You are on page 1of 2

Name: ARIES JADE REFUGIO Petsa: Marso 13,2023

Kurso/section: BSCE-2B
Sanaysay ng kaugnayan ng pelikula sa tao at lipunan

Hindi maikakaila na laganap na sa mundo ang paglikha ng mga pelikula na kung saan
nagbibigay sa atin hindi lamang ng mga kahulugan, kundi naging libangan na rin lalo na sa
mga kabataan ngayon. Kung isa ka sa mga tinatawag nilang Gen Z ay hindi na bago na
pandinig mo ang pariralang ‘Netflix and Chill”, nagmula sa sikat na application na Netflix na
naging tambayan na ng mga tao. Kung iisipin natin, napakadali na lang ma-access ang mga
pelikula, sa kadahilanang nasa modernong pamumuhay na tayo, saan man tayo mapunta, sa
sinehan, sa paaralan, sa tahanan, o sa ating mga gadgets ay exposed na tayo sa cinema. Kaya
malaki ang impluwensiya ng pelikula ngayon sa pamumuhay ng mga tao. Nag-uugnay eto sa
atin sapagkat madalas tayong kumukuha ng inspirasiyon sa ating napapanuod. Hindi lang sa
sarili natin bilang manonood, gano’n na rin sa ating lipunan na may malaking kaugnayan din
dito.
Una sa tao bilang manonood, paano nagkakaroon ng kaugnayan ang tao sa mga
likhang pelikula? Dito tayo minsan natututo at nakakakuha ng kaalaman. Malaking tulong
ang pelikula sa pagbibigay kaalaman, na kung saan hindi lang tayo nalilibang, mayroon din
tayong mga natututunan sa ating napapanood. Isa ito sa mga bagay na nagbibigay sa atin ng
inspirasiyon at aral na magagamit natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Kaugnayan ng pelikula sa lipunan, paano naman nito naiimpluwensiyahan ang
pangkalahatan? Ano man ang ating nasisilayan sa anumang uri ng pelikula ay naglalarawan
sa kung anong mayro’n tayo sa ating lipunan. Kadalasan, naipapakita ang mga paraan ng
pamumuhay ng mga mamayan sa mga pelikula na nagbibigay kaalaman na rin sa ibang tao
na nakakapanood nito. Magandang paraan ang pelikula sa pagbabahagi ng ating kultura at
tradisiyon.
Sa madaling salita, importanteng pag-aralan ang asignaturang Sinesyodad o
Pelikulang panlipunan ngayon dahil dito natin matututunan kung paano suriin at punahin
ang mga likhang pelikula. Maunawaan ang mga mithiin, tungkulin, at nais ipaabot ng ating
mga napapanood.
Name: Brixter Vin Lagrimas Petsa: Marso 13,2023
Kurso/section: BSCE-2B
Sanaysay ng kaugnayan ng pelikula sa tao at lipunan

Bilang isang asignaturang kinukuha natin ngayong semestre, ang Sinesyodad o


Pelikulang panlipunan ay pag-aaral ng pagkilatis, pag-unawa ng mga mithiin, tungkulin, at
nais ipaabot ng mga pelikula o gumagalaw na litrato. At sa kung ano ang ugnayan nito sa tao
o sa lipunan? Hindi man natin pansin ngunit malaki ang naidudulot nito o naitutulong sa atin.
Hindi naiiba ang epekto nito sa atin bilang tao at sa lipunan na ating kinabibilangan. Bilang
isang manonood ay hindi maitatagong madalas tayong makalakip ng damdamin o mapalapit
sa ating mga pelikulang pinapanood. Kaya malaki ang ugnayan natin sa mga ito dahil
nakakakuha tayo ng inspirasyon at aral na ating magagamit sa sitwasyon na minsa’y
sumasalamin sa totoong buhay. Hindi lang sa atin, kundi sa lipunan din natin. Sa pelikula
naipapakita kung anong mayroon tayo. Magandang paraan ang pelikula sa pagbabahagi ng
ating kultura at tradisiyon. Kaya hindi malabong malaki din ang koneksiyon ng mga likhang
pelikula sa ating lipunan o kahit na sa bansa. Moderno na ang pamumuhay na mayro’n tayo
ngayon, hindi na malimit ang mga bagay bagay na kaya nating makalap, isang pindot lang sa
internet ay maaari na nating matanggap. Kaya gano’n na lang kadali ang manood ng pelikula
at kalaganap sa mundo ang paglikha ng mga ito.

You might also like