You are on page 1of 7

Modyul MAKRONG KASANAYANG

IV PANGWIKA: PAKIKINIG
LAGOM-PANANAW

Sa modyul na ito matatalakay ang pinakaunang makrong kasanayang nililinang


sa isang nilalang. Lubos mong mauunawaan kung paanong ang isang makrong
kasanayan ay napakahalaga sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

Sa pagtatapos ng pag-aaral o talakayan sa modyul na ito, ikaw


ay inaasahang:

▪ Matutunan ang mga bagay na kailangang malaman tungkol


sa pakikinig
▪ Magagamit ang kasanayan sa pakikinig sa iba’t ibang
kalagayan o sitwasyon
a. Makapagtatala ng detalye batay sa kung ano ang
nagaganap sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng
pakikinig ng balita
▪ Mailalahad ang mga nakakaimpluwensiya sa pakikinig

PAGBASA AT PAG-UNAWA

Ang paksang tatalakayin at bibigyang liwanag natin sa modyul na ito ay ukol sa


Pakikinig bilang makrong kasanayang pangwika. Ang pakikinig ay isa sa mga makrong
kasanayang kinakailangang pagtuunan ng panahon, pansin at pagsasanay upang
maging mahusay at mabisa ang iyong paggamit ng wika. Upang makamit ito, ang
masusing pag-unawa sa paksang ito ay sadyang kinakailangan.

24
1 PAKIKINIG

Ang pakikinig ang pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog na napakinggan.


Nangangahulugan ito ng pagdinig nang may layunin – ang pag-unawa sa kahulugan
ng mga salita at pangungusap na narinig.
Ano ang pagkakaiba ng Pagdinig at Pakikinig
Bagama’t magkaiba ang pagdinig (hearing) at pakikinig (listening),
magkaugnay ang dalawa sapagkat hindi maaaring mangyari ang tunay na pakikinig
kung walang pagdinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang pagdinig.

Ang Proseso ng Pakikinig


Sinabi ni Kline (2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ito ay
dumadaan sa tatlong magkakasunod na hakbangin:

PAGDINIG ATENSYON PAG-UNAWA

Samakatuwid, ang tatlong mahahalagang proseso ng pakikinig ay ang pagdinig,


atensyon, at pag-unawa. Ang pakikinig bilang isa sa apat na makrong kasanayang
pangwika ay nagtatapos sa pag-unawa sa mensaheng nais ipabatid ng nagsasalita.
Bagaman mahalaga ang pagtugon (feedback) sa buong proseso ng komunikasyon,
hindi ito itinuturing bilang lohikal na bahagi ng pakikinig (Kline, 2006).

Salik na nakakaimpluwensiya sa Pakikinig


1. Mga Pisikal na Salik. Ang mga pisikal na nakakaimpluwensiya sa pakikinig ay
maaaring may kinalaman sa sarili ng tagapakinig o kaya may kaugnayan sa mga
panlabas na bagay.

25
2. Bakgrawn. May mga bagay na sinasabi ang spiker na hindi natin maunawaan o
kaya nabibigyan ng maling pag-unawa’t interpretasyon dahil hindi natin lubos
na naiintindihan ang mga salitang ginagamit niya.

Layunin ng Pakikinig
Nakikinig ang tao para tumanggap ng mensahe, makapag-ukol ng atensyon,
maayos na mainterpret o matuklasan ang kahulugan ng mensahe, matandaan ang
narinig, at makapagbigay ng kasagutan.

Kahalagahan ng Pakikinig
Batis ng kaalaman ang pakikinig. Ang taong masinsinang makinig ay hindi
lamang nakakaangkin ng malawak na kaalaman, gayundin, tumitindi ang kakayahan
niyang umunuwa.

1. GAWAIN 4.1 Sagutin ang mga sumusunod:

Pakikinig ng Musika
1. Makinig ng isang musical klasikal (walang liriko). Pumikit habang nakikinig.
Pagkatapos mong mapakinggan ang musika, kumuha ng papel at
lapis/bolpen/kagamitang pangguhit. Gumuhit ng anumang bagay/sitwasyon na
naiisip nang pinakikinggan ang musika. Isulat sa ibaba ng guhit ang iyong
paliwanag.

26
2 URI NG PAKIKINIG
Bawat tagapakinig ay may kani-knaiyang layunin sa gawang pakikinig at ito’y ang
mga sumusunod:
1. Kaswal. Pampakondisyon lamang kaya’y pampalipas oras na nakagawiang
pakikinig ito.
2. Impormal. Karaniwan na ang ganitong uri ng pakikinig sa mga estudyante na
tipong napipilitan lamang dahil may dapat isagawang rekisito ng isang kurso.
3. Kritikal. Kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal, ebalwatib at apresyatib.
Masinsin ang lebel ng pagsusuri, tinitingnan lahat ng anggulo, ang
pagkakatulad at pagkakaiba, gayundin ang reaksyon dito’t paghusga, sa gayon,
mabigyan ng obhektibong pagpapahalaga.

Dalawang Mahalagang Kasanayan sa Kritikal na Pakikinig


1. Pagrebyu at Pagrebyu habang nakikinig. Inaantisipeyt o hinuhulaan natin
nang matalino ang patutunguhan ng sinasabi ng ispiker o ang kanyang susunod
na punto.
2. Pagbabalangkas habang nakikinig. Bilang kritikal na tagapakinig tinutukoy
natin ang layunin at tesis o pangunahing ideya (main idea) ng ispiker.

Upang maging isang mahusay na tagapakinig, narito ang mga katangiang dapat
mong taglayin bilang isang tagapakinig:
1. Intresado sa pinag-uusapan o paksang tinatalakay.
2. Nakakakilala ng mga pangunahing ideya.
3. Nagbibigay-atensyon sa paraan ng pagpapahayag at itsura ng nagsasalita o
interlokyutor.
4. Kalmado, hindi emosyonal sa ilang sensitibong paksang sumusulpot.
5. Hindi nagtatangkapng sapawan ang kaisipang inihahayag ng nagsasalita.
6. Hindi nagsasalita para sa pansariling kapakanan ng pagpapakitang-gilas ng
sarili.
Ang mga kabaliktaran naman ng mga kababanggit, samakatwid, ang mga
katangian ng isang di-marunong makinig na karaniwang hindi natututo, kaya’y
mahina sa pakikipagkomunikasyon.

27
Mga Paalala para maging mahusay na Tagapakinig
1. Ibigay ang iyong buong atensyon sa taong nagsasalita.
2. Siguraduhing nakapokus ang iyong isipan sa sinasabi ng nagsasalita. Huwag
hayaang lumihis ito sa pinag-uusapan.
3. Hayaang tapusin muna ng nagsasalita bago magsalita. Ang pag-iisip kung ano
ang iyong sasabihin pagkatapos magsalita ang ispiker o kausap ay patunay na
hindi ka nakikinig sa kanya.
4. Tapusin muna ang iyong pakikinig bago masalita.
5. Bigyang atensyon ang mga pangunahing ideyana sinasabi ng ispiker.
6. Magtanong kung hindi malinaw ang iyong pagkaunawa sa sinasabi ng ispiker.

Tatlong Kailanganin o Rekisito sa Pagpapaunald ng Kahusayan sa Pakikinig


Mapahihinusay ang pakikinig ng isang tao kung bibigyang-pansin ang mga
sumusunod na kailanganin:
1. Maglaan ng nababagay o kondyusib na kapaligiran, iyong malayo sa ingay at
iba pang mga nakakadistrak o nakasisira ng atensyon, sa gayon, malakas na
nakapagsasalita para sa lahat ang interlokyutor.
2. Pumili ng mga paksang kaiinteresan ng mga nakikinig
3. Magbigay ng mga katangi-tanging pagsasanay para mapaunlad ang
kakayahang makinig

2. GAWAIN 4.2 Sagutin ang mga sumusunod:

A. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag. Isulat sa patlang bago ang bilang ang
bawat kasagutan.
__________________ 1. Ang unang hakbang sa pakikinig. Ano ito?
__________________ 2. Pinakahuli subalit pinakamahalagang proseso ng pakikinig.
__________________ 3. Sa uri na ito ng pakikinig ay masinsinan ang isinasagawang
pagsusuri, lahat ng anggulo ay tinitingnan, gayundin ang
reaksyon dito’t paghusga, nang sa gayon ay mabigyan ng
obhektibong pagpapahalaga.
__________________ 4. Pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog na napakinggan.
__________________ 5. Pampalipas oras lamang ang isinasagawang pakikinig.

28
B. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama ang pahayag at
kung may mali ang pangungusap, salungguhitan ang salitang nagpapamali at isulat
sa patlang bago ang bilang ang tamang salita.

__________________ 1. Siguraduhing nakapokus ang iyong isipan sa sinasabi ng


nagsasalita
__________________ 2. Hindi nagtatangkapng sapawan ang kaisipang inihahayag
ng nagsasalita.
__________________ 3. Magbigay ng mga kaaya-ayang pagsasanay para mapaunlad ang
kakayahang makinig
__________________ 4. Nagbibigay-atensyon sa paraan ng pagpapahayag at itsura ng
nagsasalita o interlokyutor.
__________________ 5. Tapusin muna ang iyong pakikinig bago magtanong.

Binabati kita! Napakagaling mo!


Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin.
Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga
napag-aralan natin sa araw na ito.
Bagaman tapos na tayo sa araling ito,
ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na
namang aralin, ang Modyul V: Ang Makrong
Kasanayang Pangwika: Pagsasalita.

LAGOM
▪ Unang makrong kasanayang nililinang sa isang indibidwal ay ang
pakikinig. Ito ang pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog na
napakinggan.
▪ Ang proseso ng pakikinig na sinusunod upang magkaroon ng epektibong
pag-unawa sa napakinggan, una ang pagdinig at upang maunawaan ang
naririnig na tunog kinakailangang ituon ang atensyon at panghuli ay ang
malalim na interpretasyon ng napakinggan na binigyan ng atensyon.
▪ Tatlo ang uri ng pakikinig ayon sa layunin, ito ang kaswal, impormal at
kritikal.
▪ May dalawang mahalagang kasanayan sa kritikal sa pakikinig ang
pagrebyu at pagrebyu habang nakikinig at ang pagbabalangkas habang
nakikinig.

29
MUNGKAHING SANGGUNIAN

▪ https://www.youtube.com/watch?v=pzFRQw-HSdU
▪ https://www.youtube.com/watch?v=5_903zCc804
▪ https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-kasanayan-65959478
▪ https://iriscollarin.tumblr.com/post/111455257110/makrong-kasanayan-sa-
pakikinig
▪ https://ejournals.ph/article.php?id=7993

SANGGUNIAN

▪ Arrogante.J.A. et.al (2007) Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


National Book Store
▪ Arrogante.J.A. (2005) Retorika sa Mabisang Pagpapahayag. National Book
Store

MULA SA INTERNET

▪ https://www.slideshare.net/eliz_alindogan24/pakikinig-40336471
▪ https://www.coursehero.com/file/17706131/MAKRONG/
▪ https://www.slideserve.com/faye/kasanayan-sa-pakikinig

30

You might also like