You are on page 1of 2

Isidro, Gemirose C.

BSIT-NW1E
Ilahad ang iyong opinyon o kuro sa dalawang magkasunod na tanong.
1. Sa iyong palagay, ano ang naging mahalagang papel ng pelikula
sa buhay ng mga Pilipino?
Ang pelikula ay mahalaga dahil nagpapakita ito ng katotohanan sa
buhay sa masining na paraan at nagbibigay ng aral sa manonood na
maaaring magamit sa kanilang buhay. Nakaaaliw din ito para sa mga tao
na naboboryong o pagod sa gawain at nais maglibang.Ang panonood ng
katutubong kwento, epiko, alamat, talambuhay at nobela na sumasailalim
sa kultura at kasaysayan ay naging daan upang tayo aymakasunod sa
pag-unlad ng teknolohiya.
Nakatulong ito sa pag-aaral ng mga sinaunang mamamayan na tumuklas
ng mga bagay na mas makakadali ng mgagawain. Nagbigay din sila ng mga
pamamaraan na hindi akalain na magiging malaking epekto sa hinaharap.
Napaunlad ng mga sumunod na mga henerasyon ang mga kagamitan na
natutunan nila mula sa mga katutubo at napasa-pasa sa iba pang mga
henerasyon.Ang paglaganap ng mga pelikula ay nagdudulot ng positibo
at negatibong epekto nito sa mga mag-aaral. Dahil sa pelikula nakikita
at natutuklasan ay kultura ng mga iba’t ibang bansa. Dahil dito
nalilinang at lumalawak ang kaalaman sa mga kultura. Kinagigiliwan ng
marami ang panonood ng pelikula dahil nakakuha sila ng mga aral at
mga bagong kaalaman. Marami na ngayon ang nawiwili sa panonood ng mga
pelikulang banyaga pero walang tatalo sa mga Pelikulang Pilino na
nagpapakita ng pagkakaisa ng bawat isa.
Ang mga pelikulang Pilipino ang nagpapakita kung gaano kahalaga
ang pamilya sa isa’t isa. Ang mga pelikulang Ikaw Lamang, Bahay Kubo,
Anak at Dubai ay isang halimbawa kung gaano kaimportante ang
pagpapahalaga sa pamilya. Ang panonood rin ng mga pelikula ay daan
para mas maunawaan ang paniniwala at kultura para mas igalang at
irespeto sila. Kinaaaliwan talaga ng marami ang mga pelikula sapagkat
naka relate ang mga manonood sa mga ito. Dahil din sa ekspusyur sa
mga pelikula mas naiintindihan ng marami ang pamumuhay ng mga tao.
2. Naniniwala ka ba na ang pelikula ay nakaiimpluwensya sa buhay ng
mga manonood? Patunayan.
Maraming Pilipino ang nanonood ng mga teleserye lalo na sa
hapon at gabi at kadalasan mga babae, kabataan, nanay at
nagtatrabaho sa loob ng bahay ang tumatangkilik dito. Ang panonood
ng soap opera ay nakaiimpluwensya nang malaki sa pagbabago ng
pananaw at pag-uugali ng mga manonood tungkol sa kasalukuyang
konsepto ng pamilya. Sa maraming pagkakataon ay naiimpluwensyahan
nito ang paraan ng pagdadala ng pamilya, pagdidisiplina sa mga anak
at pagdedesisyon sa loob ng tahanan
Walang sinuman ang hindi naiimpluwensyahan ng media. Hindi
maaaring magpakasawa tayo sa media na nilayong impluwensyahan ang
ating isipan at damdamin at pagkatapos ay hindi mananatili sa ating
isipan ang impluwensiya nito matapos mapanood ang pelikula, maisara
ang aklat, o matapos ang awitin. Ang mga taong naniniwala na hindi
sila naaapektuhan ng media ay madalas yaong mga taong labis na
naaapektuhan nito dahil ikinakaila nila ang impluwensya nito kaya
wala silang proteksyon laban dito. Tulad ng tubig na patuloy na
papasok sa butas ng isang bangka, alamin man natin o hindi, patuloy
na maiimpluwensyahan ng media ang ating isipan gumawa man tayo o
hindi ng paraan para malutas ang epekto nito.

Ang nakalilibang na media ay makaiimpluwensya sa ating isipan


kapag bumaling tayo dito para makaramdam ng ginhawa mula sa pagod
at mga alalahanin sa ating araw-araw na buhay. Madalas gusto nating
maglibang para maaliw sandali mula sa ating mga problema sa araw-
araw, ito man ay sa pamamagitan ng mga pelikula, aklat, telebisyon,
magasin, o musika. Bagama’t bumabaling tayo sa nakalilibang na
media para maaliw, hindi natin dapat ibaba ang mga pamantayan
natin. Ito ang mismong oras na kailangan tayong maging maingat sa
mga tinutulutan nating pumasok sa ating isipan.

You might also like