsikwensyal na epekto. (May Konsikwens)
2. Ethnography of Communication
•nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita.
•Ito ay pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang
partikular na komunidad.
3. Communication Accomodation Theory
•Sinusuri ang motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay
nagbabago ng istilong komunikasyon
•Ang mga gumagamit sa teoryang ito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay
nagtatangkang iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.
4. Narrative Paradigm (naratibong lohika o lohika ng mabuting katuwiran)
1. Naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling animals.
2. Nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika argumento
3. Nagmumungkahi na husgahan ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at
pideliti ng kanilang istorya.

Uri ng Pagdidiskurso
`1. Paglalahad
 Ito ay diskursong nagpapaliwang kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga
ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman na inihahayag sa
isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng
bago at dagdag na kaalaman ng ibang tao. Dahil sa diskursong ito magagawa ng tao
na makabuo ng kanyang sariling imbensyon kung ang nakabasa ay isang imbentor,
pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman ay isang guro at marami pang iba.
 Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang partikular na pangyayari
upang maibahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o mga bagay na ating
nasaksihan. Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang
pangyayari sa isang maayos at sistematikong kaayusan
 Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw
ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang
ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang
pinag-uusapan.

Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga
bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon.
Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita o
pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga sumusunod
upang maging epektibo sa bumabasa:
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito.
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na madaling maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi ng katawan at
kapana-panabik na wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD
1. Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang ginagamit.
2. Katiyakan - Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng
pagpapaliwanag at iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay.
3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
4. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.
MGA BAHAGI NG PAGLALAHAD
1. Simula - nakatatawag-pansin; nakakaakit; nakapupukaw;nakagaganyak at nakahahatak
ng kuryosidad.
Ilan sa mga halimbawa ng maaring simula:
a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Dayalogo o usapan
f. Makatawag pansing pangungusap

2. Katawan o Gitna - binubuo ng talatang kinapalooban ng mga pangunahin at pantulong


na kaisipan upang maibigay ang detalye sa isang paksa. Dapat magkaroon ng kaisahan,
kaugnayan at diin ang mga kaisipan para hindi malito ang bumabasa.
3. Wakas - nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin at kikintal sa isipan ng
mamababasa. gaya ng panimula, ang paglalahad ay maaaring wakasan sa iba't ibang
paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-isa na sa mga naunang aralin.

MGA URI NG PAGLALAHAD


1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng isang bagay,
tao, pangyayari, dinarama o konsepto.
2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o
paraan ng paglaro ng isang uri ng laro.
3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor ng isang
pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.
4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala at
damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya sa
katotohanan.
5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.
6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng reaksyon,
kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.
7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.
8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula sa
binasa, narinig, nakita o naranasan.
2. Pagsasalaysay
 Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng
pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing
ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin
ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang
alamat; epiko at mga kwentong bayan.
 Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa
nakaraan o kasalukuyang pangyayari.Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon
ang isang tao na isalaysay ang kaniyang mga karanasan mabuti man o masama
upang maipabatid ito sa ibang mga kaisipan.Dahil ang hindi pagsasaalang-alang sa
pagkakasunod-sunod ng kaisipan ay magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o
tagapakinig.
 Ito ay anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa isang
maayos at malinaw na pamamaraan upang magkaroon ng bago at dagdag na
kaalaman ang ibang tao. Layunin nito na makapagbigay ng impormasyon.
Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng salaysay.
Kailangan ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga rin ito ay napapanahon at
may dalang pakinabang o kabutihan sa mga babasa.
Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:
1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming
pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at
maayos na paglalara wan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng
manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw
at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. kaya,
mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng
napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya pansariling
kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong praan ng pagsasalaysay ng
isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi
lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. mahalagnag tiyakin muna ang
katotohanan bago isulat.
3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at ibp.
4. Likhang - isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng isang
salaysay.
5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring maging
batayan ng pagbuo ng salaysay.
Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon
2. Mahalaga ang paksa o diwa
3. maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. kaakit-akit na simula…Kasiya-siyang wakas
Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento
1. Simula
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan - ito ang kapanapanabik ng bahagi ng isang kwento.
4. kakalasan - ito ang nagbibigay linayw sa mga tanong na nagpanabik sa mambabasa sa
bahaging kasukdulan. dahan - dahang bumababa ang pananabik ng mambabasa.
5. Wakas - kahihinatnan ng mga tunggalian sa kwento. Dito rin ipinapahayag ang
mahalagang kaisipan o mensahe sa kwento.
MGA ANYO NG SALAYSAY
1. Maikling Kwento - nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - patulong pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng
pananalitang matalinhaga.
3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at
mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay isulat upang
itanghal.
4. Nobela - nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat - tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Talaan ng Buhay" - pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula
simula hanggang kamatayan.
8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o
bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
PAGLALARAWAN - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang
malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit
ng tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita
ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadaramda.
Napapagalaw at napakikislot din ng paglalarawan an gating mga guni-guni, imahinasyon
at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN
1. May tiyak at kawili-wiling paksa
2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.
Iba't Ibang pananaw na magagamit:
a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito
b. kung nasa loob o labas
c. ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga ng kanyang karanasan o
ng karanasan ng ibang tao.
d. ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa.
5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin; pandinig; pang-amoy; panlasa at
panalat.
6. may kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.
MGA URI NG SALAYSAY
1. kwento ng Tauhan - Binibigyang - halaga sa kwento ang kilos, galaw, pananalita at
kaisipan ng isang tauhan.
2. Kwento ng Tagpuan - Binibigyang - diin ang lugar na pinangyarihan sa kwento.
3. Kwento ng Banghay - Higit na pinahahalagahan sa kwento ang makabuluhang
pangyayari at kalagayang ginagalawan ng mga tauhan.
4. Paglalarawan
 Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-
palagay. Maaring tungkol sa tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ginagamitan ito
ng makulay, mahuhugis at maaanyo at ibang mapapandamang (naamoy,
nalalasahan, naririnig) pananalita.
 Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop,
bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdamn ng isang tao at
hayop. Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay nagbibigay-tulong sa tao upang
bumuo ng larawan sa kanyang isipan na magbibigay-daan upang mapalawak nito
ang kanyang pagiging malikhain. Pagbibigay ng malinaw ng imahen ng isang tao,
bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang
maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat. Halimbawa :
Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng mga turista.

Layunin ng Paglalarawan
Layunin nito na makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at
buong larawan. Malimit gamitin ang Paglalarawan sa bahagi ng pagsasalaysay na
mangangailangang tumukoy ng mga kongkreto o abstrak na bagay na binibigyang-hugis o
anyo upang maliwanag na malikha sa isipan ang mga binubuong larawan. Layunin din
nitong makapagbigay ng impormasyon. At para makapanggising ng damdamin.

Dalawang uri ng Paglalarawan


1. Karaniwang Paglalarawan- ito ang uri ng paglalarawan na purong pangkaalaman
ang mga detalyeng sinasabi.
Mga tiyak na impormasyon at pawang katotohanan lamang ang ginagamit na mga
katangian. Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama.
2. Masining na paglalarawan- ang masining na paglalarawan ay pangdamdamin.
Mapapandama- nakikita, naririnig, nahihipo, nalalasa ang mga pananalitang
ginagamit dito.
Bukod sa iba pang mahalagang kasangkapang pampanlalarawan , gaya ng patambis at
tautay. Ang mga detalyeng inihahayag nito ay katotohanan din, kaya lamang, nakukulayan
na ito ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalasay. Layunin kasi rito
ng tagapagsalaysay na maantig ang kalooban ng tagapakinig o mambabasa upang
mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa
inilalarawan.

Ilang mahalagang kasangkapan ng Masining na Paglalarawan


Mas magiging madamdamin ang isang masining na paglalarawan kung maingat na
isasaalang-alang ang paggamit ng mga sumusunod nitong mahahalagang kasangkapan.

Pandama- sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita ay yaong nararamdaman ng


limang pansama- naririnig, nakikita, naaamoy, nalalasa at nahihipo, sa gayon ay higit na
mauunawaan at kawiwilihan. Makukulay at mahuhgis o maanyo ang dapat kasangkapan
ng mga salita.

Paghahambing- malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis


sa paglilinaw ng mga bagay-bagay na inilalarawan. Higit ang impak na mararamdaman
kung kongkretong larawan ang naipahayag ng naglalarawan. May agwat, may bilang may
kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may lasang nadarama.

Angkop na Salita- pinipili ang paggamit ng mga salita. Kailangan ay ang tiyak na
katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi man, ay ang salita na magpapahiwatig sa
bagay.

Pagtatambis- ang mga sawikain o kawikaan ay ang mga popular na idyomang


bukambibig ng lahat sa pagsasalita.
Ito’y maaring salita o pariralang hindi tuwiang tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na
kahulugan at sa tuntuning pambalirala, maaring ang salitang pinagsama at may kani-
kaniyang kahulugan ngunit madaling napapalitan ng iba pang bagong kahulugan.

Katulad ng pagintindi sa isang tula o sawikain, upang lubos na maintindihan ang isinasaad
na kahulugan kailangang basahin o pakinggan sa pagitan ng mga linya.

4. Pangangatwiran
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang
isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na
hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o
paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)

- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan


ng mga katwiran o rason.(- Arogante)

- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at


magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at
paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong


dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa
formal na pangangatwiran gaya ng debate.

- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n
imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o


tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento.Kailangan ang
mapalawak na kaalaman sa pinagtatalunang isyu at may kakayahang maiayos ang kaisipan
upang magamit sa pangangatwiran at nang ganoon ay mapanindigan ang kanyang
argumento.
Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa
o tagapakinig. Layunin nitong makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.

Halimbawa: -Pagtatalo o debate


DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-
unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula sa mga halimbawa o partikular na


kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang pangangatwiran sa


pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at
mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.

e. Mga Panghuling pagsasanay


Sumulat ng mga diskurso gamit ang apat (4) na uri ng pagdidiskurso
1. Paglalahad
2. Pagsasalaysay
3. Paglalarawan
4. Pangangatwiran
Pumili ng mga napapanahong isyu sa edukasyon, kalusugan, kapayapaan at social media.
Paraan ng Pagmamarka:
Nilalaman 50%
Paghahanay ng ideya 30%
Kawastuan ng mga salitang ginamit – 20%
Kabuuan 100%
g. Mga Sanggunian
Carpio, P.S., et al. KSAF komunikasyon sa akademikong Filipino (unang edisyon) 2012,
LakandupilC.Garcia at ng JIMCYZVILLE publications.
Bernales, R.A., et. Al., Retorika: Ang SINING NG PAGPAPAHAYAG (Batayan at Sanayang-
Aklat sa Fil.3,
Antas-Tersyarya) 2009, Mutya Publications

https://www.scribd.com/doc/67134301/ANG-DISKURSO
Uploaded byAida Lopez Kapica Date uploadedon Oct 02, 2011
abegail gabaleo maximo sept 8, 2014Diskurso sa Filipino, Published in: Education
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/diskurso-sa-filipino
Congratulations for completing this module!

Student’s Information

Name:
Program:
Year and Section:
Contact No.:
E-mail address:
Facebook Account:
Messenger Account:

You might also like