You are on page 1of 9

Langaw sa Isang Basong Gatas ni

AV Hernandez
English: Flies in a Glass of Milk by AV Hernandez
Parang nakasaksi si Bandong ng isang Milagro.
Isang umaga’y maugong na dumating sa pook na yaon ang dalawang trak at isang buldoser.
Sakay ng unang trak ang isang pulutong ng mga manggagawa, at ng ikalawa ang mga
kasangkapan at kagamitan. Hawak ng porman ang isang plano.
Bago tumanghali ay naitayo na nila ang isang balangkas ng tabla at yero. Doon isinilong
ang mga kasangkapan at kagamitan.
Kinabukasa’y sinimulan ng mga manggagawa ang paghawan sa talahib at mabababang
puno. Ang maliyab na apoy ng siga ay matuling gumapang sa kalaparan ng tatlumpung
ektaryang bukirin.
Nakabantay si Bandong mula sa likod-bahay niya at pinanood nya ang nangyayari. Isang
magbubukid na namulat sa mga Gawain sa lupa, si Bandong ay isang lalaking malusog at
malakas. Pang-araw-araw sa kanya ang mag-bungkal ng bukid, magpilapil, magsibak ng kahoy,
mag-halaman at magpigib. Kahit limampung taon na’y tila pa kasibulan sa kanyang
pakiramdam. Kung naglilinis siya ng bukid, ang damo’t talahib ay hindi niya sinisilaban. Kanyang
binubunot at pinuputol ng isa-isa. Ngunit

Page 628

-mga manggagawang naghahawan sa dating malaking damuhan ay ipinauubayang lamunin ng


apoy pati mga katutubong pataba ng lupa. Marahil, ang lupa’y hindi na gagamitin sa
pagtatanim.
Natanaw ni Bandong nang ikatlong araw na kumilos ang buldoser. Madaling pinatag at
tinipi ang lupang buhaghag. Sa maghapong yao’y dumating ang ilang trak ng mga batong durog
na ipinatong sa lupang tinipi. At ito’y dinaanan uli ng buldoser.
Isinunod na inilatag ng mga manggagawa ang mga kailangan daan matapos ibaon ang
mga tubong lagusan ng tubig. Nilagyan ng mababaw na kanal na semento ang gilid ng mga
daan.
Makaisang-linggo ay Nakita ni Bandong na itinutulos na ang mga haligi ng mga bahay.
Kasabay nitong itinayo ang mga poste ng ilaw sa bawat panulukan at ang mandipang puno ng
akasya at banaba ay magkakahanay na itinanim sa mga tabing-daan.
Dalawang doseng bahay na hugis-bunggalo ang unang itinindig. Araw-araw, ang dating
hubad na bukid ay napapaloob sa bukod na bakurang sumasaklaw sa dalawang libong metrong
parisukat o higit, na sapat magbigay-puwang sa isang hardin ng mga halamang nagbubulaklak,
sa maluwang na garahe at tirahan ng mga utusan, gayon din sa isang kainamang suwimingpul.
Nabalitaan ni Bandong na ang dalawampu’t apat na bahay ay susundan agad ng iba pa
pagkatapos.
Hindi pa yari ang mga bahay ay tinambakan na ang bawat bakuran ng malasutlang
garden soil at tinamnan din nang tig-iilang punong magdudulot ng lilim, saka ng mga rosas at
ibang masetas na kung magbubulaklak ay magpapaganda’t magpapabango sa buong paligid.
Nakilala ni Bandong ang ilan sa mga manggagawa sa subdibisyon. Sila ang unang lumapit sa
kanya, noong hindi pa naikakabit doon ang tubo ng tubig. Nagtanong kung

Page 629
Saan sila makasasalok ng tubig. Naghandog ng tulong si Bandong
Makailang araw ay hiniling ng mga manggagawang ipakisahog na sila sa pagkain, at sila
nama’y handing magbayad ng ukol. Kaya sapul noon, madilim-dilim pa, si Anang asawa ni
Bandong ay umaahon sa talipapa ng nayong kalapit, na may layong apat na kilometro, upang
bumili ng pang-ulam at pangminindal ng dalawampu hanggang dalawampu’t limang katao.
Noo’y umaabot na sa animnapu ang arawang nagsisigawa sa mga bahay na niyayari sa buong
subdibisyon. Higit sa kalahati ang may baong pagkain, samantalang ang iba nama’y sila-sila na
rin ang naglulto. Ang mga nagging suki ng mag-asawang Bandong ay yaong mga dumating noon
na kasabay ng buldoser.
Maaagang nalaman ni Bandong, samakatuwid, ang nangyayari sa dating malawak sa
sakahan ng damo ni Don Felipe. Yaon pala’y nabili ng isang korporasyon ng mga komersiyante
at may katungkulan sa gobyerno. Ang mga bahay na ipinagagawa’y suyang titirhan ng mga
miyembro na para-parang masalapi.
“instik yong Nakita kong nariyan nu’ng isang araw,”
Pansin ni Bandong, sa manggagawang nakausap niya.
“Sila raw ang munting United Nations, halu-halo,” paliwanag ng manggagawa. “Mi Kano,
mi Intsik, mi Hudyo ni Tisoy, mi Pinoy.”
“Mi bumbay pa ‘kong Nakita, e.”
“Meron nga. Ang tanging kondisyo’y kuwalta. Puwedeng mapabilang ang mi malinis na
ingresong P50,000 santaon, at mi ponding kalahating milyon sa bangko.”
“Di kung gayo’y ang mga taong ‘yan ang tinatawag na big shot, gan’on ba?” pahangang
tanong ni Bandong.
“Tama. Ang pinakalider nila’y ang milyonaryong si Don Lamberto Ladron. Matagal na
nagtira sa Amerika at nagkasalapi nang panahong du’y bawal ang alak. Eksperto

Page 630
-siya sa paggawa ng wisking illegal. Nagbalik dito pagkatapos ng giyera, ngunit American citizen
na. Ayon sa sabi-sabi, ngayo’y Malaki ang kapital niya sa mga smuggling.”
“Di nga kasi.”
“At ngayong meron na, puwede nang magkaroon ng delikadesa. Puwede nang
magsuplado. Nakamimili nga ng mga kaibiga’t kapitbahay. Kaya dito sa subdibisyong ito’y hini
makatitira ang morir, yaong hindi kabilang…”
Samakatuwid, di lubhang mabuting tao ang Lambertong ‘yan?” pasubali ng magbubukid.
“Anong gusto mong sabihin?” hadlang ng manggagawa.
“Kung tama ang sabi mo sa kanyang ipinagkasalapi, e di yata gasinong malinis ang buhay niya,
ha?”
“Tao ka pala. Sino ba rito ang mi malinis na buhay?”
Usig ng kausap ni Bandong. “Siya’y milyonaryo, di pa ba sapat ‘yan? Hindi ba katakut-takot ang
nasa loob at labas ng gobyernong nagwawalanghiya, maging milyonaryo lamang?” “Ngunit
ako’y kanilang kapitbahay, sa ayaw at gusto nila,” paalala ni Bandong.
“Medyo, pero nasal abas ka ng bakod,” inihabol ng kausap. “Ang lupa bang ito’y iyo?”
“Mangyari pa,” taglay ng boses ni Mang Bandong ang pagmamalaki. “Dito na’ko naging
tao. Minana ‘to ng ama ko sa ‘king nuno, at minana ko naman sa ’king ama. Nu’y gubat pa’ng
lugal n’eto. Kanilang nilawag at hinawan, nilinis, nilagyan ng pataba, at tinamnan. Ang nuno
ko’y dating katipunero na kasamahan ni Andres Bonifacio.”
Sinabi ni Bandong na hindi niya ikinalulungkot ang pagkakaroon ng subdibisyon noon.
Inaasahan niyang magiging masigla’t masaya ang dating kabukirang tiwalag.
Kung sa bagay, si Bandong at ang kanyang pamilya’y hindi naman mahilig sa kasayahan. Silang
mag-asawa’y may tatlong anak: ang panganay ay nag-aaral sa bayan, ang isa pang lalaki’y
nakakatulong ng ama, at ang bunsong babae ay siyang kawaksi ng ina. Ang tanging kasayahan
nila ay
Page 631
Ang magsalu-salo sa maralitang dulang at magkuwentuhan bago matulog kung gabi. Tahimik
sila at walang basag-ulo.
Isang aliwan ni Bandong ang magbasa-basa. Pagka namamahinga kung tanghali ay
nagbabasa siya nang malakas, at nawiwiling makinig sa Ana at ang dalawang batang anak.
Pabalik-balik niyang binabasa ang ilang awit, tulad ng Florante, Ibong Adarna, at Doce Pares.
Madalas niyang buklatin ang mga lumang sipi ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Si
Kabisang Tales sa Fili ay idolo ni Bandong.
“Kailangnan ng ating bayan ng maraming Kabisang Tales”, nasasabi niya sa kanyang
pamilya pag nakabalita ng pagmamalabis ng malaki.
“Kung ano ang nanasok sa ulo mo,” maagap na pansin ni Ana.
Hinggil sa katiwasayan ng kanilang buhay, di miminsang binigyan-diin ni Bandong sa,
“Maigagamot ang araw na maluwas ako sa Manila. Di pa ‘ko nakakakita ng loob ng sine, maski
nitong magaling na raw kaboy-indiyan ang ating mga artista.’’
Ang sariling bakuran ni Bandong ay may sukat na isang ektarya. Nasa bungad niyon ang
isang lumang bahay na kawaya’t pawid. Datna’t panawan ng ulan at init sa maraming taong
lumipas, ang bahay ay matibay pa rin, at sa ganang kay Bandong, minamasarap niyang
manirahan doon kaysa isang makabagong bunggalo. Maligaya silang mag-anak sa gitna ng
dukhang kapayakan.
Sa gawing likod ng bakuran ay may anim na matandang puno ng manga na namumunga
ng sagana tuwing tag-araw, saka ilang puong bayabas, tsiko, santol, at atis. Nag-aani rin siya ng
gulay. Sa isang panig ay may alaga silang baboy at manok. Ito ang kabuuan ng
pinagkakabuhayan ng mag-anak.
Halos magkakasabay na nayari ang mga bunggalo sa subdibisyon. Kagyat na pinintahan
ng iba’t ibang kulay alinsunod sa nais ng may-ari. Bawat bakura’y kinubkob ng
Page 632
-rehas na bakal o sadyang alambreng pambakod. Karakarakang kinabitan ng telepono ang
bawat bahay at tinirikan ng antena ng telebisyon ang bawat bubong. Pagkuwa’y nilagyan ng
airconditioning.
Ang lahat ng yao’y nakumpleto sa singkad na lima hanggang anim na buwan. Ang dating
damuhan na sa malaong pagkatiwangwang ay pinaggubatan ng mga talahib at amorseco,
sungkal-sungkal ang lupa na sa pagbuhos ng ula’y nagging lawa-lawaan at ang maiingay na
palaka’y walang puknat na nambubulahaw, ngayo’y naging isang maliit na lungsod ng mga
tahanang kapana-panaghili tigib ng kasaganaan at kaginhawaan. At ito’y sa Milagro ng salapi.
Malimit kusutin ni Bandong ang kanyang mga mata upang tiyakin na hindi pangitain lang itong
bumubulaga sa kanyang Milagro na gawa ng tao.
Sumapit ang araw ng paglipat ng mga maharlikang maninirahan. Bawat dumating ay
trak-trak ang mga kasangkapan. Piyano, refrigerator, icebox, telebisyon, Hi-fi, redyo-
kombinasyon, mga aparador ng kagamitan sa kusina at komedor, bukod sa mga naroon nang
sadyang built-in, kama, sopa, diban, huwego ng muwebles sa kabahayan. Terasa at hardin,
malalaking salamin, mga pambihirang lampara, lutuang elektriko, mesang kakanan, mesang
sulatan, mesang laruan ng mahjong at poker, tokador na bihisan, mga kuwardong guhit ng mga
batog na pintor, mga mumunting estatwa at pigurin, mga pasong porselana, talaksan ng mga
libro, alpombrang makakapal mga santong nakapaloob sa mga kristal na hindi nababasag,
gomang pandilig, lawn mower, washing machine, sari-saring laruan ng mga bata, at isang libo’t
isang bagay na noon lamang namalas ni Bandong at ng kanyang pamilya. Nakamulagat sila sa
bawat lumipat sa bawat bagong bunggalong de luxe.
“Daig pang magbubukas ng basar,” bulalas ni Bandong.
“Saan kaya nila ipapalagay at gagamitin ang mga hinakot na ‘yon?” tanong sa sarili habang
binubulay ang kanilang mga sariling kasangkapan sa nagdaang 20 taon. Ilang

Page 633
-pinggan, isang batya, dalawang tapayan, isang plantsa, asarol, lagari, martilyo, palakol, at
dalawang gulok.
Sa bungad ng kalsadang papasok sa subdibisyon ay Nakita ni Bandong na nagtindig ng
isang arkong bato na kinasusulatan nang: ROYAL LANES (Private). Di niya maubos maisip kung
ano ang kahulugan ng Royal Lanes, (Private). Itinanong ni Bandong.
“Ya’y isang lugar na sarili ng mga nakatira diyan, bawal pumasok ang tagalabas.”
Madaling naiintindihan ng ama ang pakahulugan ng anak.
Doon din sa bungad na daanang iyon at naglagay ng isang kuwartel ng mga special
guards. Anim na bantay na sa anyo’t uniporme ay mistulang PC; may tsapa sa dibdib at rebolber
sa baywang ang halili sa maghapon at magdamag. Sinisino ang balanang dumating na hindi
tagaroon, lalo pa’t lakad lang o umiibis sa jeepney.
Sa unang pagkatanw ni Bandong sa mga pulis-espesyal,
Inisip ng mga mambubukid na ang lalaking ito’y mayabang at mabalasik. Walang alinlangan na
labis ang pagpapahalaha sa kanilang katungkulan.
“Mukhang sila ang bagay bantayan,” naisaloob ni Bandong. Samantala, ang mga
manggagawa ay nagtapos na ng kanilang mga trabaho. Isang araw ay nagpaalam na sa mag-
asawa yaong mga isinahog nila sa pagkain. Binarayan ang kanilang mga sagutin kay Aling Ana.
Tapos na ang pakyaw at hindi na sila babalik. “Salamat, Mang Bandong.
Salamat, Aling Ana. Pagpapalain kayo ng Maykapal.”
Tinuos ni Ana ng gabing yaon ang kanyang kinita sa pagpapakain sa mga manggagawa sa
lumipas na mga buwan. Bukod sa kanilang naihuhulog linggu-linggo,
Nakatipon si Ana nang kulang na limang daang piso. Binilang niya ang kuwalta sa harap ni
Bandong.
“Ngayon lang kita nakatipon nang ganito, ha, Bandong?” masayang wika ng babae. “Di
na kakapusin Tonying natin sa pasukan.” Si Tonying ang anak nilang nag-aaral sa kabayanan.

Page 634

“Tingnan natin, ngayon mi konting kuwalta kata,” at banayad na ipinagtapat ni Ana ang kanyang
iniisip. “Baka makapaglagay tayo ng gripo ng tubig. Siguro’y maaaring kumabit at bumayad tayo
sa subdibisyon.”
Tila nabigla si Bandong, ngunit hindi humadlang sa sinabi ng asawa.
“Hale na nga,” patuloy ni Ana. “Hirap dini naman nitong pirming sa sapa ang salok.”
“wala naman akong reklamo sa pagsalok, a,” salo ni Bandong.
“At sa’n ba ‘ko naglalaba, di bas a sapa rin?” pagunita ng babae. “Kalayo lang at kainit.
Pag umuulan nama’y hindi mo na mainom na tubig.”
“E, anong gusto mong manyari?” pahinuhod ni Bandong.
“Baka nga maaari tayong kumabit sa kabila,” mungkahi ng babae at patudyong
idinugtong, “siguro nama’y di mauubos ang kinyentos.”
“Huwag na tayong mag-gripo kung mauubos ‘yang anim na buwang pinaghirapan mong
kitain,” matipid ang ngiti ni Bandong.
“Tao ka,” Irap ni Ana.
Pinakipagkitaan ni Banfong ang katiwala ng Royal Lanes (Private). Hindi naging magaang
sa kanya ang paglampas sa kuwartel ng tanod. Maurirat siyang pinagtatanong nito, at sa huli’y
itineleponon sa tanggapan ng katiwala. Narinig ng bantay ang okey bago pinasok ang
magbubukid.
Anyong nalulugod ang katiwala nang harapin si Bandong.
“Akong talaga ang nagbabalak pumaron s’enyo,” bungad ng katiwala bago nabanggit ni
Bandong ang kanyang sadya.
Sinabing ang pangalan niya’y Mister Pena.
Matagal na kayo sa lugar n’eto, ano? Usisa niyon.
“Sandaang taon sapul sa ‘king ninuno,” palki ni Bandong.

Page 635

“Puwede bang malaman kung yo’ng bakurang okupado e, inyo?


“Sapul at sapul,” matatag na tugon ng magbubukid.
“Di mi titulo torens kayo?”
Napadulot si Bandong, subalit tiwasay din siyang sumagot.
“Ba’t n’yo itinatanong?” aniya.
“Mang Bandong,” maliwanag ang bigkas ni Pena, “gusto ng korporasyon na bilhin ang
inyong lupa.”
Mabilis ang tugon ng magbubukid na ang lupa niya’y hindi siya pansin.
“Bibilhin kung meron kayong titulo,” anang katiwala.
“Pero kung wala, di kayo’y iskuwater.”
“Iskuwater!” napahumindig si Bandong sapagkat idiniin pa mandin ni Pena ang salitang
iskuwater. Tinapunan ng tingin ni Pena ang mga braso at kamay ni Bandong.
“Huwag kayong magalit, Mang Bandong,” nagdahan-dahan ang katiwala. “Wala akong
masamang nais. Nililinaw ko lang ang parte ng batas.”
“Batas! Anong batas?” bulalas ng magbubukid at ang noo’y biglang nagkumot ng dilim.
“Ang nasabi kong batas, e kung sakaling kayo’y iksuwater, mapipilitang iwan n’yo ang
bakuran,” paliwanag ni Pena.
“Magkakahalo muna’ng balat at tinalupan,” ipinahahalata ni Bandong na ubos na ang
kanyang paumanhin.
“Pero kung makukuha’ng bagay na ‘yan sa maayos na salitaan,” giit ng katiwala,
“siguro’y bibigyan nila kayo ng tulong sa paglipat sa ibang lugar.”
Nagpakahinahong pilit si Bandong. Naisip niyang ang kanyang pagparoo’y pagsunod sa
pita ng asawa, bukod saw wala siyang hangad na makikipagbasag-ulo. Nakapagtanong pa rin
siya matapos kalasin ang pagkabuhol ng kanyang hininga.

Page 636
“Ba’t ho naman gusto nilang ako’y umalis dito gayong dito na ako naging tao?”
“Porke sila’y nagtayo dito ng dream project na walang kaparis sa Pilipinas. Gusto nilang
malubos ang ganda ng Royal Lanes sa loob at buong paligid. Ang inyong kubo’y wala sa lugar at
nakasisira sa tanawin.”
Tuluyan nang napatindig si Bandong sa ipinalagay niyang paghamak sa kanyang kaliitan.
“Ginoo,” matigas na salitang galit ang malaking litid sa kanyang leeg, “ako’y aalis na…”
“Mang Bandong,” pigil ni Pena.
“Ang ipinarito ko, Mister Pena,” naglamig si Bandong nang magunitang hindi pa nasasabi
ang kanyang pakay sa pagparoon sa subdibisyon, “ang ipinarito ko ko’y tungkol ldin sa balak na
ipaayos ang aking solar. Gusto sana naming magpapakabit ng gripo ng tubig, at ng ilaw, kung
sakaling…”
“Sa’n?” wala sa loob ng katiwala.
“Dito ho sa subdibisyon…”
“Imposible!” biglang putol ni Pena.
“Kung gayo’y parahin n’yong wala akong sinabi,” at hukmakbang ang magbubukid nang
palabas sa tanggapan.
“Te’kayo,” habol ni Pena. “Mabuti ring malaman n’yong inirereklamo ang masamang
amoy na ikinakalat ng inyong mga baboy, at ang putakan ng inyong mga manok.”
“Masyado pala silang maselan,” paasik ni Bandong.
“Dito sa Royal Lanes e bawal ang mga hayop nay an,” sabi ni Pena. “Walang
pinapayagan dito kungdi mga aso at pusang imported, kanaryo at goldfish.”
“Mga hayop na hindi nakakain,” pataka ni Bandong.
“Ngunit ang tao rito’y kumakain ng baboy at manok, hindi ba?”
“Kung luto na, pero hindi sila ang nag-aalaga,” ani Pena. “Bawal din naman ang mga
punong-kahoy na namumunga, paris ng manga.”
Page 637
“Bakit?” naalaala ni Bandong ang kanyang tanim na punong manga.
“Porke pagbubulaklak at pagbubunga ng mangga’y sumisipot ang makapal na langaw
kung araw at lamok kung gabi.”
“Kumain ng manga ang mga taong yan, hindi ba?”
“A, hindi sila nawawalan sa Frigidaire ng manggang hinog at ibang prutas.”
Napapikit si Bandong at nadilat ang kanyang isipan. Sa ilang sandalling pakikipag-usap
niya sa pangahas na engkargado ng dream project na ito ng mga nilikhang di-pangkaraniwang
ay maramingnatutuhan si Bandong na hindi niya dating napapanaginip ng kutad na isipa’t
kalooban ng mga simpleng taong kagaya niya tungkol sa agwat ng magkaibayong sosyedad ng
mayroonat wala. Taglay ang hapis na sa huli’y naitanong niya kay Pena.
“Kung ako ho’y umalis dito, aanhin nila ang aking bakuran?”
“Gigibain ang bahay at puputlin ang mga punong namumunga. Papatagin ang lupap at
baka gawing laruan ng basketball ng mga teenager. Porke sa tingin ng korporasyon, ang pagdikit
ng bakurang yan sa Royal Lanes, e kaparis ng langaw na nakadapo sa isang basong gatas.”
Tumalikod si Badong at umalis nang hindi na nag-paalam. Pagdating sa kanila, anaki’y
may bikig sa lalamunan nang ibalita kay Ana ang naging dulo ng kanyang lakad. Taimtim na
nakinig ang babae sa pangungusap ng lalaki at sumagot-dili, ngunit ang kalooba’y daig pa ang
dinuduro ng karayom na noo’y gamit niya sa pagsulsi.
“Wala tayong pinuhunang masama sa ‘ting kapwa,” pabulong ni Ana na ang mga salita’y
waring basa ng luha. “Hindi tayo pababayaan ng Diyos.”
Isang umagang maganda ang panahon ay maligayang nagising ang Royal Lanes (private).
Nagagayakan ng mga banderita ng United Nations ang arko sa bungad ng –

Page missing -

You might also like