You are on page 1of 9

FILIPINO 101

(Final Period)
Sanligan ng Modyul
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagpapaunlad ng apat na makrong kasanayang
pangwika; pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat gamit ang ibat ibang tekstong
Filipino. Sa pamamagitan nito magagamit ng mga mag-aaral ang kanyang kasanayang
pangwika sa mabisang pakikipagkomunikasyon ayon sa kanyang pangangailangan at
kanyang kapaligiran.
Pangkalahang Layunin
1. Lalong mapaunlad ang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita para sa aktibong
pakikilahok sa mga gawaing pangklase at maging sa labas ng paaralan at pamayanan.
2. Makapagpahayag nang wasto, malinaw at epektibong mga kaisipan at pananaw.
3. Mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagbibigay kahulugan sa
mga tekstong napakinggan at nabasa.
4. Malinang at mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat nang wasto at maayos na
komposisyon tungkol sa isang paksa o isyu.
PAKIKINIG
Lesson (1)
Panimula
Lahat ay kailangang making upang maging mahusay na komunikeytor kapag mahusay
na napakinggan ang sinasabi ng ispiker, magiging madali ang unawaan. May mga tao
na hindi marunong making at palasabat sa usapan, kaya nagkakaroon nang di ganap
na unawaan. Kapag kayoy nakinig, maaari tayong makipagtanong at makipagpalitan ng
kuru-kuro o palagay. Yumayabong an gating kaalaman sa pakikinig at nalilimi natin ang
bagong informasyon sa ating napakinggan. Mas kailangan nating making nang madalas
kaysa sa iba pang gawaing pagkomunikatibo.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pakikinig.
2. Naipaliliwanag kung paano nagaganap ang pakikinig.
3. Natutukoy at nakikilala ang ibatt ibang uri ng pakikinig.
4. Naipaliliwanag kung paano naging epektibong tagapakini
Gawain
Magtala ng mga trabaho o hanapbuhay na mahigpit na nangangailangan ng epektibong
pakikinig. Ipaliwanag ang inyong bawat sagot.
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pakikinig at anu-ano pa ang iyong gustong
malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ang pakikinig ay isang komplikadona proseso. Ang proseso ng pakikinig ay nahahati sa
ibat ibang yugto ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Ang unang yugto ay
resepsyon o pagdinig sa tunog mapipikit natin ang ating mata ngunit hindi mo naisasara
ang iyong ang iyong tainga lagi itong bukas sa mga tunog sa mga tunog na nagsisilbing
stimuli. Ang wave stimuli na iyon ang nagdaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Ang pangalawa ang rekognisyon o pagkilala sa tunog na kinikilala natin ang tunog hindi
lamang bilang ingay kundi bilang reyalidad. Ang pangatlo ay pagbibigay kahulugan. Ito
ay nakabatay sa dalawang naunang yugto at kung gayoy mahigpit na nauugnay sa
dalawa, ang pagbibigay kahulugan sa tunog ay higit na diskriminatibong yugto.
Upang maging epektibong tagapakinig, kailangan nating isaalang-alang ang ilang
elementng nakaiimpluwensya sa proseso ng pakikinig.
a. Oras- sadyang may mga oras na ang ating pandinig ay handang-handa ngunit may
mga oras ding kulang iyon sa kahandaan.
b. Channel- madlas, ang daluyan ng tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig. Kapag
ikay nakikipag-usap sa telepono o radio, magiging Malabo ang pagkakadinig mo sa
mga salita.
c. Edad- karaniwang mahina pa ang kakayahan ng mga bata sa pagbibigay kahulugan
ng narinig samantalang karaniwang humihina na ang pandinig ng mga matatanda.
d. Kasarian- may mga tao na higit na nakikinig sa babae kung paanong may iba naming
sa lalaki o kung ano ang preperensya nito.
e. Kultura- hindi maihihiwalay ang kultura sa pakikinig. Sa pagbibigay ng kahuilugan sa
mga tunog na narinig, ang isang tao ang lagging naiimpluwensyahan ng kanyang
kultura.
f. Konsepto sa sarili- ang pagkakaiba-iba n gating pananaw ay maraming
makaimpluwensya sa proseso ng komunikasyon.
Kailangang linangin sa bawat tao ang kanyang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat
ay magkaroon ng epektibong komunikasyon ngunit paano ito naisasakatuparan? Narito
ang ilang mungkahi:
1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging mensahe.
2. Tulungan angkausap na linawin ang kanyang mensahe.
3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
4. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa narinig.
5. Pagtuunan ang mensahe.
6. Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.
7. Patapusin ang kausap.
Gawain
a. Tukuyin ang mga elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
B. magbigay ng tatlong mungkahi kung paano ang isang tao ang magiging epektibong
tagapakinig at ipaliwanag ang iyong sagot.
PAGSASALITA
Lesson (2)
Panimula
Ang isang taong epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na
medaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. Ang isang taong kulang ang kasanayan
sa pagsasalita ay nahihirapang ikintal sa isipan ng ibang tao. Ang kanyang halaga at
natatanging katauhan. Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang kabiguang
maipahayag ang sarili nang epektibo ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho
ng mga pangarap ng isang tao.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibibigay at naipaliliwanag ang kahalagahan ng kasanayan sa mabisang
tagapagsalita.
2. Naisa-isa at natatalakay ang mga pangangailangan sa mabisang pagsasalita.
3. Natutukoy at naipaliliwanag ang mga kasangkapan ng isang epektibong
tagapagsalita
Gawain
Obserbahan ang paraan ng pagsasalita ng mga kilalang pinuno ng inyong komunidad,
paaralan, at bansa. Itala ang mga naobserbahan mong katangian nila sa kanilang
pagsasalita sa harap ng isang tao, sa harap ng maliit na pangkat at sa harap ng
malaking pangkat. Suriin din ang himih, paraan ng pagsasalita, tono at ang ekspresyon
ng kanilang mukha.
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagsasalita at anu-ano pa ang iyong gustong
malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang
katangiang ipinagkatulad sa isat isa. Lahat sila ay may mataas na antas ng
kakayahang magpahayag ng ideya na kanilang naging kasangkapan upang umakit ng
mga tagahanga at tagasunod. Marami na ang natanyag at nagtagumpay bunga ng
kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita sa paraang kinalulugdan ng mga
tagapakinig. Ngunit ang kasanayang nagpatanyag at nagpaunlad sa kanilang lahat ay
isang kasanayang maaring linangin ng sino mang indibidwal sa kanyang sarili.
Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga participant nito kung
gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng
komunikasyon.
1. Kaalaman- you cannot say what you do not know, kaya kailangang ang isang
tagapagsalita ang may sapat na kaalaman hinggil sa ibat ibang bagay:
a. Paksa ng usapan
b. Bokabularyo
c. Gramatika
d. Kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo.
2. Kasanayan- kailangang may sapat na kasanayan sa mga sumusunod:
a. Pag-iisip ng mensahe sa pinaka maikling panahon.
b. Paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas
at iba pang anyong di- berbal.
c. Pagpapaghayag sa ibat ibang genre tulad ng pagsasalaysay,paglalarawan,
pagllahad at pangangatwiran.
3. Tiwala sa sarili- ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi
o hindi palakibo, may mahinang tinig, garalgal na boses, mabagal na pananalita, pautal-
utal magsalita.
Paano makukuha ng isang nagsasalita ang inaasahan niyang reaksyon sa kanyang
tagapakinig? Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng kanyang mga kasangkapan
sa pagsasalita.
1. Tinig- ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita, kinakailangan ang
tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit pakinggan.
2. Bigkas- napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Ang maling
pagbigkas sa mga salita ay maaaring may bunga ng ibang pagpapakahulugan.
3. Tindig- sa isang tagapagsalita napakahalaga ng tindig kinakailangang may tikas, ika
nga, mula ulo hanggang paa.
4. Kumpas- ang kumpas ng kamay ay importante rin. Kung wala ito ang nagsasalita ay
mag mukhang tuod o robot.
5. Kilos- sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw. Ang
mga mata, balikat, paa at ulo.
Gawain
1. Anu-anong kaalaman ang kailangang taglayin ng isang tao upang siyay maging
isang mabisang tagapagsalita.
2. Anu-ano ang kasanayang kailangang taglayin ng isang tao upang siyay maging
isang mabisang tagapagsalita.
3. Anu-ano ang mga kasangkapan ng isang nagsasalita.
4. Magbigay ng tatlong kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsasalita.
Talakayin ang bawat isa.
PAGBASA
Lesson (3)
Panimula
Ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin
at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ang pagbasa ay isa sa apat
na kasanayang pangwika, kasama nito ang pakikinig, pagsasalita at pagsulat.
Ang pagbabasay makatutulong sa pagtuklas ng karunungan sa ibat ibang larangan.
Naghahasa ito ng kaisipan ng tao, nakapagdaragdag ng kaalaman, nagpapalawak ng
pananaw, nagbibigay ng kasiyahan, at nakapagdadala sa isang tao sa ibat ibang lugar.
Nagbubukas din ito ng daan upang matuto sa ibat ibang disiplina katulad ng Pilosopiya,
Sikolohiya, Humanidades, mga Likas na Agham, Agham Panlipunan, Kasaysayan,
Matematika, Panitikan at iba pa.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng kasanayan sa pagbasa.
2. Naibibigay ang kahalagahan ng kasanayan sa pagbasa
3. Naisa-isa ang mga yugto ng pagbasa
4. Natutukoy at natatalakay ang ibat ibang uri ng pagbasa.
5. Nagagawa ang mga inaasahang makrong kasanayan sa pagbasa.
Gawain
Basahin ang kwentong Tanging Pamana ni Hilario Coronel at sagutin ang mga
sumusunod.
Mga Sanhi kung
Mga epekto ng bakit nagtatagumpay
pagiging mahigpit ng sa pag-aaral ang anak
ama
Para sa iyo, alin ang higit na epektibong paraan ng pagdidisiplina sa anak, sa
pamamagitan ba ng pamalo o sa pamamagitan ng pangaral o diplomasya? Bakit?
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagbasa at anu-ano pa ang iyong gustong
malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ano ang pagbasa? Ang pagbasa ay pagpapakahulugan o pagsasabi sa diwa o sinasabi
ng mga nakalimbag na sagisag ng kaisipan.
Pagbasa- pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag. Ayon kay William S. Gray Ama ng Pagbasa ito ay nagaganap sa apat na
yugto.
1. Ang pagbasa ng akda
2. Ang pag-unawa sa binabasa.
3. Ang reaksyon sa binasa.
4. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman mula sa binasa at
ng dating karanasan.
Ang pagbasa ay mauuri ayon sa layunin at paraan. Sa layunin, masasabing ang mga ito
ay masusi at masaklaw samantala sa paraan, maaring ito ay tahimik na pagbasa (silent
reading), pasalitang pagbasa (oral reading), mabagal na pagbasa at mabilis na
pagbasa. Narito ang mga aytem na dapat isaalang-alang sa bawat uri ng pagbasa.
1. Masusing pagbasa- mapanuri at kritikal na pagbasa, ang emphasis nito ay nakatuon
sa pag-aaral sa mga nilalaman at istruktura ng texto.
2. Masaklaw na pagbasa- nakatuon ang pag-unawa sa pangkalahatang nilalaman ng
binabasa at hindi sa mga tiyak o ispisifikong detalye ng akda.
3. Pasalitang pagbasa- pagbasa ito sa isang texto na inangkupan ng wastong
pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at
maunawaan ng mga tagapakinig.
4. Tahimik na pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagana sa uri ng
pagbasang ito. Walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog na salita
ang nalilikha ng bumabasa ng texto.
5. Mabagal na pagbasa- hindi ito undertime-pressure na pagbasa. Ipinahihiwatig dito
na mahalagang-mahalaga na pag-ukulan ng interes ang mga salita sa akda. Ang
mabagal n apagbasa ay ang unang bilis sa pagbasa na tinatawag na study speed.
6. Mabilis na pagbasa- ito ay tinutukoy sa Ingles sa scanning at skimming na ginagamit
na paraan sa pagkuha at pagpili ng pangunahin at pagtingin sa kabuuan ng aklat bago
tuluyang basahin. Ito ay pagriribyu sa aklat ng mga kinakailanganing imformasyong
kaugnay ng paksang sasaliksikin.
Mga ibat ibang kasanayan sa Pagbasa
a. pagtukoy sa pangunahing kaisipan
b. pagkuha sa mga mahalagang detalye
c. pagtukoy sa sanhi at at bunga
d. paghahambing at pag-uuri-uri ng mga kaisipan
e. pagtukoy sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
f. paghihinuha
g. pagbibigay ng mga opinion at reaksyon
h. pag-unawa sa mga idyoma at tayutay.
Gawain
a. Magbigay ng mga halimbawang seleksyon sa nabibilang sa dalawang uri ng pagbasa
ang masusi at masaklaw.
b. Basahin ang kwentong Walang Panginoon ni Deogracias Del Rosario
ibigay ang buod nito at magbigay ng reaskyon at komento.
PAGSULAT
Lesson (4)
Panimula
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o isa sa ano mang kasangkapang maaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan. Ayon kay Dr. Lydia
R. Lalunio ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan, ang bunga ng
intereksyong proseso ng mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na konteksto na
nakaapekto sa pagkakatuto.
Napananatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limo tang kasaysayan ng isang
bansa. Ang mga nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi kayat malalaman nila ang
pinagdaanan ng kanilang bansa.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat.
2. Natatalakay ang kahalagshan ng kasanayan sa pagsulat.
3. Nakikilala, natutukoy at naipaliliwanag kung ano ang talata.
4. Nakasusulat ng isang maayos at malinaw na talata batay sa isang pamaksang
pangungusap.
5. Nagagamit ang angkop at wastong bantas sa pagsulat ng komposisyon.
6. Nakasusulat nang wasto, malinaw at maayos na komposisyon.
Gawain
Sumulat ng isang talata batay sa pamaksang pangungusap na ito: Nakita ko sila sa
parke bagamat hindi nila ako napansin.
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagsulat at anu-ano pa ang iyong gustong
malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ang pagsulat ay kapwa isang fisikal na mental na aktiviti na ginagawa para iba't ibang
layunin. Ito ay fisikal na aktiviti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa
papel, o sa pagpindot ng mga keys ng typewriter o keyboard ng computer. Ginagamit
din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writing output kahit pa ito ay
isang ehersisyo ng pagsasatitik ng ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng
development at patern ng organizasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga
tuntunin ng wikang ginamit.
MGA YUGTO NG PROSESO NG PAGSULAT
a. Prewriting
b. Drafting
c. Revising
d. Editing
e. Final Document
Ang Talata ay isang pangungusap o grupo ng mga pangungusap na inorganiza upang
makadevelop ng isang ideya hinggil sa isang paksa bilang bahagi ng isang
komposisyon o upang magsilbing pinakakomposisyon mismo. Ang talata ay binubio ng
isang pangungusap ay maaring kahit na anong uri ng pangungusap.
PAGBABANTAS
Tuldok (.) - ginagamit bilang panapos sa pangungusap na paturol at sa ilang
pangungusap na may himig-pautos o pakiusap
Tandang Pananong (?) - bilang panapos sa pahayag na patanong?
Sa loob ng panaklong, bilang pananda sa isang tala o pahayag na walang katiyakan.
Tandang Panadamdam (!)- sa mga pagpapahayag at bukambibig na nagsasaadng
masidhing damdamin.
Kuwit(,)- upang paghiwalayin ang tatlo o magkakasunod na salita o kipil ng diwang
magkakatulad ng tungkulin sa pangungusap.
*upang ihiwalay ang pangangalang panawag sa iba pang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang pangalan ng nayon sa bayan, ng bayan sa lalawigan, ng lalawigan
ng bansa, o ng kau-kaukulang baha-bahagi ng pook.
*upang ihiwalay ang bilang ng araw o buwan sa taon.
*upang ihiwalay ang nangungunang sugnay sa pang-abay sa iba pang bahagi ng
pangungusap.
*upang ihiwalay ang tuwirang sabi sa ibang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang tuwirang sabi sa ibang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang tuwirang sa ibang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang tuwirang paturol na bahagi sa patanong na bahagi ng
pangungusap.
Tuldok-kuwit (;)- sa pagitan ng mga sugnay na hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
*Sa pagitan ng mga sugnay na pinag-uugnay ng mga pangatnig.
Tutuldok(:)- Upang ilahad ang magkakasunod na mga bagay na inilalahad isa-isa.
*Sa isang pahayag na nangangailangan o sinusundan ng isang pagpapaliwanag.
*Sa diwa ng pangungusap na nangangailangan ng pigil na pagbigkas upang sundan ng
bahaging binibigyang-diin ng sumusulat.
*Sa bating panimula ng mga formal na liham.
Tulduk-tuldok(....)- kapag sa loob ng pangungusap ay may salita, kaisipan o anumang
bahaging kinaltas.
*Sa pagpapahayag na may pag-aatubili, pag-aalinlangan o pagkakaantala.
Kudlit (')- sa pagpipisan ng magkasunod na salaita at pangatnig na at o ay upang
mapaikli ang pagsulat at pagbigkas.
Panaklong ()- ginagamit sa mga salita, parirala, o pananda o sagisag at sa anumang
kipil ng kaisipan bilang karagdagang diwa sa pagiging ganap at malinaw na
pagpapahayag.
Panipi (" ")- upang kulungin ang isang tuwirang sabi kung iyon ay hindi magagawang
maitalizado.
*upang kulungin ang buong pamagat ng isang likhang sining.
*upang kulungin ang mga salitang hinango sa mga banyagang wika na hindi pa laganap
ang paggamit ng bayan.
Gawain
Sumulat ng isang komposisyon sa paksang napili gamit ang ibat ibang uri ng bantas.

You might also like