You are on page 1of 50

KAHULUGAN NG WIKA

Ang wika ay lipon ng arbitraryong mga tunog na sinasalita ng isang grupo ng


mga tao. Sa pamamagitan ng wika, ang isang grupo ng mga taong pinagbibigkis nito ay
nagkakaunawaan at nagtutulungan.

Ang katuturan ay naglalaman ng lahat ng mga katangian ng wika na iisa-isahin


natin.

Una, ang wika ay isang kalipunan ng mga tunog. Bawat wika ay may sariling
sistema ng mga tunog at pagkakaayos ng mga tunog upang magkaroon ng kahulugan.
Ang tunog ay binibigkas ng tao na ginagamit ang kanyang boses o kuwerdas pantinig.
Ang mga tunog ay kumakatawan o sumisimbolo sa iba’t-ibang kahulugan ng isang
bagay o konseptong tinutukoy ng mga ito. Ang mga tunog ay naririnig, hindi nakikita o
nababasa. Ang tunay na wika ay may mga tunog samantalang ang wikang nababasa ay
mga simbolo lamang ng tunog na binuo o inimbento ng tao upang kahit na hindi
magkaharap ang nagsasalita at ang kausap ay nakakarating pa rin sa pakay ng mga
tunog, hanggang sa pagkakahanay ng mga salita, parirala/sugnay, pangungusap o ng
mga bahagi sa isang diskurso o usapan.

Ikalawa, arbitraryo ang wika. Ibig sabihin, ang wika o mga tunog ng iba’t-ibang
wika sa mundo ay may kaniya-kaniyang katangian o sistema. Maging sa iisang wika,
mayroong pagkakatulad sa estruktura ng pangungusap at may pagkakaiba ayon sa
pagkakahanay ng mga salita o tunog sa isang pardon ng salita o pangungusap.

Ikatlo, ang wika ay midyum ng ugnayan. Sa pamamagitan ng wika ang mga


tao o grupo ng mga tao ay matiwasay na nagkakasama sa isang lugar at
nagkakaunawaan. Kung kaya’t ang wika ang siyang nagbubuklod sa mga tao.

PAPEL NG WIKA SA PAGKATUTO

Ang wika ay para sa pakikipagtalastasan o komunikasyon. Sa pag – aaral


kailangang may komunikasyon na ang mga kalakip ay ang mensahe na siyang
ipadadala o ipaaabot sa kapwa. Ang nagpapadala ay maaaring ang nagsasalita o
sumusulat, at ang tumatanggap ng mensahe ay maaaring ang nakikiusap o ang
bumabasa.

Ang pagkatuto ay hindi kailangang sa paaralan lamang mangyari. Karanasan ng


tao ang pinagmulan ng lahat ng kanyang kaalaman. Ito’y nagsisimula sa pakikinig sa
mga tao sa kanyang paligid, mula sa sinasabi ng mga tao sa tahanan, sa pamayanan,
sa simbahan, hanggang sa paaralan. Kahit hindi pa nagsasalita ang tao, natututo na
rin siya sa pakikinig. Sa pagsasalita naman at sa pakikisalamuha ng tao sa kanyang
kapwa, maaaring may maling pananaw siyang matutunan. Kung nagsasalita siya at
may natutuklasan siyang mali, naitutuwid niya ang sarili, at sa pamamagitan nito ay
natututo siya. Sa pagbabasa, lalong lumalawak ang mga kaalaman ng tao sa mga
bagay-bagay na natutunan niya. Ang nakasulat na teksto ay naglalaman ng lahat ng
mga larangan ng buhay at karunungan. Sa proseso naman ng pagsulat, napag-iisipan
at naaanalisa ng tao ang mga nais sabihin, ang pangkalahatang kaisipan, at ang mga

1
kaugnay nito. Sa pagbabalangkas ng kabuuan, sa pagbuo at pag-edit ng akda, sa
pagtukoy sa ilalapat na estilo, natututo lalo ang tao.

Ang pinakamahalagang midyum ng apat na mga gawaing nabanggit –


pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat – ay ang wika. Kung walang wika,
walang malalaman ang tao. Kung lubhang matahimik ang mundo, at kung malinis ang
mga papel sa ating paligid, kung walang kompyuter na taga-proseso ng maraming
iniisip at isinusulat ng tao, ang utak niya ay wala ring laman, blangko, at malinis.
Walang nakukit sa isip at wala ring alam na wika.

PAGBASA

Ano ba ang pagbasa? Palagi kayong nagbabasa, alam ba ninyo ang kahulugan
nito?

Ang pagbasa ay pakikipagkomunikasyon ng awtor sa kanyang mambabasa. Ang


sangkot ditto ay tatlo: una, ang aklat o anumang babasahin, na siyang magsisilbing
midyum o tsanel ng tao, pangalawa, ang awtor o ang taong may nais ipabatid o
iparating, at panghuli ang bumabasa ng kanyang sinusulat. Ang pagbasa ay isang
proseso at isa ring kasanayan. Ito’y proseso ng pagtuklas sa sinasabi ng awtor; at
gayundin ay kasanayan sa pag-unawa sa pamamagitan ng salita o wikang ginamit nito,
sa pamamagitan ng punto de vista, tono ng sulatin, at layunin ng awtor.

Limang hakbang ang daraanan sa buong proseso ng pagbasa bagama’t ang


bawat hakbang ay mabilis na nangyayari: ang una ay ang persepsyon sa mga salita o
yunit ng mga salita; ikalawa ang pag-unawa ng mga salita kung kalian nahiwatigan ang
mga kahulugan ayon sa kunteksto ng mga ito; ikatlo, ang reaksyon o kung kailan ang
mambabasa ay nakapaglimi sa sinabi ng awtor; at ang huli ay ang integrasyon,
pumapasok at lubos na nauunawaan ng mambabasa ang kaniyang natunghayan at
natutunan sa kanyang binasa. Nagagamit niya ang bagong kaalaman para sa sarili at
sa araw-araw na buhay.

Ang proseso ng pagbasa ay nilalangkapan ng mga sumusunod na kasanayan:

1. Paggamit ng sight words at configuration memory


2. Paggamit ng context clues sa pagkilala ng tamang bigkas at kahulugan
3. Pagkilala ng bigkas at kahulugan sa pagsusuri ng mga bahagi ng salita:
salitang-ugat, panlapi, pagbabagong morpoponemiko o mga deribasyon
4. Pag-uugnay ng mga tunog ng salita sa grapema; ang proseso’y tinatawag na
pagsusuring ponetiko
5. Paggamit ng diksyunaryo sa pagkilala ng bigkas at kahulugan ng mga salita.

2
MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO NG PAGBASA

Itinuturo ang pagbasa upang:

1. Matulungan ang mag-aaral na magkaroon ng kusa sa pagbasa nang Malaya


2. Madebelop sa mag-aaral ang pagtugon sa teksto
3. Matulungan ang mga mag-aaral na magbasa nang may pag-unawa
4. Matulungan ang mag-aaral na magbasa nang may angkop na bilis
5. Matulungan ang mag-aaral ng epektibong pagbasa ng tahimik

Mahalagang layunin ng pagbasa ang pagkakaroon ng kaalaman sa kahit anong


larangan. Limitado ang kaalamang matutunan ng isang tao o ng mag-aaral kung ang
aasahan lamang niya ay ang sariling karanasan. Limitado ang nararating at
ginagalawan ng tao: maaaring tahanan, paaralan, o opisina lamang ang kanyang
pinaglalagian; samantalang walang sagabal ang pagkatuto ng anumang bagay kung
ang gagamiting kasanayan ay ang pagbasa. Napakaraming nasulat na mga bagay sa
aklat at sa iba pang mapagkukunan na nakasulat sa wika. Anuman ang gustong
malaman ng tao ay mapupulot niya sa pamamagitan ng pagbasa kaya hindi
mapasusubalian ang kahalagan nito.

PAGSULAT

Ano ba ang kahulugan ng pagsulat? Di ba ginagawa ninyo ito halos araw-araw


sa inyong klase?

Ang pagsulat ayon kay Badayos (1999) ay isang sistema ng komunikasyong


interpersonal na gumagamit ng mga simbolo at inuukit/sinusulat sa isang makinis na
bagay tulad ng papel, tela, o di kaya’y isang malapad at makapal na tipak na bato. Ito
ang kumpletong kahulugan na may bahid pa ng pagkasinauna ng tao; ngunit ang ibig
sabihin nito ay ang pagsulat ay isang proseso ng pagbubuo at pagsasatitk ng pahayag
ng isang tao hinggil sa anumang bagay. May tatlong dimension at may tatlong uri ayon
sa layunin ang pagsulat. (Badayos, 1999)

1. Ang masining at istetikong pang-akit o panghikayat (artistic and


aesthetic appeal) ng mga malikhaing sulating ang pinakatampok sa mga
antas ng paggamit ng wika.
2. Ang expression purpose (Samuel, 1988) o ang paggamit ng wika sa
pagbibigay ng ulat katulad ng wikang gamit sa pahayagan.
3. Ang functional purpose – ang pinakagamiting dimension ng wika.
Kabilang ditto ang liham sa editor ng isang pahayagan. Ang kumbensyon
nito ay magagamit ng guro sa paglinang ng kasanayang paglalahad ng
mga detalye, pakiusap, pagsusuma, at iba pa.

Ang pagsulat ay isang kompleks na proseso. Ayon kay Rivers (1975) sa libro ni
Badayos (1999), ang pagsulat ay nagsisimula sa pagkuha ng kasanayan (skill-getting)
hanggang sa ang mga kasanayang ito ay aktwal nang nagagamit (skill-using). Malayo
ang agwat ng dalawang kasanayan para ang isang gusting makasulat nang tama ay
masiyahan sa kanyang ginagawa.

3
Maidaragdag pa rito ang pagkakaroon ng maraming mga uri ng sulatin (Badayos,
1999):

1. Personal na Sulatin – impormal, walang tiyak na balangkas, at pansarili.


Ito ang pinakagamiting uri sa mga mag-aaral dahil nagagawa nilang
iugnay ang anumang paniniwala, damdamin, pag-iisip, o di kaya’y
tungkuling taglay nila sa kanilang sarili. Halimbawa ang shopping list, tala,
diary, dyornal, dayalog, liham, mensahe, pagbati, talambuhay.
2. Transaksyunal na Sulatin – pormal, maayos ang pagkakabuo, at
nakapokus sa mensahe na nais ihatid, dahil komunikasyon ang
pangunahing layunin nito. Halimbawa ang liham pangangalakal, panuto,
memo, plano, proposal, patakaran, tugtugin, ulat, advertisement.
3. Malikhaing Sulatin – masining na paglalahad ng nasa isip o nadarama.
Karaniwang binibigyang pansin ang wikang ginagamit katulad ng tula,
maikling kuwento, awit, anekdota atbp.

MGA LAYUNIN NG PAGTUTURO NG PAGSULAT

1. Mataya ang mga kakayahan ng mga mag-aaral.


2. Maganyak ang mga mag-aaral na magsikap matuto sa bawat klase.
3. Maitala ang kung ano mang matututuhan ng mga mag-aaral sa kanilang
pagsasalita sa loob ng klase.
4. Mapanatili at magamit ang mga salita, estruktura ng wika, at ang mga
konseptong natutuhan.
5. Mapagsama-sama at mapatibay ang mga kasanayang natamo sa iba
pang kasanayan.
6. Magkaroon ang mga mag-aaral ng realisasyon sa kabuluhan ng pagsulat
sa buhay ng tao.

KAUGNAYAN NG PAGBASA AT PAGSULAT

Ang pagbasa ay isa sa mahahalagang proseso ng pagkuha ng kahulugan sa


nakalimbag na mga simbolo o sagisag ng kaisipan. Ang tao ay may iba’t – ibang layunin
sa pagbabasa: may mga taong nagbabasa upang makakuha ng mga impormasyon,
mayroon naming nagbabasa upang magpalipas oras. Mahalaga sa ganitong mga tao
ang magbasa ng komiks, maikling kuwento o pocket books. Marami tayong natatamong
pakinabang sa pagbabasa. Halimbawa, nabubuksan nito an gating isip sa mga
makabagong teknolohiya at agham. Nakapagpapalawak rin ng bokabularyo ang
pagbabasa na siyang sandata sa pakikipag-usap natin sa ating kapwa. Sa
pamamagitan ng pagbasa, nakakarating tayo sa iba’t ibang dako ng daigdig at
nakapaglalakbay rin tayo sa “ibang mundo”. Ang mundo ng pag-iisip at imahinasyon ng
iba. Ang mga impormasyon, kaalaman, at talasalitaan na nakakamit natin sa pagbasa
ay maaaring maingat at maayos nating maisulat ayon sa mga tuntuning panretorika at
pambalarila. Samakatuwid, ang pagsulat ay isang kasanayan sa pakikipagtalastasan na
isatitik ang mga nakalap na impormasyon mula sa pagbasa. Ang pagbasa at pagsulat

4
ay magkaugnay; kapag may nabasa tayong bagong impormasyon at may mga
mahahalagang mga kaalaman, at nababagay itong ibahagi sa iba, ang susunod
na hakbang ay isulat ang mga ito upang maibahagi naman sa iba at ma-enjoy.

Ang apat na kasanayan ay nagiging daan upang magkaroon ng kakayahang


bumuo ng mga kaisipan. Ang apat na ito ay magkakaugnay

PAKIKIPAGTALASTASAN

Mga matatamo natin sa iba’t ibang pakikipagtalastasan:

Pagbasa

1. Nagpapayaman ng kaisipan
2. Nagiging makatuwiran ang tao
3. Nakalulutas ng iba’t ibang suliranin
4. Natutuklasan ang mga bagong kaalaman

Pagsasalita

1. Naibabahagi ang mga kaalaman sa iba


2. Nakagagamit ng mga tayutay o matalinghagang pahayag
3. Nagkakaroon ng solusyon sa mga suliranin
4. Nagiging matatag ang damdamin

Pakikinig

1. Nagiging matagumpay sa iba’t ibang larangan ng buhay


2. Nakapagpapalawak at nakapagpapayaman ng kaalaman
3. Nagiging makatuwiran ang tao
4. Nakakaiwas sa mga pagkakamali

Pagsulat

1. Nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao sa iba’t ibang dako


2. Naisusulat ang mga kasanayan n gating mga sinaunang tao
3. Naitatala ang mga bagong kaalaman at mga pangyayari

Sa paaralan, kung ituturo ang isang kasanayang pangwika, ang tatlong iba pang
kasanayan ay kasama na. halimbawa, kung ituturo ang pagbasa hindi
nangangahulugang iyan lamang ang ginagamit ng mag-aaral. Bago siya pumasok sa
klase nasa iskema na niya ang mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita kaya siya
nagtagumpay sa kanyang sabjek na pagbasa ngunit hindi ibig sabihing matatapos na
ang mag-aaral sa puntong iyan; dahil sa daratong na panahon maaari siyang magsulat
hinggil sa paksang napag-aralan. Kaya masasabi nating sa pag-aaral ng anumang
wika, magkakaugnay ang apat na kasanayang ito – pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat – hindi man sila sabay-sabay na nararanasan o hindi man sila sunud-sunod na
nagyayari.

5
ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Ang wikang pambansa ay ang wika ng pagkakakilanin ng isang bansa. Ito ang
wika ng pulitika, kultural, at ng mga lipunan. Sa pangkalahatan, ito ay nalilinang upang
maging wika ng pambansang pagkakaisa at tungkulin nitong magsilbing
pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito.

Sa isang bansang multilingual na tulad ng Pilipinas, ang pamahalaan ay


nagdedeklara ng isang particular na wika upang maging wikang pambansa dala na rin
ng mga dahilang pulitikal.

Madalas gamitin ang islogang “isang bansa, isang wika”. Kung kaya’t maraming
nga bansa ang nagsususog na magkaroon ng wikang sisimbolo sa kanilang pagkakaisa
at pagiging isang bansa.

Ang malaking tanong ngayon ay paano ba pinipili ang isang wikang pambansa?
Sa iisang bansang mayroon lamang isang dominanteng grupo, ang pagpili ay hindi
gayon kahirap tulad ng isang bansang maraming wika. Hindi sa lahat ng pagkakataon
ay bilang ng gumagamit ang isinaalang alang. Mahalagang factor rin ang
kapangyarihang pulitikal. Kaya nga at maraming pag-aayaw sa wikang Filipino dahil
inaakala ng ilan na ito ay batay lamang sa Tagalog na pinaniniwalaan nilang wika
lamang ng mga Pilipinong nasa ilang bahagi ng bansa.

ANG FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN

ANG WIKA AT ANG BAYAN

 Ano ang wika?


 Ano ang pagkakaugnay nito sa ating bayan?
 Gaano ba ito kahalaga sa ating bayan?

Ang wika ang tunog na lumalabas sa bibig ng tao. Ito ang kasangkapan sa
pakikipagtalastasan.

Ang wika ang sumasalamin sa kaluluwa ng isang indibidwal. Bawat tunog na


lumalabas sa kanyang bibig ay naglalarawan ng kanyang damdamin, pag-iisip at
paglalahad ng kanyang nararamdaman na nais gawin at maging mithiin sa buhay.

Ang wika ang nagdadala ng ideya ng tao. Ito ang instrumento ng paglikha ng
makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Ito ang dahilan na maaaring pag-unlad o pag-
bagsak ng karunungang pantao.

Samakatuwid, ang wika ay kakambal ng ating bayan. Kung nais nating


umunlad bilang isang bayan, kailangan paunlarin natin ang ating sariling wika. Dahil
ang pag-unlad ng wika at bayan ay magkakambal. Hindi ito maghihiwalay sapagkat
walang wika kung walang bayan, walang bayan kung walang wika.

6
ANG FILIPINO BILANG WIKA NG PANANALIKSIK

May kalayaan ang proponent na magpanukala ng anumang proyekto ng


pananaliksik na may kaugnayan sa wikang Filipino at kulturang Filipino.

KAISIPAN
Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ay malaking bagay upang
madaling maintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang mga asignatura.
 KATANUNGAN
Bakit mahirap makapagpasa o makagawa ng asignatura ang mga mag-
aaral
 KONKLUSYON
Dapat itong maisagawa upang sa ganoon ay tumaas ang bahagdan sa
pagpasa ng mga asignatura lalot na sa mga mag-aaral na di-gaanong marunong
umiintindi ng wikang ingles.
 RECOMENDASYON
Linangin at palawakin ang bokabularyo sa wikang Filipino.
KAISIPAN
Wikang kinagisnan, hirap ng pagnilayan at balikan.
 KATANUNGAN
Bakit nga ba tila hirap na nating gamitin at linangin ang ating wika na kahit
sa pang-araw-araw na gawain ay kadalasan ibang linggwahe na an gating gamit.
 KONKLUSYON
Kung papansinin natin ang dahilan, maaring isa ay gusting maging “in” o
masabing sosyal ang isang tao kaya kadalasa’y taglish ang gamit o kung hindi
naman ay purong Ingles. Diba nga’t may mga tinagurian pang “mga conyo”.
 RECOMENDASYON
Hindi dapat natin sanayin an gating mga sarili sa paggamit ng ibang
lenggwahe tulad na lamang ng Taglish sa paggawa ng hindi lamang sa
pampanitikan at pati na din sa pangsaliksikang Filipino.
KAISIPAN
Pagtuturo ng wikang Filipino sa mas higit pa nitong kapakinabangan sa
edukasyon.
 KATANUNGAN
Bakit kapag Filipino na ang pinag-aralan ay tinatamad ang mga
estudyante na making, hindi natutuo sa mga aralin at bumabagsak pa, sa
gayong ito naman ay itinuturo sa sariling wika?
 KONKLUSYON
Magsagawa ng mga panibagong metodolohiya o mga estratehiya sa
pagtuturo
 RECOMENDASYON
Alamin ang mga interes ng mga mag- aaral at gamitin ito sa gayon ay
magkaroon ng epektibong pagtuturo sa Filipino. Pagtuunan ng pansin ang
Filipino sapagkat ito an gating panitikan at kumikilala sa atin bilang isang Pilipino.

7
FUNCTIONS NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMABANSA, WIKA NG
BAYAN, AT WIKA NG PANANALIKSIK NA NAKAUGAT SA PANGANGAILANGAN
NG SAMBAYAN.

ANG WIKANG FILIPINO BILANG PAMBANSANG WIKA

Ang wikang pambansa ay ang wika ng pagkakakilanin ng isang bansa. Ito ang
wika ng pulitika, kultural, at ng mga lipunan. Sa pangkalahatan, ito ay nalilinang upang
maging wika ng pambansang pagkakaisa at tungkulin nitong magsilbing
pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito. Sa isang bansang multilingual na tulad ng
Pilipinas, ang pamahalaan ay nagdedeklara ng isang particular na wika upang maging
wikang pambansa dala na rin ng mga dahilang pulitikal. Madalas gamitin ang islogang
“isang bansa, isang wika”. Kung kaya’t maraming nga bansa ang nagsususog na
magkaroon ng wikang sisimbolo sa kanilang pagkakaisa at pagiging isang bansa. Ang
malaking tanong ngayon ay paano ba pinipili ang isang wikang pambansa? Sa iisang
bansang mayroon lamang isang dominanteng grupo, ang pagpili ay hindi gayon kahirap
tulad ng isang bansang maraming wika. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay bilang ng
gumagamit ang isinaalang alang. Mahalagang factor rin ang kapangyarihang pulitikal.
Kaya nga at maraming pag-aayaw sa wikang Filipino dahil inaakala ng ilan na ito ay
batay lamang sa Tagalog na pinaniniwalaan nilang wika lamang ng mga Pilipinong nasa
ilang bahagi ng bansa. Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa.
Napakahalaga na pagsanayang magamit natin an gating wika, ayon sa ikapananatili
nito at kalinangan n gating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang bansa ay ang
susi sa kaunlarin.

FILIPINO BILANG WIKANG PANANALIKSIK

Ang Filipino: Wika ng Saliksik. Agosto, ang buwan ng pagdiriwang ng Wikang


Pambansa. Ito ay taunang ginagawa upang bibigyang pugay at halaga anag
pagkakaron ng iisang wikang nagbubuklod sa lahat ng mga Pilipino hindi lamang ditto
sa bansa ngunit maging saan mang sulok ng mundo. Bagama’t malakas ang hatak ng
pagbabago sanhi ng napakabilis na modernisasyon, ang paggamit ng sariling wika ay
lalong binibigyang diin nang mapagtibay ang pagkakakilanlan n gating lahi. Sa taong
ito, ang tema ng pagdiriwang ay Filipino: Wika ng Saliksik. Ito ay nagpapahayag na ang
wikang sariling atin, ang Filipino ay mainam na instrumetno sa mahusay na
pananaliksik (research). Ang pananaliksik ay pagtukas at pagbuo ng mga kaalamang
magagamit sa pagpapabuti n gating kalagayan na ang mithiin ay umunlad sa larangan
ng ekonomiya, edukasyon, pamamahala at kalagayang panlipunan.

Hindi lingid sa ating kaalaman, ang dagliang pagbabago ng napakaraming bagay


sa mundo, kaya napakalaking hamon ang pagsasagawa ng pananaliksik at ito ay
isinusulong upang magkaroon ng matibay na basehan sa pagsagawa ng mga bagay-
bagay, pagpapatupad ng layunin at paghusga ng isang pangyayari.

Ang paggamit ng sariliing wika bilang mga Pilipino ay higit na nakabubuti sa


pagpapaunlad n gating kaalaman sa pamamagitan ng pananaliksik. Ang paghahatid ng
detalye at kaisipang bunga nito ay magiging kapaki-pakinabang kapag ito ay nailahad
sa wikang Filipino.

8
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBAYAN

Nananalantay sa atin ang pagkakaroon ng dugong maka-Pilipino sa lahat ng


aspeto sa ating pamumuhay, sa pag-iisip at sa pagkilos lalung lalo na ang pananalita.

Ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkas patungo sa pagkakaisa ng


bawat mamamayan. Ang Filipino, bilang wikang kinalakihan nating gamitin ay isa sa
mga kontribusyon n gating katutubong wika na marapat mabigyang pansin at malinang
upang magtagumpay na maisakatuparan ang pagpapayaman n gating kawikaan at
magbunga ng kaunlaran sa ating bansa.

Bagamat sinasabing, hindi kailanman mawawala ang paggamit sa wikang


banyaga (Mandarin, Korean at Ingles)

Sa panahon ngayon, dala ng patloy na pag-usbong ng pamumuhay at pakikipag-


ugnayan, hindi lamang kapwa Pilipino kundi gayundin sa samut-saring lahi.
Samakatuwid, ang impluwensiya ng iba’t-ibang wika sa mundo’y kailanma’y hindi
maikakaila.

Ang paggamit ng wika ay hindi dapat natin limitahin, datapwat kailangan lang
natin ng disiplina ng bawat isa. Ang pagkakaroon at pagiging disiplinadong
mamamayan ay nagbubunga ng pagkakaisa tungo sa inaasam na kaunlaran.

9
ANG FILIPINO BILANG LARANGAN

Kapag may kapangyarihang sumakop sa kamalayan ng kapwa natin sa lipunan,


kasama tayong napapailalim sa nasabing kapangyarihan. Ang sariling wika ay hindi
nakakabawas ng katalinuhan at katanyagan kung gagamitin sa iba’t-ibang larangan.
Kung ang usapin ay karunungan, maraming nag-aakala na mahina ang mga pilipinong
hindi nagsasalita ng wikang dayuhan particular na ang mga taong hindi nakapagsalita
ng mataas sa ingles.

Madalas silang maparatangang walang alam o mas masakit, tinataguriang bobo.


Isa itong masaklap na pangyayari. Ngunit humihina na ang ganitong pagpaparatang
dahil ginagamit ang wikang ito ng kasalukuyang pangulo at hindi naman ito nakabawas
ng katalinuhan at katanyagan. Sa kanyang mga talumpati at opisyal na
pakikipagtalastasan sa taumbayan, buhay na buhay ang wikang Pilipino tulad ng
pagsasabi niya sa kanyang SONA (State Of the Nation Address) na malakas ang
bansang Pilipinas.

Hindi ba’t napakaliwanag ang landas na tatahakin kung kasabay ng malakas na


pilipinas ay malakas rin ang Pilipino bilang matatag na wikang pambansa? Ang mga
balakid sa biyahe ng wikang Pilipino sa kabila ng pagpapatatag at malawakang
paggamit mg wikang Pilipino, buhay na buhay parin ang isyung nagpapahina sa ating
wikang pambansa. Mga dati nang isyung nagiging dahilan kung bakit hindi umusad ang
biyahe nito. Una na rito ay ang hindi maayos na pamamahala ng edukasyon sa ating
bansa at karaniwang nakakiling ang mga administrador ng mga paaralan at
pamantasan sa wikang ingles dahil ito raw ang wika ng mundo.

Pangalawa ang uri ng trabaho na laganap ng Pilipinas, ang sunod-sunod na


pagsulpot ng mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center na
nangangailangan ng mga Pilipinong sanay magsalita ng ingles.

ANG FILIPINO BILANG SA IBA’T IBANG LARANGAN

Gabay sa Rehistro ng Wika sa iba’t-ibang Sitwasyon at Larangan

Pinalawak ng ISO o International Organization for Standardization, ang iba’t-


ibang uri ng wika at tinawag itong ISO o 12620. Gagamitin ang Ingles na termino para
sa estandardisasyon ng katawagan nito.

Iba’t-ibang Rehistro ng Wika

1. Neutral – batid halos ng lahat at ginagamit sa maraming sitwasyon, larangan at


pagkakataon.
Halimbawa: agham, nilalang, buhay, isip, kompyuter, makina, sistema, mapa.
2. Technical – nakabatay ang kahulugan sa espisipikong larangan o propesyon.
Halimbawa: USB, dextrose, turbo engine, power drill, artificial intelligence
3. In-House – natatangi sa isang kompanya o lugar ditto nagmula ang termino at
ditto lamang ginagamit.

10
Halimbawa: lapad-tawag sa perang papel ng Japan ng mga Pilipinong
naghahanap-buhay doon.
4. Bench-level – tawag ng mga gumagamit sa isang terminong tumutukoy sa isang
gadget o application sa kompyuter at iba pa.
Halimbawa: Sasi phone – tawag sa phone na mamahalin.
Bling-bling – tawag sa alsesorya o alahas na ginagamit pamorma.
5. Slang – impormal na termino na ginagamit din sa impormal na sitwasyon at
balbal din ang tawag ditto.
6. Vulgar – terminong hindi na ginagamit sa publiko o sa pormal na usapan dahil
sa implikasyon sa moralidad, kagandahang asal at kultura dahil maaaring
makasakit o mapanlait.
Halimbawa: Mga salitang ginagamit sa pagmumura
Mga salitang tumutukoy sa mensaheng bahagi ng katawan
Mga salitang nanlalait sa lahi, kulay, kasarian, katayuan at hitsura
ng ibang tao.

11
REBYU SA MGA BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK

 PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON


 PAGBABASA AT PAGBUBUOD NG IMPORMASYON

PRIMARYANG BATIS

 Naglalaman ng impormasyong galing mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa


kasayasayan.
 Halimbawa: Biktima at Salarin, Saksi, Manonod, at Tagapakinig

SEKONDARYANG BATIS

 Halimbawa: Dyaryo, Mga Libro, Radyo, Pinagkwentuhan

PAGBASA

Pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at


kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina, proseso ng pag-aayos,
pagkuha at pag-unawa ng anumang uri at anyong impormasyon o ideya na
kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tignan at suriin upang maunawaan.

URI NG PAGBASA

 ISKANING

Ang mambabasa ay naghahanap ng mahahalagang impormasyon tulad


ng phone number sa isang phonebook

 ISKIMING

Paraan ng pagbasa ng pahapyaw lamang binabasa ang mga paksa na


nakaakit sa pansin

 PREVIEWING
Isang paraan kung saan binabasa ang pamamaraan ng pagsulat na may-
akda at kung nakaaakit ito ng mambabasa, tuluyan na niyang babasahin ang
teksto ng buo.
 KASWAL
Pagbasa nang pansamantala o di palagian, magaanang pagbasa.
Halimbawa habang may hinihintay o pampalipas oras.
 PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Pagbasang may layuning malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng
pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, hangarin na malaman kung may pasok
o wala.
 MATAIMTIM NA PABASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning
maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad
ng report, research at iba pa.
 RE-READING O MULING PAGBASA
Ito ay pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan
o ideya bilang pag-imbak ng impormasyon.

ANO ANG PAGBUBUOD?

12
 Ito ay siksik at pina ikling bersyon ng teksto.
 Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinanood o pinakinggan
 Pinipili ito ang pinakamahalagang ideya at sumusuporta ng ideya o datos
 Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideyang
binubuod sa teksto.

PANGUNAHING KAHULUGAN NG TEKSTO

 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa


 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda, bagkus ay gumagamit ng sariling
pananalita.
 Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa ditto ang buod.

MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD

1) Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.


2) Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan. Tukuyin ang
keywords.
3) Pag-uugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o
tesis.
4) Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5) Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6) Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya gaya ng:
o Gayunpaman
o Kung gayon
o Bilang pangwakas
7) Huwag magsingit ng opinion

 PAGSASALIN AT PARAPHRASING

Ano ang PAGSASALIN?

 Ang pagsasaling wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng


pinakamalapit na natural na katumbas na orihinal ang mensaheng isinasaad ng
wika, una batay sa kahulugan, pangalawa’y batay sa istilo. (Eugene Nida, 1964)
 Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang
nakasulat na mensahe sa isang wika ng gaya ding mensahe at ibang wika.
(Peter Newmark, 1988)

Layunin

 Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga


kaisipan sa ibang wika

Apat (4) na paraan o istilo sa pagsasalin

 Isa – sa isang tumbasan (Pangngalan)


Halimbawa:
Filipino Ingles
Ama Father

13
Ambag Contribution
Biyuda Widow
 Pandiwa
Halimbawa:
Authorize Pahintulutan
Evaluate Pagsusuri
 Pang-uri
Halimbawa:
Pretty Maganda
Good Mabait
 Parirala
Halimbawa:
Ability to apply knowledge – kakayahang magamit ang nalalaman

HAKBANG SA PAGSASALIN

 Alamiin ang paksang isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapang-aralan ito


at magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
 Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin
mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong
harapan. Gayunpama’y tandaang hindi ka basta magpapaphrase kundi
magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan o bawasan ang ideya o
mensahe na iyong isasalin.
 Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang ang mga
salita. Makakatulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa
wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan
lang ng salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang
wika dahil literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi
mapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.
 Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.
Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang
kahulugan.
 Isaalang alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin.
Makakatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa
genre ng kinabibilangan ng isasalin.
 Isaalang alang ang kultura at kontaksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan.
May mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento ng
isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan
kaya’t dapat din itong bigyang pansin ng magsasalin.
 Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at
pagbubuti ng karanasan. Kung sakaling sa unang pagtatangka ay hindi moa gad
magawang makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal ay huwag kang mag0-
alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito ay nagkaroon nang mas
malawak na karansan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan sa
gawaing ito.

HAWIG O PARAPEYS

 Layunin: Maipahayag sa mas simple, direkta at naiintindihang pananalita


ang orihinal. Ang Hawig ay isang pagsasabi o pagpapahayag ng ideya at

14
pananalita ng isang akda sa pananalitang naiintindihan ng mambabasa at
tagapakinig.
 Ang hawig o parapeys ay isang pagsasalin ng ideya at pananalita ng awtor sa
sariling pananalita ng gumagawa ng hawig.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG HAWIG

 Basahin ng makailang ulit ang material hanggang maintindihang mabuti ang


ideyang ipinapahayag ng awtor.
 Kung may mga salitang hindi maintindihan,hanapin sa diksyunaryo at iba pang
mapagkukunan ng depinisyoon.
 Sulatin ang hawing. Gumagamit ng malilinaw, tiyak, direkta at kongkretong mga
salita. Hindi kinakailangang palitan ang lahat ng salita na nasa orihinal kung
malinaw naman at pamilyar ang mg salitang ito. Ang mahihirap intindihing salita
lamang ang bigyan ng sinonim.
 Basahing muli ang orihinal para siguruhing talagang naiintindihan nga ang
ipinapahayag nito.
 Basahin muli ang ginagawang hawig. Tsekin ang ispeling, ayos ng pangungusap
at daloy ng ideya.

 PAGPILI NG PAKSA NG PANANLIKSIK

Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon n gating gagawing


pananaliksik. Ang paksa ay ang pangunahing ideya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing
paksa iikot ang nilalaman n gating pamanahong papel/term paper/research at ito ang
magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating datos. Mahalagang pag-planuhan
nating mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa pagpili ng paksa
mahalaga ding makapagbigay tayo n gating gagawing pamagat kung saan ditto na
papasok ang mga saklaw at limitasyon n gating gagawing pag-aaral. Sa pagpili ng
paksa may mga dapat isaalang-alang upang maisakatuparan ng maayos ang gagawing
pananaliksik at ito ay mababasa natin sa baba.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA

1. KASAPATAN NG DATOS – kinakailangang may sapat na impormasyon na


tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo
tungkol sa iyong paksa,maaaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-
aaral.
2. LIMITASYON NG PAG-AARAL – ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o
ang oras kung hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik.
May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semester kaya
nangangailangan nang habang panahon para maisakatuparan.
3. KAKAYAHANG PINANSYAL – sa pagpili ng paksa dapat isaalang-alang ang
iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at
mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong
pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang
mailalabas na pera.
4. KABULUHAN NG PAKSA – sa pagpili ng paksa hindi sapat na ito ay
napapanahon lamang sa halip dapat ito ay makakatulong din sa iba pang
mananaliksik at ibang tao.

15
Interes ng Mananaliksik – may kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang
bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik mas mapapadali
ang iyong gawain kong ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes.

Halimbawa ng wastong pagpili ng paksa

Narito ang mga halimbawa ng mga paksang pwede mong pagbasehan sa pagpili
ng wastong paksa. Ang mga sumusunod ay hinango sa mga napapanahong isyu na
dapat mabigyan ng atensyon.

Paksa: Droga

Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga taong gumagamit nito sa [lugar] sa taong


[2017-2018] isang pag-aaral.

MGA HAKBANG SA PAGPILI AT PABUO NG PAKSA SA PANANALIKSIK

1. Alamin ang Interes. Tukuyin kung anong paksa ang tumatawag sa iyong pansin.
2. Gawiing particular o ispesipiko ang paksang napili. Iwasan ang malawak na
paksa.
3. Iangkop ang paksang napili ayon sa panahon o time frame na inilaan upang
matapos ang pananaliksik.
4. Suriin kung ang paksang napili ay napapanahon.
5. Tukuyin kung may makakalap na sapat na datos at sanggunian upang,
maisagawa ang pananaliksik.

URI NG PANANALIKSIK

 Pangunahing Pananaliksik (Basic Research)

Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga mananaliksik tungkol sa


isang posibleng ideya, phenomenon na mahirap ipaliwanag, suliranong
nararanasan sa lipunan, pagkatao, at kalikasan; at iba pang maaaring masagot o
di kaya’y mauunawaan lamang kapag natapos na ang pananaliksik.

Halimbawa:

1. Ano ang “black hole?” Paano nito maipapaliwanag ang simula ng kalawakan?
2. Bakit mas malusog at mas magaganda ang henerassyon ng mga bata sa
ngayon?
3. Ano ang dahilan ng makauring tunggalian sa lipunan?
 Praktikal na Pananaliksik (Applied Research)

Umiikot ito sa hangaring matugunan at masolusyunan ang isang praktikal


na suliranin sa lipunin. Isinasagawa ito dahil sa direkta nitong kapakinabangan.

Halimbawa:

1. Paano mas matuto ang kabataan sa loob ng bahay?


2. Ano ang paraan ng pagpapataas ng ani ng palay ngayong tag-init?
3. Ano-ano ang mga hakbang upang higit na matugunan nag sakuna sa siyudad?

16
 PAGBABALANGKAS

Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o


paksa ayon sa pagkakasunud-sunod sa isang katha o seleksyon.

ANYO NG BALANGAKAS

 Papaksa – isinusulat ito sa anyong parirala


 Pangungusap – isinusulat sa buong pangungusap

PARAAN SA PAGGAWA

1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon.


2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas.
3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa seleksyon.
4. Gamitin ang roman numerals (I, II, III,…) sa pagsulat ng pangunahing diwa o
paksa.
5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng
mahahalagang salita ng bawat pangunahing diwa.
6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng roman numeralas at malaking letra.
7. Isulat nang may pasok sa ilalim (indention) ng pangunahing diwa ang mga
kaugnaya na paksa.
8. Gamitin ang malaking letra (A, B, C, …) sa bawat kaugnay na paksa (sub-topic).
9. Gamitin ang Arabic numerals (1, 2, 3, …) sa unahan ng mga detalye na
sumusuporta sa kaugnay na paksa.
10. Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng kaugnay na paksa. Simulant ito sa
malaking letra.

17
FILIPINO SA HUMANIDADES AT AGHAM PANLIPUNAN

HUMANIDADES – pag-unawa sa Tao at Mundo

Ang larangan ng Humanidades ay nagbibigay ng kasanayan sa masining na


paggamit ng wika, ng karansan sa pagtatasa ng opinion ng isang tao, ng kakayahang
suriin hindi lamang ang mensahe ng akda kundi ang nakapailalim nitong kahulugan, at
hindi lang kung ano ang sinasabi kundi bakit ito sinasabi.

Layon ng Humanidades ay ang gawain tayong tunay na tao sa pinakamataas na


kahulugan nito. Binibigyang tuon sa pag-aaral sa larangangang ito ay ang kaisipan,
kalagayan, at kultura ng tao.

Mga disiplina sa Larangan ng Humanidades

 Panitikan
Hal: Wika Teatro
 Pilosopiya
Hal: Relihiyon
 Sining
Hal: Biswal (pelikula, teatro, sayaw)
 Fine Arts (Malayang Sining)
Hal: Calligraphy (art of Writing), studio arts, art history, print making

Pagsulat ng Humanidades

May tatlong anyo ang pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin:

A. IMPORMASYONAL
 Paktuwal na impormasyon bilang gaya ng talambuhay o maikling bionote
tungkol sa may-akda o libro o artikulo tungkol sa kasaysayn ng mga
bagay at iba pa.

 Paglalarawan – nagbibigay ito ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa


isipan ng mambabasa. Sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan
ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula,
kuwento , nobela at iba pa.
Proseso – binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano
isinagawa, at ang nagging resulta na kadalasa’y ginagawa sa sining at
musika.

B. IMAHINATIBO
Binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, o
maikling kuwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri nito.
C. PANGUNGUMBINSE
Pangganyak ito upang mapaniwala o di-mapapaniwala ang bumabasa,
nakikinig, at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya’t mahalagang
ganitong anyo ng pagsulat sa mga kritisismo, o rebuy ng libro, pelikula, dula,
sining, musika, at iba pa.

18
Ang larangan ng Humanidades ay higit na nauna kaysa sa Agham Panlipunan.
Batay sa Pilosopikal na posisyon ng Humanismo sa sinaunang Griyego at Romano
noong ika-14 siglo nabuo ang larangan.

HUMANIDADES

Ang katawagan o terminong Humanidades ay tumutukoy sa mga sining na


biswal katulad ng musika,arkitektura, pintura, eskultura, teatro o dula at panitikan.
Napakahalaga ng sining sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito’y naipapahayag niya
ang kanyang nadarama. Ito ang sangay ng karunungang may kinalaman sa kaisipan,
damdamin, at pakikipag-ugnayan ng tao.

URI NG SINING

 MUSIKA

Isang sining ito na pinagsama-sama at inaayos ang mga tunog upang


makalikha ng isang katha na mang-aliw.

 ARKITEKTURA

Ang arkitektura ay isang bahagi ng sining na biswal na nakikita ng mga


tao. Ang biswal na sining ay hindi lamang ang may kinalaman sa eskultura at
pagpipinta kundi sinasaklaw din nito ang mga damit at pantahanang
kasangkapan. Saklaw rin nito ang mgaa palamuti at mga kapangkapang
inilalagay sa mga pook dalanginan, tahanan, paaralan at iba pang gusali.

 PINTURA

Sa larangan ng pintura ay kinilala at hinangaan sa iba’t ibang panig ng


daigdig ang likhang sining na “Spolarium” ni Juan Luna na nagtamo ng unang
gatimpala sa timpalak sa sining ng pintura sa Madrid.

 ESKULTURA

Ang sining ng biswal ay higit pa sa arkitektura at pintura. Nakadarama


tayo ng kasiyahan maging sa paggamit ng mga karaniwang bagay sa ating
buhay. Ang disensyo ng isang silyang ginagamit ng isang tao sa pang-araw-araw
ay maaaring magbigay sa kanya ng kasiyahan bukod sa kaginhawaang
nadarama niya kung siya’y nakaupo nito.

 TEATRO O DULA

Ang teatro ay isang lugar na pinagtatanghalan ng mga dula. Malimit na


ginaganap ang mga dula sa mga paaralan at mga palatuntunang
pampamayanan. Maging sa loob ng silid-aralan ay maaaring magpasadula ang
guro ng mahalagang tagpo sa paksang-araling tinatalakay. Iba’t ibang uri ang
mga dulang maaaring itanghal katulad ng trahedya, komedya, melodrama,
saeswela at iba pa.

Napupukaw ang sariling damdamin at reaksyon ng mga tao dahil sa


mapanlikhang kamay ng mga alagad ng sining. Isang katunayan ito na ang disiplinang
Hmanidades ay para sa lahat ng uri ng tao. Ang kahalagahan ng isang tao at kanyang
damdamin ang pangunahing layunin nito.

19
Ang sining ay hindi kalikasan, ang sining ay ginagawa ng tao. Malimit kumuha ng
inspirasyon at paksa ang isang alagad ng sining sa kalikasan. Ang sining ay nilkiha ng
mga tao at kahit gaano kalapit sa kalikasan ay lagi pa ring nagpapakilalang ito’y nilikha
ng mga tao.

Unang Humanista

 Francesco Petrarch – Ama ng Humanismo


 Desiderius Erasmus Roterodamus – Prinsipe ng Humanismo

Kilalang Humanista

 Pope Pius II
 Giovanni Boccaccio
 Niccolo Machiavelli
 Thomas Moore
 George Buchanan
 Francois Rabelais
 Antonio de Nebrija
 Confucius
 Lau Tzu
 Zhuang zi/Chuang Tzu
 Jean Baptiste Joseph Founrier

AGHAM PANLIPUNAN

 Nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao, ang buhay natin ay lubhang


mapauunlad ng mas malalim na pag-unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal
at kilos.
 Isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao – kalikasan, mga gawain, at
pamumuhay nito kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito
bilang miyembro ng lipunan.
 Itinuturing ng isang uri ng siyensya o agham. Lapit siyantipiko ang gamit
bagama’t iba-iba ito depende sa displina.
 Ang Agham Panlipunan ay gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa
larangan, at mga datos ng sekondaryo.

Ang Agham Panlipunan ay itinuturing na isang uri ng siyensiya o agham.Nagsimula


sa kanluraning pilisopiya ang Agham Panlipunan noong ika-18 hanggang ika-19 na
siglo. Ito ang itinuturing na moral na pilosopiya ng panahon.

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan

 Sosyolohiya – pag-aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga


pinagmulan, pag-unlad, at pagkabuo ng mga salaman at institusyong panlipunan
upang makabuo ng mga kaalaman tungkol sa kaayusan at pagbabago sa
lipunan.
 Sikolohiya – pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao. Gumagamit din ito ng
empirical na obserbasyon.
 Lingguwistika – pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo
estruktura at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ng ponetika, ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, at gramatika.

20
 Antropolohiya – pag-aaral ng mga tao sa iba’t-ibang panahon ng pag-iral upang
maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura. Ginagamit ditto ang participant-
observation o ekspiryensiyal na imersiyon sa pananaliksik.
 Kasaysayan – pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng isang grupo,
komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan.
 Heograpiya – pag-aaral sa mga lupaing sakop ng mundo upang maunawaan
ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago
rito kasama na ang epekto nito sa tao.
 Agham Pampolitika – pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga patakaran,
proseso, at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos – political ng mga
institusyon.
 Ekonomiks – pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso produksyon,
distribusyon, at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang
bansa.
 Area Studies – interdisplinaryong pag-aaral, kaugnay ng bansa, rehiyon, at
heograpikong lugar.
 Arkeolohiya – pag-aaral ng mga relikya, mga labi, artefact, at monument
kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.
 Relihiyon – pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala,
sistemang kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan, at
sangkamunduhan (uniberso) bilang nilikha ng isang superior at superhuman na
kaayusan.

METODOLOHIYA AT ESTRATEHIYA SA HUMANIDADES

ISTATWA NG PILOSOPONG SI PLATO

Ang mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao (ingles: humanities,
‘’pagkatao’’, The Humanities, ‘’mga pagkatao’’ ng tao) ay mga disiplinang akademiko na
nag-aaral sa mga kundisyong humano na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang
pagsusuri (kritiko), pagpuna (analitiko), at pagbabakasakali (ispekulatibo) dahil sa
metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na tinatawag ding humanidadies mula sa
(empirikal)gawi na ginagamit sa mga likas na agham panlipunan.

TATLONG URI NG METODOLOHIYA AT ESTRATEHIYA:


1. LAPIT NA ANALITIKAL – ito ay ginagamit sa pag-organisa ng mga impormasyon
sa mga sumusunnod:

21
a. KATEGORYA – ay isang pangalan na ang ibig sabihin ay nabibilang sa isang
kaurian, pangkat, klase o kalidad.
b. BAHAGI – ito ay isang bahagi na siyang bumubuo ng isang kabuuan.
c. GRUPO - ito ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tao na nagtutulungan,
(teamwork) nagkakaisa sa tungkuling obhetibo.
d. URI –ay isa sa mga pinakapyak na pangkat sa kahanayang para sa mga
nilikhang may buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat.
e. PAGUUGNAY –UGNAY– ay salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
yunit sa pangungusap.
2. KRITIKAL - kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at
pagbibigay ng sariiling opinion sa ideya.
3. ISPEKULATIBONG LAPIT- ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o
pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat..

HALIMBAWA NG MGA PAMAMARAAN ESTRATEHIYA:


1. DESKRIPSYON O PAGLALARAWAN- ay isang salita o grupo ng mga salita na
nagbibigay ng kulay sa isa pang salita. Maaring inilalarawan nito ay salitang-kilos o
isa lamang pangngalan.

HAL:

Katakam – takam tingnan ang mga sariwang gulay.

2. PAGLILISTA- ay isang paraan ng pagtatala ng mga nakuhang impormasyon


katulad ng mga tao, lugar, or ideya tungkol sa partikular na paksa.

HAL:

Sa daloy ng laro, lumalakas (level up) and bawat hero sa pamamagitan ng 1)


pagpatay (kill) sa mga kalabang hero 2) Pagbasag ng mga (tower) ng kalabang
koponan.

3. KRONOLOHIYA O PAGKAKASUNOD- SUNOD NA PANGYAYARI- Sa


pamamagitan ng kronolohiya, maaaring ilagay ang mga pangyayari sa kanilang
maayos na pagkakasunud-sunod o ilakip ang mga ito sa kaugnay na mga
kaganapan at takdaan ng wastong petsa ang partikular na mga pangyayari.

HAL:
Naipakilala ang telegraph noong dekada 40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang
pagsulong ng Morse Code noong 1844.
4. SANHI AT BUNGA- tinatalakay rito ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at
ang mga epekto nito.
HAL:
Nakakabahala ang paggamit ng gadget sa mga bata dahil nagiging sanhi nito
ang pagiging adik sa apps at games.
5. PAGKOKOMPARA- ito ay pagpapaliwanag sa kung paano nagkatulad dalawa o
higit pang bagay.

22
HAL:
Kapuna – puna ang kaibahan ng larawan nga mga pranses at mga pilipino.
6. EPEKTO
HAL:
Kailangang alam natin ang sapat na pag-aaruga sa kapwa o ng pag-aalaala sa
madla.

Naging popular ang pag-aaral pantao noong mga kapanahunan ng renaissance


(muling pagsilang, pagbabalik o muling pagka buhay ng mga pag-aaral ng mga
klasiko o sinaunang kalinangan at sining), isang panahon kung kalian nakahiligan ng
mga mamamayan ang pagiging likas na tao o likas na katangian ng tao.
Muling naganap ang ‘’Muling Pagsilang’’ sa Europa, nagsimula sa Italya, mula
ika-14 hanggang ika-16 na dantaon. Ang panahong ito ang nagging marka o
pananda sa transisyon o pagpapalit ng kapanahunan mula sa midyebal (panggitna)
patungong makabago o modernong panahon.

MGA ARTIKULO SA PHILIPPINE EJOURNALS DATABASE

 DALOY – ito ay ang pagkakasunod-sunod mula sa pinakaunang naganap


hanggang sa katapusan.
 DALUMAT – malalim na pag-iisip at interpretasyon. Ang Dalumat ay kaalaman
at abilidad upang ihukom ang particular na sitwasyon o paksa. Ito ay isang
interpretasyon sa isang bagay, kumg paano mo bigyang kahulugan o bigyang
paliwanag ang isang bagay o paksa.
 HASAAN – ang mga hagdan ng bato, mga baton g tubig o mga whetstones ay
ginagamit upang patalasin ang mga gilid ng mga kasangkapan sa bakal at
nagpapatupad sa pamamagitan ng paggiling at pagpapakain. Ang mga
halimbawa ng mga bagay na maaaring hawakan sa isang hasa bato ay ang
gunting, scythes, kutsilyo, pang-ahit, at mga kasangkapan tulad ng mga pisa,
mga scraper ng kamay, at mga blades ng eroplano.
 LAYAG – piraso ng tela na inilatag salungat sa direksyon ng hangin upang
umusad ang Bangka.
 Ang LAYAG sa ibang pagpapakahulugan ay ito ay ang pagtigil ng
regla o menopause sa Ingles.
 MALAY – ay isang pangkat etnikong Awstronesyo mula sa Timog-Silangang
Asya na pangunahing matatagpuan sa Bruney, Indonesia at Malaysia. Bagaman
isang menorya ngayon sa Singapore, sila rin ang kinikilalang mga katutubo ng
lungsod-estado. May higt-kumulang 300 milyon ang bilang ng mga Malay.

23
 KATIPUNAN – ito ay isang lihim na samahan na itinatag noong 1892 upang
itaguyod ang kaisipang maka-bayan at rebolusyonaryo sa mga Pilipino. Layunin
ng samahan na sugpuin ang patuloy na pagmamalabis at di makataong
pamumuno ng mga Espanyol sa PIlipinas tungo sa pagkakamit ng kasarinlan ng
bansa.
 DALUYAN – tumutukoy sa pagdaloy ng agos o maging ng biyaya mula sa Dios.
Sa ingles ito ay ang “channel” na mapupuna sa katawagang “Channel of
Blessings”
 SOCIAL SCIENCE DILIMAN – ay isang pangkat ng mga disiplinang akademiko
na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito
mula sa mga sining at humanidades at sa halip nagbibigay diin sa paggamit ng
kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensya sa pag-aaral
ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang at pagkatangi.
 HUMANITIES DILIMAN – ay isang internationally refereed journal para sa mga
makataong lumlabas na semi-taun-taon. Ang Humanities Diliman (HD) ay
nagtataguyod ng mga scholarship sa mga sining at makatao sa PIlipinas, pati na
rin ang mga internasyunal na mga sinag, lalo na sa mga iskolar sa Timog-
Silangang Asya.

FILIPINO SA SEYENSYA

24
Agham o Siyensya – Isang sistematikong pag-aaral gamit ang
sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga
haka haka.

At mayroon ding ibat’t ibang uri ng agham ang pinag aaralan ang tao.
Kabilang na dito ang natural sciences biology, chemistry at physics.

Agham Panlipunan- Nauukol sa pag aaral na iyo ang tao at lipunan.

Dito naman ay ang pag aaral sa tao at sa lipunan at mayroong itong


ginagamit sa pagsubok. Ito ay ang dependent at independent variables. Sa pag
aaral na ito ay kailangan din ng siyentipikong pag aaral upang malutas at masuri
ng maiigi ang mga teorya bago makabuo ng malinaw at magandang paliwanag.

Dalawang uri ng pagtingin sa mga pangyayari sa ekonomiks:

1. Positibong Ekonomiks
2. Normatibong Ekonomiks

 Positibong Ekonomiks- nagpapaliwanag kung ano ang nangyayari at nakikita


sa paligid ng ekonomiya.

Ang positibong ekonomiks ay nagsasaad ng lohikal na pag-aaral. Dito


iniintindi ang mga kundisyon at ang mga pangyayari sa sitwasyon, kaya ito
tinatawag ding (object) o obhetibo.

 Normatibong Ekonomiks- nagpapaliwanag kung ano dapat ang mangyari sa


ekonomiya.

Ang normatibong ekonomiks ay dito na pumapasok ang mga opinyon at sa


loobin ng nga isang tao sa isang sitwasyon ng ating ekonomiya. Kaya tinatawag
itong (subjective) o subhetibo.

Ang Kaugnay Ng Ekonomiks Sa Iba Pang Agham Panlipunan:

 Heograpiya – pinag aaralan ang kalagayan at etruktura ng daigdig at ang epekto


ng tao sa kapaligiran.
 Agham Pampolitika – upang malaman kung paano inaasikaso o pinapalakad ng
pamahalaan ang mga pinagkukunang yaman ng ating bansa at mga ibang
pangangailangan ng ating bansa.
 Sosyolohiya – pinag aaralan kung paano kumilos at mag isip ang mga taong
bayan. Tulad nalang kung paano mag isip ang mga tao sa apekto ng pagbili ng
produkto ng ating bansa.

PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG TAO

Pang etika at pampilosopiya- dito nakikita at napag aaralan ang mga


solusyon sa suliraning pangkabuhayan. Halimbawa nalang tulad sa paglaki ng
populasyon. Paano ba ito masusulosyunan sa aspekto ng etika at pilosopiya.

25
PANANALIKSIK KAUGNAY SA SIYENSYA AT TEKNOLOHIYA NG SOCIAL ME

PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG TAO

Isa sa mga magagandang naidudulot Social Media sa panahon ngayon ay ang


pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Maaari nating makausap ang ating pamilya o kaibigan
sa malayong lugar sa pamamagitan ng Social Media. Ito ay isa sa mga magandang
bagay na mayroon tayo sa kasalukuyan dahil mas madali nating naipapahatid ang mga
nais nating iparating sa ibang tao.

Halimbawa nga social media

 Twitter
 Orihinal na tinatawag na "twttr" noong Marso 21, 2006. Mayroong 310
milyong gumagamit kada buwan, karamihan dito ay mula sa US.
 Si Jack Dorsey ang nagtatag nito at siya rin ang unang nagtweet na
nagsasabing "just setting up my twttr"
 Facebook
 Mark Zuckerberg isang Amerikanong negosyante na nagtatag ng Facebook
kasama ng mga kamag aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at
Chris Hughes habang sila ay nag-aaral sa Pamantasan ng Harvard.
Naglilingkod c Zuckerberg bilang CEO ng Facebook.
 Facebook Messenger
 Maaaring magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila,
at baguhin ang kanilamh sariling sanaysay upang ipagbigay-alan sa kanilang
mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

Nitong January 2016, naitalang ang populasyon ng Pilipinas ay umabot na


sa mahigit 100 milyon at 46% nito ay aktibong gumagamit ng social media.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga


tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

MGA HINDI MABUTING EPEKTO NG SOCIAL MEDIA

 Problema sa Kalusugan

Dahil sa haba ng oras sa paggamit ng Social Media, ang ilang mga mag-aaral
ay nakakaligtaan nang kumain at matulog sa tamang oras, paglabo ng mata,
pisikal at mental na karamdaman at iba pa na maaaring magdulot ng problema
sa kalusugan.

Dapat na magkaroon ng limitasyon sa pras na nakalaan sa paggamit ng


Social Media dahil importante rin na maalagaan ng mga mag-aaral ang kanilang
sarili.

 Nakakasagabal sa mga Mag – aaral

Sa halip na pag – aaral ang dapat na pinaglalaanan ng oras ay nauubos ito


sa Social Media at kung minsan napapabayaan na ang pag – aaral.

26
MGA MABUTING EPEKTO

 Mas mabilis na makakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng mga ito dahil


madali lang ito i-access, lalo na ng mga kabataan.
 Magkaroon ng malawak na kaalaman.

FILIPINO SA SIYENSYA AT INHENYIRA

Inhenyira – ay paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng


sangkatauhan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng kaalaman, matematika, siyensya, at
praktikal na karansan na nilalapat sa pagdibuho ng mga may gamit na bagay o
proseso.

Anong larangan ng inhenyira ang pinakamatagumpay?

Ang Inhenyirang Sibil ang pinakamatagumpay sa larangan nito, sapagkat


marami ang nagpapakadalubahasa sa kursong ito at malaki narin ang naitutulong nito
sa paglago n gating ekonomiya dahil sa mga imprastraktura na naitayo sa ating bansa.

Inyenheriyang Industryal

Ito ang disiplina ng inheryeriya na naglalapat o gumagamit ng agham ng


inhenyeriya at teknolohiya sa produksiyon at prosesong-agrikultura.

Pamahalaan- ito ay makakatulong upang malaman ang kalagayang ng


isang inhinyero sa loob at labas ng ating bansa ng kanyang trabaho.

Magulang- makakatulong ito sa mga magulang upang madagdagan ang


kanilang kaalaman kung paano masusuportahan ang kanilang nasabing trabaho
o para sa mga estudyante nang sa gayon ay mapabuti pa ang kanilang pag-
aaral.

FILIPINO SA SIYENSYANG MATEMATEKA

Noong Setyembre 3, 2017, nagbigay ito ng mga panayam tungkol sa


Mathematics in the Modern World. ( May karagdagang kaalaman tungkol sa mga
panayam dito.) Isa itong mga panayam ay may pamagat na “Ang Pagtuturo ng
Matematika Gamit ang Wikang Filipino” kung saan ko tinalakay ang bagong
General Education Curriculum, ang kursong “Matematika sa Makabagong
Daigdig,” ang pagsasalin sa Filipino ng matematikang terminolohiya, mga texbuk
sa matematika na nasa wikang Filipino, at mga materyales sa pagtuturo ng
matematika sa wikang Filipino.

27
BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O
BUHAT SA LIPUNANG PILIPINO

☆ MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

DISKURSO:

 Ayon sa diksyunaryong ingles-filipino (1984), ang diskurso ay nangangahulugang


magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan.
 Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang
pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.
 Ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

DALAWANG ANYO NG DISKURSO:

1. PASALITA
2. PASULAT

PASALITANG DISKURSO:

 Karaniwang magkaharap ang mga participant kung kaya’t bukod sa kahalagahan


ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang
sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos,
kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na
maaaring makapagbago sa kahulugan ng mensahe.

PASULAT NA DISKURSO:

 Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang


mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap
at ito’y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang
sinulat.

URI NG DISKURSO

1. DESKRIPTIB/PAGLALARAWAN
 Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o
teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
 Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa,
upang maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat.
 Halimbawa: Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng mga
turista.

2. NARATIB/PAGSASALAYSAY
 Ditto, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang particular na
pangyayari upang maibahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin
o mga bagay na ating nasaksihan.
 Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari
sa isang maayos at sistematikong kaayusan.
3. EKSPOSITORI/PAGLALAHAD

28

Ito ay anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga
ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na
inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang magkaroon
ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao.
 Layinin nito na makapagbigay ng impormasyon.
4. ARGUMENTATIB/PANGANGATWIRAN
 Ito ay anyo ng diskurso na nkatuon sa pagbibigay ng isang sapat at
matibay na pagpapaliwang ng isang isyu o panig upang makahikayat o
makengganyo ng mambabasa o tagapakinig.
 Layunin nitong makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.

NASYONALISMO

 Pagmamahal sa bansa
 Isang kamalayan sa lahi na nag-uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon, wika,
kultura, kasaysayan at pagpapahalaga.

MARXISMO AT KRITAL NA DISKURSO SA GLOBALISASYON

 Ang marxismo ay ang teorya na binuo ni Karl Marx. Ang marxismo ay ang
kabaliktaran ng kapitalismo. Ang marxismo ang paniniwala na dapat pantay
pantay ang mga tao. Sa teoryang ito ay walang classes at walang feudal system;
walang proletariat o working class at walang bourgeois, ang mga business. Lahat
ng tao ay pantay pantay ang dami ng kita at ari-arian.

GLOBALISASYON

 Ang globalisasyon ay pag-iimpluwensya at interaksyon ng iba’t ibang


organisasyon, companya, at mga negosyo sa buong mundo. Ito ay naglalayon
ng pag-unlad at pagpapalago ng ekonomiya.

KRITIKAL NA DISKURSO SA GLOBALISASYON

Binigyang diin naman ni Kark Marx na ang economic globalization ay resulta ng


global expansion o pagpapalganap ng kapitalismo sa buong mundo.

“TEORYANG DEPENDENSIYA”

Ano ang teoryang dependensiya?

 Ang teoryang dependensya ay ang paniniwala na ang pinagkukunang-yaman


ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro"
ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng
isa. Ito ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap na
estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung
paano isinama ang mahihirap sa "pamamalakad ng mundo."
 Ang teorya ay umusbong bilang isang reaksyon sa teoryang modernisasyon,
isang naunang teorya ng pag-unlad kung saan ang lahat ng lipunan ay umuunlad
sa pamamagitan ng magkakaparehong hakbang sa pagsulong, na ang hindi
gaanong maunlad na lugar ngayon ay kaya nasa parehong sitwasyon ng mga

29
maunlad na lugar sa kasalukuyan sa ilang pagkakataon ng nakaraan, at kaya
ang tungkulin sa pagtulong sa mga lugar na hindi makawala sa kahirapan ay
iahon sila sa dapat na panglahatang landas ng pag-unlad sa iba’t ibang paraan
kagaya ng pamumuhunan, pagbabahagi ng teknolohiya, at mas malapit na
integrasyon sa mundong pangkalakalan.
 Sinalungat ng teoriyang dependensya ang pananaw na ito, pagtututol na ang
mahihirap na bansa ay hindi lamang naunang bersiyon ng maunlad na mga
bansa, subalit ay mayroong sarili at kakaibang katangian at istruktura; at higit sa
lahat ay nabibilang sa dehadong kasapi sa ekonomiya ng mundong pamilihan.
 Ang teoryang dependensya ay wala na masyadong tagataguyod bilang isang
pangkalahatang teorya, ngunit ang ilang manunulat ay nakipagdebate sa patuloy
nitong kaugnayan bilang isang pangkonseptong oriyentasyon sa paghahati-hati
ng yaman ng mundo.

“KAISIPANG NASYONALISTA AT TEORYANG DEPENDENSIYA SA


EDUKASYON: IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 NG
PILIPINAS” NI D. M. SAN JUAN

 Ipinatutupad ng ikalawang administrasyong Aquino ang programang


kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12) na suportado ng World
Bank, mga organisasyon ng malaking negosyante gaya ng Philippine Business
for Education (PBED),Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP), at
Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
 Tinutulan naman ito ng ilang organisasyon ng mga guro gaya ng Alliance of
Concerned Teachers (ACT), at ng ilang mambabataas, mga magulang, at mga
grupong nasyonalista. Bilang ambag sa pambansang diskurso hinggil sa K to 12,
layunin ng papel na ito na suriin ang programang K to 12 sa pamamagitan ng
paggamit ng mga kaisipan ng mga nasyonalistang Pilipino gaya nina Jose
Protracio Rizal, Andres Bonafacio, Emilio Jacinto, at Renato Constantino.
 Bukod sa katutubong kaisipang nasyonalista, gagamitin din ng papel na ito ang
kaugnay na Teoryang Dependensiya (Teoria de lla Dependencia o Dependency
Theory) na nagbibigay-diin sa sosyo-ekonomikong gahum (socio-economic
hegemon) ng mga bansang mauunlad at/o industriyalisado (First World) sa mga
bansang mahihirap at/o semi-industriyalisado o agricultural (Third World).
 Noong Enero 21, 2013 – HOUSE BILL 6643 o “AN ACT ENHANCING THE
PHILIPPINE BASIC EDUCATION SYSTEM BY STRENGTHENING ITS
CURRICULUM AND INCREASING THE NUMBER OF YEARS FOR BASIC
EDUCATION, APPROPRIATING FUNDS THEREFOR AND FOR OTHER
PURPOSES”
 SENATE BILL 3286 o ENHANCED BASIC EDUCATION (K TO 12)
 Malaki ang kontribusyon ng pambansang bayani na si Jose Protacio Rizal sa
paglinangng kaisipang nasyonalista sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng kanyang
mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay isiniwalat niya ang pang-
aabuso ng kolonyalismong Espanyol sa mga mamamayan ng Pilipinas, at ang
laksa-laksa pang kanser ng lipunang Pilipino. Bukod dito, ipinahayag din niya
ang ilang kaisipan hinggil sa paglinang ng edukasyon at kulturang tunay na
Pilipino.

30
 Sa pananaw ni Rizal, sa halip na pamantayang global, katutubong kultura at
kapakanan ng sambayanang Pilipino ang matatag na pundasyon ng edukasyon.
Ang pananaw ni Rizal ay sinasalamin din ng perspektiba ng mga
rebolusyonaryong gaya nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio na kapwa naging
mga pinuno ng Katipunan.
 Para kay Jacinto, ang tunay na dangal ng isang mamamayan ay masusukat sa
kanyang paglingap o pagmamalasakit sa kanyang bayang tinubuan. Tiyak na
ang “paglaganap ng mga aral na ito” ay makakamtan lamang sa pamamagitan
ng nasyonalistang edukasyon namagpapahalaga sa mga sakripisyo ng mga
nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan
 Para kay Bonifacio, lahat ng mahalaga sa buhay – kasama na ang karunungan,
ang edukasyon – ay dapat ialay sa bayan. Sa halip na dependensiya o pagiging
palaasa sa mga dayuhan sa pamamagitan ng pag-akit sa mga dayuhang
mamumuhunan, nanawagan si Bonifacio sa sanaysay/editoryal na “Ang Dapat
Mabatid ng Mga Tagalog” na “...tayo’y umasa sa ating sarili at huwag hintayin sa
iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katwiran ang tayo’y magkaisang-loob,
magkaisangisip at -akala at nang tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang
naghaharing kasamaan sa ating Bayan.”
 Sa pananaw ni Constantino at ng iba pang nasyonalista, walang saysay ang
anumang programang pang-edukasyon kung hindi nito isinasaalang-alang ang
kaunlaran ng mga mamamayan ng bansa. Sa mas tahas na pananalita: walang
saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito’y sumunod sa
“pamantayang global.” Sa kabuuan, binigyang diin ni Constantino na hangga’t
kontrolado ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat, ang
ekonomiya, politika at kultura (kasama na ang edukasyon) ng Pilipinas,
mananatiling mahirap at walang pag-unlad ang mayorya ng sambayanang
Pilipino.
 Sa pangkalahatan, maituturing na kapanalig ng mga naniniwala sa bisa at
katotohanan ng Teoryang Dependensiya si Constantino. Sa mga nakaraang
dekada, naging popular ang teoryang ito sa Latin America at iba pang
kontinenteng bahagi ng Third World. Sa pananaw ng mga naniniwala rito,
pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang mga bansang
mahirap sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya.

“PAGBAKLAS/PAGBAGTAS”

“PAG-AKLAS, PAGBAKLAS, PAGBAGTAS: POLITIKAL NA KRITISISMONG


PAMPANITIKAN” NI R. TOLENTINO

 Politikal na pagbasa ang asinta ng libro ng Pampanitikang Kritisismong ito.

 Politikal bilang pagkilala sa substansyang nakahihigit na kodeterminasyon at


korelasyon sa loob at labas ng panunuring pampanitikan at panlipunan. Na sa
una’t huling usapin, tumataya ang kritiko sa binabasa at pinag-aaralang akdang
pampanitikan, at ang pagtatayang ito ang nakakapagkawing sa kanyang
posisyon sa binabasa at panitikan, sa mga pwersang historikal, panlipunan, at
modernism

31
 Sa mga kabanata sa libro, tatlong hakbang ang isinasaad:

 PAG-AKLAS bilang impetus sa panunuring historikal at panlipunan na


susing kawing ang panitikan;

 PAGBAKLAS bilang pagbuwag sa naunang formalistiko at


makasentrong-sining na panunuring pampanitikan; at

 PAGBAGTAS bilang mapagpalayang pagdaluma sa panitikang


pangunahing nagsasaalang-alang ng makauring panunuri.

 Kaya matutunghayan sa mga kabanata ang ideolohikal na pagbasang


nakakawing kina Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at
ang susunod na pambansang administrasyon sa isang banda, at sa Makabayan
Curriculum, Enchanted Kingdom, politikal na pagpaslang at aktibismo sa
kabilang banda bilang ispesipikong siyo ng panlipunan, pangkasaysayan, at nag-
aastang modernong pag-aakda, pagbabasa, at pag-aaral ng panitikan.

PANTAYONG PANANAW

Pantayong Pananaw at Kasaysayan ng Lipunang Pilipino

Ipinapalagay ng Pantayong Pananaw na an gating kasaysayan (at ang


pagbubuo nito) ay lagi na lamang batbat ng mga diskursong maka – kanluranin ang
oryentasyon (Eurocentric). Ang ibig sabihin, ang lahat ng pagpapaliwanag ukol sa
pinagmulan at pag-unlad n gating kabihasnan ay nakatali sa impluwensiya ng mga
kanluranin (lalo ng mga mananakop na Kastila at Amerikano) na nagdala sa PIlipinas
ng mga teorya, metodolohiya o pamamaraan sa pag-aaral ng kasaysayan, kultura at
kabihasnang Pilipino (halimbawa: ang “Positivism”, “Structural-Functionalism” at
“Conflict/Marxism” bilang mga pananaw sa pagsusuri ng kultura at lipunan [maging ng
kamalayang] Pilipino).

Ngunit hindi lamang mga pananaw at pamamaraan ng pag-aaral ang


naimpluwensiyahan ng mga dayuhang mananakop. Higit nitong naimpluwensiyahan
ang kamalayan at diwa ng mga Pilipino na nagresulta sa pagkakahati n gating lipunan
sa dalawang magkaibang kultura---ang “akulturadong grupo ng mga tao” (Salazar 1988:
51) o elit, at ang “bayan”. Habang tangan-tangan ng mga elit ang impluwensiya ng
kulturang banyaga o ng mga manankop; yakap-yakap naman ng bayan ang taal na
kalinangang Pilipino (Salazar 2004: 31). Ito ang lumikha ng “Dambuhalang
Pagkakahating Pangkalinangan sa Pilipinas” (iisang bansa---dalawang magkaibang
kultura at kamalayan) (Salazar 1988: 60) na naging dahilan kung bakit nanatiling hati
ang kapilipinuhan.

32
SIKOLOHIYANG PILIPINO (SP)

Kahulugan

 Sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyo ng Pilipino, batay sa


Kabuuang paggamit ng kultura at wikang Pilipino.

Kasaysayan

 Pagdating ng mga Amerikano


 Ibinahagi nila ang edukasyon
 Nagsagawa ng mga IQ test, personality test sa mga Pilipino

Ang mga tanong na ibinigay ng mga Amerikano

 Who is Amelia Earhart?


“Whatever happens to Amelia Earhart, who watch the stars up in
the sky?”
 Someday We’ll know, New Radicals
Meron tayong sariling sikolohiya bilang mga Pilipino!
 How many dimes are there in a quarter?
 Ang paggamit ng mga konsepto at panukat na hindi naangkop sa isang kultura
ay maaaring magpakita ng hindi tamang interpretasyon ng kilos at pag-iisip ng
isang indibidwal.
 “Application of concepts and measurements which are not appropriate in a
particular culture ( or context) may result to an incorrect interpretation of one’s
behaviour and thinking.”
 Kung gayon: dapat ay naaayon sa kontekstong ginagalawan ng isang indibidwal!

 Konteksto Kultura (Culture)


Lipunan (Society)
 Ang mga pagpapahalaga at pinahahalagahan sa isang kultura ay maaring makita
sa wika.

 BIGAS  RICE
 Palay  Rice Grain
 Kanin  Cooked Rice
 Bahaw  Cold Rice
 Tutong  “Burnt” Rice
 Suman  Rice Cake
 Lugaw  Rice Porridge

 SNOW?

Kasaysayan

 VIRGILIO ENRIQUEZ
 A.k.a Doc E.
 Itinuturing na Ama ng Sikolohiyang Pilipino
 Nag-aral ng post-graduate studies sa ibang bansa
 Taong 1970s ng bumalik sa Pilipinas

33
 Tatlong Anyo ng Sikolohiya
1. Sikolohiya sa Pilipinas
2. Sikolohiya ng mga Pilipino
3. Sikolohiyang Pilipino

SIKOLOHIYA SA PILIPINAS

 Lahat ng mga pag-aaral, libro (textbook), at sikolohiyang makikita sa Pilipinas,


banyaga man o makapilipino.
 Halimbawa: Ang aklat na galing sa ibang bansa at inilagay sa isang silid-aklatan
ditto sa Pilipinas ay maaring maging isang bahagi nan g silid-aklatang iyon. Kaya
ito ay may kinalaman sa kabuuang sikolohiya n gating bansa kasama na ang
mag sariling sikolohiya at ang sikolohiya na nadala ng dayuhan sa bansang
Pilipinas maging ito man ay sa anong paraan at anyo.

SIKOLOHIYA NG MGA PILIPINO

 Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may


kinalaman sa mga Pilipino.
 Halimbawa: Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko kung saan
may kanya-kanyang makaugaliang mga kultura kung kaya’t itong nagkakaiba’t-
ibang pangkat etniko ng PIlipinas ay bumubuo sa tinutukoy na Sikolohiya ng
mga Pilipino.

SIKOLOHIYANG PILIPINO

 Nilalayong anyo ng Sikolohiya sa Pilipinas


 Sikolohiyang bunga ng KARANASAN, KAISIPAN AT ORYENTASYONG
PILIPINO. (KKO)
 Halimbawa: Ang isang kulturang ipinaiiral ng isang pamilya sa kanilang tahanan
ay ang batayan sa Sikolohiyang Pilipino na nagbibigay ng matatag na katunayan
sa pagkakaroon ng sariling kultura na tinutukoy dito.

SA MAIKLING SALITA

 Sikolohiya sa Pilipinas
 Bisita sa bahay
 Sikolohiya ng mga Pilipino
 Tao sa bahay
 Sikolohiyang Pilipino
 Maybahay

PANGUNAHING-ARAL NG SIKOLOHIYANG PILIPINO

a. CORE VALUE O KAPWA


 Na tumutukoy sa kapwa, nangangahulugang ‘togetherness’, ang
nangunguna sa pangunahing-aral ng SIkolohiyang Pilipino. Kapwa ay
tumutukoy sa pamayanan; na hindi ka nag-iisa sa paggawa. Ang kapwa
ay mayroong dalawang uri. Ang una ay ibang Tao (other people)
 Ibang Tao (“outsider”) Binubuo ng Limang Saklaw
 Pakikitungo: Civility
 Pakikisalamuha: Act of Mixing
 Pakikilahok: Act of Joining

34
 Pakikibagay: Conformity
 Pakikisama: Being United with the Group
 Hindi Ibang Tao (“one-of-us”) Binubuo ng Tatlong saklaw:
 Pakikipagpalagayang-loob: Act of Mutual Trust
 Pakikisangkot: Act of Joining Others
 Pakikipagkaisa; Being one with others
b. PIVOTAL INTERPERSONAL VALUE
 Pakiramdam: Ibahagi ang sariling kaisipan. Ang mga Pilipino ay
gumagamit ng damdam, o ang sariling kaisipan sa damdamin ng iba,
bilang pangunahing kasangkapan sa kanyang pakikitungo sa kapwa
tao.
c. LINKING SOCIO-PERSONAL VALUE
 Kagandahang-Loob: Ang pagbabahagi sa sangkatauhan. Tumutukoy
ito sa kakayahang tumulong sa kapwa tao sa panahon ng kanilang
pangngailangan dahil sa kanilang pagkakaunawa na ang pagiging
magkasama ay ibahagi na ng isang pagiging Pilipino.

SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW MULA PUSONG


HANGGANG IMPERSONASYON

Maaring pinahahalagahan ang kakayahan ng tawa upang pagaanin at pasayahin


ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa tawa lamang ika nga, may redempsyon mula sa
problemang kinahaharap ng sinuman.Sa ngiti, hagikhik, o halakhak naibubulalas
ang tanging paggapi sa kalungkutan.Sa tawa nagkakaroon ng pagtudling sa sakit at
pag ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa kabigatan ng saloobin o
damdamin.Di nga bat tinaguriang isang therapyang pagtawa?’ Laughter is the best
medicine and humor is the spice of life” (Batacan 1966). Kung susuriin nang mabuti
ang tawa ay isang mekanismo ng damdamin na nagbibigay laman sa puwang o
gawang sa damdamin ng isang malungkuting tao. O di kaya’y yaong naghahanap
lamang ng kasiyahan sa buhay.Kung kayat mahihinuha sa sikolohiya ng tao ang pag
imbento niya ng mga kaparaanang magpapaaliw sa kanya.Dapat may bagay na
pinagmumulan ng aliw, may mga persona o mascara na nagtatanghal at may mga
pangyayaring nagiging tampulan ng kasiyahan. Ito ang nagging dahilan marahil
kung bakit nagging tanyag ang matsing sa mga kwentongbayan at ilang pabula na
kinawiwilihan ng taong bayan.

. Dagdag pa nito ang pagkakaroon ng payaso,pusong kengkoy ,aktpr sa


entablado o saan man ay nagging popular sa pagbibigay -kasiyahan.Ang eksenang
nadulas, nadapa, nahulugan ng mabigat na bagay at marami pang iba.Maging ang
paghahalo ng imahinasyon at libido ng tao upang kilitiin ang sexual na sensibilidad
ayna giging katawa-tawa rin, ito ang tinaguriang “green jokes o toilet humor”.
Maaring may nakaligtaang isama sa ganitong paggalugad sa penomenon ng tawa

35
subalit ang kalikasan at kakayahan itaas ay mahalagang mabanggit upang bigyan
ng pagtatasa o kaibahan sa isang uri ng tawao pagpapatawa.ng tawa upang
magbigay ng aliw ay ay isang malawak na sakop ng sikolohiya.Ang mga halimbawa
sa itaas ay mahalagang mabanggit upang bigyan ng pagtatasa o kaibahan sa isang
uri ng tawa o pagpapatawa ang naangkla hindi lamang sa damdamin o emosyon
ngunit maging sa kamalayang Pilipino.

Sa paggamit ng salitang, PANANAW tumutukoy ito sa pag iisip ng tao.Kung ang


tao ay reaksyong pandamdam patungkol naman ang pananaw sa
kaisipan.Pinagninilayan o pinag-iisipan ng isang tao ang pagkakaroon ng
pananaw.Higit pa sa isang opinyon lamang ang pananaw ng isang tao, isang
pagbasa o interpretasyon ito sa nangyari sa kanya at sa kanyang kapaligiran.Kung
isang interpretasyon o pag- unawa ang pananaw isa sakontexto ito bilang
kritika.Naiiba ang kritika sa komentaryo sapagkat pinagninilayan ito ng husto at hindi
lamang puna nang puna sa nakikita o nararanasan.

 KRITIKA-ay interpretasyon o pagbasa sa karanasan, texto kultura na inuunawa


sa perspektiba ng kamalayan. Hindi neutral na salita ang pananaw sa
pagbasang ganito.Kritikal na pagbasa ito ay nakaugat sa kontextong lipunan.

 Kung kayat isang pagbasang kritikal ng kamalayan (pagsasanib ng damdamin at


isipan) ang pantawang pananaw ng isang tao mulat sa nangyari sa lipunan.Ang
pantawa bilang ‘PANTAWA ay pag –angkin at pantukoy sa kakanyahan at
kakayahan ng tawa bilang kritika.

 Tinaguriang pantawang pananaw ang ganitong kalikasan at kakayahan.Ang tawa


bilang catharsis ay masasabing panandalian-isang comic relief .Ang pantawang
pananaw ay nakakabit sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino.

 Limang elemento ng pantawang pananaw

1. Midyum

2. Kontexto

3. Kontent o anyo

4. Aktor

5. Manonood

36
BAKOD, BUKOD, BUKLOD

 BAKOD- Isang halang upang magbigay ng proteksyon para sa mga


nasa loob nito mula sa mga labas.
 BUKOD- Ay ideya nang pagtanggi.Inialis nito mula sa isang partikular
na grupo yamang may katangian itong hindi naaabot.
 Ideya ukol sa pagtatabi o paghahawi ng isa na tinutukoy mula sa iba
pang bagay o ideya.Iba pang salita para dito ay MALIBAN SA.
 BUKLOD- tumutukoy sa pagsasama-sama pagkakaisa ng isang bagay
o ideya.Tumutukoy din ito sa ugnayan o relasyon.

Iniugnay ng pag –aaral na ito ang kasaysayan ang paglitaw ng Tabuan


Parian,Binondo, at Escolta sa kasalukuyang penomenon ng malling.Kung ang Tabuan
ang prototype ng pamilihan, ang Escolta naman ang kahabaan ng kalsada nito.Ang
prototype ng mall sa ating bansa..Binagtas ito gamit ang dalumat ng bakod bukod
buklod upang sipatin ang ang siyudad ng mall bilang lunsaran ng makabagong espasyo
ng pagkunsumo at bilang biswal na paglikha ng kaukulan ng mga
konsumer.Ipinaliwanag ang sangkap ng pagiging tao at konsumer sa loob ng mall,
batay sa uri, gender at lahi.Ang mall ang pinakabagong bitag o kulungan na kababaihan
ngayon.Kung saan nagtatapos ang hangganan ng mall, nakasalalay ito sa malay nating
pag –iral sa loob ng siyudad at sa siyudad ng mall.

37
BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA

(Pagtitipon, Pagpoproseso, at Pagsusuri ng Datos) sa Pananaliksik Panlipunan

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK – Ito ay isang sistematikong kalipunan ng mga


metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng
datos ng isang pananaliksik.

METHODUS (LATIN) – Ibig sabihin ay PATAKARAN

LOGIA – Ibig sabihin ay LARANGAN NG PAG-AARAL

METODOLOHIYA - ay tumutukoy sa isang organisadong larangan sa pag-aaral ng mga


pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas ng bagong kaalaman.

RESPONDENTE - ito ay kung sino, tagasaan, o kaya’y sa anong institusyon o


organisasyon.

PAGPILI NG MAGIGING KALAHOK SA PANANALIKSIK – Ipinaliwanag sa bahaging


ito ang proseso ng sampling na pinagdaanan at kung ano ang dahilan o pinagbatayan
ng pamimili ng kalahok.

SA MGA WALANG KALAHOK AT DOKUMENTO ANG PAGKUKUNAN NG DATOS –


Talakayin na lamang ang bahaging ito kung anong uri ng dokumento, panitikan o ano
mang pagmumulan ng pagsusuri ang gagamitin sa pananaliksik.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK:

HALIMBAWA:

 Talaan ng mga tanong


 Checklist
 Questionnaire

PAMAMARAAN SA PAGKOLEKTA NG DATOS:

May limang pangunahing pamamaraan ng paglikom ng datos; ang pagpapasya sa kung


anong pamamaraan ang gagamitin o pipiliin ay nararapat na ibatay sa suliranin at
pagnanais ng mananaliksik na maging katiwa-tiwala at balido ang mga datos.

1. Pagmamasid o Obserbasyon – Ang mga mananaliksik ay nagmamasid sa


lugar ng kanyang pananaliksik at ang mga kalahok na pokus sa pag-aaral
habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos, interaksyon at pag-uugali
sa pamamagitan ng gabay na obserbasyon.
2. Gabay sa mga mananaliksik ukol sa wastong pagpili ng taong Iinterbyuhin
– Ito ay ang taong may pinakamahusay na awtoridad sa larangang pinag-aralan.
- Nagtataglay siya ng malawak na kaalaman para sa paksa.
- Siya’y dapat na mapagkakatiwalaan.
- May sapat na panahon para sa interbyu.

38
3. Dokumentaryong Pagsusuri – Ito ay isang pamamaraan sa pananaliksik na
ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa
mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga
nasusulat na komunikasyon at mga dokumento upang malutas ang suliranin.

URI NG DOKUMENTONG MAAARING PAGMULAN NG PAGSUSURI:

 Media
 Biyograpiya
 Katitikan ng mga pulong o tala ng mga pangyayari
 Panitikan
 Biswal na Dokumento

IBAT-IBANG URI NG DOKUMENTONG PAGSUSURI:

 Pagsusuri ng Nilalaman (Content Analysis)


 Pagsusuri ng Senyotiko (semiotics)
 Pagsusuri ng Diskorsal (Discourse Analysis)
 Interpretatibong Pagsusuri (Interpretative Analysis)

4. Talatanungan o Kwestyoner – Lipon ng mga nakaulat na tanong ukol sa isang


paksa, inihanda at ipinasagot sa layuning makakuha ng mga sagot at opinion
mula sa mga taong kalahok sa pananaliksik. Napakahalagang instrumento sa
pangangalap ng impormasyon.

DALAWANG URI NG TALATANUNGAN:

1. BUKAS NA TALATANUNGAN – binubuo na lamang ng mga tiyak na


katanungan.
2. SARADONG TALATANUNGAN – kadalasang ginagamit dahil ang bawat
tanong na nakasulat ditto ay may kalakip na mga sagot na pagpipilian ng mga
kalahok.

5. SARBEY – isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa


sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng
pananaliksik.

PAGSUSURI NG DATOS:

 SA KUWANTITATIBONG PANANALIKSIK – nakapaloob sa bahaging ito


ang iba’t-ibang estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at
pagsusuri ng datos.

39
 SA KUWALITATIBONG PANANALIKSIK – naman madalas na tinutukoy
rito kung paano isinasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliliit na
paksa na magpapaliwanag sa datos na nakalap.

ETNOGRAPIYA/ ETNOGRAPI:

 Ay mula sa larangan ng antropolohiya na nangangahulugang personal


na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglahok,
pagmamasid at pakikipamuhay sa mga taong nasa ibang pamayanan.
 Ang etnograpiya ay mula sa salitang griyego na ethnos (mga tao)
graphia (pagsusulat) ay makaagham na estratehiya ng pananaliksik na
kadalasang ginagamit sa larangan ng mga agham panlipunan, partikular
na sa antropolohiya at sa ilang mga sangay ng sosyolohiya at sa ilang
mga sangay ng sosyolohiya na kilala rin bilang isang bahagi ng mga
agham pangkasaysayan na nag-aaral ng mga tao, pangkat-etniko, at iba
pang kabuuang etniko.
 Ang kanilang ethohenisis, kumposisyon muling paglipat, ng mga
katangian ng kabutihang panlipunan, pati na ang kanilang kalinangang
materyal at espirituwal karaniwan itong ginagamit para sa pangangalap
ng dato emperikal hinggil sa mga lipunan at mga

MGA LAYUNIN NG ETNOGRAPIYA:

 Na mailarawan ang kalikasan ng mga pinag-aralan.


 Makakalap at makakuha ng mga mahahalagang impormasyon
tungkol sa mga natural na kaugalian at gawain ng mga espesikong
pangkat etniko.
 Isinaalang-alang ang iba’t-ibang pag-uugali ng taong
makakasalamuha upang hindi magkaroon ng alitan sa pagitan ng
mga taong sangkot sa nagaganap na pagbabahagian ng mga
nalalaman at paniniwala ng bawat isa.
 Kinakailangan sa pananaliksik na ito ang pagiging mapanuri dahil
maaaring magbago ang mga teorya o hinuha na nabuo sa isipan
habang napagdadaanan ang proseso ng pakikipamuhay sa
partikular na grupo.
 Ang resulta ng mga impormasyong makalap sa pananaliksik na ito
ay makakatotohanan at hindi masasabing basta prediksyon lamang
dahil sa ito ay nakabasa sa tunay na karanasan ng mga
importanteng kasangkot sa pag-aaral na isinagawa.

PAGMAMAPA NG PAGBABAGONG HEOGRAPIKAL AT KULTURAL NG QUIPO

Tinatalakay sa sanaysay na ito ang historikal at heograpikal na pagbabago sa


Quipo, gamit ang pantubig na halamang “kiyapo” bilang metapor. Ang huling
tumutulong magpakahulugan at magpakita ng sitwasyon sa Quipo na noon ay sentro ng
negosyo at kultura at ngayon ay tirahan nan g mga nasa impormal sa sektor tulad ng

40
mga nagbebenta ng mga pinirata o kinopyang pelikula at musika. Sinusuri sa sanaysay
na ito kung paanong ang isang loob ng isang loob ng isang malaking lungsod at tila
hiwalay na. Buong kalunsuran, pati na rin ang pagmamapa ng teritoryo ng mga nakatira
rito. Ginagamit ng sanaysay na ito bilang kultural na teksto ang mga negosyante at mga
aktibidad at proseso na nakapaloob sa pamimirata ng pelikula at musika.

Paglutang ng kiyapo, Pagkalutang ng Quipo:

- Lutang na espasyo ang Quipo, tulad siguro ng pagkalutang na isinasaad ng


halamang-tubig na kiyapo na pinanggalingan ng ngalan ng sityo.

Heograpiya ng pakikitunggali; Mula Sentro patungong Laylayan

- Katulad ng kiyapo na hindi napapalubog gaano man katindi ang mga ulan at
bagyo, may angking katatagan ang Quipo sa kabila ng pagbabagong pihit
nito pagdating sa posisyon sa lungsod.

Pagsulpot ng Impormal na Sektor:

- Laganap sa ilang bansa sa asya ang pagsulpot at pamamayani ng impormal


na sektor sa anyo ng mga tindahan at tiangge, tanyag itong mga lunang na
pinupuntahan nang mga turistang mamili ng mga murang produkto.

Breeding Ground ng Iba’t-Ibang Kalakal:

- Dumarami ng dumarami ang nagiging silbi at gamit ng isang espasyo,


halimbawa ng gusali sa Quipo.

Ang Ilusyon at Pamimirata sa Quipo

Ruta na Sistema ng Backdoor Policy

Teritoryalisasyon ng Ilang Mangangalakal na Muslim

Makikitid at Lihim ng mga Sulok ng Pamimirata

Dislay at Packaging

Distorsyon sa Usapin ng Panahon at Pagpepresyo

Pagdala sa Iba Pang Estratehiya ng Lokasyon

Hyperreality ng Pamimirata, Hyperreality ng Ekonomiya

 PANANALIKSIK NA LEKSIKOGRAPIKO – ang dibisyon ng komisyon ng


Wikang Filipino sa leksikograpiya ay may dalawang tungkulin.
 Pagpaplano, pagbabalangkas, paghahanda at paglalathala at
pagsasapanahon ng mga diksyunaryo, tesauro, ensayklopidya, o
iba pang katulad na mga kagamitang pangwika alinsunod sa
pinakahuling kaganapan sa leksikograpiya; at

41
 Pagtitipon at pagsasapanahon ng mga diksyunaryong
monolinggwal o bilinggwal, mga bokabularyong siyentipiko at
espesyalisado, at mga terminolohiyang teknikal.
 VIDEO DOCUMENTATION – ito ay isang pag-record ng parehong mga visual at
naririnig na mga bahagi (lalo na ang isa na naglalaman ng isang pag-record ng
isang pelikula o telebisyon na programa).
 Ang isang dokumentaryo ay isang pelikula o video na sumisiyasat
sa isang kaganapan o tao batay sa mga katotohanan. Ang salita ay
maaari ring sumangguni sa anumang bagay na may kinalaman sa
mga dokumento.
 LITERATURE REVIEW – isang panitikang pagsusuri o sanaysay na pagsusuri
ay isang uri ng pagsusuring artikulo. Isang panitikang pagsusuri ay isang scholar
paper, na kasama ang kasalukuyang kaalaman kabilang ang mahalagang
natuklasan, pati na rin manila-nilay at methodological na mga kontribusyon sa
isang particular na paksa.
 Literature Review ay sekundaryong mga pinagkukunan, at huwag
i-report bago o orihinal na mga pang-eksperimentong trabaho.
Karamihan sa mga madalas na nauugnay sa pang-akademikong-
oriented panitikan, tulad ng mga review ay natagpuan sa academic
journal, at hindi dapat mailto sa mga review ng libro na maaari ring
lumitaw sa parehong publication.
 Literature review ay isang batayan para sa pananaliksik sa halos
bawat akademikong field. Ang isang makitid na saklaw ng
panitikang pagsusuri ay maaaring isama bilang bahagi ng isang
peer-reviewed journal na artikulong nagtatanghal ng mga bagoong
pananaliksik, na naghahain upang maglagay ng kasalukuyang pag-
aaral sa loob ng katawan ng mga kaugnay na literature at upang
magbigay ng konteksto para sa reader. Sa ganoong kaso, ang
pagsusuri ay karaniwang nauuna ang pamamaraan at mga resulta
ng mga seksyon ng trabaho.
 PAGTATANONG-TANONG – ay maaaring isang pagpapahayag na pangwika na
ginagamit upang humiling ng kabatiran, o kaya ang kahilingan mismo na ginawa
ng ganyang pagpapahayag. Ang impormasyon ito ay maaaring ibigay na
mayroong isang sagot o kasagutan.Karaniwang inihahain, inihaharap, o
tinatanong ang mga tanong na ginagamitan ng mga pangungusap na patanong.
Subalit maari rin silang buuin sa pamamagitan ng pangungusap na imperatibo
(pautos), na karaniwang nagpapahayag ng kautusan.
 OBSERBASYON – ay nangangahulugan na ang aksyon o proseso ng
pagmamasid sa isang bagay o isang tao na mabuti o upang makakuha ng
impormasyon. Isang pangungusap, pahayag, o komento batay sa isang bagay
na ang isa ay nakita, narinig, o napansin. Ang obserbasyon ay ang aktibong
pagkuha ng impormasyon mula sa pangunahing pinagmulan (source). Maaring
maging mapaghambing, iyon ay, lamang ang kawalan o pagkakaroon ng isang
ari-arian ay nabanggit, o nabibilang na kung ang di-numerong halaga ay naka-
attach sa ang sinusunod na phenomenom sa pamamagitan ng pagbibilang o
panukat.
 INTERBYU – ito ay ang pakikipanayam sa iyong mga respondent ng harap-
harapan kung saan magtatanong-tanong ka nga mga katanungan tungkol sa
iyong paksang napili.

42
 FGD (FOCUS GROUP DISCUSION) – ay isang mahusay na paraan upang
mangalap ng sama-samang mga tao mula sa mga katulad na mga background
upang talakayin ang isang particular na paksa o interes. Ang grupo ng mga
kalahok ay pinapatnubayan sa pamamagitan ng isang tagapamagitan (o grupo
ng mga facilitator) na nagpapakilala sa paksa para sa talakayan at tumutulong sa
grupo na lumahok sa isang buhay na buhay at likas na diskusyon sa gitna ng
kanilang mga sarili.
 SWOT ANALYSIS – Pagkakabisa pagtatasa (o pagkakabisa matrix) ay isang
strategic planning pamamaraan na ginagamit upang makatulong sa isang tao o
organisasyon makilala ang mga lakas, weaknesses, oportunidad, at mga banta
na may kaugnayan sa kumpetisyon sa negosyo o pagpaplano ng proyekto.Ito ay
inilaan upang tukuyin ang mga layunin ng negosyo venture o proyekto at tukuyin
ang panloob at panlabas na mga kadahilanan na kanais-nais at nakapanghihina
ng loob sa pagkamit ng mga layunin.
 Strengths: mga katangian ng ang negosyo o proyekto na bigyan ito
ng isang kalamangan sa iba.
 Weaknesses: katangian ng ang negosyo na ilagay ang negosyo o
proyekto dehado na kamag-anak sa iba.
 Opportunities: mga elemento sa kapaligiran na ang mga negosyo o
proyekto ay pagsasamantalahan para sa sariling bentahe.
 Threats: mga elemento sa kapaligiran na maaaring maging sanhi
ng problema para sa mga negosyo o proyekto.
 PARTICIPANT OBSERVATION – ay isang uri ng data na paraan ng koleksyon
ay karaniwang ginagamit sa mga mapaghambing na pananaliksik at etnograpiya.
Ito ay isang malawakang ginagamit na pamamaraan sa maraming mga disiplina,
lalo na kultural na antropolohiya, European etnolohiya, sosyolohiya,
komunikasyon pag-aaral, pantaong heograpiya, at panlipunang sikolohiya. Ang
layunin nito ay upang makakuha ng isang malapit at intimate pagpapalagayang-
loob sa isang naibigay na grupo ng mga indibidwal.
 KWENTONG-BUHAY – ito ay maikukumpara sa isang aklat na punong-puno ng
iba’t-ibang kuwento. Mga kwento na kung saan tayo mismo ang gumaganap na
mga tauhan. Bahagi nito ang iba-ibang mga karanasan na nagpapatawa,
nagpapaluha, nagpapakilig, nagbibigay ng inspirasyon at nagtuturo ng mga aral
na kailanma’y di natin malilimutan.
 SECONDARY DATA ANALYSIS – ay tumtukoy sa data na nakolekta sa
pamamagitan ng isang tao. Karaniwang pinagkukunan ng pangalawang dat para
sa social scence ay kinabibilangan ng mga sensus, ang impormasyon na
naolekta sa pamamagitan ng mga kagawaran ng pamahalaan, organisasyon tala
at data na orihinal na naolekta para sa iba pang mga ayunin ng pananaliksik.
 PAGSUSURI NG MGA DATOS

 TEKSTWAL

 Ang paglalahad kapag gumagamit ng mga pahayag kasama ang

tambilang sa paglalarawan ng mga datos.

43
 Ang layunin ng tekswal na paglalahad ay para ituon ang atensyon

sa mga mahahalagang datos at upang makatulong sa paglalahad

ng talahayan.

 TABYULAR

 Isang sistematikong pagsasaayos ng magkakaugnay na datos,

saan ang bawat kategorys ng datos ay may sariling hanay.

 Layuninng talahanay ang mapabilis ang pag-aaral at interpretasyon

ng grap o tsart ng mga bilang ng pagkakaiba-iba o pagbabago ng

mga baryabol.

 GRAPIKA

 Gumagamit ng grap o tsart ng mga bilang ng pagkaiba-iba o pagbabago

ng mga baryabol.

 Layunin ng grap na maipakita ang mga pagkakaiba pagbabago at

pagkakaugnay-ugnay ng mga datos sa isang nakagaganyak at mabisang

paraan.

ANG PAGSUSURI NG DATOS AY MAY TATLONG PAMAMARAAN:

 Pamamaraang Obserbasyon- nakatuon sa pamamaraang ito ang tuwing

paglalarawan ng mga sitwasyon kaugnay sa paksang sinasaliksik. Hinagamit ito

ng pandama upang makapagbigay ng tamng desisyon ang isang mananaliksik.

 Panayam o mas kilala bilang pagtatanong- sa pangangalap ng datos, ito na

marahil ang pinaka-epektibong paraan upang masumpungan ang isang bagay

na gustong palabasin sa layunin ng mananaliksik.

 Obhektibo- ang pamamaraang ito ay gumagamit ng pagsulat, agsukat,

imbentaryo, at ibat ibang teknik upang gawing makatotohanan ang isang bagay

na pinag-aaralan.

 EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK
 Ito ay paraan ng pananaliksik na ginagamit ng laboratory upang tuklasin
ang kadalisayan at katotohanang bunga ng mga datos na nakalap para sa
isang mahalagang problema at paksa.

44
 Binibigyang-diin dito ang hinaharap at kung ano angmangyayari.
Isinasagawa upang Makita ang bisa ng isang bagay o kaisipang maarinng
gamitin sa ating panghinaharap na buhay.
 Sa isang eksperimental na pag-aaral, ang mananaliksik ay
nakakamanipula kahit na isang malayang baryabol, nakontrol ang iba
pang may kaugnayang baryabol at sinusuri ang epekto sa isa o higit oang
di malayang baryabol.

Halimbawa:

 Eksperimentong gagawin ng guro upang malaman niya kung aling paraan ng


pagtuturo ang gagamitin upang madaling matuto ang kanyang mag-aaral..
 Eksperimentong pag-aaral upang suriin kung gaano karaming fertilizer ang
gagamitin ng mga magsasaka upang mas mapabilis mamunga ang kanilang
mga pananim.
 Eksperimentong pag-aaral na susuriin kung epektibo ba ang paggamit ng
astringent upang mabawasan ang pagdami ng tagihawat.
 CASE STUDY – ay isang pananalisik na pamamaraan na karaniwang ginagami
sa agham panlipunan. Ang isang cas study ay isang research na diskarte at
isang mula sa obserbasyon na pagtatanong na nag-iimbestiga na isang hindi
pagkaraniwang bagay sa loob ng kontekstong tunay na buhay. Ito rin ay isang
proseso o record ng pananaliksik na kung saan detalyadong konsiderasyon ay
ibinibigay sa pag-unlad ng isang particular na tao, grupo o sitwasyon sa loob ng
isang particular na halimbawa ng isang bagay na ginagamit o pinag-aralan
upang ilarawan ang isang thesis o alintuntunin.
 AKSYONG PANANALIKSIK/ACTION RESEARCH – ay alinman sa pananalisik
na sinimulan upang malutas ang isang agarang problema o isang mapanimdim
na proseso ng progresibong pagutas ng problema na humanotng sa
pamamagitan ng mga indibidwal na nagtatrabaho sa iba sa koponan o bilang
bahgi ng isang “komunidad ng kasanayan” upang mapabuti ang paraan na
harapin nila ang mga isyu at lutasin ang mga problema. Ito rin ay isang
interactive na proseso ng pagtatanong na nagbabalanse ng mga pagkilos na
lumulutas ng problemang ipinapatupad sa isang collaborative na konteksto na
may dta-driven na mga collaborative na pag-aaral o pananaliksik upang
maunawan ang kalakip na sanhi ng pagpapagana ng hinaharap na mga
paghuhula tungol sa mga personal at pangsamahang pagbabgo.
 PAGSUSURI NG DOKUMENTO – ito ay proseso ung saan ang bawat partido sa
isang kaso na msama sa pamamagitan ng tinatasa ang mg dokumento at data
na kanilang taglay upang matukoy kung aling mga sensitibong o kung hindi man
na may kaugnay sa kaso.
 COMPARATIVE ANALYSIS – Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong
maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari atbp. Madalas
gamitin sa mga cross-national na pagaaral upang mailatag ang
pagkakahalintulad at pagkakaiba sa pagitan ng lipunan, kultura at institusyon.
 In comparative analysis technique , you are ask to compare and
contrast two different theories, two school of thoughts and etc. with
the help of this, you may find some amazing commonalities beside
contrast or differences

45
 DISCOURSE ANALYSIS – Ang diskors analisis ay pag-aaral sa diskurso. Ito ay
pag-unawa sa pangunahing istruktura ng isang kontrobersyal na interaksyon o
masusing paglalarawan ng kombersyon.
 Ito ay pagsusuri kung paano ginamit o ginagamit ang wika sa
usapan o pagpapahayag. Ito ay pagaaral sa relasyon ng wika at
konteksto kung saan at paano ginagamit ang wika. (McCarthy,
1991)
 CONTENT ANALYSIS – Ang pagtatasang nilalaman o content analysis ay isang
paraan ng pananaliksik para sa pag-aaral ng mga dokumento at mga artifact ng
komunikasyon, na maaring mga teksto ng iba’t-ibang mga format , mga larawan,
audio o video.
 Ayon kay Klaus krippendorff, anim na tanong ang kailangan ng
direksyon sa pagtatasa ng nilalaman:
 Aling data ang sinusuri?
 Paano tinukoy ang data?
 Mula sa kung anong pupolasyon ang nakuhang data?
 Ano ang kaugnay na kontekto?
 Ano ang hangganan ng pagtatasa?
 Ano ang dapat masukat?
 SALIKSIK-ARKIBO (ARCHIVAL RESEARCH) – Ang arkibong pananaliksik ay
isang uri ng pananaliksik na kung saan ang mga nasaliksik ay tinatago at
maaring gamitin pa ng mga susunod na mananaliksik.
 POLICY REVIEW – Ang mga grupo ng ideya o plano kung ano ang gagawin ng
isang particular na grupo sa isang sitwasyon na sumasang ayon bilang grupo o
pangkat.
 IMPACT REVIEW O IMPACT ASSESSMENT – Ito ay isang proseso ng
paidentipika ng mga hinaharap na suliranin sa isang pangkasalukuyan o
hinaharap na aksyon.
 PAGSASAGAWA NG SARBEY – ito ay isang pag-aaral na ginagamit para
sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi direktang nagtatanong kung bakit
ganun at ganito ang isang bagay, paksa, o pangyayari.

 Mga instrumento sa pagsasagawa ng sarbey:


 ballpen
 papel
 Tanong
 Recorder
 Videocam/ camera
 Lawak ng Sarbey
 Sarbey- ilang bahagi lamang ng populasyon
 Sensus- isang pag-aaral na sumasaklaw sa buong target na
populasyon
 Layunin
 Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at
konsepto.
 Mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o paksa.
 Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema.
 Paano gumawa ng Sarbey?

46
 Ano ang layunin ng iyong pagsisiyasat o pag-aaral? Dapat
lang na malaman ang iyong sasaliksikin o pag-aaralan. Mula
rito,bubuo ka ng iyong mga layunin sa iyong gagawing
sarbey.
 Bumuo ng mga tanong batay sa pangunahing layunin ng
pag-aaral. Ang mga katanungan ng sarbey ay nakabatay
lamang sa pangunahing layunin ng pagsisiyasat upang
magkaroon ng direksyon ang gagawing sarbey.
 Alamin ang iyong istratehiya ng pagtatanong sa sarbey?
Bumuo ng disenyo ng sarbey? Bumuo ng disenyo ng sarbey
o maging format ng patatanong para sa iyong sarbey form.
Ito ay nababatay sa paraan ng pagsagot ng sarbey.
 TRANSKRIPSYON – ito ay katulad ng palatuldikan. Ito ay ginagamit bilang giya
o patnubay kung paano bibigkasin nang wasto ang mga salita sa isang wika.
 Dalawang klase ng Transkripsyon
 Ponemikong transkripsyon
 sa ponemikong transkripsyon, ang lahat ng makabuluhang
tunog o kinikilalang ponema sa isang wika ay binibigyan ng
kaukulang simbolo.
 ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay mga pahilis na
guhit o virgules //.
 ang tuldik na paiwa /’/ ay nagrereprisinta sa impit na tunog
na matatagpuan sa mga pusisyong midyAL AT PINAL NA
ISINUSULAT NANG NAKAHANAY SA IBANG PONEMA.
 ANG /H/ AY NAGPAPAHAG NG IMPIT NA PAHINGA NA
SALITA O GLOTTAL NA PASUTSOT. KADALASAN ITONG
NILALAGAY SA HULIHAN NG SALITANG NAGTATAPOS
SA PATINIG.
 ANG /ŋ/ AY KATUMBAS NG “NG”. ANG “NG” AY ISANG
DIGRAPO O DALAWANG SIMBOLO NA KUMAKATAWAN
SA ISANG PONEMA.
 ANG TULDOK /. / AY KUMAKATAWAN SA
PAGPAPAHABA NG PATINIG NA PALAGING INILALAGAY
PAGKATAPOS NG MAHABANG PATINIG.
 HALIMBAWA:
 BUHAY- /BU. HAY/ - life
 /buhay/ - alive
 basa- /ba. Sah/ - read
 /basa’/ - wet

47
AKTWAL NA PAGSULAT NG PANANALIKSIK

MGA BAHAGI AT PROSESO NG PANANLIKSIK

PANGKALAHATANG PROSESO NG PANANALIKSIK

1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
3. Pangangalap ng Datos
4. Pagsusuri ng Datos
5. Pagbabahagi ng Pananaliksik
 Pamimili at paglilimita ng paksa
 Pagbuo ng tanong ng pananaliksik
 Pagbuo ng haypotesis
 Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral
 Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
 Pagbuo ng paradaym, konseptwal at teoretikal na balangkas
 Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
 Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos
 Pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktwal na
paggamit ditto.
 Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik
 Pagsasaayos ng mga datos para sa presentasyon
 Presentasyon ng datos
 Pagsusuri at interpretasyon ng datos
 Paggamit ng mga paraang istatistikal sa interpretasyon ng datos sa
kwantitatibong pananaliksik at pagbu ng mga tema o kategorya sa kwalitatibong
pananaliksik
 Pagbuo ng lagom, konklusyon at mga rekomendasyon
 Pamimili ng journal kung saan ilalathala ang pananaliksik
 Rebisyon ng format at nilalaman batay sa rebuy ng journal
 Presentasyon ng mga kumperensya o iba pang paraan ng pagbabahagi
MGA BAHAGI NG PAPEL-PANANALIKSIK

Kabanata I

Ang Suliranin at Sanligan nito

A. Rasyonal at kaligiran ng Pag-aaral


B. Paglalahad ng Suliranin
C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
E. Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas
F. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral
G. Daloy ng Pag-aaral

Kabanata II

Metodolohiya at Pamamaraan

A. Disensyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


B. LOkal at Populasyon ng Pananaliksik
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

48
D. Paraan sa Paglikom ng Datos
E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Kabanata III

A. Resulta at Diskusyon

Kabanata IV

A. Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

METODOLOHIYA

 Ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at ang instrumenting


ginamit sa pangangalap ng datos.
 Inilalarawan ang populasyon at local ng pananaliksik.

RESULTA AT DISKUSYON

 Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng datos

TUKUYIN KUNG SA ANONG BAHAGI NG PROSESO NG PANANALIKSIK ANG


SUMUSUNOD NA HAKBANG:

1. Presentasyon at interoretasyon ng datos.


2. Paglalathala ng pananaliksik sa isang publikasyon.
3. Presentasyon ng pananaliksik sa isang pambansa o pandaigdigang
kumperensya.
4. Pagbuo ng tanong ng pananaliksik.
5. Pagtatakda ng disensyo at pamamaraan ng pananaliksik.
6. Pakikisalamuha at pakikipanayam sa mga kalahok ng pananaliksik
7. Paglulunsad ng Sarbey.
8. Pagsasaayos at paghahanda ng datos para sa presentasyon.
9. Pagpapaikli ng nabuong pananaliksik.
10. Rebisyon ng Pananaliksik.

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Ang pagsusuri ng datos ay binubuo ng pagsasaayos, kategorisasyon, at


pagsisiyasat ng mga ebidensya upang mapatunayn o mapasublian ang inisyal na mga
proposisyon ng pag-aaral. Ito ay proseso ng pagbibigy ng kaayusan o estruktura sa
napakaraming datos na nakolekta sa mga naunang bahagi ng pananaliksik. Makikita sa
bahaging ito ang kinalabasan ng pag-aaral, pagsusuri, at ang interpretasyon nito.
(Marshall & Rossman, 1990)

Presentasyon ng Datos

Mga Hakbang sa Pagsasaayos ng Impormasyong nakalap:

 Paglikom at pagbilang ng mga bumalik na datos mula sa ipinamahaging


talatanungan, transkripsiyon ng naganap na pakikipanayam, o pag – aayos ng
mga tala mula sa obserbasyon.

49
 Kailangan alisin ang mga talatanungan na hindi maayos o may kulang na sagot
ng kalahok.
 Sa mga tala at transkripsyon, maaari nang alisin ang mga tugon na walang
kabuluhan sa magiging pagsusuri.

Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos:

 Kailangang ipaliwanang ang sinasabi ng datos at hindi basta na lamang inuulit


ang nakalagay sa talahayan.
 Kailangan din na idagdag ang mga dahilan epekto at kung kinukumpirma nito o
hindi ang hypothesis ng pag-aaral.
 Ginagamit sa bahaging ito ang teoretikal na gabay.
 Mahalaga ring iugnay ito ng mananaliksik sa iba pang naisagawang pag-aaral.
 Mahalaga ang cross-referencing.

Sa halimbawang interpretasyon ng talahanayan, sinuri ng mananaliksik ang mga


datos sa talahanayan sa pamamamgitan:

 Pagtukoy sa mahahalagang datos sa talahanayan


 Pagpapaliwanag ng mga posibleng dahilan mula sa local na konteksto ng mga
kinalabasan sa talahanayan.
 Pagsusog o pagpapasubali sa haypotesis batay sa kinalabasan ng pag-aaral.
 Pag-uugnay ng mga impormasyon sa iba pang bahagi ng resulta at pagtalakay o
cross-referencing.
 Pag-uugnay ng kinalabasan sa iba pang pag0-aaral o literatura

50

You might also like