You are on page 1of 1

Barcelona:A Love Untold

Ang pelikulang "Barcelona:A Love Untold" ay isang likhang Pilipino ng isa sa mga tanyag na direktor na si
Olivia Lamasan.Ito ay pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo bilang "Mia" at Daniel Padilla bilang
"Ely".Ang pelikulang ito ay inilabas noong ika - 14 ng Nobyembre at kumita ito ng bilyon-bilyon sa takilya.

Ang istorya nito ay umiikot sa isang binata na nagngangalang Ely na nagtatrabaho sa bansang Spanya
para masuportahan ang kaniyang pag-aaral ng arkitekto.Isang binata na hindi kayang kalimutan ang nag-
iisang babaeng kanyang minahal mula sa nakaraan na pumanaw na.May isang babae na nagngangalang
Mia na may nais patunayan sa kaniyang amang hindi naniniwala sa kaniyang abilidad at kakayahan.Muli
siyang magsisimula sa kaniyang paglalakbay sa Spanya at makikipagsapalaran upang ipagpatuloy ang
buhay.Isang pagkakataon ang magtutulak at magsisilbing daan upang magkatagpo ang kanilang mga
landas at tulungan ang isa't-isa na makalimot mula sa nakaraan habang patuloy nilang kinikilala ang isa't-
isa sa pagdaan pa ng mga araw.

Isa sa isyung ipinapakita sa pelikula ay ang hirap ng buhay ng mga oversea filipino workers(OFW) na
nagtatrabaho ng kahit ano para sa mga mahal nila na naiwan sa Pinas.Pangalawa,ang mga sirang pamilya
na nakakaapekto sa bawat miyembro ng pamiya.Ang panghuling isyung pinakita sa pelikula ay ang mga
kakulangan ng mga trabahi at oportunidad na aangkop sa mga nagtapos mula sa ibat-ibang larangan na
may sapat na suweldo at benepisyong binibigay.

Kung susuriin at uunawaing mabuti ang iskrip ng bawat karakter sa nasabing pelikula,ang lahat ng ito ay
naangkop sa tema ng pelikula at naaayon sa kanilang ginagampanan.Nakakarelate ang sino mang
makakarinig ng ilang linya na sadyang pumatok sa mga manunuod na tumatatak sa kanilang mga
isipan.Sa sinematograpiya naman ng pelikula ay mahusay ang pagkakakuha o pagpoposisyon ng mga
anggulo,karamihan ng mga eksena ay kinunan sa bansang Spanya.

Sa pagganap naman ng mga artista ay malaki na talaga ang naiambag ng mga bida sa larangan ng pag-
arte na madadala ka sa kanilang mga emosyon at kukuritin nila ang mga puso ng mga manonood.

Pagdating naman sa produksiyon o pag-oorganisa ng mga pangyayari sa pelikula masasabing magaling at


pinaghandaan talaga dahil narin sa bihasa ang humahawak nito kaya maganda ang pagkakagawa sa
pelikula.Ilan sa mga parte nito ay sadyang nakakapukaw ng atensyon ng manunuod.Pagdating naman sa
musika na ginamit ito at naaangkop at ito ay nakadagdag ng kulay sa pelikula at mas naging kawili-wili ito
sa mata at maging sa pandinig ng manunuod.

Ang mensahe naman na gustong ipahiwatig ng pelikula ay dapat nating pahalagahan ang mga tao na
nasa paligid natin at pahalagahan din ang mga taong naging parte ng paglalakbay natin at dapat matuto
tayong magpatawad at tumanggap para muling makipagsimula ng panibagong pahina ng ating buhay.

You might also like