You are on page 1of 59

PAKIKINIG

• aktibong pagtanggap at pag-unawa ng


mensahe
• pagtugong mental at pisikal sa mensaheng
nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe
(Mangahis, 2008).
Proseso ng Pakikinig
1.Pagtanggap ng mensahe/Pagdinig
 Ito ay mahalaga dahil nakasalalay rito and
pagbibigay ng reaksyon o tugon.
2. Pagpokus ng atensyon sa tinanggap na
mensahe
 Mahalagang unawain ang sinasabi ng isang tao para
nagkaroon ng pagkakaintindihan.
 tumutukoy sa pagsala ng utak ng mga mahahalagang
impormasyon na siyang bibigyan ng pokus ng
nakikinig.
3. Pag-unawa
• Ito ay tumutukoy sa pag-aanalisa sa
kahulugan ng mga simbolong napakinggan;
ang mga stimuli na napakinggan ay maaring
hindi lamang mga salita kundi mgaging mga
tunog o mga bagay na nakikita na nagbibigay
ng karagdagang kahulugan.
4. Pagpapakahulugan/ Pag-alala
 Tumutukoy ito sa pagbibigay ng
interpretasyon o kahulugan sa mga tunog na
naririnig na maaaring positibo o negatibo;
ang pagbibigay ng kahulugan ay depende sa
paraan ng pagkakasabi o paghahatid ng
mensahe sa mga tagapakinig.
5. Ebalwasyon
 Ito ay ginagawa ng mga aktibong tagapakinig;
tinitimbang ang mga patunay, iniaayos ang
mga impormasyong katotohanan at opinyon
at natutukoy ang pagkakaroon o pagkawala
ng bias sa isang mensahe.
6. Pagtugon
 Nagkakaroon na ng reaksyon ang tagapakinig
sa tagapagsalita na maaaring paglilinaw sa
nilalaman ng mensahe na hindi gaanong
naunawaan ng tagapakinig. Dito masusubok
kung naging matagumpay ang paghahatid ng
mensahe.
Mga Elementong
Nakaiimpluwensya sa Pakikinig
1. Edad o Gulang
• Ang komprehensyon sa pakikinig ay may
iba’t-ibang antas at depende rin ito sa edad
ng isang tao.
2. Kasarian
• May pagkakaiba ang tagapakinig na babae sa
lalaki. Sinasabi ng ilan na mas mahaba ang
pasensya ng mga babae sa pakikinig kaysa sa
mga lalaki.
3. Oras
• Malaki ang impluwensya ng oras sa pakikinig.
4. Tsanel
• Tumutukoy ito sa midyum o instrumento sa
paghahatid ng mensahe gaya ng paggamit ng
telepono, cellphone, mikropono, at iba pa.
5. Kultura
• Nagkakaiba-iba ang kultura ng mga tao kaya
nagkakaiba rin sa pagbibigay ng
interpretasyon sa mga tunog na naririnig.
6. Konsepto sa sarili
• Nakaiimpluwensya sa pakikinig ang paniniwala o
konsepto ng tao sa kanyang sarili. Ang pansariling
pang-unawa ng tagapakinig sa napakinggang
mensahe.
7. Lugar
• Ang lugar na maingay, mabaho, mainit at marumi
ay hindi mainam na lugar sa pakikinig sapagkat
nawawala ang konsentrasyon ng sinumang
nakikinig. Ang lugar na tahimik, malamig, malinis
at maluwang ay mainam para sa isang gawaing
pampakikinig.
8. Preperensya sa pakikinig.
• Ang mga taong people oriented ay may higit
na pokus sa emosyonal na aspeto ng
komunikasyon, ang mga taong content
oriented naman sa pakikinig ay nagbibigay
pansin sa mga kompleks na impormasyon
samantalang ang mga taong time oriented
naman ay nais makinig sa maiikling mensahe
lamang.
9. Pisikal at sikolohikal na estado
• Ang pisikal at sikolohikal na estado ng isang
tao ay nakakaapekto sa kanyang pakikinig.
Isang kondisyong pisikal at sikolohikal na
nakakaapekto sa nakikinig ay ang istres(w.p. ,
onlayn).
MGA URI NG PAKIKINIG
1.Deskriminatibo
• Layunin nito ang matukoy ang pagkakaiba ng
pasalita at di-pasalitang paraan ng
komunikasyon.
• Binibigyang pansin sa uring ito ang paraan ng
pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya
kumikilos habang nagsasalita.
• Halimbawa nito ay pakikinig sa isang kilalang
panauhing tagapagsalita. Pinagtutuunan ng
pansin dito ng tagapakinig ang kasuotan,
paraan ng pagtindig at paraan ng pagsasalita
ng tagapagsalita.
2. Komprehensibo/Impormatib
• Ang pinagtutuunan ng pansin ng tagapakinig
sa bahaging ito ay ang nilalaman ng mensahe
ng tagapagsalita
• Ang halimbawa nito ay ang pakikinig sa
seminar.
3. Paglilibang/Pangkasiyahan
• Ito ay ginagawa upang libangin o aliwin ang sarili
• Ang halimbawa nito ay ang pakikinig sa musika o
sa himpilan ng radyo.

4. Simpatetik
• Sa pamamagitan nito, natutulungan ng
tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o
makisimpatya sa hinaing o suliranin ng
nagsasalita.
• Nagpapakita tayo ng pag-aalala sa isang tao
kaya naman nakikinig tayong mabuti at
nagpapahayag ng ating kalungkutan sa sakit
na nararamdaman ng kausap o kasiyahan
naman para sa kasiyahang nararamdaman
nila.
• Ang halimbawa nito ay ang pakikinig sa
suliranin ng isang kaibigan.
5. Kritikal
• Ito ay uri ng pakikinig na gumagamit ng
pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng
ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang
narinig.
• Ang halimbawa nito ay pakikinig sa panayam
ng guro sa agham.
6. Ebalwatib
• Nagbibigay ng paghuhusga hinggil sa sinasabi
ng isang tao; tinataya ang katotohanan ng
sinasabing pahayag ng tagapagsalita;
hinuhusgahan kung ang napakinggan ay
salungat sa ating pagpapahalaga. Ang
ebalwatib na pakikinig ay naglalayong
mahikayat ang tagapakinig, upang mabago
ang ating kilos at maging ang paniniwala
7. Empatik
• Lampas sa simpatetik na pakikinig kung saan
nangangailangan ito ng mahusay na
pagbibigay tuon sa tiyak na emosyon na
nararamdaman ng tagapagsalita; sa empatik
na pakikinig, nararamdaman natin ang
nararamdaman ng nagsasalita
Mga Elementong May Kinalaman Sa
Mabuting Pakikinig

1. Ang kapaligiran ng silid


• Ang tahimik, maayos at malayo sa mga
nagsisidaan na tao ay nakatutulong sa
mabisang pakikinig. Kailangan ang tahimik at
sapat na bentilasyon para sa mainam na
pakikinig.
2. Kakayahang pangkalusugan
• Mahalaga na walang anumang dinaramdam at
malaya sa anumang nakagagambala sa
kanyang isipan upang masuri ang narinig.

3. Ang konsentrasyon sa pakikinig


• Ang pagkakaroon ng sapat na konsentrasyon
ay mainam upang makuha ng nakikinig ang
bawat detalye ng kanyang pinakikinggan
(Mangahis, et al., 2008)
Mga Elemento Sa Pakikinig
1. Pakikinggang mensahe
• Ito ay maaaring magtaglay ng anumang paksa
sa buhay.
2. Tagapakinig
• Ang kawalan ng kaalaman sa sosyo-kultural,
wikang ginagamit ng tagapagsalita, kaalamang
pangwika ay makahahadlang sa pag-unawa
ng tagapakinig sa mensaheng pinakikinggan.
3. Kalagayang pisikal
• Ang mga ingay na naririnig sa kapaligiran ay
isa sa maaaring makahadlang sa pakikinig kaya
naman nararapat na idaos ang anumang
seminar, klase at kumperensya sa lugar na
tahimik, malamig at may maayos na sound
system.
 
Tatlong Paraan ng Pakikinig
1. Kumpetitibong pakikinig
• Ito ay nangyayari kapag higit na binibigyang
pansin ang pagpapahayag ng sariling pananaw
kaysa sa pag-unawa sa pananaw ng ibang tao.
Nakikinig sa mga kahinaan ng sinasabi ng
tagapagsalita at naghihintay ng pagkakataon
upang tuligsain ang sinabi ng nagsalita.
2. Pasibong pakikinig
• Nagaganap ito kapag interesado sa pagdinig
at pag-unawa sa pananaw ng ibang tao.
Ipinapalagay ng nakikinig na narinig nang
mabuti at naunawaan nang tama ang
napakinggan ngunit nananatiling pasibo at
hindi nakumpirma kung tama ang
napakinggan.
3. Aktibong pakikinig
• Pinakamahalagang kasanayan sa pakikinig. Sa
aktibong pakikinig, ang nakikinig ay interesado
sa pag-unawa sa kung ano ang iniisip,
nadarama at kahulugan ng mensahe.
Nagagawang maulit ang mensaheng
napakinggan pinapatunayan kung wasto ang
napakinggan mula sa tagapagsalita (Nadig,
2010).
Mga Hadlang sa Mabisang
Pakikinig
1. Pagbuo ng maling kaisipan
 Hindi nakatuon o nakapokus ang tagapakinig
sa sinasabi ng tagapagsalita bagkus ang
pokus ay nakatuon sa mga suliranin o iba
pang mga bagay na pumapasok sa isipan ng
tagapakinig.
2. Pagkiling sa sariling opinyon
 Kinakailangan ang malawak at bukas na pang-
unawa sa anumang paksang pinakikinggan at
hindi dapat mangibabaw ang sariling opinyon.
3. Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
 Ito ay may kinalaman sa pagkakaiba ng
nabubuong interpretasyon sa ating naririnig.
4. Pisikal na dahilan
 Ang epekto ng kapaligiran ay isa sa mga
hadlang sa pakikinig.
5. Pagkakaiba ng kultura
 May epekto ang impluwensya ng kultura sa
pakikinig.
6. Suliraning pansarili
 Hindi gaanong mauunawaan ang
pinakikinggan kung namamayani at umuukilkil
sa isipan ang sariling problema.
Mga kabutihang naidudulot ng aktibong
pakikinig:
1.Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng
kapwa upang mapaamo ang matigas na
damdamin.
2.Madaling mauunawan ang posisyon ng iba
kung mataimtim na makikinig sa kanya.
3.Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung
ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan.
4. Mawawala ang puwang ng di-
pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung
nakikinig sa bawat nagsasalita.
5. Madaling matutulungan ang kapwa sa
pamamagitan ng pakikinig.
6. Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa
tungo sa pagbabago sapagkat masusuri at
maaanalisa ang mga kahinaan sa
pamamagitan ng masusing pakikinig.
7. Nakakukuha ng mga kinakailangang
impormasyon.
8. Puhunan sa mabilis at mahusay na pakikipag-
ugnayan sa kapwa.
9. Nakapagdedesisyon ayon sa hikayat ng
pananalita at dating ng sinasabi.
10. Napagaganda ang relasyon sa kapwa.
11. Nakapagbibigay ng malinaw na fidbak sa
mensaheng napakinggan.
 
PAGSASALITA
• Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na
maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng
wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
• pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng
mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
1) naipaaabot sa kausap ang kaisipan at
damdaming niloloob ng nagsasalita,
2) nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng
mga tao,
3) nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng
saloobin ng nakikinig,
4) naibubulalas sa publiko ang opinyon at
katwirang may kabuluhan sa kapakanang
panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga
patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng
mga ito,
5) madaling nakakakuha ng respeto ng ibang
tao.
Mga Kailangan sa Mabisang
Pagsasalita

1. Tiyak ang layunin at lubos ang kaalaman sa


paksa.
2. May tiwala sa sarili, matatag na damdamin at
malawak na kaisipan.
3. May kasanayan sa wika, retorika at balarila
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
1. Tinig
– may bentahe ang isang tagapagsalita kung
may kaalaman siya sa tamang pagtimpla ng
tinig, kung kailan lumalakas at kailan
humihina, nararapat na may timbre na siyang
nakakakuha ng atensyon ng mga tagapakinig.
2.Bigkas
- ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring
magbigay ng ibang kahuluguhan. Kailangang
bigyang-pansin ng tagapagsalita ang bigkas ng mga
salita kasama nito ang tinis, haba, lakas, intensidad,
bilis, intonasyon, diin, bagal at hinto ng pagsasalita.
3.Tindig
– may bentahe ang isang tagapagsalitana nagtataglay
ng kawili-wiling at kalugod-lugod na personalidad
kaysa sa mga tagapagsalitang mukhang sakitin.
Nararapat na ang tagapagsalita ay kagalang-galang
tingnan, may tikas mula ulo hanggang paa.
4.Kumpas
– mahalaga sa pagsasalita ang angkop na kumpas ng
kamay o ng buong katawan. Kinakailangang ang kumpas
ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas
upang maging malinaw ang mensaheng ibig iparating ng
tagapagsalita.
5.Kilos at ekspresyon
– ang emosyon ng nagsasalita ay nailalantad sa kilos ng
katawan at ekspresyon ng mukha. Siguraduhing angkop
ang kilos at ekspresyon habang nagsasalita upang ito’y di
magdulot ng kalituhan sa mga tagapakinig.
 
Limang Kasanayan sa Pagsasalita
1. Pakikipag-usap
Sa pakikipag-usap:
a. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa,
b. may matapat na layunin sa pakikipag-usap,
c. kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin
ng isa sa alinman sa nag-uusap ang pagsasalita.
d.ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes
at karanasan ng pag-uusap, at
e.ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob.
2. Pakikipanayam
Sa kasanayang ito, kinakailangang tandaan ang
mga sumusunod:
a. pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng
araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin,
b. pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa
pangkalahatang paksa,
c. pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong
sa kakapanayamin,
d. Maging maayos sa pananamit at dumating sa
takdang oras,
e. Maging magalang, makinig ng mataman at
magpakita ng kawilihan,
f. Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa
kinakausap at mga katanungang sinasagot ng
oo o hindi lamang, at
g. Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos

ng interbyu
3. Pangkatang-talakayan
Kung ikaw ay kalahok sa pangkatang
talakayan:
a. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga
kasama sa pagtatalakayan,
b. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng
katotohanan, huwag manatiling tahimik,
c. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na
maaaring makapagpabagal sa talakayan,
d. Magkaroon ng bukas na isipan,
e. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-
iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng higit
na nakararami, at
f. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-
alit sa mga kasama.
4. Pakikipagdebate
• Tungkol sa pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng
kalaban
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng
kalaban
d. Pahatid na wala sa paksa ang mga patunay at
katuwiran ng kalaban
• Tungkol sa pagtatanong:
a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng
sinundang tagapagsalita
b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita
sa iisang tagapagsalita
c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang
kalaban kung siya ang nagtatanong.
 
5. Pagtatalumpati
Uri ng Talumpati
a. Impromptu
Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang
walang ganap na paghahanda.  
• Tandaan ang iyong panimula at wakas.
• Habang ikaw ay nagsasalita, maging mulat sa
istilo at intonasyon.

 
b. Extemporaneous
Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na
walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas.  
Mga itinakdang konsiderasyon para sa
extempore:
• Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng
paksa at sa mismong paligsahan
• Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
c. Pinaghandaang Talumpati
Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng
kanyang talumpati, may paghahanda at
kailangang memoryado o saulado.
Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya
Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na
babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa
ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula,
katawan at wakas/konklusyon ay dapat na
magkakaugnay at may kaisahan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagtatalumpati
1. Ang Mananalumpati
• Dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang
kanyang sarili sa harap ng kanyang
tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas
ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang
asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging
dapat tandaan na siya ay nasa harap at
pinakikinggan at pinanood ng mga tao.           
2. Ang Talumpati
• Kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng
talumpati upang matukoy ang wasto at
pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at
higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at
kaisipang nais iparating ng talumpati upang
maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig.
3. Ang Tagapanood/Tagapakinig
• Higit na mabuting malaman ng isang
mananalumpati ang uri at antas ng kanyang
tagapakinig upang makapag-isip siya ng
mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa
atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang
mga ito na makinig hanggang sa wakas ng
talumpati; mahalaga ring malaman kung sino
ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang
talumpati at maging malinaw ang kahalagahan
ng talumpati para sa kanila.
Katangian ng Isang Mahusay na
Mananalumpati
1. May magandang personalidad
2. Malinaw magsalita
3. May malawak na kaalaman sa paksang
tinatalakay
4. May kasanayan sa pagtatalumpati
5. Mahusay gumamit ng kumpas
Mga Katangian ng Mabuting
Kumpas
1. Maluwag at maginhawa – higit na magandang
tingnan kung natural ang pagkumpas at hindi
naninigas
2. May buhay at hindi matamlay – iba-ibang
sigla ang dapat taglayin ng mga kumpas
3. Tiyak – tiyak ang pagtuturo sa tao o bagay na
itinuturo
4. Nasa pahanon – nasa tayming ang kumpas,
hindi nauuna o nahuhuli sa dapat nitong
paglagyan
5. Angkop sa mga nakikinig – iayon ang mga
kumpas sa uri at antas ng tagapanikig at ang
laki nito
Mga Kahinaan sa Pagtatalumpati
1. nauumid, nauutal at hindi makapagsalita nang
maayos kapag nakaharap sa maraming tao;
2. masyadong magalaw ang katawan at hindi
nakapokus ang pansin sa mga nakikinig;
3. hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang
kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang
binibitiwan; at
4. masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang
marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati.
Mga mungkahi kung paano makapagsasalita
nang maayos sa harap ng madla
1. Magkaroon ng positibong pananaw, isiping
kaya mong magsalita sa harap ng madla.
isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng
tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang
segundo o minuto ng pagsasalita;
2. Magtiwala sa iyong sarili, isiping may
mahalagang ideya na ibabahagi sa madla;
3. Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong
tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at
kahinaan, ang iyong kagandahan at
kapintasan, isiping maging ang mga taong may
depekto ay maari ring magtagumpay; at
4. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang
maging mahusay na tagapagsalita.
 
Pamantayan ng isang usapan
• Ang isang usapan o conversation ay isang
prosesong pangkomunikasyon ng
kinasasangkutan ng dalawa o higit pang
kalahok na gumagamit ng verbal o senyas na
wika sa pagpapalitan ng kaalaman.

You might also like