You are on page 1of 6

Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan

Sa ilalim ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ay binigyan ng depinisyon ang krimen ng
maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon ang pagpapalagay
(presumption) sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa
pamamagitan ng kanyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng
publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pag-iwan o
kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo
man o bahagdan. Ang halaga na sangkot sa maling paggamit ng pondo ay esensyal sa pagtukoy ng
angkop na parusa sa taong mapapatunayang gumawa ng krimeng ito.

Ang pagkabigo ng opisyal ng gobyerno na mailabas o maipaliwanag ang pananalapi at ari-arian


na nasa ilalim ng kanyang kustodiya kung ito ay tahasang hihingin ng awtorisadong opisyal ay itinuturing
na prima facie na ebidensya na magpapatatag sa paniniwala na ang nawawalang pondo at mga ari-arian
ay ginamit sa personal na gamit.

Sa kabilang dako, isinasaad naman ng Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at ari-arian ng
publiko. Tahakang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal na gobyerno na
gagamitin ang pondo at ari-arian ng kanyang administrasyon sa pampublikong gamit bukod sa totoong
pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong technical malversation.

(Upang matiyak ang gamit ng probisyon ng batas, ang opisyal ng gobyerno ay binigyan ng
karampatang depinisyon ng Artikulo 203 ng Kodigo Penal ng Pilipinas. Ayon dito, ang opisyal ng
gobyemo ay yaong mga tao na sa pamamagitan ng direktang probisyon ng batas, popular na halalan o
pagtatalaga ng kompitenteng kinauukulan, ay makikibahagi sa pagpapatupad ng tungkuling pampubliko
sa Gobyerno ng Pilipinas, o gampanan sa naturang gobyerno o sa kahit na anong sangay ang tungkuling
pampubliko, bilang empleyado, ahente, o higit na nakababang opisyal, na kahit na anong ranggo o klase,
ay tinatawag ring (shall be deemed) opisyal ng gobyerno.

Pandarambong (Plunder)

Ang pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa sistema ng pamamahala sa Pilipinas. Sa


bisa ng RA 7080 ay itinuturing na isang krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta, o sa
pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng
kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay humahakot, nagtitipon o
nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sunud-sunod na hayagan o mga
gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi
bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00). Reclusion perpetua hanggang kamatayan ang
parusang naghihintay sa sinumang mapatutunayang magkakasala sa krimeng ito. Ang mga sumusunod
ay mga espsipikong akto na may kaugnayan sa pandarambong o plunder:

1. Paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa mga pondong pampubliko
o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko;

2. Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, bahagdan, mga
kickback o anumang anyo ng pansalaping pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may
kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng
pinatutungkulang opisyal ng publiko;
3. Ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan
o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga instrumentalidad o mga pag-aari ng pamahalaan o
kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon at mga subsidiyaryo nito;

4. Pagkakamit, pagtanggap nang direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock,
ekwided o anupamang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na
trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa;

5. Paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo o iba pang


kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga
partikular na tao o mga espesyal na interes;

6. Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan,


koneksiyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang/mga sarili nito na may
pagsasawalang-bahala sa panganib o pinsalang maidudulot nito sa mamamayang Pilipino at Republika
ng Pilipinas.

Ang Graft at Korapsyon

Ang konsepto ng graft at korapsyon ay mga usaping paulit-ulit na nagpapa-sakit sa bawat Juan
Dela Cruz. Ang usaping ito ay matagal ng hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan ay
bigo pa ring napaglalabanan. Ang graft at korapsyon ay dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng
personal na benepisyo mula sa mga transaksyong pampamahalaan. Ang korapsyon ay tumutukoy sa
maling gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Sa kabilang dako,
ang graft ay tumutukoy sa maling gamit ng impluwensya para sa personal na benepisyo.

Sa ilalim ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ay inisa-isa ang mga
kasanayang may kaugnayan sa korapsyon ng mga opisyal ng gobyerno at idineklara na labag sa batas.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa enumerasyon ng mga espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa
ilalim ng batas na ito:

(a) Himukin, ibuyo o impluwensyagan ang ibang opisyal ng gobyerno na magsagawa ng isang akto
na lumalabag sa patakaran at regulasyong binigyan ng promulgasyon ng maaasahang awtoridad
o isang paglabag na may kaugnayan sa opisyal na tungkulin ng opisyal ng gobyerno, o ang
pahintulutan ang sarili na mahimok, mabuyo, o maimpluwensyahan na gumawa ng paglabag sa
batas.
(b) Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo, bahagi, bahagdan, o benepisyo para sa
kanya o para sa ibang tao, kaugnay ng kahit anong kontrata o transaksyon sa pagitan ng
Gobyerno at iba, na kung saan ang opisyal ng gobyerno sa kanyang opisyal na kapasidad ay
kailangang pumagitna sa ilalim ng batas.
(c) Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo o ibang may kaugnayan sa salapi o
material na benepisyo para sa kanya o para sa ibang tao, mula sa kahit sinong tao na kung saan
ang opisyal na gobyerno, sa anumang paraan o kapasidad, ay nakakuha o makakukukuha, ng
kahit na anong permiso o lisensya sa Gobyerno, bilang konsiderasyon sa tulong na ibibigay o
ibibigay.
(d) Pagtanggap o pagkakaroon ng kasapi ng pamilya na tumanggap ng trabaho sa pribadong
.kumpanya na nakabimbing kalakalan sa kanya sa mga panahon ng pagluluwat o sa loob ng isang
taon pagkatapos nito.

(e) Pagdudulot ng hindi nararapat na pinsala sa isang partido, kasama ang gobyerno, o ang
pagbibigay sa kahit na sinong pribadong partido ng hindi makatwirang benepisyo, pakinabang o
pagkakataon na mamili sa pagpapatupad ng kanyang opisyal na administratibo at judisyal na
tungkulin sa pamamagitan ng hayagang pagkiling, kasamaan o labis na hindi katangap-tanggap
na kapabayaan...

(f) Pagpapabaya o pagtanggi, matapos ang nararapat na demand o pakikiusap, nang walang sapat
na pagmamatuwid, pag-akto sa loob ng risonableng oras, sa kahit na anong pamamaraan kapalit
ng pagtatamasa, direkta o hindi direkta, mula sa kahit na sinong tao na may interes sa
pananalapi at mga materyal na benepisyo.

(g) Pagkatawan sa Gobyerno sa kahit na anong kontrata o transaksyon na nagpapakita o may


matinding masamang dulot sa gobyerno, kahit na ang opisyal ng gobyerno ay nakinabang o
makikinabang dito.

(h) (h) Direkta o di-direktang pagkakaroon ng pinansyal na interes sa kalakalan , kontrata, o


transaksyon na kaugnay ng kanyang paggitna sa pamamagitan ng kanyang opisyal na kapasidad,
o kung siya ay hindi pinahihintulutan ng Konstitusyon o ng kahit na anong batas na kung saan
siya ay may interes.

(i) Pagkakaroon ng direkta o di-direktang interes sa mga personal na pakinabang sa mga


transaksyong pinagpasyahan ng board o grupo na kung saan siya ay kasapi o kabilang..
(j) (j) Pag-apruba o pagbibigay ng kahit na anong lisensya, permit, pribilehiyo, o benepisyo na pabor
kahit na alam niyang ang taong binibigyan ng pabor ay hindi kwalipikado na makatanggap nito...
(k) (k) Paglalabas ng mahahalagang impormasyon na konpidensyal, na nakuha ng kanyang
tanggapan sa pamamagitan ng kanyang opisyal na posisyon sa isang hindi awtorisading tao, o
ang paglalabas ng naturang impormasyon sa petsa na higit na maaga sa petsa na dapat itong
ilabas.

(5) Sistemang Padrino o Palakasan

Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang sistemang
padrino o ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang nagiging saksing bulag at
bingi sa hustisya na dapat ibigay sa taong bayan mapagbigyan lamang ang mga taong pinagkakautangan
nila ng loob.
May mga pagkakataon na ang isang indibidwal ay nabibigyan ng magandang katungkulan sa
gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya dahil sa basbas ng mga makapangyarihan, ito ay sa
kabila na ang naturang indibidwal ay walang sapat na karanasan at kwalipikasyon sa posisyong
ipinagkaloob sa kanya ng nasabing makapangyarihan. Ang tanging pinanghahawakan lamang niya ay ang
proteksyon na nanggagaling sa pinunong minsan ay binigyan niya ng pagsuporta sa panahong siya ay
kailangan nito. Ang suliraning ito ay talamak sa mga posisyong nakabatay lamang sa tiwala at
kumpiyansa (trust and confidence) ng taong nasa pwesto, bagamat ang mga posisyong nasa ilalim ng
hurisdiksyon ng Civil Service Commission ay hindi rin ganap na ligtas sa usaping ito.

Masasabi na ang nepotismo (nepotism) at kronyismo (cronism) ay kasama rin sa mga ugat ng
padrino o palakasan. Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang mga umiiral na batas, ang nepotismo o
ang pagbibigay ng pabor sa m - kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal samantalang walang tiyak na
bata:, makapagpaparusa sa kronyismo o pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan, bagamat matindi itong
kinukondina. Ang nepotismo at kronyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan ang mga sabwatan sa
mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot.

(6) Mga Halimbawa ng Korapsyon sa Iba't Ibang Sangay ng Pamamahala

Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa isang magandang sistema ng pamamahala


hindi lamang sa mga pangunahing mga sangay ng pamahalaan kundi maging sa mga maliliit na yunit
nito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang pagtataya sa mga suliraning may kaugnayan dito:

Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan

Hindi ligtas ang mga kapulisan ang Hukbong Sandatahan sa usapin ng korapsyon. Nababalot din
ng kontrobersiya ang kanilang mga pagbili ng mga kagamitang kinakailangan sa pagtupad ng kanilang
tungkulin. Kung matatandaan ay naging laman ng maraming balita sa telebisyon at pahayagan ang mga
akusasyon ng katiwalian sa dating hepe ng AFP na si Angelo Reyes. Bunga marahil ng depresyon sa
pagkasira ng kanyang pangalan na matagal niyang iningatan ay pinagpasyahan niyang kitilin ang kanyang
buhay sa harap ng libingan ng kanyang namayapang ina. Sinabi ng dating AFP Chief bago wakasan ang
kanyang buhay noong Pebrero 2011 na hindi siya ang nagsimula ng maraming iregularidad sa AFP.
Aniya, ito ay isang tradisyon. Ang tanging naging kasalanan niya ay ang pagtanggap dito bilang
ordinaryong bagay sa AFP.

Pinaniniwalaan na ang korapsyon ay isang tiyak na anyo ng mga maling gawi palasak sa loob ng
ahensya ng mga kapulisan at hukbong sandatahan. Kinasasangkutan ito ng pananamantala sa
benepisyong pananalapi at iba pang mga kapakinabangang makapagsusulong ng kanilang mga karera. Sa
kabila ng panunumpa sa kodigo ng pag-aasal o etika,may mga pagkakataon pa ring nilalabag ng mga
kapulisan ang espisipikong probisyon nito katulad ng mga sumusunod:

(a) Pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain. Maraming naglipanang mga
establisyemento at mga gawaing tahasang lumalabang sa espisipikong probisyon ng batas at
mga ordinansa ang hindi matinag-tinag dahil sa lakas ng loob na ipagpatuloy ang operasyon
nito epekto marahil ng proteksyon na kanilang natatanggap buhat sa mga kinauukulan-
katulad ng kapulisan.

Makikita na sa kabila ng matinding kampanya laban sa ilegal na sugal ng huweteng ay


malaki pa rin ang operasyon nito sa mga probinsya at lalawigan. Matatandaan na isa ang
huweteng sa mga ipinukol na isyu kay dating Pangulong Joseph Estrada sa kasagsagan ng
proseso ng pagpapatalsik (impeachment) sa kanya bilang pangulo.

Sa kabila ng batas na nagbabawal sa prostitusyon sa ating bansa ay naglipana pa rin ang


mga establisyemento sa buong Pilipinas na nagsusulong sa pagbebenta ng mga
panandaliang aliw dahil sa kawalan ng inisyatibo ng mga Lokal na Pamahalaan at mga
kapulisan na wakasan ang suliraning ito.

Mapapansin rin sa maraming balita na laman ng mga pahayagan, radyo, at telebisyon ay


naglalaman ng mga usaping may kaugnayan sa bentahan ng ilegal na droga na nakakukuha
ng proteksyon sa mga pulitiko at maging sa panig ng mga kapulisan at hukbong sandatahan.
Si dating Pangulong Leila de Lima ay ikinulong dahil sa diumano ay pagbibigay niya ng
proteksyon sa mga drug lord noong panahon na siya pa ang DOJ Secretary.

(b) Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik at hindi pag-akto sa isang kaso na kailangan
niyang gawan ng aksyon.

(c) Pagtanggap ng suhol bilang kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket kaugnay ng paglabag ng
motorista sa batas pangtrapiko. Kung ang suhol ay tahasang hiningi ng kapulisan sa taong may
paglabag sa batas, ang krimen ay tinatawag na pangongotong, pangingikil, o extortion.

Mahalaga. ang papel na ginagampanan ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at maayos


na seguridad sa lipunang ating g,inagalawan. Sa mga pangunahing lansangan, sila ang ating nagiging
sandigan upang maging maginhawa ang mahalagang gawaing pang-araw-araw nating mga mag-aaral at
mga naghahanapbuhay--- ang paglalakbay. Subalit hindi rin maitatatwa na ang mahalagang tungkuling
ito ng kapulisan ay nababahiran ng mga usapin ng katapatan sa sinumpaang tungkulin.

Ang pagtanggap ng suhol at ang paghingi ng suhol ng mga kapulisan ay isang malungkot na
realidad na kailangang sugpuin at wakasan. Mayroong mga batas na makatutulong upang sugpuin ang
suliraning ito subalit kailangan din ng bawat mamamayan ng ibayong disiplina sa sarili upang hindi na
lalong malugmok pa ang mga kapulisan at may kaugnay na tungkulin sa pagtataguyod ng korapsyon sa
gobyerno at lipunan.

(d) Pagtatanin ng ebidensya (planting of evidence). Ang akto na ito ay karaniwang ginagawa ng
kapulisan upang patibayin ang kaso laban sa isang indibidwal. Pinalalabas sa aktong ito na ang isang
indibidwal ay may kasalanan gamit ang mga ebidensyang itinanim ,sa kanya, bagamat ang katotohanan,
siya ay inosente at walang alam. Ang aktong ito ng kapulisan ay ilegal at hindi sinusuportahan ng kahit
na anong batas sapagkat nilalabag nito ang karapatan ng isang tao sa tamang proseso ng batas (due
process of law) lba naman ang konsepto ng instigasyon sa pagtatanim ng ebidensya. Dito ay karaniwang
gumagawa ng paraan ang kapulisan upang ang isang indibidwal ay kumilos at ilabas ang ebidensyang
kailangan upang magkaroon ng sapat na batayan ang kapulisan na hulihin ang naturang indibidwal batay
sa mga ebidensyang ipinakita. Legal ang prosesong ito at kinikilalang naaayon sa batas. Ang
pagpapahirap sa isang suspek (torture) ay isang konsepto ng pagpa-paamin o pagpapahirap sa isang
indibidwal na aminin ang isang krimen na maaaring kanyang ginawa o kaya ay hindi ginawa.

(e) Pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang mapagtagumpayan ang
naffs na makuha. Kinikilala itong isang anyo ng pangingikil na lumalabag sa mga umiiral na batas at
polisiya sa Pilipinas.

(f) Paglahok ng kapulisan sa mga organisadong krimen katulad ng pagnanakaw, terorismo,


kidnapping, at iba pa.

You might also like