You are on page 1of 12

Ano nga ba ang

Korapsyon?
April Rose De Leon
Ang ating
tatalakayin
Pagnanakaw sa kaban ng
bayan
Panunuhol (Bribery) at
Korapsyon ng Opisyal ng
Gobyerno (Corruption of
Public Officer)

Ang kaban ng bayan ay nangangahulugang ay


kayaman ng bayan kung saan dito nilalagay
ang mga buwis na naibibyad ng mga tao.

Ano ang kaban ng bayan at


para saan ito?

Ginagamit ito upang matustusan ang


pangangailangan ng isang bansa upang
makapagtaguyod ng mga proyekto na
mapapaunlad ng ating bansa.
Pagnanakaw sa kaban ng bayan
Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taong
bayan sa mga pulitiko na kanilang inuluklok sa
pwesto upang mamahala sa bayan ay nawawalan
ng saysay dahil sa pagkasilaw sa mga kayamanang
dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan nang
wasto ang taong bayan.
Ang suliraning ito ay matagal nang
kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na
pinaniniwalaang ugat ng pagkakalugmok sa
kahirapan ng bawat mamamayan.
Yingluck Shinawatra
Punong Ministro ng Thailand
Si Yingluck Shinawatra ay napatalsik din
sa pwesto noong 2014 dahil sa mga
alegasyong ng korapsyon.

Park Geun-hye
Si Park Geun-hye ng South Korea ay na-impeach ng
Pambansang Asambleya noong 2016 dahil sa usapin n
pag-abuso sa kapangyarihan at pagtanggap ng suhol.
Sinusugan ng Constitutional Court noong 2017 ang
naging desisyon ng Pambansang Asambleya.
Ito ay nahatulan ng dalawampu't apat na taong
pagkakakulong.
Dating Pangulong Ferdinand E. Marcos
ay pinukol ng maraming alegasyon ng
korapasyon at pagnanakaw sa bayan, dahilan
kung bakit ang taong bayan ay nagsawa na
at natutong makipaglaban noong 1986.
Dating Bise Presidente Jejomar Binay
Hindi natupad ni dating Bise Presidente Jejomar
Binay ang kanyang pangarap na,mahalal na
Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 2016
dahil sa naging mainit ang mga lumabas na isyu
ng katiwalian (sa Makati noong siya ay Mayor pa
lamang) ilang buwan bago maganap ang
Pambansang Halalan).
Ang pagnanakaw ay
matatagpuan sa marami nitong
anyo at maituturing na krimen sa
ilalim ng Kodigo Penal na Pilipinas
at ilang mga umiiral na espesyal na
batas (special laws).
Panunuhol (Bribery) at Korapsyon ng Opisyal ng
Gobyerno (Corruption of Public Officer)
Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng
Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct bribery)
ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng
gobyerno na sasang-ayon sa paggawa ng isang akto
na maituturing na krimen, kaugnay ng kanyang
opisyal na tungkulin, bilang konsiderasyon sa kahit
na anong hain, pangako, regalo o bigay na
tinanggap ng naturang opisyal, personal man o sa
pamamagitan ng iba.
Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari
ring ipukol sa opisyal na tatanggap ng regalo bilang
konsiderasyon sa isang akto na hindi maituturing na
krimen, bagamat higit na mababang parusa ang
katumbas nito.

Mayroon ding krimen ng katulad na uri kung ang


isang opisyal ng gobyerno ay tatanggap ng regalo o
ng pangako bilang kondisyon na hindi siya gagawa
ng isang akto batay sa kanyang opisyal na tungkulin.
Artikulo 211
Isinasaad ng Artikulo 211 na ang isang
opisyal ng gobyemo ay maaaring makasuhan
ng indirektang panunuhol (indirect bribery) sa
simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil
sa tanggapan na kanyang hinahawakan
(inamiyendahan ng Batas Pambansa Bilang
872, ika-10 ng Hunyo, 1985).
Artikulo 212
Ang pananagutan ng katapatan sa bayan ay
tungkuling iniaatang sa lahat, maging sa mga
pribadong indibidwal. Kaugnay nito ay ang
krimen ng korapsyon ng opisyal ng gobyerno
(corruption of public official) ayon sa Artikulo
212. Ang krimen na ito ay maaaring ihain sa
kahit na sinong tao na magbibigay ng alok o mga
pangako o mga regalo o aginaldo sa opisyal ng
gobyerno.
Maraming
Salamat!

You might also like