You are on page 1of 9

CONGRESSIONAL INTEGRATED HIGHSCHOOL

Via Verde, Poinsettia St. San Agustin 2,


Dasmarinas City, Cavite

FILIPINO 11

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK

PAGSUSURING PAMPELIKULA SA :
RPG - METANOIA
GENRE : Animasyon
DIRECTOR : Luis P. Suarez
PRODUKSYON : Star Cinema

Jeanelle M. Denosta STEM 11-1


PANGALAN PANGKAT

GURO : Sir. Nino Evangelista San Diego


PETSA : August 31, 2018
PANIMULA

Isang pelikulang tunay na maipagmamalaki ng bawat Pilipino ang RPG: Metanoia. Sa una’y
aakalain na isang napakataas na ambisyon para sa mga manlilikha ng pelikula at sumabak sa
larangan ng animation na tanging mga progresibong bansa lamang ang nakakagawa nito ng
buong husay. Ngunit pinatunayan ng RPG: Metanoia na kayang-kaya na ng mga Pilipinong
makipagsabayan sa larangang ito ng pelikula. Walang kapantay ang kahusayan ng CGI
(Computer Generated Imagery) sa pelikula—world class ika nga.
Maayos ang pagkakalahad nito at talaga namang maituturing na orihinal sa
kulturang Pilipino. Kahanga-hanga kung paanong napagtagpo ng pelikula ang makabagong
teknolohiya at ang makaluma at tradisyunal na pagpapahalagang Pilipino. Sa isang banda,
tinatangkilik ng pelikula ang mga likhang-banyaga ngunit sa isang banda rin ay binibigyang-pugay
nito ang ating pagiging Pililipino sa napakaraming detalye ng pelikula na maididikit lamang sa
pagka-Pilipino nito. Tulad ng yoyo na imbensiyong Pilipino, nariyan din ang kalesa, daing na
bangus, barong, larong kalye at iba pa. Nariyan ding ipakita ang napakaraming hilig ng Pilipino—
kuwentuhan sa sari-sari store, mga Koreanovela, OFWs at marami pang iba.
Sa pagsususring ito, natutunan ko na ang pelikulang ito ay hitik sa
magagandang aral ng kabutihang. Bagama’t masasabing pawang may karahasan at
masasamang epekto ang makabagong teknolohiya, partikular na ang computer games, ay
naipakita pa rin ang ilan at maraming magagandang bagay na maaring maidulot nito. Sa larong
Metanoia ay naisasakatuparan ng mga manlalaro ang kani-kanilang papel bilang bayani at
kalaban. Ipinakita dito ang paglalaban ng kasamaan at kabutihan na gaano man kahirap at
kalakas ang kalaban, ang kabutihan pa rin ang siyang magwawagi basta’t may pagtutulungan at
malasakit sa isa’t-isa.
Si Nico ay simbolo ng mga kabataang Pilipino sa makabagong panahon—
mahusay sa teknolohiya, matalas ang isip at higit sa lahat, may angking katapangan sa oras na
kinakailangan. Kitang-kita na ang nagtutulak sa kanya upang maging matapang ay pagmamahal.
Sa kabila nito ay ang kanyang hindi maitatangging kamusmusan—maraming takot, maraming
alinlangan ngunit sa tulong ng mga kaibigan at lalo’t higit ng pamilya, kanya itong nalalagpasan.
Kahanga-hanga kung paanong isinalarawan ang pamilyang Pilipino sa pelikula. Tunay ngang
marami sa ating pamilya sa kasalukuyan ay hindi pisikal na magkakasama dala na rin ng
matinding pangangailangang mangibang-bayan alang-alang sa kapakanan ng pamilya. Sabi nga
rin sa pelikula, sila ay mga tunay na bayani rin.
Ang pagiging tunay na bayani ay hindi lamang makikita sa pakikipag-laban kundi
pati rin sa pagsasakripisyo alang-alang sa kabutihan ng nakararami. Tunay na bayani rin ang
mga nasa likod ng pelikulang RPG: Metanoia na sa gitna ng maraming balakid ay nagawang
makabuo ng isang maipagmamalaking obra na pinagsanib ang modernong teknologhiya at
kulturang Pilipino. Kung hindi man pantay-pantay ang katayuan ng mga lahi sa mundo, sa
Metanoia, maaring maghari ang lahing Pilipino. Hindi man pisikal na magkakasama ang
pamilyang Pilipino, sa Metanoia, maari silang magkita, magkausap at magkatulungan.
Sana ang RPG: Metanoia na ang simula upang kilalanin ang Pilipinas sa buong
mundo bilang mahuhusay na manlilikha ng animasyon at sana rin ay matamo ng pelikulang ito
ang nararapat na suporta ng manonood upang magpatuloy pa sila sa paggawa ng maraming
obra.

TALABABA:
https://cbcpcinema.blogspot.com/2011/01/rpg-metanoia.html,
https://www.pinoyexchange.com/discussion/369192/rpg-metanoia-the-philippines-first-
full-length-3d-animated-feature/p9
I. NILALAMAN

A. BUOD
Sa pagsisismula ngngkwento si Nico ay isang tipikal na batang
mas kinahihiligan ang paglalaro ng computer games kaysa pakikipaglaro sa labas.
Sa kabila ng pangungumbinsi ng kanyang ina na maglaro sa labas, ay tila may pag-
aalinlangan parati si Nico. Ang totoo kasi’y walang tiwala si Nico sa sariling
kakayahan at ang pag-aakala niya’y hindi siya nararapat sa mga gawain at larong
pisikal. Sa paglalaro niya ng RPG: Metanoia, nagiging bayani at bida si Nico bilang
si Zero, isang superhero na may taglay na kapangyarihan sa pamamagitan ng yoyo.
Dahil kay Nico, nanguguna ang kanilang grupo sa larong Metanoia. Sa mundo ng
Metanoia ay nagkakaroon si Nico ng kompiyansa sa sarili at dito na rin napapatibay
ang samahan nilang magkakaibigan. Sa Metanoia rin natagpuan ni Nico ang
kahulugan ng buhay at pag-ibig. Ito rin ang nagbibigay sa kanila ng koneksyon ng
kaniyang amang nagtatatrabaho sa Dubai. Ngunit dahil din sa kabayanihang ito ni
Nico ay mapapatalsik ang kanyang grupo sa internet café na kanilang
pinaglalaruan. Mapipilitan sila ngayon na manumbalik sa kalsada at makuntento sa
mga larong kalye. Lingid sa kanilang kaalaman ay may nagbabadyang panganib sa
Metanoia dahil ang kalaban ay may nakuhang kakaibang lakas at tanging sila
lamang ang maaring makalaban at makapagligtas sa iba pang nasa panganib. Sa
huli ay nailigtas ni Nico ang iba pang manlalaro nito dahil narin sa husay niya at ng
kaniyang mga kaibigan sa paglalaro ng RPG-Metanoia. Kabilang rin sa kaniyang
nailigtas ang kaniyang Ina na muntikan mapahamak ngunit ng dahil sa pag ha-hang
ng kanyang kompyuter ay nailigtas nya ito.

B. Elemento

1. TAUHAN

 Aga Muhlach ... Dad


 Vhong Navarro ... Cel / Sargo
 Eugene Domingo ... Mom
 Zaijian Jaranilla ... Nico / Zero
 Mika Dela Cruz ... May / Cassandra
 Jairus Aquino ... Bryan / Mang Ernie
 Basty Alcances ... Mark / Ahdonis
 Aaron Junatas ... Bobby / Sumpak
 Ketchup Eusebio ... Andrew / Bossing
 Igi Boy Flores ... David / Sidekick
 Jonas Calapatan ... Daniel / K'mao
 Bebot Lofranco ... Aling Tinay
2. TAGPUAN

 Sa bahaya ni Nico – dito naganap ang unang bahagi ng pelikula pati narinang
mga ilang pangyayari kasama ang kanyang ina at ang paglalaro
niya sa kaniyang kompyuter at pakikipag usap sa kanyang ama n a nasa
ibang bansa.
 Sa kompyuter shop – dito madalas na naglalaro si Nico ng RPG – Metanoia
kasma ang kanyang mga kaibigan.
 Sa lansangan/kalsada – dito nakilala ni Nico ang isa pa niyang bagong
kaibigan na si May. Kung saan siya ang nagging daan upang matutunan ni
Nico ang pakikihalubilo at pakikipaglaro sa labas at ang magkaroon ng
kahusayan sa mga laro sa totoong buhay.

3. SULIRANIN

- Sa pagdaloy ng kwentong ito, makikita na mayroong ibat-suliuraning


nakaharap ang pangunahing tauhan na si Nico. Una ay ang pagkakaroon
niya ng kaalitan sa loob ng kompyuter shop kung saan sila ay hinamon sa
paglalaro ng Metanoia. At sa kasamaang palad sila ay natalo at nagkaroon
pa ng alitan sa pagitan niya at ng kaniyang mga kaibigan. Di kalaunan ay
naayos ito at dumating ang isa pa sa malaking suliranin kung saan nagkaroon
ng isang matinding virus sa loob ng MMORPG. Isa itong virus na
naapektuhan pati ang manlalaro at nagkakaroon ng masamang epekto sa
kalusugan. Nadamay dito ang kanyang ina at kinailangang magtipon lahat ng
manlalaro ng nasabing MMORPG upang mailigtas ang iba pang manlalaro na
naapektuhan. Gamit ang galling sa paglalaro at kakayahan ng
pinagsamasamang puwersa ng kanyang mga kaibigan at ama ,
nasolusyunan nila ito at nailigtas ang lahat. Bukod pa rito naipamalita rin ang
kabayanihan na kanilang naipamalas.

4. MENSAHE

Hitik sa magagandang aral ng kabutihang-asal ang RPG:


Metanoia. Bagama’t masasabing pawang may karahasan at masasamang
epekto ang makabagong teknolohiya, partikular na ang computer games, ay
naipakita pa rin ang ilan at maraming magagandang bagay na maaring maidulot
nito. Sa larong Metanoia ay naisasakatuparan ng mga manlalaro ang kani-
kanilang papel bilang bayani at kalaban. Ipinakita dito ang paglalaban ng
kasamaan at kabutihan na gaano man kahirap at kalakas ang kalaban, ang
kabutihan pa rin ang siyang magwawagi basta’t may pagtutulungan at malasakit
sa isa’t-isa. Si Nico ay simbolo ng mga kabataang Pilipino sa makabagong
panahon—mahusay sa teknolohiya, matalas ang isip at higit sa lahat, may
angking katapangan sa oras na kinakailangan. Kitang-kita na ang nagtutulak sa
kanya upang maging matapang ay pagmamahal. Sa kabila nito ay ang kanyang
hindi maitatangging kamusmusan—maraming takot, maraming alinlangan ngunit
sa tulong ng mga kaibigan at lalo’t higit ng pamilya, kanya itong nalalagpasan.
Kahanga-hanga kung paanong isinalarawan ang pamilyang Pilipino sa pelikula.
Tunay ngang marami sa ating pamilya sa kasalukuyan ay hindi pisikal na
magkakasama dala na rin ng matinding pangangailangang mangibang-bayan
alang-alang sa kapakanan ng pamilya. Sabi nga rin sa pelikula, sila ay mga
tunay na bayani rin. Ang pagiging tunay na bayani ay hindi lamang makikita sa
pakikipag-laban kundi pati rin sa pagsasakripisyo alang-alang sa kabutihan ng
nakararami.
II. PAMPANITIKAN

A. TALASALITAAN

1. UPGRADE – terminolohiyang pang teknikal na ang ibig sabihin ay isang


promosyon ng
isang bagay,tao o anu man sa mas mataas na lebel.
2. COUNTERATTACK - isang pag-atake sa pamamagitan ng isang nagtatanggol na
puwersa
laban sa isang umaatake na puwersa ng kaaway upang mabawi
ang nawalang
lupa o iwaksi ang mga yunit ng paunahan ng kaaway
3. CHAT – tawag sa pakikipag-usap gamit ang teknolohiya o social media.
4. AVATAR – katawagan sa isang birtual na paglalaro tulad ng RPG.
5. SERVER - isang computer na nagbibigay ng mga istasyon ng kliyente na may
access sa mga
file at printer bilang pinagkaloob na mapagkukunan sa isang network ng
computer.
6. MMORPG – (massive multiplayer online role-playing game) isang laro kung saan
ginagamitan ng tinatawag na avatar.
7. VIRUS - isang program ng software na may kakayahang muling makagawa ng
sarili nito at
karaniwang may kakayahang magdulot ng malaking pinsala sa mga file o
iba pang
mga programa sa parehong computer.
8. LEVEL-UP – promosyon o pagtaas ng antas sa nasabing laro.
9. MONITOR - display na ginawa ng isang aparato na tumatagal ng mga signal at
ipinapakita
ang mga ito sa isang telebisyon screen o isang computer monitor
10. INTERNET - isang network ng kompyuter na binubuo ng isang pandaigdigang
network ng mga network ng computer na gumagamit ng TCP / IP network protocol
upang mapadali ang paghahatid ng data at palitan.

B. DAYALOGO
PANGUNGUSAP DAYALOGO

“Sa laki mong yan? Hindi ah, gusto mo -panghahamon ng kaibigan ni nico sa
challenge nalang?” – kaibigan ni nico nakaalitan nila.

“Sabi na ng aba, games nanaman -pagkumpirma ng kaniyang ina sa sinabi


kahahantungan niyan e.” – ina ni nico ng anak.

“Alam niyo, kailangan na talaga natin pagka-dismaya at pagkalungkot ;


maghanap ng bagong paglilibangan.” pagmumungkahi ng sariling opinion.
– Mark

“Uhm, May, magsosorry sana ako sayo, - pagpapakumbaba at pa gamin ng


tngkol dun sa mga sinabi ko kahapon.” – pagkakamali.
nico

“ Problema kasi, lahat ng experience mo -pagpapayo ng isang kaibigan


nandito lang sa game na to.” – May
III. PELIKULA

A. SINEMATOGRAPIYA

- Mga paraan o istilo ng pagkuha ng kamera.

CLOSE - UP EXTREME CLOSE - UP

HIGH ANGLE LOW ANGLE

BIRD’S EYE VIEW


B. TEKNIKAL
Isang pelikulang tunay na maipagmamalaki ng bawat Pilipino ang RPG:
Metanoia. Sa una’y aakalain na isang napakataas na ambisyon para sa mga manlilikha
ng pelikula at sumabak sa larangan ng animation na tanging mga progresibong bansa
lamang ang nakakagawa nito ng buong husay. Ngunit pinatunayan ng RPG: Metanoia na
kayang-kaya na ng mga Pilipinong makipagsabayan sa larangang ito ng pelikula. Walang
itulak-kabigin ang kahusayan ng CGI (Computer Generated Imagery) sa pelikula—world
class ika nga.
Pagdating sa paglalapat ng mga tunog, hindi rin pahuhuli ang Metanoia.
Gumamit ito ng mga kantang sari ding atin. Kung saan ang pelikulang ito ay lumikha ng
orihinal na awitin para sa pelikula.base sa aking napaanood, masasabi kong akma at
napakahusay ng kanilang pagkakagawa.

C. DIREKSIYON

Sa lahat ng maraming kamangha-manghang mga katangian at mga


sangkap na napapakinabangan ng RPG Metanoia, ay ang kapansin-pansing istorya at
script nito, na siyang pangunahing kredito kay Luis Suarez, na direktor rin ng pelikula.
Na kung saan sa aking opinion ay isang kamangha mangha at wlang katulad na gawa
ng Pilipino. Makikita na ito sa pagsasa-boses pa lamang ng mga karakter na
umaangkop naman sa kabuuang daloy ng istorya. Masasabi ko rin na ang
pagsasaboses na ginawa ng ilang aktor at aktress ay mahusay. Tulad ng mga karakter
na ginawa nina Aga Muhlach bilang ag ama ni Nico, na ginampanan naman ni Zaijan
Jaranilla , ang kanyang ina bilang si Eugene Domingo, Mika Dela Cruz bilang May at
pati narin ng kanilang mga kaibigan.

IV. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

1. Instrumental
-tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.
- naipapakita sa pelikula ang pang instrumental na gamit ng pelikula halibawa na
lamang sa mga eksena sa bahay

2. Regulatoryo
-pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
-naipakita rin ito sa simula ng pelikula kung saan makikita na siya ay napagsasabihan.

3. Interaksiyonal
-ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa;pakikipagbiruan.
-naipakita rin ang gamit na ito sa pelikula sa pamamgitan ng mga pakikipag usap niya
sa kanyang mga kaibigan.

4. Personal
-ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
-matagumpay din nila naipakita ang gamit na ito sa eksenang sila ay nagpapaltan ng
mga kuro kuro tungkol sa lumaganap na virus

5. Heuristiko
- ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang
pinag-aaralan.
-- naipakita rin ito ng pelikula sa panahong ibinabalita ang paglaganap ng virus at ang
epekto nito.

6. Impormatibo
- ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng
impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, tesis,panayam, at
pagtuturo.

V. REAKSIYON

A. NILALAMAN

Hindi tulad ng karamihan sa mga pelikula na ginawa ng ibang


industriya ng ang RPG Metanoia ay isa sa mga pambihirang ilang upang magkaroon
ng isang nakakahimok na kuwento at senaryo na ganap na nararamdaman at hindi
ang resulta ng kahihiyan ng aming kultura na gaya ng pag-iisip. Ang isa ay nanonood
ng pelikula na hindi kailanman ginagambala ng mga sanggunian sa ibang mga
pelikula, tulad ng Pan ng Labirint o Play ng Bata, katulad ng iba pang entry sa MMFF.
Ang ginawa ni Suarez at ng kanyang mga co-manunulat sa RPG: Ang Metanoia ay
isang kagila-gilalas, malikhaing anomalya: bagaman ito ang pinaka-high-tech na ika-
21 na siglong pelikula ng Pilipino na ginawa, ang RPG ay nagdiriwang din sa dalawa
sa pinakamahabang at tradisyonal na "mga bagay" namin halaga bilang isang tao:
pagkakaibigan at pamilya. Sa isang banda, ang RPG Metanoia ay tungkol sa kung
paano ang online na paglalaro ay lumiit sa mundo nang malaki sa huling dekada.
Gayunpaman, nagpapakita rin ito sa parehong lawak kung gaano pa kalaking masaya
ang paglalaro ng taguan sa iyong mga kaibigan sa kapitbahayan. At mga dahilang ito
ang patunay kaya ang aking masasabi ay marapat pagbibigay ng 9 sa 10 puntos para
sa pelikulang RPG Metanoia.

B. PAMPERSONAL

Sa aking panonood ng pelikulang ito. Sa aking sarili pa lamang ay


marami na akong natutunan.Kung kayat masasabi ko na ang pelikulang ito ay may
magandang maidudulot sa ating buhay. Hitik sa magagandang aral ng kabutihang-asal
ang RPG: Metanoia. Bagama’t masasabing pawang may karahasan at masasamang
epekto ang makabagong teknolohiya, partikular na ang computer games, ay naipakita
pa rin ang ilan at maraming magagandang bagay na maaring maidulot nito. Sa larong
Metanoia ay naisasakatuparan ng mga manlalaro ang kani-kanilang papel bilang bayani
at kalaban. Ipinakita dito ang paglalaban ng kasamaan at kabutihan na gaano man
kahirap at kalakas ang kalaban, ang kabutihan pa rin ang siyang magwawagi basta’t
may pagtutulungan at malasakit sa isa’t-isa.
Si Nico ay simbolo ng mga kabataang Pilipino sa makabagong
panahon—mahusay sa teknolohiya, matalas ang isip at higit sa lahat, may angking
katapangan sa oras na kinakailangan. Kitang-kita na ang nagtutulak sa kanya upang
maging matapang ay pagmamahal. Sa kabila nito ay ang kanyang hindi maitatangging
kamusmusan—maraming takot, maraming alinlangan ngunit sa tulong ng mga kaibigan
at lalo’t higit ng pamilya, kanya itong nalalagpasan. Kahanga-hanga kung paanong
isinalarawan ang pamilyang Pilipino sa pelikula. Tunay ngang marami sa ating pamilya
sa kasalukuyan ay hindi pisikal na magkakasama dala na rin ng matinding
pangangailangang mangibang-bayan alang-alang sa kapakanan ng pamilya. Sabi nga
rin sa pelikula, sila ay mga tunay na bayani rin. Ang pagiging tunay na bayani ay hindi
lamang makikita sa pakikipag-laban kundi pati rin sa pagsasakripisyo alang-alang sa
kabutihan ng nakararami.
Sa pagtatapos ng pagsusuring ito, masasabi ko na karapat dapat lamang
na mapanood ito ng nakararami bata man o matanda.

You might also like