You are on page 1of 28

KABANATA 5

GAWAING PANANALIKSIK

MGA PAKSA
1. Kaalamang Pampananaliksik at Pagsulat ng IMRaD format
2. Pagbuo at Presentasyon ng Pananaliksik na IMRaD

MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng Kabanata 5, ang mga mananaliksik na mag-aaral ay
inaasahang:
Kaalaman
1.Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-
pakinabang na sanggunian sa pananaliksik.
2. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa
pananaliksik.
3.Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
4.Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
5. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pagsasagawa ng pananaliksik.

Malayo na rin ang nararating ng ating wikang pambansa. Mula sa pagkakatuklas


ng sinaunang alpabeto (ang baybayin o alibata) na ginagamit kaya naitala ang mga
kaalaman hinggil sa mga ugaliin, Gawain at mga gawing kultural ng mga sinaunang
Filipino ay lalo itong naging gamitin sa higit na modernong paraan ng pagtuklas ng mga
kaalaman. Ito ay naisasakatuparan gamit ang modernong teknolohiya at sa tulong ng
iba’t ibang platform. Katunayan, ang ating wikang pambansa ay nakakasabay na sa
pandaigdigang paggamit ng internet kung kailan ang pagtuklas ng mga kaalaman ay
sinasabing nasa dulo na lamang ng daliri dahil sa mabilis na paghahatid at paghahalaw
ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pag-click lamang sa mga icon ng
iba’t ibang aplikasyong pangmedia.
Intelektwal, modernisado at napakayaman na ng Filipino. Bilang katunayan, sa
larangan ng pananaliksik ay hindi na lamang Ingles ang gamitin. Malawakan na ring
ginagamit ang Filipino sa larangang ito.
Ang isang mahusay na mananaliksik ay hindi lamang may kaalaman hinggil sa
usaping pampananaliksik kundi higit sa pagbuo nito. Masasabing ganap na natutunan ng
mag-aaral ang pananaliksik kapag may kakayahan ito na maipaliwanag ang iba’t ibang
bahagi ng pananaliksik at malipat ang mga kaalamang ito sa aktuwal na pagbuo o
pagsasagawa nito.

173
PAUNANG GAWAIN
Wika Rambulan. Ang gawaing ito ay isang pagbabalik-aral sa mga paksa ng pananaliksik.
Isa itong pagtatasa na susukat sa iyong kahusayang pampananaliksik. Ayusin ang
ginulong mga letra sa bawat aytem upang mabuo ang hinihinging kosepto. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Ang pananaliksik na nagbibigay halaga sa TOKALIWITAB


deskriptong katangian o paglalarawan sa
paksang pinag-aaralan kaysa sa mga datos ____________________
na statistical tulad ng frequency at mean.
2. Tumutukoy ito sa mga tanggap na YORETA
kaalaman at karagdagang impormasyon
hinggil sa isang paksa na ginagamit o ____________________
ipinapanukala bilang pangkalahatang
batayan ng konsepto ng pananaliksik.
3. Sa pananaliksik ay tumutukoy ito sa mga NASILRUNI
pahayag na nais bigyan ng paliwanag o
nais patotohahan. ____________________
4. Tumutukoy ito sa mga construct o mga RALYABOB
katangiang nais imbestigahan at
patunayan na maaaring magtaglay ng mga ____________________
katangiang eksklusibo o higit pang halaga.
5. Ito ay pagbibigay kahulugan sa mga RANEPOLASOY
katawagan ayon sa pagkakagamit ng mga
ito sa pag-aaral. ____________________
6. Ito ay isang proseso ng paghahanap at KALAAPINIKNS
pangangalap ng mga totoong
impormasyon na ang hangarin ay makabuo ____________________
ng mga bagong kaalaman.
7. Tinatawag din itong haka o prediksyon. Ito SITEYOHAPS
ang Pangkalahatang palagay kaugnayan ng
mga nais sagutin o bigyang linaw sa ____________________
pagsasaliksik.
8. Tinutukoy nito ang lugar kung saan NALIGARIKA
isinagawa ang pananaliksik kaya makalap
ang mahahalagang datos. ____________________
9. Bahagi ito ng pananaliksik kung saan ang NIKOSOLKGUYN
kalahatan ng mga natuklasan sa pag-aaral
ay inilalahad sa pamamagitan ng maiikli ____________________
ngunit tiyak na pahayag.
10. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay YODIMERSOKEMAN
ipinahahayag ng mananaliksik ang mga

174
panukalang gawain o kaya ay ang mga nais ____________________
pang isakatuparan kaugnay ng mga
kinalabasan ng pag-aaral.
11. Isang akademikong pagsulat na TELARITARU
tumatalakay sa paksa ng pag-aaral sa
pamamagitan ng masusing pagpili ng mga ____________________
makabuluhang artikulo.
12. Sa pamamagitan na figure ayinilalarawan DAPIRAM
nito ang mga hakbang maging ang mga
konsepto kung paano maaaring ____________________
maisakatuparan ang pananaliksik.
13. Pagtalakay sa kinalabasan ng pagsasaliksik TOPTINARSERIYEN
na karaniwang nilalakipan ng
koroborasyon ng mga pili at nauugnay na ____________________
kaisipan ng mga dalubhasa.
14. Bahagi ng pananaliksik na naglalahad ng AYLIMODEHOTO
uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral.
Ang disenyo ng pag-aaral ay inilahad sa ____________________
bahaging ito.
15. Ito ay tumutukoy sa mga nakalap na TODAS
impormasyon, idea at kaalaman mula sa
mga tagatugon. ____________________

Interpretasyon ng mga iskor:


13-15 Napakataas ang kaalaman sa pananalik, makapagpapatuloy nang walang
gabay
10-12 Mataas ang kaalaman sa pananaliksik, makapagpapatuloy nang walang gabay
7-9 May kaalaman sa pananaliksik, maaaring magpatuloy kung may gagabay
4-6 Nangangailangan ng paggabay sa pananaliksik, hindi maaaring magpatuloy
1-3 Nangangailangan ng pagbabalik-aral sa pananaliksik, hindi maaaring magpatuloy

Ano ang natutuhan mo?


Ang resulta ng Gawain ay nagpapakita ng iyong kaalaman sa
pananaliksik. Bagamat ito ay paglalasa lamang, ipinahihiwatig nila
kung gaano ka kahanda sa pagsasagawa ng pananaliksik. Tansaan
na may malaking ginagampanan ang kaalaman sa pananaliksik sa
akluwal na pagbuo nito. Hindi natin malalapatan ng pagsasagawa
ang isang bagay sa hindi natin alam. Kaya nararapat na isaalang-
alang ang kaalaman sa paksa at ang kahusayan sa pagsasagawa
nang sa gayon ay maisakatuparan ang gawaing pananaliksik nang
175
Kaalamang Pampananaliksik at Pagsulat ng IMRaD Format
Pagbalik-aralan antin ang ilang mahalagang kaalaman hinggil sa pananaliksik
bilang paghahanda sa pagsulat ng IMRaD format nito. Ang mga konseptong ito ay
napakahalagang matutuhan nang sa gayon ay makapagpatuloy nang mahusay sa
pagsulat.

Mahahalagang Kaalaman sa Pananaliksik

Kahulugan

Bagamat marami pang mga dalubhasa ang nagbigay ng kani-kanilang


pagpapakahulugan sa pananaliksik, dapat isaisip na hindi lamang nauukol sa mga
istatistikal na datos ang tuon ng pananaliksik sapagkat ang kabuluhan nito ay kung paano
maaaring naisagawa nang makabuluhan at makatotohanan ang mga proseso sa
pagtuklas. Higit pa rito ay ang pagbuo ng mga kaisipan, argumento at mga konsepto na
nauugnay sa mga nakalap na datos na sumusupota sa mga natuklasang bagong
kaalaman. Ginagawa ito upang maglahad, magpaniwala at manghikayat ng mga tao
hinggil sa mga katotohanang natuklasan sa pag-aaral.

176
Apat na Uri ayon sa Layunin
Bakit tayo nagsasagawa ng pananaliksik? May apat na dahilan na binabanggit si
Patton (1990) kung bakit nagsasagawa nito.

Disenyo
Iba-iba ang disenyo na maaaring gamitin ayon sa kung ano ang layunin ng
pananaliksik.
1. Disenyong Eksperimental
 Kung ang nais isakatuparan ay isang pananaliksik na may layuning
malaman at mapatunayan ang mga baryabol.
2. disensyong Korelasyon
 Kung ang layunin naman ay tuklasin kuang paano nauugnay ang mga
baryabol sa bawat isa.
3. Disensyong Kwantitatibo
 Dito nakapaloob ang eksperimental at korelasyon.
4. Disenyong Kwalitatibo
 Kung nais mailarawan at maintindihan ang isang partikular na kondisyong
panlipunan at ang iba’t ibang karanasang sosyal ng mga tao.
5. Disensyong Mixed
 Sa mga paksang may layunin maglahad ng mga baryabol at maglarawan
ng mga pangyayari, kaisipan at kondisyon.

177
Mga Bahagi ng Pananaliksik at ang IMRaD format
Ang isang buong pananaliksik ay karaniwang naglalaman ng limang
mahahalagang bahagi na nahahati sa limang kabanata. Ang mg kabanatang ito ay may
mga seksyon na naglalaman ng mahahalagang impormasyon nakatutulong upang
maunawaan ang isang pag-aaral.
Sa IMRaD format ay pinaikli ang karaniwang limang kabanata ng pananaliksik.
Ayon kay Abderisak (2013), ang IMRaD ay isang modelo ng pananaliksik na
kumakatawan sa Introduksyon – Metodolohiya – Resulta at Diskusyon, Halos walang
pagkakaiba sa nilalaman ng IMRaD format sa karaniwang limang kabanatang
pananaliksik. Ang IMRaD, inuulit, ay pinaikling bersyon; inilapatsa ibang bahagi nito ang
ibang bahagi ng kabanata ng pnanaliksik.

Kabanata 1: Suliranin at ang Saligan Nito


Introduksyon / Panimula
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Introduksyon
Balangkas Konseptwal
Hinggil sa paksa, saligan,
Balangkas Teoretikal
Haypotesis suliranin, layunin, rasyunal
Kahulugan ng mga Termino at kahalagahan.
Kabanata 2:
Literatura
Kaugnayan na Pag-aaral

Kabanata 3: Metodolohiya ng Pag-aaral


Disenyo Metodolohiya
Kaligiran ng Pag-aaral Disenyo
Tagatugon Instrumento
Instrumento sa Psg-aaral
Tagatugon
Hakbang sa Pagkalap ng Datos
Kaligiran
Paraan ng Pagsusuri ng Datos/
Treatment Hakbang at pamaraan

Kabanata 4: Paglalahad at Interpretasyon Resulta


ng Datos Paglalahad ng resulta
Paglalahad ng Datos ayon sa inilahad na
Interpretasyon ng Datos suliranin, interpretasyon at
koroborasyon o
pagpapatibay
*may mga institusyong
pang-akademya na
naglalapat ng buod sa
bahagi ng resulta. Ito ay
opsyonal.

178
Kabanata 5: Buod, Kongklusyon at
Rekomendasyon Diskusyon o Talakay
Buod Kongklusyon
Kongklusyon
Rekomendasyon
Rekomendasyon

Ang mga pananaliksik na social at technical ay maaaring lapatan ng IMRaD


format. Ang Social Research ay nauukol sa mga pananaliksik na may kaugnayan sa lahat
ng disiplinang pang-akademiko. Nakatuon ito sa mga paksa hinggil sa kaugnayan ng mga
tao sa lipunang ginagalawan nito — antropolohiya, ekonomiks, batas at kasaysayan,
lipunan at heograpiya, linggwistiks, politika, sikolohiya at sosyolohiya. Ang Technical
Research naman ay nauukol sa lahat ng mga sangay ng agham at teknolohiya kung saan
isinasagawa ang mga prosesong eksperimental. Nabibilang sa larangang ito ang mga
sangay ng agrikultura, teknolohiya, medisina at iba pang sangay. Samakatuwid, ang mga
pananaliksik sa alin mang larangan ay maaaring magkaroon ng bagong anyo sa
pamamagitan ng IMRaD.

Tunghayan sa presentasyon ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bahagi


ng kabanata ng pananaliksik at ang IMRaD format.

Paano sinusulat ang IMRaD format?

Introduksyon (Ano ang paksang sasaliksikin at bakit?)

Ang introduksyon ay naglalahad ng paksa at mga suliranin ng pananaliksik at


mahalagang tanong na nais linawin. Naglalaman ito ng maikling pagpapahayag ng
saligan ng pag-aaral at kung bakit ito mahalagang saliksikin. Inilalakip din sa
introduksyon ang paglalahad ng limitasyon at iba pang mahahalagang paksa na dapat
talakayin sa larangan (research gap) at ang layuning nais itugon dito. Ang mahahalagang
pagtalakay sa paksa ay inilalakip din sa introduksyon upang maunawaan ang larangang
nais maipakilala. Nililiwanag sa pagtalakay ang mga “alam” at “di-alam” tungkol sa paksa
at kung ano pa ang maaaring malaman ukol dito. Ang mga haka o prediksyon na
maaaring maging resulta ay pahapyaw na nililiwanag sa bahaging ito.

Simulan ang pagsulat nito sa pamamagitan ng paglalahad ng paksa at ng


suliraning nais bigyang linaw. Ihayag sa pamamagitan ng mapanghikayat ng pananalita at
mga kaisipan na ang paksa ay napapanahon, mahalaga at dapat bigyang pansin.
Ipaliwanag ang kasalukuyang kalagayan ng napiling paksa at tukuyin ang mga bahagi na
hindi pa gaanongnatatalakay (gap) at ipaliwanag. Isama rin ang paglalahad ng mga
layunin at labuluhan (rationale) ng isinasagawang pananaliksik.

179
Sa pagsulat nito, ilapat ang mga kaukulang citations. Gamitin ang mga pandiwang
pangkasalukuyan at gumamit ng mga tiyak, maikli at di-maliligoy na pangungusap.
Iwasan ang mahabang introduksyon. Ang paglalahad ng mga detalye ng resulta ay hindi
angkop sa bahaging ito.

Metodolohiya (Ano ang ginawa at paano ito ginawa)


Anim na mahahalagang tanong ang dapat masagot sa paglalahad ng bahaging
ito: Ano? Sino? Saan? Bakit? Kailan? Paano?

Ang Ano? Ay tumutukoy sa disenyo at mga pamaraang ginagamit sa pag-aaral.


Ang Sino? At Saan? Ay tumutukoy sa mga tagatugon at sa kaligiran ng pag-aaral. Ang
Bakit? Ay para sa mga konsiderasyong etikal sa pagsasagawa ng pananaliksik at ang
Kailan? Naman ay sa saklaw na panahong ginamait hanggang sa mabuo ang
pananaliksik, samantalang ang Paano? Ay tumutukoy sa mga hakbang at paraan ng
pagtalakay sa mga datos gayundin sa pagpili ng mga tagatugon.
Sa pagsulat ng metodolohiya, gumamit ng mga pandiwang perpektibo (past
tense). Liwanagin sa bahaging ito ang mahahalagang kaisipang ukol sa ano, sino, saan,
bakit, kalian at paano nang sa gayon ay maunawaang ang kabuoang pamaraan o proseso
kung paano nakuha ang detalye ng mga datos. Maging detalyado sa paglalahad ng
metodolohiya at sa mga prosesong kaugnayan nito. Halimbawa, kung nagsagawa ng
panayam, kailangang mailahad kung paano napili ang kakapanayamin o mga
kakapanayamin, saan isinagawa ang panayam, kung mayroon bang katangiang
isinaalang-alang sa pagpili ng mga tagatugon at ano ang mga kagamitang ginamit para sa
panayam.

Resulta (Ano ang natuklasan?)

Sa bahagi naming ito inilahad ang nagging resulta at natuklasan sa isinagawang


pag-aaral. Ang mga resulta ay inilalahad ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga suliranin.
Mainam kung sa paglalahad ay gagamit ng mga seksyon at sub-seksyon upang higit na
maging maayos at maliwanag ang isasagawang pagtalakay. Dalawang bagay ang
mahalaga sa bahaging ito—maglahad ng resulta at magbigay ng kuro-kuro sa mga
natuklasan sa isinagawang pananaliksik.

Sa paglalahad ng resulta, gamitin ang mga hanayan na may wastong label at


angkop na deskripsyon. Samahan ang paglalahad ng mga kuro-kuro, mga

180
pagpapaliwanag at pagpapatibay (koroborasyon) mula sa mga nabasang artikulo at
paghahambing sa mga resulta ng kaugnayan na pag-aaral.

Halimbawa, maaaring talakayin ang resulta ng ganito:

Sa kalahatang ebalwasyon ng mga mag-aaral ipinakikita ng talahanayan na. . . kaya


masasabing makatotohanan ang resulta ay sapagkat binanggit sa pag-aaral ni
Cruz(2018) na . . .

O kaya ay ganito:

Mayroong kaibahan ang resultang ipinakikita ng Talahanayan 3 ukol sa . . . mahihinuha


sa pag-aaral na isinagawa ni Mendoza (2017) na. . . Dahil dito, masasabing . . .

Gayunpaman, sikaping matuwid at hindi maligoy ang paglalahad at


pagpapaliwanag ng mga kaisipan. Hanggat maaari, ilagay sa resulta ang mga tanging
impormasyong kailangan at tiyak na sumasagot sa mga suliranin (Highlights, key findings
ang primary outcomes).

*Tandaan na may ilang institusyong pang-akademya na pinipiling ilapat sa


bahaging ito (resulta) ang buod ng pag-aaral. Nasa tuntunin ng naturang mga institusyon
na gamitin ang kanilang sariling format.

Diskusyon o Talakay (Ano ang ibig sabihin ng resulta?)

Laman ng bahaging ito ang buod ng pag-aaral, gayundin ang maaaring kalahatang
pagkakatulad at pagkakaiba ng resulta sa iba pang mga pag-aaral. Kayang ang
pinakatunguhan ng bahaging ito ay ang paglalahad ng mga kongklusyon at mga
rekomendasyon batay sa lumabas na mga resulta. Ang iba pang mahahalagang maaaring
matalakay sa diskusyon ay ang mga implikasyon mula sa ibang naisagawang pananaliksik
na nauugnay sa paksa ng pag-aaral. Ginagawa ito upang mapalawak at mapalalim pa ang
pagtalakay sa resulta ng pananaliksik.

181
PAGSASANAY

PASULAT. Tukuyin ang kahingian ng sumusunod na aytem hinggil sa pananaliksik. Isulat


ang sagot sa patlang.

Apat na uri ng pananaliksik ayon sa layunin:


1. ________________________ 3. ________________________
2. ________________________ 4. ________________________

Mga bahagi ng Pananaliksik


Kabanata 1: (5) ________________ Kabanata 2: (9) ________________
(6) ________________ (/) Literatura
(7) ________________ (10) ______________
(/) Kahalagahan ng Pag-aaral
(8) ________________
(/) Haypotesis
(/) Katawagan ng mga termino

Kabanata 3: (11) ________________ Kabanata 4: (16) ________________


(/) Disenyo ng Pag-aaral (/)Paglalahad ng Datos
(12) ________________ (17) ________________
(13) ________________
(/)Kaligiran ng pag-aaral
(14) ________________
(15) _________________

Kabanata 5: (18) _________________


(19) _________________
(/) Kongklusyon
(20) _________________

Disenyo ng pananaliksik
Ang iba’t ibang pamamaraan ng pananaliksik ay tinatawag na (21)
____________________. Ang disenyong (22) ____________________ ay ginagamit kung
may layuning malaman at mapatunayan ang mga dahilan kung bakit nangyari ang mga
pagbabago kaugnay ng mga baryabol. Kung layunin naman na tuklasin kung paano
nauugnay ang mga baryabol sa bawat isa, ginagamit ang disenyong (23)
____________________. Samantala, kung nais mailarawan at maintindihan ang isang
particular na kondisyon panlipunan at ang iba’t ibang karanasang sosyal ng mga tao,
gamitin ang disenyong (24) _________________; sa mga paksang may layuning

182
maglahad ng mga baryaol at maglarawan ng mga pangyayari, kaisipan at kondisyon, ang
disenyong (25) _________________ naman ang gamitin.
Pagbuo at Presentasyon ng Pananaliksik na IMRaD

Naaangkop gmitin ang IMRaD sa mga pananaliksik na may layuning sumagot sa


mga tiyak na suliranin. Ito ay higit na mabuting gamitin sa mga pananaliksik na mayroong
proseso ng pag-eeksperimento, panayam, obserbasyon, at iba pa. Maaari din itong
gamitin kapag nagsasagawa ng pananaliksik na secondary na ginagamit lamang ng
pagkuha ng impormasyon ukol sa isang tiyak na paksa mula sa mga aklat, magasin, mga
artikulo at maraming iba pang hanguan. Sa bahaging ito pananaliksik gamit ang IMRaD.
Ang mga pananaliksik na inilalathala ay karaniwang ginagamit ng IMRaD format.

Gawin

Inaasahan na sa bahaging ito ay mayroong nang naisagawang pananaliksik ang


mga mag-aaral. Maaaring gamitin ang mga nakalipas o natapos nang pananaliksik. Kung
kasalukuyang isinasagawa ang pananaliksik at nasa huling bahagi nang pagsulat, maaari
din itong gamitin bilang halimbawa.

1. Pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay bubuoin ng 3-5 miyembro lamang.


2. Isaalang-alang na ang bawat pangkat ay mayroong soft o hard copy ng natapos
nang pananaliksik.
3. Magkaroon ng brain stroming ang bawat pangkat at pag-usapan ang tungkol sa
napiling pananaliksik. Gamitin bilang gabay ang halimbawang IMRaD sa ibaba.
4. Dalawang bahagi ang tatayahin sa gawaing ito: Nabuong IMRaD at presentasyon
ng IMRaD.
5. Sa pagtataya, gamitin ang Rubrik 7.

Ilang Mungkahing Dapat Tandaan sa Pagsulat ng IMRaD

Pamagat na Karaniwang nasa Gawing Itaas ng Papel, Centered Alignment at


Sinusulat nang Tagilo (inverted pyramid), Lahat ng mga Salitang Pangnilalaman ay
Sinisimulan
sa Malaking Titik, ito ay opsyonal ayon sa mga pamantayan ng institusyon.
Maaaring ang pamagat ay isulat sa malaking titik.

Buong Pangalan ng Mananaliksik


Iba pang mahalagang impormasyon tulad ng uri ng pananaliksik, email atbp.

183
Abstrak

Ang abstrak ay sinusulat na isang talataan lamang at hangga’t maaari ay


hanggang isandaang salita lamang. Laman nito ang pinakamahalagang impormasyon ng
pag-aaral. Dalwampu’t limang porsyento (25%) nito ay paglalahad ng kahalagahan ng
pag-aaral o introduksyon,25% para sa metodolohiya, 35% ang sa paglalahad ng resulta at
ang 15% ay laan para sa mga implikasyon, kongklusyon at rekomendasyon na siyang
kumakatawan sa diskusyon. Ilagay sa ibaba nito ang mga susing salita o keywords.

Susing salita: Ang susing ay mga salitang nauugnay pag-aaral. Maaari ring ito ay
mga salita na nagsasaad kung sa anong kategorya o larangan nabibilang ang pag-aaral.
Sa pamamagitan ng mga susing salita ay mapabibilis ang paghahanap ng pananaliksik
lalo na akung ito ay inihanda para sa publikasyon.

Introduksyon

Isukat ang introduksyon. Binibigyang-diin 25% bahagi ng IMRaD ang


introduksyon. Simulan ang pagsulat sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa paksa at
suliranin at kung bakit napakahalagang saliksikin ang paksa o rasyunal. Gawing
makatotohanan at mapanghikayat ang tono ng pananalita upang ipagpatuloy ng mga
mambasa ang pagbasa sa nilalaman ng pag-aaral.
Talakayin nang tiyak at di-maligoy ang kasalukuyang estado ng paksa at ilahad din ang
mga research gap o mga suliranin sa larangang tinatalakay gayundin ang maaaring
maging solusyon ditto. Tapusin ang introduksyon sa pamamagitan ng himig na
nagpapaniwala upang magkaroon ng interes ang mga mambabasa na alamin ang
susunod na bahagi.

Metodolohiya

Ang metodolohiya ay 25% bahagi ng IMRaD. Ito ay sinusulat gamit ang mga
pandiwang perpektibo. Maaaring may heading at subheading ang bahaging ito. Ipokus
sa talakay ng metodolohiya ang kahalagan ng uri at disenyo ng pag-aaral. Ilahad nang
mahusay ang kaligiran ng naisagawa pananaliksik at kung bakit ito ang napiling lokasyon.
Banggitin dina ang kung sino ang mga tagatugon ng pananaliksik, kung paano pinili ang
mga tagatugon at liwanagin kung bakit sila ang napiling tagatugon. Ang instrumento ng
pag-aaral ay ilahad gayundin ang mahalagang katangian nito. Bigyang pansin sa bahaging
ito ang mga paraan ng pag-analisa ng datos at mga hakbang na isinagawa sa pagkuha ng
datos upang maunawaan ang kalahatan ng mga prosesong isinagawa.

184
Resulta

Matapos mailahad ang metodolohiya, isulat ang nagging resulta ng pag-aaral.


Ang resulta ay kumakatawan ng 35% sa bahagi ng IMRaD. Dalawang mahalagang bahagi
ang dapat maisaalang-alang ditto – maglahad ng resulta at magbigay ng kuro-kuro. Ituon
sa paglalahad ng resulta ang nanging sagot sa mgat suliranin ayon sa pagkakasuno-sunod
ng mga resulta. Ilagay ang mga mahahalagang talahanayan at angkop na label
interpretasyon ng mga resulta. Sikaping ang mga kuro-kuro ay malapatan ng mga
pagpapatibay na naaayon sa mga nailahad na resulta ng pag-aaral.

Diskusyon

Labinglimang porsyento (15%) ng IMRaD ang diskusyon. Ang mga implikasyon,


kongklusyon at rekomendasyon ay biniigyang halaga sa bahaging itong IMRaD. Maaari
din
namang isama rito ang mambabasa kung ano ang kabuoang kinalabasan pananaliksik.
Maglagay ng pangwakas na kaisipan na nauukol sa kalahatang resulta ng pag-aaral sa
bahaging ito.

Tapusin ang IMRaD sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sanggunian.

Iba pang mahahalagang mungkahi sa pagsulat ng IMRaD:


1. Gumamit ng papel na ang sukat ay 8.5” x 13” (long size bond paper) na may
1.5” sa bahaging binding edge o kaliwang bahagi at 1” sa iba bang bahagi ng
papel.
2. Gumamit ng 12 font size, Times New Roman o kaya ay Arial
3. Ang espasyo sa pagitan ng mga linya ay maaaring 1.5 o 2 espasyo. Samantala,
2.5 espasyo sa pagitan ng heading at subheadings.
4. Limitahan ang papel ng hanggang 20-25 pahina lamang, kasama na ang mga
talanayan, figures at sanggunian.

CHAPTER OUTPUT: PAGBUO NG IMRaD NG PANANALIKSIK


(Ang halimbawa IMRaD na makikita sa ibaba ay sadyang hindi isinunod sa
pamantayan ng pagagmit ng espasyo sa layuning mapaikli ang mga pahina. Gamitin ang
halimbawa bilang gabay sa pagbuo ng IMRaD.)

Silweta ng Pagkalalaki sa “My Husband’s Lover” ni Suzette Doctolero


Joanna Castarieto, Jeremy Peñflor, Ma. Theresa Rose Louise, Rochelle Daulayan
Adviser and Co-author: Rodelio C. Gauuan

185
Abstrak

Ito ay isang palarawang uri ng pananaliksik na ginamitan ng pamamaraang ng


pamaraang dokumentaryo at panayan. Saklaw ng pananaliksik ang pagtukoy sa silweta
ng pagkalalaki mula sa 95 na serye ng “My Husband’s Lover” ni Suzette Doctolero.
Kaugnayan nito ang pagsasadokumentaryo ng mga silweta ng pagkalalaki sa 10 bisexuals
sa iba’t ibang lugar sa Bayombong, Nueva Vizcaya. Bung ng pananaliksik, natuklasan na
may mga pagkakaiba at pagkakatulad ang silweta ng pagkalalaki mula sa teleserye at
panayam sa respondents. Natukoy sa pag-aaral na ito na ang karaniwang paraan ng
pagtatago ng “pagkalalaki” ay maaaring sa pamamagitan ng pananamit, boses,
lenggwahe, pakikipagtalik sa babae, tindig, paglalagay ng password sa gadget,
pagkakaroon ng kaibigang lalaki, paglalaro ng larong panlalaki, pakikipagrelasyon sa
babae, kilos, gumagawa ng mga gawaing panlalaki at pagbubura agad ng mga mensahe
sa cellphone galing sa kakilalang lalaki.

Ang awtput ng pananaliksik ay isang modyul panturo na naglalaman ng mga


usapin hinggil sa Gender Awareness na maaaring gamitin sa mga talakayan sa sikolohiya
at sa mga kaugnayan na aralin sa Baitang 8.

Mga Susing salita: silweta, teleserye, sekswalidad, dokumentaryo

Introduksyon

Tayong lahat ay nagbabasa ng panitikan. Nakapupulot tayo rito ng mga kaalaman,


kaisipan at mga ugaliin na maaari nating magamit sa pang-araw-araw nating
pamumuhay. Ayon kina Salazar, et al. (1995), ang panitikan ay nagpapahayag ng
damdamin, panaginip at karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa maganda,
makahulugan at masining na mga pahayag. Sa pamamagitan din pagbabasa ng panitikan
ay maaaring makabuo ang mga mag-aaral ng sariling idea at nalilinang din ang mahusay
na pag-iisip.

Kaugnayan ng panitikan, isinama ang panood bilang isa sa mga kasanayang dapat
tamuhin sa sekundarya. Naging pokus ang ilan sa mga bagong genre ng panitikan tulad
ng pelikula, digital films at independent films, kasama na rito ang mga seryeng
pantelebisyon. Kinawiwilihang panoorin sa kasalukuyan ang mga teleserye. Ang
teleserye ay isang makabagong uri ng panitikan na napapanood sa telebisyon. Ito ay
napapanood nang dugtungan batay sa banghay. Noong 2013, ipinasok din ang konsepto
n iba’t ibang kasarian sa mga teleserye. Isa dito ay ang teleseryeng “ My Husband’s

186
Lover” ni Suzzette Doctolero. Tumatalakay ito sa isang Lipunan ginagalawan ng
magkakaibang kasarian-lalaki, babae, tomboy at bakla. Nagpapakita ng mga paraan kung
paano ang isang lalaki ay maaaring magtago ng kaniyang. Ang teleseryeng ito, ay
nagpakita ng iba’t ibang silweta ng pagtatanggap sa kaniya. Ang teleseryeng ito, ay
nagpakita ng iba’t ibang silweta ng pagtatago ng damdamin ng mga lalaki sa kapwa nila
lalaki.

Ang teleseryeng “My Husband’s Lover” ni Suzzette Doctolero ay isang


nakapanghahamong akda na dapat lamang pag-aralan upang maunawaan ang mga
katangian ng mga lalaki na hindi naglalahad ng kanilang sariling damdamin. Marahil, ito
ay sa dahilang napapahiya ang mga ito kapag sila ay naglantad sa lipunan sapagkat sa
social context, lalaki at babae lamang ang maaaring magsama. Kaya isinakatuparan ang
pananaliksik na ito upang maiintindihan kung bakit mayroong mga lalaking nagtatago ng
kanilang tunay na nararamdaman.

Kaugnay nito, nilalayon din na maihambing ang mga pangyayari sa mga karakter
ng teleserye sa mga karanasan ng mga lalaking bisexual sa lipunan.

Naging layunin ng pag-aaral na (a) matukoy ang silweta ng pagkalalaki batay sa


mga serye ng “My Husband’s Lover” sa pamamgitan ng pangnilalamang analisis, (b)
maisadokumentaryo ang silweta ng pagkalalaki ayon sa “My Husband’s Lover” sa piling
mga respondent (c) mapaghambing ang silweta ng pagkalalaki sa “My Husband’s Lover”
at ng respondents at (d) makabuo ng kagamitang panturo para sa araling pampanitikan
para sa Baitang 8.

Bilang batayan ng pag-aaral, ginamit ng mga mananaliksik ang kaisipan ni


Constantino (2002) ayon sa pag-aaral ni Lorenzana (2005) na nangangailangan ang ating
pambansang literature ng makabuluhang pagbabago at pagdaragdag sapagkat hindi pa
sapat ang mga nalikom na teksto upang sabihing tayo ay mayroon nang pambansang
literature. Kung kaya’t nangangailangan pang madagdagan ang mga kagamitang panturo
para sa lalo pang pagpapahusay sa larangang ito. Nakapaloob din saan ipinasok na ang
makrong kasanayang panonood sa bias ng Artikulo XI Seksyon 15:

Ang ARtikulo XI Seksyon 15 ay nagbanggit na dapat tangkilikin ng estado ang mga


sining at panitikan. Dapat pangalagaan, iatguyod, at ipalaganp ng estado ang pamanang
historical at kultural at mga likha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa.

Salig din ito sa K-12 kurikulum, Sec. 10.2 (d) and (b) – Implementing Rules and
Regulations for Ra 10533, sa kasalukuyang edukasyon, isa sa mga genre na kailangang
talakayin ng mga bayskul ay ang teleserye kung sann isa sa mga dapat masanay sa mga
mag-aaral ay ang kasanayan sa kanilang panood.

Metodolohiya

187
Ang pag-aaral na ito ay isang palarawang pananaliksik. Ginamitan ito ng
pangnilalamang analisis, paghalaw, dokumentaryo at panayam. Ginamit ang Input-
Process-Output sa pagtamo ng mga layunin.

Ang mga tagatugon ay ang mga piling bisexual na tumutugon sa sumusunod na


pamantayan: (a) may sekwal at emosyonal na pagkaakit sa babae at lalaki, (b) ang edad
ay 18 pataas, (c) maaaring propesyonal o hindi propesyonal , (d) particular na nakatira
Nueva Vizcaya at € ilang indibidwal ayon sa suhestyon ng ilang sikolohista ng Saint
Mary’s University. Sila ay napili sa pamamagitan ng pamaraang “Snowball”, ito ay
pagtukoy ng isang respondent na siya ring nagbibigay ng mga referent na respondent,
katulad ito ng “habing pyramid”:

Ito’y isinakatuparan sa piling mga lugar sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya:

188
Kaligiran ng Pag-aaral

Mula sa: “Map of Bayombong”


https://www.google.com.ph/search?
q=map+of+bayombong+nueva+vizcaya

Ginamit bilang instrument ng pag-aaral ang mga gabay na tanong sa panayam,


voice at audio record.

Resulta

Tugon sa mga layunin ng pag-aarlan, natuklas sa pananaliksik na ang “May


Husband’s Lover” ay kakikitaan ng iba’t ibang silweta ng pagkalalaki. Ito ay
matutunghayan sa 95 na serye nito. Sa bawat serye ng “My Husband’s Lover” natuklasan
na ang silweta ng pagkalalaki ay maaaring Makita sa sumusunod: a) pananamit b) boses
c) lenggwahe d) tindig e) paglalaro ng basketball f) paglalaro ng golf g) pagdyi-gym h)
pakikipagbasag-ulo i) pag-salute j) pag-inom ng alak k) pagsasanay sa military l)
pakikipagtalik sa babae m) paglalagay ng password sa gadget n) pagkakaroon ng anak o)
pagkakaroon ng kaibigang lalaki p) pakikipagrelasyon sa babae q) pagtatago ng larawan
ng lalaki r) pagkakaroon ng negosyong panlalaki s) pagpapakasal t) pagpunta sa malayo
at hindi pamilyar na bar.

Sa panayam na isinagawa, may mga indibidwal sa lipunan na nagtatago rin ng


kanilang pagkalalaki sa pamamagitan ng sumusunod: a) pananamit b) boses c)
lenggwahe d) tindig e) paglalaro ng basketball f) pagiging mayabang g) pag-iwas sa gamit
pambabae h) pagsisibak ng kahoy i) pagpapastol ng kalabaw j) pag-iigib ng balde-
baldeng tubig k) pakikipagtalik sa babae l) paglalagay ng password sa gadget m)
pagkakaroon ng kaibigan na lalaki n) pakikipagrelasyon sa babae o) hindi masyadong
nakikipagkomunikasyon sa pamilya p) hindi madalas umuwi sa kanilang tahanan.

May pagkakatulad ang mga respondent at ang pangunahing tauhan sa teleserye


sa paraan ng pagtatago ng kanilang pagkalalaki at ito ay ang mga sumusunod: a)
pananamit b) boses c) lenggwahe d) pakikipagtalik sa babae e) tindig f) paglalagay ng
password sa gadget g) pagkakaroon ng kaibigang lalaki h) paglalaro ng larong lalaki i)
pakikipagrelasyon sa babae j) kilos k) gumagawa ng mga gawaing panlalaki l) pagbubura
agad ng mga mensahe galing sa lalaki sa kaniyang cellphone.

Mula sa isinakatupang pag-aaral, nakabuo ang mga mananaliksik ng kagamitan


panturo mula sa nahalaw na teleserye at ginawang panayam. Ang kagamitang panturo

189
ay maaaring gamitin bilang isang babasahin o modyul para sa talakayan pampanitikan
para sa ilang piling aralin ng Baitang 8.

Diskusyon

Sa pag-aaral na ito ay napag-alaman na may seryeng pantelebisyon na


pumapaksa sa iba’t ibang konsepto ng kasarian, isa dito ang “My Husband’s Lover”. May
mga paraan ng pagtatago ng nararamdaman ang mga lalaki sa mga kapwa nila lalaki.
May iba’t ibang silweta na ginagamit ang mga bisekwal upang itago ang kanilang tunay
na pagkatao, ito ay makikita sa “My Husband’s Lover” at sa panayam na isinagawa. Ang
mga teleserye maaaring makatutulong sa pagbuo ng kagamitang panturo. May mga
kagamiting panturo na makakatulong sa mga ma-aaral upang lalong maintindihan ang
iba’t ibang konsepto ng kasarian.

Samakatuwid, buhat sa resulta at kongklusyon ng pananaliksik, inirekomenda na


patuloy na panonoorin ang mga teleserye sapagkat dito ay may mga paksa na maaaring
makatulong upang maging bukas an gating isipan sa lipunang ating ginagalawan. Pumili
ng mga teleserye na dapat panoorin ayon sa paksa at ayon sa uri ng manonood dahil
hindi lahat ng teleserye ay ayon sa panlasa ng nakarami. Sa mga guro, gamitin ang mga
teleseryeng may mahuhusay na paksa sa pagtuturo upang magkaroon ng sapat na
edukasyon ang mga estudyante na nasa baiting 8 patungkol sa pag-aaral ng
sekwalidad/kasarian upang magkaroon ng sapat na pang-unawa. Bumuo ng kagamitang
panturo gamit ang mga teleserye at iakma ito sa mga kasanayan sa baiting 8. Higit sa
lahat, ipagpatuloy ang pagsasaliksik ukol sa teleserye sa ibang larangan o paksa. Sa mga
susunod na magsasaliksik, gawing batayan ang pag-aaral na ito sa susunod pang
pananaliksik.

190
SANGGUNIAN

BULAON, FERMIN, D.M. at LAPUZ, H.A (2009). Pamanahong Papel Ukol sa


Bisexuality sa Pilipinas. Universidad ng Santos TomasKolehiyongNursing. Retrieved
from https://ustbsnonenaynbisexuality.wordpress.com/

CARVETH, R.A (1985). Soap opera viewing and social reality: Exploring the
effects of love in the afternoon. University Libraries: University of Massachusetts
Amherst.

KISSELOFF, J, (1995). The box: An oral history of television, 1920-1961. New


York: Viking.

KINSEY, A. (1998). Sexual Behavior in the Human Male: Kinsey’y Heterosexual-


Homosexual Rating Scale, 636-659. Bloomington: Indiana U. Press.

LORENZANA, L.M (2005). Isang Pagsasalin sa Filipino ng mga Kwento at


Kantahing Bayan ng mga Tuwali at ang Panunuring Sosyo- Kultural nito.
Bayombong, Nueva Vizcaya: Saint Mary’s University.

ORPEZA, J. (2011). Same-sex marriage: Tutulan. Retrieved from


http://kulturaatkasarian.blogspot.com/2011/10/same-sex-marriage-tulan.html

RAMOS, M. (2009). Ibat-ibang kahulugan ng panitikan ayon sa iba’t ibang


awtoridad. Retrieved from http://thezai.blogspot.com/2009/06/ibat.html

SIGMUND, F. (1905). Three essays on the theory of sexuality. Sept. 7, 125-245.


New York: Basic Books.

SALAZAR, L.A., et al. (2005). Panitikang Filipino. Quezon City: Katha

191
Pamantayan sa pagmamarka at presentasyon ng IMRaD na pananaliksik

Pamantayan Puntos Aktuwal


Introduksyon 15
Naisakatuparan ang mahahalagang bahagi ng introduksyon 5
Maayos at magkakaugnay ang pagkasunod-sunod ng mga 5
bahaging nangangailangan ng pagpapatibay 5

Metodolohiya 20
Malinaw at angkop na nailahad ang mga mahahalagang bahagi 15
ng metodolohiya tulad ng disenyo, pamaraan, kailangan,
tagatugon at iba pang bahagi
Maayos at magkakaugnay ang paglalahad ng mga bahagi 5

Resulta 25
Nailahad ang mga resulta ayon sa pagkasunod-sunod ng 10
suliranin
Natalakay ang resulta ng pananaliksik 10
May paghahambing, pagpapatibay at angkop na citations ang 5
mga pagpapaliwanag
Diskusyon 20
Angkop ang pagbubuod, kongklusyon at rekomendasyon 10
Nagtataglay ng sapat na kaisipan at mga implikasyon para sa 10
susunod pang pananaliksik

Presentasyon 20
Malinaw, magkakaugnay at maayos ang organisasyon ng 8
presentasyon ng kagamitang biswal
Oral Presentation
Stage presence 4
Kalinawan at kalakasan ng boses 4
Kahusayan sa pagsagot ng mga tanong 4
Kabuoan
Tagataya: ___________________________________ Petsa: ____________
Pangalan at Lagda

TAYAHIN
Pangalan ng mga miyembro: __________________________ , _______________________ ,
192
________________________ , _______________________ , _________________________
Pamagat: ___________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
------------Mga Sanggunian------------

(2018)What is archival research? Retrieved November 15, 2018 from


http://research.library.gsu.edu/archivalresearch

ADAYA, J. G., et al, (2016). Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Jimczyville Publications. Malabon City

ALMARIO, V. S. (1992). Kung sino ang kumatha kina Bagongbanta, Ossorio, Herrera,
Aquino de Belen, Balagtas atbp: mga imbestigasyon sa panitikan ng kolonyalismo.
Quezon City: Anvil Pub.

ANDREW, L. F. (2012). Classic grounded theory to analyse secondary data: reality and
reflections. The Grounded Theory Review, 11(1), 12-26

ANTONIO, L. F. (2009). Teksbuk sa Pagsasalin. C & E Publishing, Inc., Quezon City

AQUINO, A. M. (2009). Facilitating human learning. Manila: Rex Publication

ARIOLA, M. (2014). Research and statics and dissertation writing. Manila: Unlimited
Books

ARMILLA, AK. A. (2015). Gabay sa Pagbasa at pagsulat at Pananaliksik sa Filipino.


Wiseman/’s Books Trading Inc.

ARROGANTE, J., et al. (2003). Pinaunlad na Pagbasa at Pagsulat, Ipinalathala ng National


Bookstore, Quad Alpha Centrum Bldg., Mandaluyong City

ARROGANTE, J., et al (2009). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ipinalathala ng


National Bookstore, Quad Alpha Centrum Bldg., Mandaluyong City

ATANACIO, C., et al. (2009). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. C & E Publishing
Inc. Quezon City

193
BADAYOS, P. B. (1991). Kulintang aklat sa Filipino IV, panitikan sa ikaapat na taon ng
paaralang sekundarya. Metro Manila: National Book Store

BECKER, B. (2017) How to Write a Case Study. Retrieved September 21, 2018 from
http://blog.hubspot.com/blog/tabid/6307/bid/33282/the-ultimate-guide-to-creating-
compelling-case-studies.aspx
BELA-O, M. L., et al. (1997). Retorika sa Kolehiyo (Filipino 3). Grandwater Publications
ang Research Corporation. Makati City

BERNALES, R. A., (2009). Maunawang Pagbasa at Akademikong Pagsulat: Introduksyon sa


Pananaliksik, Mutya publishing House. Valenzuela City

BERNARDO, J. (2010). Pantayong pananaw: isang paliwanag. Retrieved October 18, 2018
from http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/09/pantayong-pananaw-isang-
paliwanag.html

BOGOST, I. (2018). When malls saved the suburbs from despair. Retrieved October 12,
2018 from http://www.thealantic.com/technology/archive/2018/02/when-malls-saved-
cities-from-capitalism/553610/

BOWEN, R. (2009). Document analysis. Retrieved from


http://lled500.trubox.ca/2016/244

BOWMAN, M. (2016). Using video in research. Scottish Council for Research in


Education
CHUA, X. (2018). Retrieved October 18,2018 from
http://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/content/638917/saysay-ng-sariling-
kasaysayan-ang-ambag-ni-zeus-salazar-sa-bayan/story/

COCHICO, A.M. F. (2013). Ano nga ba ang Nasyonalismo? Retrieved September3, 2018
from http://tomasinoweb.org/blogs/ano-nga-ba-ang-nasyonalismo/

COLE, N. L. (2018). What is cultural hegemony? Retrieved August 15, 2018 from
https://www.thoughtco.com/cultural-hegemony-3026121

CRESWELL, J. W. (2009). Research design: qualitative, quantitive, and mixed methods


approach (3rd ed.) Thousand Oaks, Ca: Sage.

DATT, S (2016). 8-step procedure to conduct qualitative content analysis in a research.


Retrieved August 21, 2018 from https://www.projectguru.in/publications/qualitative-
content-analysis-research/

DAY, R. A (1998). How to write & publish a scientific paper. 5th ed. Phoenix: Oryx

194
DE BELEN, R. T. (2015). Research methods and thesis writing (1 st ed.). Quezon City:
Wneman’s Trading

DE LEON, Ma. V. (2015). ANo ang kasaysayan? Retrieved October 18, 2018 from
https://www.slideshare.net/mariavictoriaobat/ano-ang-kasaysayan-50883792.

DIASANTA, I. A. (2012). Pantayong pananaw. Retrieved October 22, 2018 from


https://irisharinediasanta.wordpress.com/2012/09/26/ang-pantayong-panana-mula-sa-
forum-ni-dr-salazar/

DICK, B. (2017). A beginner’s guide to action research. Retrieved September 19, 2018
from http://www.aral.com.au/resources/guide.html

Different types of case study. Retrieved September 10, 2018 from


https://paper.sowl.com/blog/types-of-case-study

DOOLAN, D.M., & FROELICHER, E. S. (2009). Using an existing data set to answer new
research questions: a methodological review. Research and Review for Nursing Practice:
An International Journal, 23 (3), 203—215.doi: 10.1891/1541-6577.23.3.203

ENRIQUEZ, V. (1976). Sikolohiyang Pilipino: perspektibo at direksyon = mga babasahin sa


Agham Panlipunan: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw. Quezon
City: C & E Pub.

FERRANCE, A. (2000). Action research. Providevce, RI: Laboratory at Brown University

FINK, A. (2014). Conducting research literature reviews: from the internet to paper, 4 th
Ed. Thousand Oaks, CA: SAGE

Focus Group Discussion. Retrieved, October 19, 2018from


https://www.spinter.It/site/en/vidirisnoseline/vidmenu/focus-group-discussion

GILLESPIE, T. (2010). Doing literary criticism: helping students engage with challenging
texts. [S.L.]: Stenhouse Pub.

GONZALVO, R. P. Jr. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Unlimited Books Library Services & Publishing Inc. Intramuros Manila.

GUILLERMO, R. (2012). Issues and nations and stories. Retrieved October 23, 2018 from
https://kyotoreview.org/issue-3-nations-and-stories/exposition-critique-and-new-
directions-for-pantayong-ananaw/https://xiaochua.net/2012/11/13/bathala-si-zeus-
salazar-bilang-dalumat-mismo-ika-75-taon-isang-pagpapahalaga-2009/

195
HEALE, R. and TWYCROSS, A. (2017). What is a case study? Retrieved August 21, 2018
from https://ebn.bmj.com/content/21/1/7

Ho, V. H. (2012). Theories of corporate groups: corporate identity reconceived.


Retrieved September 12, 2018 from: https://scholarship.shu.edu/cgi/viewcontent.gi?
referer=https://www.google.com/&httpsredir=1&article=1435&context=shlr

JEWITT, C. (2012). An introduction to using video for research. London: Institute of


Education

JOHNSTON, M.P. (2014). Secondary data analysis. Retrieved, October 22, 2018 from:
https://www.google.com.ph/url?
sa=t&url=http://www.qqml.net/paper/September_2014_issue/336QQML_Journal_2014
_Johnston_Sept_619-
626.pdf&ved=2ahUKEwjTIOnr#Y7eAhXJgI8KHexKD8gQwaICMAx6BAgKEBk&usg=AOvVa
w11EaKIGTSavctbFtrJocf

KAWULICH, Barbara B. (2005). Participant observation as a data collection method


[81paragraphs]. Forum Qualitative SOzialforshung/Forum: Qualitative Social Research, 6
(2), Art. 43. Retrieved, October 15, 2018 from http://nbn-resolving.de/urn:nbn:de:0114-
fqs0502430

KHAN, M. R. (2018). Coercion human behaviour. Retrieved September 15, 2018 from
Encyclopedia Brittanica https://www.britannica.com/topic/coercion

KOWALCZYK, D. (2017). What is survey research? Retrieved November 21, 2018 from
https://study.com/academy/lesson/what-is-survey-research-definition-methods-
types.html
LADAPAT, J. C. and LINDSAY, A. C. (2012). Transcription in research and practice: from
standardization of teachnique to interpretive positionings. Retrieved November 21, 2018
from https://www.researchgate.net/publication/249735478

Length of the Focus Group Discussion. Retrieved, October 22, 2018 from
https://blog.socialcops.com/academy/resources/conduct-succesful-focus-group-
discussion

LLOBERA, J. (1999). Recent Theories of Nationalism. Institute de Ciències Politiques.


Retrieved September 15, 2018 from
https://www.icps.cat/archivos/WorkingPapers/WP_I_164.pdf?noga=1

LUMBRERA, B. (2000). Writing the Nation: pag-akda ng bansa. Quezon City: University of
the Philippines Press

196
MABILIN, E. R. et.al. (2012). Pilosopiya ng pagbasa at pagsulat para sa esensyal na
pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House

MAGRACIA, E. B., et al. (2017). Mabisang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Mutya Publishing Company. Malabon City

MATTEO, V. (2018). What isa nationalism?: a short guide. Retrieved October 12, 2018
from https://owlcation.com/social-sciences/What-Is-Nationalism-A-Short-Guide

MONTERA, G. G., et al. (2012). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. LIKHA


Publishing Company. Lover Talamban, Cebu City

NAVARRO, A., et al. Pantayong pananaw. Retrieved November 5, 2015 from


https://www.scribd.com/document/145424974/Zeus-Salazar-PP002

NORDQUIST, R. (2018). Discourse analysis. Retrieved September 23, 2018 from


https://www.thoughtco.com/discourse-analysis-or-da-1680462

NUCASA, et al., (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. St. Andrew


Publishing House, Plaridel, Bulacan

NUCASA, et al., (2014). Maunawang Pagbasa at Intelektwal na Pagsulat Tungo sa


Akademikong Pananaliksik, St. Andrew Publishing House. Plaridel, Bulacan

NUNCIO, R. (2002). Saysay at Salaysay ng pantawang pananaw mula pusong hanggang


impersonasyon. Malay XVII(1)

O’ LEARY, B. (2014). Document analysis. Retrieved from


https://lled500.trubox.ca/2016/224

OLIVER, B. (2013). The shopping mall as consumer architecture. Retrieved August 15,
2018 from https://thoughtleader.co.za/bertolivier/2013/03/14/the-shopping-mall-as-
consumer-architecture/

ORIOKOT, L. BUWEMBO, W and MUNABI, I. (2011). The introduction, methods, results


and discussion (IMRAD) structure: a survey of its use in different authorizing partnership
in a students’ journal. Retrieved June 5, 2018 from https://doi.org/10.1186/1756-0500-
4-250.html

OWENS, L. K. (2002). Introduction to survey research design. Retrieved November 15,


2018 from SRL Fall 2002 Seminar Series https://www.srl.uic.edu
Participant Observation. Retrieved, October 25, 2018 from https://www.qualitative-
research-net/index.php/fqs/article/view/466/996

197
PATTON, M. (2010). Qualitative evaluation and research methods. Beverly Hills, CA: Sage.

PESECION, O. et.al. (2011). Language research: principles and application. Quezon City:
Lorimar Publishing Inc.

REITZ, J. M. (2010). Online dictionary for library and information science Retrieved
November 15, 2018 from (Libraries Unlimited, 2010) https://www.abc-
clio.com/ODLIS/odlisl.aspx.

Research Tools: Focus Group Discussion. (2009). Retrieved, October 22, 2018 from
https://www.odi.org/publications/5695-research-tools-focus-group-discussion

RODRIGUEZ-TATEL, M.B. Pilipino/Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: pagpopook at


pagdadalumat sa loob ng kapantasang Pilipino. Philippine Studies. July-December2015.

SALAZAR, Z. (2016). Zeus Salazar. Retrieved November 4, 2018 from


https://www.goodreads.com/author/show/6918189.

SALAZAR, Z. (2013). “Panayam Tungkol sa Tinatanguriang ‘Philippine Studies’ sa UP sa


Kontekstong Pambansang Kakanyahan/Identidad.” Sampaksaan: Ang Araling Pilipino sa
Larangang Pambansa at Pandaigdigang Pagbabago, GT-Toyota Asian Cultural CenteR.
Quezon City: Unversity of the Philippines

SCHMDIT, L. (2017). Using Archives: a guide to effective research. Retrieved November


15, 2018 from https://www2.archivests.org/book/export/html/14460
SCHRADER, A. (2017). Consumer capitalism definition. Retrieved October 12, 2018 from
https://bizfluent.com/about-6589518-consumer-capitalism-definition.html
SIOSON, I.D., et al. (2015). Pananaliksik sa Filipino (mula pagbasa at pagsusuri ng iba’t
ibang teksto). Ikalawangedisyo. Books Atbp. Publishing Corp. Mandaluyong City

SHUTTLEWORTH, M. (2017). Case study research design. Retrieved August 28, 2018 from
https://exploreble.com/case-study-research-design

SMITH, A.K. et.al. (2011). Conducting high-value secondary data set analysis: an
introductory guide and resourse. Journal of General Internal Medicine, 28 (8), 920-
929.doi:10.10007/s11606-010-1621-5

The Editors of Encyclopedia Britannica. (2018). Social Darwinism. Retrieved October 12,
2018 from Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/topic/social-Darwinism

TOLENTINO, R. (2009). Pag-aklas, pagbaklas, pagbatas: political na kritisismong


pampanitikan. Quezon City: University of the Philippines Press

198
TOLENTINO, R. B. (2009). Syudad ng malls. Retrieved October 12, 2018 from
https://bulatlat.com/main/2009/043/21/syudad-ng-malls/

TOLENTINO, R. B. (2010). Mall, mailing, nagmo-malling. . . Retrieved October 15, 2018


from http://pinoyweekly.org/new/2010/01/mall-malling-nagmo-malling%E2%80%A6/

TRAPPERS-LOMAX, H. (2017). Discourse analysis.pdf copy

TRYFFELN (2016). Pantayong_Pananaw. Retrieved October 12, 2018 from


https://www.bagongkasaysayan.org/downloadable/zeus003.pdf

Types of case studies. (2018). Retrieved February 15, 2018 from


https:writing.colostate.edu/guides/page.cfm?pageid=1290&guideid

University of Toronto, (n.d.). The literature review: a few tips on conducting it. Retrieved,
October 25, 2018 from http://advice.writing.utoronto.ca/types-of-writing/literature-
review

VAN BAREN, J. (2017). What Are the types of action research design? Retrieved
September 19, 2018 from https://bizfluent.com/list-7608678-types-action-research-
design.html

WALK, K. (1998). How to write a comparative analysis. Retrieved September 1, 2018


from https://writingcenter.fas.harvard.edu/pages/how-write-comparative-analysis

---------Iba Pang Elektronikong Sanggunian---------

https://quizlet.com/249491781/fil04-aralin-5-pagbuo-pag-uugnay-at-pagbubuod-ng-
mga-ideya-flash-cards/
https://study-everything.blogspot.com/2014/06/pagbuo-ng-buod-at-kongklusyon.html
https://docslide.net/documents/pagpili-ng-paksa-thesis.html
https://www.pinoynewbie.com/pagpili-ng-paksa-paggawa-ng-pamagat-pananaliksik/
https://www.slideshare.net/RochelleNato/pagbuo-pag-uugnay-at-pagbubuod-ng-mga-
ideya
https://www.pinoynewbie.com/pagpili-ng-paksa-paggawa-ng-pamagat-pananaliksik/
https://www.wika.pbworks.com/f/NOON+PA+MANNANDYAN+NA.pdf
https://www.avhre-kultura.blogspot.com/2007/04/imperyalismong-pangkultura-sa-
pilipinas12.html
https://ejournals.ph/article.php?id=9869
http://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php.normallights/article/view/761
https://ejournals.ph/article.php?id=7831
https://www.slideshare.net/RochelleNato/pagbuo-pag-uugnay-at-pagbuod-ng-mga...
https://www.scrbd.com/document/337813483/Ang-Dalawang-Pangunahinglayunin

199
https://literaryterms.net/paraphrase/
https://www.academic.edu/34147215/FILIPINONOONNGAYONATBUKASIsangPahapyaw
naPagsipatsaKonseptoatKasaysayanngWikangFilipino
https://alaalangkahapon.wordpress.com/2015/12/10/mga-pamamaraan-sa-pagsasalin/
https://www.google.com/search?
source=hp&ei=WZSpW7z6FMqY8OWVmIouAQ&q=halimbawa+ng+paraphrasing+sa+filip
ino&oq=paraphrasing+sa+filipino&gs1=psyab.1.2.0i22i30k1l3.1821.525

200

You might also like