You are on page 1of 24

PAKIKINIG

RECALYN MANTARING MANALO


Kahulugan ng Pagkikinig
Ang maling pagpapakahulugan sa mensahe ang isa sa pinagmumulan ng di
pagkakaintindihan o pag-aaway ng nag-uusap. Ang komunikasyon ay
nagaganap lamang kung ang magkausap ay nagkakaintindihan o
nagkakaunawaan.

Isa sa mga pinag-ugatan ng di-pagkakaunawaan o mababang antas ng pag-


unawa ay ang kahinaan sa pag-unawa gamit ang pakikinig. Madalas din
itong masasaksihan sa loob ng klasrum kung saan ang mga estudyante ay
nakakakuha ng mababang iskor sa kanilang pagsusulit o pagsasanay. Dahil
ito sa malaking problema - problema sa tamang paraan ng pakikinig.
 
Ang pakikinig ay kinapapalooban ng pag-unawa, pagbibigay-interpretasyon
at pagbibigay ng ebalwasyon sa napakinggan.
• Ayon kay Arrogante et al. (2007), ang pakikinig ay isang
aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan
ng pandinig at pag-iisip. Aktibo ito sapagkat nagbibigay-daan
ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at suriin ang kahulugan
at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
 
• Ayon kay Villafuerte (2009), ang PAKIKINIG ay isang paraang
interaktibo at di-pasibo na nangangailangan ng higit sa
itinakdang lakas at pagsasanay. Sa bawat tunog na naririnig,
agad itong pinoproseso ng isipan upang makabuo ng mga
tugon o reaksyon na angkop sa daloy ng komunikasyon.
Ayon kay Arrogante et al. (2007), mayroong kabutihang
naidudulot ang pakikinig:

1. Ang pakikinig ay isang mabisang paraan sa pagkuha


ng mga impormasyon.
2. Ito ay nagiging daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan at magkaroon ng magandang
ugnayan.
3. Napapalawak din ng pakikinig ang kaalaman ng tao.
4. Nakatutulong ito upang maunawaan ang
damdamin, kaisipan, gawi at paniniwala ng bawat tao.
Paglilinaw sa mga Maling Konsepto Tungkol sa
Pakikinig ayon kay Arrogante et al. (2007):
 

1. PAKIKINIG laban sa PAGDINIG


2. Hindi isang natural na proseso ang pakikinig
3. Hindi lahat ng Tagapakinig ay nakatatanggap
ng parehong mensahe
4. Ang pakikinig ay aktibong gawain
PROSESO NG PAKIKINIG
• Ang pakikinig ay isang aktibong gawain kung saan
nararapat na ibuhos ng tagapakinig ang kanyang buong
atensyon. Upang maging matagumpay ang pakikinig,
nararapat na hindi lamang ang tainga ang buksan kundi
maging ang isipan upang maproseso ang mga tunog.
• 1. Pagdinig - Dito nagaganap ang pagtanggap ng tainga ng
mga tunog. Sa puntong ito, nararapat na maituon ng
tagapakinig ang kanyang buong atensyon upang
matanggap ng kanyang pandamang pandinig ang mga
tunog. Sa pagdinig, ang isipan ay nagsisimula na rin sa
pagproseso ng tunog.
PROSESO NG PAKIKINIG

2. Filtering - Sa hakbang na ito, kinikilala ng tagapakinig ang mga tunog


na napakinggan. Kalakip ng pagkilalang ito ay ang pag-uuri ng mga tunog
bilang mahalaga o di- mahalaga, makabuluhan o di-makabuluhan. Ang
mga tunog na kanyang itinuturing na mahalaga ang siyang mananatili sa
kanyang isipan upang gawan ng pag-unawa. Sa puntong ito ay gagana
ang personal na pagbibigay-ebalwasyon ng tagapakinig dahil siya ang
nagbibigay hatol kung ano ang mahalaga o hindi mahalaga.

3. Kumprehensyon - Sa bahaging ito ay binibigyan ng tagapakinig ng


interpretasyon ang kanyang narinig base sa kanyang pagkakaunawa dito.
Ang pagsasagawa ng interpretasyon ng kahulugan ay nakasalalay sa
antas ng pang-unawa, karanasan, persepsyon at kognitibong kakayahan
ng tagapakinig.
PROSESO NG PAKIKINIG
4. Pag-alala - Ang pag-alala ay tumutukoy sa hakbang kung saan
iniimbak sa isipan ang mga mensaheng nalikom mula sa
napakinggan dahil sa katotohanang marami sa ating naririnig ay
hindi lamang para sa kasalukuyan kundi higit na kailanganin sa
hinaharap.

5. Pagtugon - Ang kabuuan ng pakikinig ay nagaganap sa sandaling


nagbigay ng tugon ang tagapakinig, maaaring agad-agad o maaari
ring hindi. May mga pagkakataon ding ang tugon ay hindi tuwirang
pagbibigay-reaksyon sa napakinggan bagkus ay mga tanong na
naglalayong bigyang-linaw ang napakinggan na hindi malinaw sa
tagapakinig.
Tatlong Antas ng Pakikinig

Level 1- Di nakikinig - Sa antas na ito, tila


nakikinig ang tagapakinig ngunit sa katunayan,
ang kanyang isipan ay abala sa ibang bagay.
Hindi niya batid kung ano ang sinasabi ng ispiker
at madalas ay hindi tumutugon kung tinatanong.
Tatlong Antas ng Pakikinig

Level 2 - Pasibong pakikinig - Sa antas na ito,


gumagana ang pandinig ng tagapakinig ngunit
nakatuon lamang siya sa mismong salita ngunit
kung ano man ang lalim ng mga pakahulugan ng
mga salita ay di niya batid. Paimbabaw lamang
ang kanyang pakikinig at tila tumatanggap
lamang at walang ibinabahagi sa usapan.
Tatlong Antas ng Pakikinig

Level 3 - Aktibong pakikinig - Sa antas na ito, ang


buong atensyon ng tagapakinig ay kanyang ibinahagi sa
ispiker. Sa ganitong posisyon, ang tagapakinig ay nasa
posisyon na makapagbigay ng tugon at mas may
kakayahang iimbak sa kanyang isipan ang
napakinggan . upang mapakinabangan sa hinaharap.
Hindi lamang siya nakatuon sa mga salita kundi maging
sa paraan ng pagkakasambit ng mga ito na maaaring
makaapekto sa kanyang pagpapakahulugan.
 
Katangian ng Epektibong Tagapakinig
1. Humarap sa ispiker at panatilihin ang eye contact. Kung may
kumakausap sa iyo, ibigay ang iyong buong atensyon sa nagsasalita.
Isipin mo kung ano ang mararamdaman ng iyong kausap kung habang
siya ay nagsasalita, ang mga mata mo ay gumagala at paikot-ikot. Sa
ibang kultura, ang pagkakaroon ng eye contact ay esensyal sa harapang
pag-uusap.

2. Ituon ang atensyon sa nagsasalita ngunit maging relaks. Bagama't


mayroong eye contact, iwasan naman ang pagtitig. Hindi naman
nangangahulugan na hindi mo na maaaring ibaling ang iyong paningin
sa iba ngunit tiyaking mas nakatuon ito sa kausap. Huwag pansinin ang
mga bagay sa paligid na maaaring makaapekto sa iyong pakikinig. Be
attentive.
 
Katangian ng Epektibong Tagapakinig
3. Panatilihin ang bukas na isipan. Pakinggan ang sinasabi ng ispiker. Huwag agad
magsagawa ng panghuhusga sa iyong isipan kaugnay ng kanyang mga sinasabi.
Huwag ding magsagawa ng mga kritisismo kahit sa isipan lamang. Iwasan din ang
pagsasagawa ng mga kongklusyon at hayaan ang ispiker na magsalita sa kanyang
sariling pace. Huwag madaliin ang ispiker sa pamamagitan ng pagtapos ng
kanyang mga pangungusap. Ang tanging paraan upang maunawaan mo ang nais
niyang ipahayag ay ang bigyan siya ng pagkakataong ihayag ito.

4. Pakinggan ang mensahe at subukang makabuo ng larawan sa iyong isipan.


Bumuo ng mental na konsepto ng mensaheng ipinararating ng ispiker.
Makatutulong ito upang mapanatili ang atensyon sa ispiker. lwasan din ang
paghahanda ng tugon. Hindi ka makakagawa ng angkop na tugon kung hindi mo
lubusang narinig ang mensahe ng ispiker.
 
 
Katangian ng Epektibong Tagapakinig
 
5. Patapusin ang ispiker at huwag ipagdiinan ang iyong mga ideya.
Pinalaki tayo ng ating mga magulang sa kaisipang hindi mabuti ang
pagsingit sa tuwing may taong nagsasalita. Hayaan ang ispiker na
mailahad ang kanyang nais sabihin. Huwag siyang pahihintuin sa kanyang
pagsasalita upang ilahad ang iyong sariling ideya. Pakinggan siya nang sa
gayon, kung ikaw na ang magsasalita, ikaw ay kanya ring pakikinggan.

6. Maghintay ng angkop na pagkakataon upang magtanong. Sa mga


pagkakataong nais mong magtanong upang linawin ang ilang punto,
huwag bastang sumingit. Hintayin ang pagkakataong pansamantalang
titigil ang ispiker. Ito ang angkop na panahon upang magtanong.
 
Katangian ng Epektibong Tagapakinig

7. Magtanong lamang kung may nais na mabigyang-linaw. Sa daloy ng


pakikinig, huwag magtatanong sa ispiker ng mga bagay na maglilihis sa
kanya sa paksang kanyang tinatalakay. lwasan ang mga tanong na
bagama't kaugnay sa paksa ay hindi naman ang mismong paksa. Tiyaking
ang tanong ay magbubunga sa iyong mas higit na pag-unawa sa paksa.
 
8. Subukang maramdaman ang nararamdaman ng ispiker. Kung ika'y
nalungkot sa malungkot na kuwento ng ispiker o di kaya ay natuwa sa
masayang salaysay ng ispiker, masasabing isa kang epektibong
tagapakinig dahil nagawa mong makiisa sa damdamin ng ispiker. Ang
emphaty ay isang mahalagang salik sa epektibong pakikinig.
 
Katangian ng Epektibong Tagapakinig

9. Sa tuwing may pagkakataon, magbigay ng pidbak sa ispiker. Ang pagbibigay


ng tugon o pidbak sa ispiker sa tuwi-tuwina ay nagbibigay ng katiyakan sa
iyong kausap na ika'y nakikinig sa kanya at ito ay magbibigay sa kanya ng
tiwala sa sarili upang patuloy na ipahayag ang kanyang damdamin o isipan.

10. Pakinggan din ang mga di-berbal na mensahe. Alam nating sa


komunikasyon ay hindi lamang salita ang pinagmumulan ng kahulugan. Sa
ating pagpapakahulugan, huwag kalimutang isaalang-alang ang mga di-berbal
na salik tulad ng tono, intonasyon, pansamantalang pagtigil, maging ang kilos,
kumpas ng kamay, ekspresyon ng mukha at ang mga pagkilos ng ating mata.
Lahat ng ito ay may implikasyon sa pagpapakahulugan natin sa ating narinig.
 
Mga Elementong Nakakaimpluwensya sa
Pakikinig

• Oras
• Daluyan/Tsanel
• Edad
• Kasarian
• Kultura
• Konsepto sa sarili
Uri ng Tagapakinig at mga Mungkahi upang
Mapagbuti ang Pakikinig
1. Preoccupieds
Sila ang mga uri ng tagapakinig na panay ang baling ng kanilang mga mata sa kung
saan-saan at tila abala sa iba pang gawain. Tila napakahirap para sa kanila ang
manatiling nakaupo at makinig. Bukod sa pakikinig ay mayroon pa silang ibang
pinagkakaabalahan.
 
Kung ika'y ganito, ituon ang iyong atensyon sa nagsasalita sa pamamagitan ng pagtigil
sa kung ano man ang ibang pinagkakaabalahan.
 
Sa pagkakataong ika'y maykausap na ganito, bago magpatuloy ng pagsasalita ay
tanungin ang tagapakinig kung ang sandaling iyon ba ang pinakamainam na panahon
upang siya ay kausapin. Sa puntong ito ay maiisip ng iyong kausap na mulat ka sa
katotohanang siya ay di tuwirang nakikinig sa iyo. Maaaring ituon na niya ang buong
atensyon niya sa iyo o di kaya ay ipagpaliban ang pakikinig.
 
Uri ng Tagapakinig at mga Mungkahi upang
Mapagbuti ang Pakikinig
 
2. Out-to-lunchers:
 
Sila naman ang tagapakinig na tila ipinalalabas na sila'y nakikinig sa iyo ngunit sa
katunayan ay hindi. Maaaring sa pisikal na aspekto ay nariyan sila sa harap mo ngunit
sa katunayan ang kanilang isipan ay wala. Mapapansin na tila mga blangko ang kanilang
tingin at tila walang pumapasok sa kanilang isipan. Tatango-tango lamang sila ngunit
walang nauunawaan sa iyong sinasabi.
 
Kung sa iyong palagay ay ganito ka, ituon ang iyong atensyon sa tagapagsalita sa
pamamagitan ng eye contact at panatilihin ito. Sa ganitong paraan ay maiwawaglit mo
sa iyong isipan kung ano man ang sagabal sa iyong pakikinig.
 
Sakaling ika'y may nakausap naman na ganito, sa tuwi-tuwina'y tanungin siya kaugnay
ng iyong mga sinabi upang maibaling niya ang kanyang atensyon sa iyong sinasabi.
Uri ng Tagapakinig at mga Mungkahi upang
Mapagbuti ang Pakikinig
3. Interrupters:
 
Sila ang mga tagapakinig na naghihintay lamang ng pagkakataon na tapusin ang iyong
mga pangungusap para sa iyo. Hindi sila tuwirang nakikinig sa iyo bagkus hinuhulaan
lamang nila ang susunod mong sasabihin. Tila nais nilang tapusin agad ang usapan at
minamadali ka sa pamamagitan ng pagtapos ng iyong pangungusap.
 
Kung ikaw naman ay isang interrupter, sa mga pagkakataong napansin mong ika'y
madalas na sumisingit, humingi ng paumanhin. Sa pamamagitan ng pagiging mulat sa
iyong gawain, magiging maingat ka na upang maiwasan ang gawaing ito.
 
Sa pagkakataong ika'y mayroong kausap na ganito, hayaan siyang matapos sa kanyang
mga sinasabi. Kung siya't tapos na, ipagpatuloy ang iyong sinasabi. Huwag nang
dagdagan pa kung ano man ang kanyang sinabi upang maibalik sa pokus ang usapan.
Uri ng Tagapakinig at mga Mungkahi upang
Mapagbuti ang Pakikinig
4. Whatevers:
 
Sila ang tipo ng tagapakinig na walang pagpapahalaga sa ano man ang iyong
sasabihin. Naririnig nila ang mga sinasabi mo ngunit hindi naman nila ito
pahahalagahan. Ano man ang sabihin mo, tila hindi sila apektado dahil ayaw nilang
pahalagahan.
 
Sa pagkakataong ikaw ay nauuri dito, sikaping ituon ang atensyon sa buong
mensahe, di lamang sa berbal na mensahe kundi maging sa di-berbal na mensahe.
Sikaping magkaroon ng emphaty nang sa gayon ay marinig mo ang buong mensahe.
 
Kung ika'y may tagapakinig na ganito, tanungin siya kaugnay ng iyong mga sinasabi.
Ang pagsangkot sa kanya sa_paksa ng usapin ay tutulak sa kanya na makinig.
 
Uri ng Tagapakinig at mga Mungkahi upang
Mapagbuti ang Pakikinig
5. Combatives:
Sila ang mga tagapakinig na tila handang makipagdebate. Nakikinig sila upang
makabuo ng mga ideyang isasalungat sa iyong mga sinabi. Minsan nama'y
nakikinig sila upang hanapan ka ng kamalian at doon nila itutuon ang kanilang
mga tugon.
 
Kung ikaw ay ganito, subukan mong ilagay ang iyong sarili sa lugar ng iyong
kausap nang sa gayon ay maisaisip mo rin kung gaano kahirap ang magpahayag
ng iyong isipan gayong ayaw kang pakinggan ng iyong kausap.
 
Kung ika'y may kausap na ganito, huwag nang ipagpilitan na siya ay sumang-
ayon sa iyo, sa halip ay pagkasunduan na lamang ninyo na magkaiba kayo ng
mga ideya at maaari niyong talakayin kung sa anong pamamaraan kayo
maaaring magkasundo.
Uri ng Tagapakinig at mga Mungkahi upang
Mapagbuti ang Pakikinig
 
6. Analysts:
 
Sila ang mga uri ng tagapakinig na laging handang magbigay ng kanilang mga payo o solusyon
kahit pa hindi ka naman humihingi nito. Minsan nga, kahit walang suliranin ay naghahain pa
rin sila ng solusyon at sila pa ang maglalahad kung ano ang suliranin. Tila may kataasan ang
tingin nila sa kanilang sarili kung kaya't lagi silang handang makinig at magbigay-payo.
 
Kung ikaw ay isang analysts, itanim sa iyong isipan na hindi sa lahat ng pagkakataon
nangangailangan ng solusyon o payo ang isang tao. Minsan, ang kailangan lamang nila ay
isang tagapakinig.
 
Kung ikaw ay mayroong kausap na analysts, maaaring sa simula ay lantaran mong ihayag na
nais mo lamang ay mayroong makinig sa iyong saloobin o isipan.
 
Uri ng Tagapakinig at mga Mungkahi upang
Mapagbuti ang Pakikinig
7. Engagers:
 
Ito ang mga epektibong tagapakinig. Nakikinig sila hindi lamang sa pamamagitan
ng kanilang tainga kundi maging ng kanilang mga mata. Walang nakakatakas sa
kanilang pandinig at paningin. Sensitibo sila sa kanilang kausap at
pinakikiramdaman nila ito. Kung sa wari nila ay tagapakinig lamang ang nais ng
ispiker, tahimik silang makikinig. Kung sa wari nila ay nais ng tagapakinig ng payo,
handa rin naman silang magbigay.
 
Kung ika'y isang engager, makatitiyak kang pahahalagahan ito ng iyong kausap at
kung ikaw naman ang magsasalita ay pakikinggan ka rin nila.
 
Sa pagkakataong may kausap kang ganito, pahalagahan siya at magpasalamat sa
kanyang pakikinig.

You might also like