You are on page 1of 21

The Great Plebeian College

Alaminos City, Pangasinan


A.Y. 2021-2022

Modyul 2
Sa
FIL 207

KASANAYANG
PANGWIKA
3:00 – 4:00
MWF

Associate College Instructor:


JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com

1
I. Pamagat
Pagsasalita

II. Lagom Pananaw


Sa module na ito matatalakay at mapag-aaralan, nang mas malawak ang
kahalagahan ng pagsasalita, mga iba’t ibang uri at salik ng pakikipagtalastasan na
maaaring magamit upang mas lalong mapagbuti ang paraan ng pagsasalita at
pakikipagkomunikasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ganoon din na matatalakay ang mga kinakailangan na sangkap sa pagsasalita
upang mas malinaw ang pagkakaunawaan maging ang katangian at kasanayan ng isang
indibidwal sa pakikipag-ugnayan at pakikipanayan. Nakapaloob din sa modyul na ito
ang iba’t ibang uri ng pakikipagtalastasan na kadugtong na ng ating pamumuhay, mga
pang-araw-araw na gawain.

III. Layunin
 Nabibigyang kahuluganang pakikinig at natatalakay ang pagkakaiba ng pagsasalita sa
pakikinig at naisasaalang alang ang pag-aaral ng pagsasalita
 Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng sitwasyon o karanasan kung saan nagagamit
ang mga tungkulin ng wika
 Nakikilala at napapalawak ang kakayahan sa pakikipagtalastasan
 Nakalilika ng mga sulatin at uri ng talastasan na nakapaloob sa mga uri ng aralin.

IV. Mga Nilalaman


 Kahulugan at kahalagahan ng pagsasalita
 Salik sa mabisang pagsasalita
 Kasangkapan sa mabisang pagsasalita
 Katangian ng mahusay na tagapagsalita
 Kasanayan sa pagsasalita

2
V. Talakayan/ Deliberasyon

PAGSASALITA

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsasalita

Ang pagsasalita ay nakatinig na anyo ng komunikasyon ng tao. Ginagamit


karaniwan ang pagsasalita sa araw-araw na pamumuhay. Dahil sa pagsasalita
nabibigyan ng mga posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o
ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa
kapwa. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsasalita)

Bukod sa pakikinig, ang pagsasalita ang ginugugulan ng tao ng kanyang


malaking panahon. Lahat ng wika ay sinasalita muna ng tao bago sinulat at binasa.
Sadyang mahalaga ang wasto at mabisang pagsasalita. Sa pamamagitan ng
pagsasalita nagkakaroon ng pagkakataon ang isang tao na makipagpalitan ng
kuru-kuro, maisalaysay ang mga karanasan at magpamana ng karunungan sa mga
susunod na salin ng lahi. Pagkabata hanggang sa pagtanda. Isang tiyak na
katotohanan, ang pagsasalita ay likas sa tao at maaari pang paunlarin.

Wala naman talagang makapagpapaliwanag kung paanong ang tao ay


nakapagsasalita, ang mga eksperto ay nagbigay lamang ng mga matalinong teorya
at mga pag-aaral kung paanong umuunlad ang paggamit sa wika ng isang tao mula
sa kanyang pagkabata hanggang sa pagtanda. Isang tiyak na katotohanan, ang
pagsasalita ay likas sa tao at maaari pang paunlarin.

Para kay Koch ang tao ay natututong magsalita sa pamamagitan ng paggaya


at pagpapalakas sa mga kasanayang kanyang nagaya. Pero ano nga ba ang titawag
nating pagsasalita? Narito ang ilan sa mga pahayag ng mga bantog na manunulat
hinggil dito:

Ayon kay Cruz ito ay karaniwang ipinakahulugan bilang isang akto ng pag-
uusap o palitang kuro ng hindi kukulangin sa dalawang kalahok.

Batay naman kay Garcia isa ito sa pinakamahalagang kasanayang pangwika


at ang unang natutuhan ng tao simula nang isilang sa pamamagitan ng kanyang

3
pag- uha. Dagdag pa niya, ito ay ang pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng
mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap.

Para naman kay Villafuerte, daan ito upang buong layang maipahayag ng
tao ang kanyang karapatan, saloobin at nararamdaman.

Ayon naman kay Javier, ito ang ginagamit upang mapanatili ang unawaan at
pagkakaisa ng mga mamamayan.

Maituturing din natin na sa apat (4) na makrong kasanayan, ang pagsasaita


pinakagamitin dahil kahit sa ating pagtulog tayo ay kalimitang nagsasalita rin. Ito
ay nagtataglay ng 35% ng kabuuang gawain ng tao. Lubhang makatotohanan ito
lalo’t higit sa ating mga guro, araw-araw ay humaharap tayo sa ating mga mag-
aaral na kinakailangan ang pagiging mataas sa paraan ng pagsasalita.

HAKBANG SA PAGSASALITA

 Pag-iyak - kapanganakan
 Cooing - 6 na lingo
 Babling - 6 na buwan
 Intonasyon - 8 na buwan
 Isang salita - 1 taon
 Dalawang salita - 18 buwan
 Salita (word inflection) - 2 ¼ taon (3 taon – 3 buwan)
 Tanong negatibo - 5 taon
 Matyur na salita - 10 taon

Kahalagahan ng Pagsasalita

Sinasabi natin na sadyang napakahalaga ng pagsasalita sa


pakikipagtalastasan. Unti-unting natutuhan natin ito sa mga taong nakapaligid sa
atin at sa nakakausap araw-araw. Sa pamamagitan ng mga tunog, pagmamasid, sa
mga kumpas, higit na umuunlad ang ating pagsasalita

Maraming kahalagahan ang pagsasalita dahil sasalamin dito ang pagkatao


ng nagsasalita, kung anong kaligiran ang kanyang pinanggalingan. antas ng
kanyang pinag-aralan at ang lawak ng karanasang kanyang natamo. Naglalarawan
din ito ng mga ugalin o kultura ng pagkalahi ng isang bansa tulad ng sa Pilipinas.
4
Salik sa Mabisang Pagsasalita

Ang mabisang pagsasalita ay nakasalalay nang malaki sa mga taong sangkot


dito. Masasabi rin natin na malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa
epektibong proseso ng komunikasyon.
Narito ang ilan sa mga salik sa mabisa at epektibong pagsasalita:

1. Kaalaman - mayroon tayong kasabihan sa ingles na, "You cannot say what you
do not know.” Upang maging isang epektibong tagapagsalita, kailangang may
sapat na kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay tulad ng:

a kaalaman sa paksang pag-uusapan upang maging kapani-paniwala ang


pagpapalitang kuro o paliwanag

b. sapat na kaalaman sa bokabularyo - kailangan na pagyamanin ang bokabularyo


hinggil sa iba't ibang paksa nang hindi maghahagilap ng mga salita sa sandaling
magsalita na tayo.

c. kaalaman sa gramatika o balarila- hindi magiging epektibo ang paggamit ng


salita at pagpapahayag ng mga pangungusap kung hindi tama ang aspekto ng
pandiwa o iyong tamang gamit ng iba pang bahagi ng panalita sa isang pahayag.

2. Kasanayan - dito mahalagang tingnan muna natin ang ating sarili sabi nga
sa wikang Ingles, “You cannot give what you do not have and you cannot share
what you do not know” Dahil dito, kailangan nating paunlarin pa ang ating sarili.
higit na pahusayin pa ang ating mga kasanayan sa puntong ito ng pagsasalita.
Tulad ng sinabi ni Carnegie, sa kanyarng aklat na pinamagatang “How to Develop
Self-Confidence and Influence People by Public Speaking kinakailangang
pagyamanin natin ang ating tapang at tiwala sa sarili.

Matatamo ito sa pamamagitan ng apat (4) na mahahalagang kaisipan:

a.) Magkaroon nang masidhing pagnanasang makapagsalita - gisingin ang interes.

b.) Maghanda - alamin at pag-aralan nang lubos ang sasabihin o paksang dapat
pag-usapan

c.) Kumilos ng may tiwala sa sarili

d) Magsanay nang magsanay sa pagsasalita

5
3. Tiwala sa Sarili - tumutukoy ito sa pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili,
kakayahan na isa sa mahalagang salik na dapat angkinin ng isang tagapagsalita.
Matukoy ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pamamagitan ng wastong
pagbibigay diin sa mga salita; pagkumpas kaugnay ng salitang binibigkas; tamang
tindig, wastong pagtingin at wastong pagbigkas ayon sa ipinahihiwatig ng paksa.

Kasangkapan sa Mabisang Pagsasalita

1. Pagkatao
Dapat mapupukaw ang damdamin ng mga tao habang ikaw ay nagsasalita
dahil dito ito ay iyong panlabas na kaanyuan ng mga tagapakinig

2. Kaalaman
Bilang isang tagapagsalita hindi maaari ang mayroon kang sobrang tiwala sa
sarili, dahil ang kaalaman ay hindi palagay sa sarili kahit anong pagsasalita, kahit
ito ay simpleng usapan lamang. Dahil maisasaalang- alang ang kaalaman ng
tagapagsalita kung siya ay may karaniwang pandama kaalaman, mahabang
kapakanan sa mga nakikinig at pansariling puna

3. Katibayang moral o kalinisan ng budhi


Ang tagapagsalita ay dapat may mapanghahawakan na katotohanan at di
dapat matakot makipag-usap kung ito ay pawang katotohanan.

4. Pagsasanay
Ito ay binubuo ng talumpati para mapahusay ang kasanayan sa pagsasalita,
para makihalubilo sa mabisang usapan. Ang kasanayan tagapagsalita ay hindi lang
dapat magsalita ng kahit ano, dapat din nilang sabihin nang maayos at may
diwang pangkaisipan.

5. Pamamaraan
Ang tagapagsalita ay may kakayahan na makagawa ideya sa pamamagitan
ng pahayag ng mukha at mga galaw. Ang tagapagsalita ay hindi lang maparaan sa
pagsasalita, dapat din nilang mapanindigan ito.

6
Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita

Upang naging mahusay na tagapagsalita itinuturing na katangian ang mga


sumusunod:

1.May maayos na kaanyuan - may wastong tindig at kagalang-galang, may


personalidad at wastong pananamit.

2. May lubos na kaalaman at layunin sa paksang pag-uusapan.

3. May malawak na kaisipan at matatag na damdamin.

4. May kasanayan sa wika, balarila at retorika.

5. Kawili-wili ang tinig, wasto ang intonasyon.

6. Malinaw ang pagbigkas ng salita.

7. Magiliw, magalang, mahinahon at marunong makitungo sa kapwa tao.

Mga Kasanayan sa Pagsasalita

May ibat ibang kasanayan nalilinang upang magkaroon ng epektibong


bunga ang pagsasalita. Sinasabing ito ay maaaring hatiin sa pormal o di-pormal na
Sitwasyon. Dito isasaalang-alang ang mga kasanayan tulad ng mga sumusunod:

1. Pakikipag-usap
 Ito ay ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
mga salita. Kadalasan to ay nagaganap sa mga impormal na
sitwasyon at pagtitipon. Ang paksa ng usapan ay may kaugnayan sa
sarili at maaaring pabago-bago o paiba-iba ang takbo ng usapan.

2. Pagbibigay ng panuto o direksyon


 Ginagawa o ginagamit ito upang mapabilis, mapadali at wastong
maisagawaang isang gawain o aktibidades. Ang layunin din nito ay
ipailiwanag kung paano gagawin ang isang bagay at kung paano
magagamit ang isang bagay.

7
3. Pakikipanayam
 Interview ito kung tawagin sa Ingles, na ang kahulugan ay
pakikipag-usap o pakikipagpulong ng isang taong kumakalap ng
impormasyon sa isang tao.

4. Pangkatang Talakayan
 Tuwirang pag-uusap ng isang malit na pagkat ng tao. Ang kasama sa
talakayan ay nagpapalitan ng mga temang pinag-uusapan.

5. Pagkukuwento
 Isang kasanayan sa pagsasalita na kung saan isinasalaysay ng
nagsasalita sa kanyang kausap an kaniyang karanasan, ang
pangyayaring kanyang nasaksihan o nabalitaan, atbp.
( http://tl.answers.com/Q/Kahulugan_ng_pagtatalo )

Gawain 1: Subukan natin:


Sa bahaging ito na gawain ikaw ay naatasang gumawa ng isang video na
nagpapakita ng isang kasanayan sa pagsasalita. Maaari itong kasangkutan
ng dalawa o tatlong tao lamang. Mamili sa mga kasanayang ito:
1. Pagbibigay ng panuto o direksyon
2. Pakikipanayam
3. Pagkukuwento

6. Pagtatalumpati
 Pasalitang pahayag na ang layunin ay makaakit at makahikayat sa
mga nakikinig sa mahahalagang paksang inilalahad.

Apat na Paraan ng Pagbigkas ng Talumpati

1. Pagbasa sa isinulat na talumpati


2. Pagbigkas mula sa balangkas ng talumpati
3. Pagbigkas mula sa buod ng mahahalagang paksang-diwa ng
talumpati.
4. Pagbigkas nang hindi pinaghandaano extemporaneous

8
Tatlong Katangian ng isang Mananalumpati

1. Kaalaman - maaaring gamitin ang pagmamasid, babasa at masusing pag-


aaral upang umunlad ang kaalaman

2. Pagtitiwala sa sarili- maitataguyod ito kung may sapat na kaalaman at


kahandaan sa talumpating bibigkasin.

3. Kasanayan - sanayin ang sarili na magsalita nang malakas at malinaw


ang himig
Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng Talumpati

1. Tindig - mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan nito ay masusukat


kaagad ng mga tagapakinig kung anong uri ng mananalupmpati ang nasa
harap nila.

2. Galaw - kung nasa tanghalan dalawa ang uri ng galaw na tinutukoy. Ang
galaw ng katawan kung lumilipat sa iba't ibang panig ng entablado o ang
galaw ng bahagi ng katawan kung kumukumpas, ang bawat galaw ay dapat
may kahulugan.

3. Kumpas - gumagamit ng kumpas upang bigyang-din.ang ipinahahayag.

Mga uri ng Kumpas


a. Nakalahad na palad nagpahayag ng pagtanggap o pagsang-ayon

b. dalawang braso napataas, nakatikom ang mga palad nagpapahiwatig ng


lakas at kalayaan.

c. .nakataob ang palad nagpapahiwatig ng pagtanggi

d. paggamit ng hintuturo - nagpapahiwatig ng atensyon sa isang bagay,


pagbabala, pagpaparatang at pagbibigay-direksyon

e. Kumpas na naglalarawan - nagpapakita o gumagagad ng hugis, laki o


kinalagyan ng isang bagay

9
4. Tinig - may iba’t ibang pagpapakahulugan sa isang pahayag dahil sa
tinig. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng bigkas, diin,
intonasyon, hinto at uri ng tinig.

5. Mukha - tumingin sa tao habang nagsasalita. Maaaring tumingin sa mata


o sa mukha ng manonood upang magkaroon ng interes at ng maramdaman
nila na sila ang kinakausap

Mahalagang Bahagi ng Talumpati

1. Panimula - naglalayong akitin ang kawiilhan ng mga nakikinig upang


kalugdan ang nagtatalumpati. Maaari itong simulan sa pamamagitan ng
talinhaga, kasaysayan, salawikain, anekdota o mula sa bibliyang
makapupukaw ng atensyon

2. Katawan - ipinahahayag ang pagpapatunay ng nagtatalumpati. Mabisa


ang katawan kung kapani-paniwala at makahikayat ang nagtatalumpati ng
kalakasan ng kanyang katwiran sa mga tagapakinig.

3. Wakas - kailangang bigyang-din ang paksa. llagay ang lahat ng


argumento at hikayatin na maisagawa ng nakikinig ang hamon.

Klasipikasyon ng Talumpati

1. Biglaan (Impromptu) - ito ay binibigkas na walang ganap na paghahada.


Nalalaman lamang ng mananalumpati ang kanyang paksang tatalakayın sa
oras ng kanyang pagtatalumpati
.
2. Daglian o Maluwag (extemporaneous) may makling panahon lamang ng
paghahanda. Ang magtatalumpati ay nakapaghanda lamang ng balangkas
upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati

3. Handa o lsinaulo - (Prepared or Memorized) binibigkas na may


mahabang panahon ng pagsulat, organisasyon at deliberasyon

10
Mga Uri ng Talumpati
1. Panlibang
2. Pampasigla
3. Panghikayat
4. Papuri
5. Pagbibigay-galang
6. Pagbibigay-impormasyon o kabatiran

Gawain 2: Subukan natin:


Bumuo ng isang talumpati patungkol sa isang paksa na nais bigyan ng
paliwanag o kaalaman na maaaring maibahagi sa iba. Maaaring ito ay
patungkol sa Edukasyon, Pag-ibig, Pangyayari sa isang pamayanan o mga
Kasalukuyang Pangyayari sa paligid.
Irecord ang video na tumatagal lamang ng 5 hanggang 8 minuto.

11
Rubriks sa paggawa ng talumpati

12
PANGANGATWIRAN

Ang pangangatwitran ay paaraan ng pagpapatunay ng isang


paniniwala at paninindigan. Layunin nito na manghikayat,mapaniwala at
mang- akit sa sariling panig ng mga nakikinig.
Ito rin ay paraan ng pagpapatunay ng isang katotohanan sa
pamamagitan ng sistematikong paglalahad ng mga katwiran mula sa payak
at magaan patungo sa mabigat na katwiran.

Katangiang Dapat Taglayin Ng Mabuting


Pangangatwiran

1. May sapat nakaalaman sa paksa


2. Mahalaga at napapanahon ang paksa
3. Nauunawaan ang paksang ipinagmamatwid
4. Makatarungan ang paksa para sa magkabilang panig
5. Ang katwiran ay makatotohanan
6. Marunong kumilala ng katwiran at bukas ang isipan
7. Napatutunayan ang katwiran sa pamamagitan ng ebidensya
8. May sapat na mga katunayan upangmagtagumpay ang ipinagmamatuwid
9. Ang pinagkukunan ng mga ebidensya o sanggunian ay
mapagkakatiwalaan
10. Ang paksang pinagtatalunan ay hindi pa nahatulan o na desisyunan
11. Mahinahon at mabilis mag-isip
12. Maliwanag at malinaw ang pananalita

Uri ng Pangangatwiran

 Pabuod (Inductive)- nagsimula sa payak patungo sa masaklaw. Mula


sa kilalang bagay, kalagayan, pangyayari patungo sa bagong
kaalaman
 Pasaklaw (Deductive)– nagsimula sa malawak na kaalaman
paatungo sa payak.
 Ang pagtatalong pormal/Debate- binubuo ng dalawang panig. May
tiyak na paksa, tiyak na panahon, oras at lugar na pangyayarihan

13
Alituntunin ng pagtatalo
1. Magkaroon ng isang proposisyon sa pagtatalo
2. Dapat malaman ang mga salitang gagamitin na may kaugnayan sa paksa
3. Magsaliksik ng mga mahahalagang tala o impormasyon na may
kaugnayan sa paksa.

Katangian ng mabuting Pagtatalo

1. May isang buod lamang ang paksa


2 Kawili-wili sa madla ang paksa
3. Payak at simple ang paksa
4. Nararapat na makapagbigay sa panig ng panag-ayon sa bigat ng
pagpapatunay
5. Napapanahon ang paksa
6. Nararapat na tumalakay sa isang maliwang na kapasyahan

Gawain 3: Subukan natin:


Magkakaroon ng isang pagtatalo patungkol sa isang napapanahong paksain:
“Pagpapabuka ng mga kabataan para sa pandemyang pangmalawakan”
Ito ay magaganap sa oras ng klase ng talakayan.

Pakikipag-usap
– pagpapalitan ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga salita.

• Kahalagahan
1. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap, ang isang tao’y maaaring
a. magkaroon ng mga kaibigan
b. makipagpalitan ng kuru-kuro
c. matuto ng bagong kaisipan
d. makabuo ng paniniwala
e. makabuo o makasira ng mabuting pagsasamahan
f. maaari naming makayamot at makapagpagalit sa kausap

2. Ang karanasan sa pakikipag-usap ay nakatutulong sa isang tao upang maging matalas


ang pakiramdam.
3. Nagagamit ito sa pakikisalamuha sa lipunan.

14
• Katangian ng Mabisa at Malayang Pakikipag-usap
1. May layunin
2. Pagtutugunan ng dalawang panig
3. Maaaring iwasto ang usapan
4. May pokus at may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-uusap
5. Tiyak at tuwid ang usapn
6. Kakitaan ng paggalang sa isa’t isa
7. Likas, bukal at kusang-loob
8. Mapanlikha
9. May tiwla sa sarili
10. Nakakapagpaluwag ng loob

• Mga Hindi Dapat Ugaliin sa Pakikipag-usap


1. Ugaling lituhin ang kausap
2. Pagiging labis na palatawa
3. Ang panghihina
4. Ang hindi pakikinig
5. Ang kawalang interes sa kausap
6. Pagiging palapintasin
7. Ang pagiging atrasado sa pagbibigay kahulugan sa mga sinasabi ng kausap

• Mga Dapat Tandaan sa Pakikipag-usap sa Telepono


1. Huwag kalimutan ang pagbibigay-galang o pagbati. Kasunod nito ang
pagbanggit ng tanggapan o tahanan.
2. Magsalita nang malinaw, kagiliw-giliw at natural na tinig.
3. Kung ikaw ang tumatawag at naramdaman mong iniangat ang awditibo sa
kabilang dulo subalit walang nagsasalita, ikaw ang magsimulang magsalita.
4. Sakaling naroon ang iyong hinahanap at tinawag ng iyong kausap, huwag
mong kalimutang magpasalamat.
5. Matanda man o bata at maging katulong man ang kausap sa telepono ay
dapat na isaalang-alang ang kagandahang.

15
Pagkukuwento

Kwento – isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring


maaaring totoo o kaya ay kathang-isip lamang.

Maikling kwento – isang uri ng panitikan na may katamtamang habang


salaysay ng isang Natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay na
karaniwang may elemento ng drama.

• Layunin ng Pagkukuwento
1. Malibang
2. Masanay sa pagsasalita sa harapan ng ibang tao

• Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagkukuwento


1. Hangga’t maaari, piliin ang paksang napapanahon dahil magiging kawili-
wili ito sa mga tagapakinig lalo na kung bago ang paksa, lalo pa’t ito’y
naiuugnay sa kasalukuyang pangyayari.

2. Gumamit ng nga salitang nauunawaan ng mga tagapakinig. Iwasang


gumamit ng mga malalalim na salitang hindi kayang abutin ng
komprehensyon ng mga tagapakinig.

3. Iangkop ang paksa sa kinagigiliwan ng mga tagapakinig.

4. Gawing malinaw at tiyak ang aral na nais iparating ng kuwento sa mga


tagapakinig.

5. Bigyang buhay ang kilos, gawi at pananalita ng mga tauhang inilahad sa


pagkukuwento. Ang paggamit ng iba’t ibang istilo sa pagsasalaysay ay
nakapagdaragdag ng lalong pagkalugod ng mga tgapakinig.

6. Gumamit ng mga kagamitang pantanghalan at lumikha ng iba’t ibang


tunog, tulad ng isang tunog ng nasusunog na bundok, ulan, putok ng baril, at
iba pa.

16
• Pamantayan sa Pagkukuwentong Pasalita
1. Tiyaking alam na alam ang kwentong isasalaysay.
2. Balangkasin sa isip ang kwento bago isalaysay.
3. Iwasang banggitin ang mga di-mahahalagang bagay.
4. Gumamit ng mga angkop na salita sa pagkukuwento.
5. Isalaysay ang kwento na parang nakikipag-usap.
6. Sikaping maging masigla sa pagkukuwento.
7. Bigkasing malinaw ang mga salita.
8. Huwag magmadali sa pagsasalaysay.
9. Gawing katamtaman ang lakas ng boses
10. Tumindig nang matuwid.
11. Tumingin sa mga nakikinig.
12. Iwasan ang paggamit ng mga pangatnig na: at, saka, tapos, noong kuwan.

• Mga Uri ng Maikling Kwento


1. Katutubong kulay – naglalarawan ng pinangyarihan, ang ayos ng
pamumuhay at pag-uugali ng mga naninirahan, ang kanilang pananamit,
hanapbuhay, pagsasalita o ang kabuuan ng nasabing kapaligiran.

2. Pag-ibig – binibigyang-diin ditto ang mga pagtatangi hayag man o hindi,


ng dalawang pusong umiibig, ang pagliligawan, ang tampuhan at
pagmamahalan.

3. Katatkutan – naghahayag ng mga pangyayaring kagimbal-gimbal,


nakatatakot at nagdudulot ng lagim.

4. Kababalaghan – paksa nito ang mga pangyayaring di kayang


ipaliwanag ng isip. Taliwas sa karaniwang takbo ng kalikasan ang mga
pangyayari.

5. Katatawanan – nagpapatawa at nagdudulot ng kasiyahan sa mga


nakikinig.

6. Talino – humahamon sa katalinuhan ng mga mambabasa. Puno ng


suliranin ang mga pangyayari.

17
7. Pampagkakataon – lumalabas lamang tuwing may pagdiriwang o
okasyon.

8. Tagpuan – binibigyang-diin ditto ang kahalagahan at kabuluhan ng pook


na pinangyarihan ng kwento.

9. Tauhan – higit na pinahahalagahan ditto ang pangunahing tauhan.

10. Mabanghay – ipinakikita sa kwentong ito kung paanong ang


pangyayari’y nakapagdulot ng pagbabago sa pangunahing tauhan. Ang
madulang tagpo ay siyang bumubuo ng kalagayan ng pangyayari.

Pangkatang Talakayan

Pangkatang Talakayan – maayos na paraan ng masusing pagpapalitan ng


kuru-kuro o opinion na ang layunin ay makatipon ng mga kaalaman at
magbigay-halaga sa mga mabisang opinion ukol sa isang paksa o kaya’y
ihanap ng solusyon ang isang problema.

• Kabutihan ng Pangkatang TalaKayan


Ang mga kalahok ay nagtutulong-tulong upang maisakatuparan ang isng
tiyak na layunin sapagkat ito ay nababatay sa matino at makabuluhang
pagpapasya ng lahat ng mga kalahok.

• Uri
1. Impormal na Talakayan (round table)
- binubuo ng 5 – 10 tao
- pinamumunuan ng isang tagapangulo subalit aktibong lahat sa
pakikilahok

2. Talakayan ng isang hanay na itinakda (panel discussion)


- binubuo ng isang puno at mga kalahok
- nagpapalitan ng kuru-kuro o opinion tungkol sa isang suliranin ang
hanay sa jarapan ng pormal na tagapakinig
- may bukas na talakayan

18
3. Simposyum
- may 3 0 4 na tagapagsalita na ang bawat isa ay nagbibigay ng talumpati
na tatagal ng 5-7 na minuto
- layunin ng mga tagapagsalita na magbigay ng impormasyon tungkol sa
isang isyu
- may bukas na talakayan

4. Lektyur Porum
- isang tagapagsalita lamang ang nagbibigay ng impormasyon o panayam
sa isang isyu.
- may bukas na talakayan at pinamamahalaan ng isang Tagapamagitan

5. Talakayan ng Lupon
- may takdang oras ang talakayan
- gamitin ito sa mga organisasyon o samahan kung gumagawa Ng isang
plano upang maisakatuparan ang isang proyekto

• Katangian ng Makabuluhang Talakayan


1. Ang talakayan ay nauukol sa isang kapaki-pakinabang na paksa na
inilalahad bilang isang katanungan.
a. Lumilikom ng mga karagdagang kaalaman
b. Humanap ng lunas sa suliranin
c. Magbigay ng halaga

2. May kaayusan – gumagamit ng panggabay na katanungan


3. Ang bawat kalahok ay gagamit ng masusing pag-iisip.
4. Ang mga kalahok ay gagamit ng wika, tinig at kumpas.
5. Ang lahat ng mga kalahok ay masiglang nakikilahok.

• Istilo ng Pagpapalitang-kuro sa Isang Pangkatang


Talakayan
1. Gulong – Ang sentral na kalahok ay ang tagapangulo ng talakayan.
Malaya siyang makikipagtalakayan sa lahat ng kalahok ngunit ang mga
kalahok ay hindi nakikipagtalakayan sa kapwa kalahok.
2. Tanikala – ang tatlong sulok na magkakalapit sa gitna ay malayang
nakapagtatalakayan sa bawat isa at ang dalawang nasa ibaba ay maaari
lamang makipagtalakayan sa katabi nila.

19
3. Pabilog – ang bawat kalahok ay maaaring makipagtalakayan sa
dalawang magkabilang tabi niya kaya higit ang pagkakataon ng bawat isang
lumalahok sa talakayan.
4. Talakayang Panlahat – ang lahat ay malayang makipagtalakayan sa
bawat kalahok

Pagbabalita
- Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa ating lipunan.
- Laglalayong ipabatid sa mamamayan ang mga huling kaganapan sa
larangan ng ekonomiya, pulitika at kultura.

Pag-uulat
- Isang anyo ng paglalahad na nagbibigay ng isang mahalagang
impormasyon sa isang paksang tatalakayin.
- Halimbawa: pag-uulat sa bagong tuklas na gamut sa larangan ng
medisina
Ang resulta ng isang pagsusulit ay ipinapaalam ng guro sa mga mag- aaral.

Sabayang Pagbigkas
- Isang masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo
ng panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbasa o pagbigkas nang
malakas ng isang pangkat.
- Isang matimbang at maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng
iang uri ng kaisipang masining at madamdamin.

Mga Uri ng Sabayang Pagbigkas

1. Payak na anyo
2. Sabayang pagbigkas na walang kilos
3. Sabayang pagbigkas na may maliliit at angkop na kilos
4. Madulang sabayang pagbigkas a ang dulang patula – tinaguriang ganap
na dulaan o “total theater”

20
Panghuling gawain: IULAT MO:
Mangalap ng isang pangyayari na nagaganap sa iyong paligid, sa isang
maikling pagtatala sa pamamagitan ng video recording, ikaw ay naatasang
maging isang tagapagbalita. Kagaya ng mga napapanood na mga
tagapagbalita, kinakailangan na ang nilalaman ng iyong video ay kaaaya-
aya, pormal at kakikitaan ng pagiging isang propesyunal na tagapagbalita.
Isumite ang iyong video sa iyong instructor sa itinakdang panahon (50 pts)

VI. Sanggunian

Komunikasyon Sa Akademikong Filipino (Filipino 1) Batayan At Saligang Aklat; Antas


Terserya, 2016. Prof. Jeraldine Bautista – Fernandez, Et. Al

https://cyanobacterias.wordpress.com/2015/02/08/hello-again/

https://pdfcoffee.com/kasanayan-ng-pagsasalita--pdf-free.html

21

You might also like