You are on page 1of 2

Alamin:

Ang unang tanong na iyong sinagot sa Panimulang Gawain ay tumutukoy sa mga kasanayan sa
pagkuha ng impormasyon. Ang ikalawa at Ikatlong tanong ay tumutukoy sa iyong mga kaalaman sa
interpretasyon o sa kung paano mo ginagamit ang mga kaalaman at karanasan mo para makabuo ng
baogn impormasyon. Samantalang ang ikaapat na tanong ay higgil sa pagpili ng batis ng impormasyon.

Pagproseso ng Impormasyon

Ang pagproseso ng impomasyon ay tumutukod sa pagkuha , pagtatala , pagpapakita , pag-intindi


at pagpapalganap ng impormasyon. Ito ay isang paraan ng paglikha ng mga bagong kaalaman mula sa
mga narinig, nakita, nabasa at napanood na napalalawak dahil sa karanasan.

Karaniwan, ang impormasyon ay tumutukoy sa mga katotohanan at opinion sa ibinibigay at


natatanggao sa pang-ara-araw na buhay. Ang impormasyon ay nakukuha nang direkta mula sa
pakikisalamuha sa kapwa tao at sa mga bagay-bagay sa paligid. Sa kasalukuyan, ang impormasyon ay
maaaring tumukoy sa mga kaalamang hatid ng mass media o kaya'y ng mga electronic data banks tulad
ng sa internet. Maaari ding ang impormasyon ay mga pangyayari o mga phenomena sa ating kapaligiran.

Ang paggamit ng kaalaman mula sa mga impormasyong natamo ay nagbubunga ng


kadalubhasaan at patuloy itong lumalawak dahil sa pag-iisip nang analitikal at pag-aangkop ng
karanasan. Nagiging marunong ang isang tao kapag nakakaproseso ng maraming impormasyon.

Maraming impormasyon ang natatamo mula sa iba't ibang larangan ng kaalaman. Sa lahat ng
klasipikasyon ng kaalaman na kinabibilangan ng pilosopiya, relihiyon, agham panlipunan, siyensya at
teknolohiya, applied sciences, wika at literatura, sinipgw kasaysayan ay malalaman ang samo't saring
kaalaman na maaaring matutuhan. Ngunit paano ba napoproseso ang mga kaalamang ito?

Gamitin natin ang ating mga sarili upang intindihin ang pagproseso ng impormasyon. Kapag
inaayos ang isang problema, gusto mo bang pag-usapan ito o mas gusto mong sumulat ng listahan ng
mga hakbang kung paano malulutas ang suliranin? Nakikisabay ka ba sa isang musika sa pamamagitan
pag-hum o pag- tap ng iyong kamay o paa upang masabayan ang awit?

Gusto mo bang tumingin sa mapa, o mas gusto mong basahin na lamang ang mga direksyon
kapag nagmamaneho? Gusto mo bang mag-aral sa isang art class o pumasok sa klase ng pag-eehersisyo?
Kapag ikaw ay masaya, ngumingiti ka lamang ba o tumatalon dahil sa nararamdamang kagalakan? Ang
iyong mga sagot ay nagpapahiwatig ng ilan sa mga paraan kung saan naipakikita ang paraan ng
pagproseso ng impormasyon.

May mga kagamitang panteknolohiya, halimbawa'y ng kompyuter, na nakapagpoproseso rin ng


impormasyon. Sa kompyuter, nangyayari ang pagproseso ng impormasyon sa central processing unit
(cpu) at ang lahat ng impormasyon ay nalalaman sa pamamagitan ng mga titik na lumalabas sa monitor.
Ang mga titik sa monitor ay binubuo ng mga byte. Sa kabilang dako, ang tao ay nakapagpoproseso
naman ng impormasyon sa kaniyang utak. Ang naprosesong impormasyon sa utak ay naihahayag sa
pamamagitan ng mga tunog, kilos, ekspresyon at ng tinatawag na paralanguage. Ang dami ng
napoprosesong impormasyon sa utak ng isang tao ay nagreresulta ng maraming kaalaman.

Bawat tao ay kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng kaniyang mga pandama. Ang


limang pandama ang tanging paraan upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mundo. Gayunpaman,
napoproseso ang lahat ng impormasyon ayon sa sari-sariling paraan.

Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon

Ang iba't ibang pamamaraan sa pagpoproseso ng impormasyon ay maaaring sa pamamagitan ng


pandinig (aural), pampaningin (visual) at pagkilos (kinesthetic). Ang mga estilong ito ay makakatulong
nang malaki sa pag-unawa sa mga impormasyon.

Pandinig (Aura/ o Auditory)

Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang mahahalagang impormasyon. Karaniwan sa mga


indibidwal na nakakapagroproseso sa pamamagitan ng pandinig ay iyong may hilig sa musika o iyong
may hilig sa pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may kaugnayan sa paggamit ng tainga o
pandinig.

Pampaningin (Visual)

Ang mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis ay ilan sa mga
pinakamahusay na kagamitan para sa mga indibidwal na may kahusayang biswal. Ang mga impormasyon
ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga
bagay na kanilang nakikita. Ang hugis, kulay, bilang, bigat at gaan, ayos at ang pagkakabuo ng mga bagay
ay ang basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong kaalaman.

Pagkilos (Kinesthetic)

Ang salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa salitang Griyego na nangangahulugang pagkilos.


Sa prosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang bagay na
pisikal. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga demonstrasyon,
eksibit, pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon. Ang mga pelikula at video ay nakahanay sa
estilo na kinesthetic. Ginagamit ng mga mag-aaral na kinesthetic ang lahat ng kanilang mga pandama
(panlasa, amoy, pandama, paningin, pandinig) upang maging kapaki-pakinabang ang kanilang pag-aaral.

You might also like