You are on page 1of 2

Mc Kevin Jade Madamba 29/04/21

BSIT EXTR II-A

Filipinas (2003)
sa direksyon ni Joel Lamangan

Angkop para saken ang pamagat ng pelikula na , Filipinas. Dahil nga’t hinalaw ito mula sa
apelyido ng pamilya na siyang sentro ng kwento ngunit mas nakikita at lumilitaw na ito ang Pilipinas, ang
ating bansa. Talagang makatotohanan at mahusay ang pagkakaganap ng papel ng mga tauhan dahil
bawat isa sa kanila ay sumisimbolo sa pankalahatang Pilipino ng kahapon, ngayon at ng
hinaharap. Sila ang nagpapakita sa iba’t ibang anggulo, sitwasyon at mukha ng sambayanan. Eto
ang mga isyung panlipunan na tinalakay sa pelikula, nariyan ang pangingibambansa, pagkakaiba
ng kultura ng mga nag-aasawa, diskriminasyon ng lahi, kapit-patalim, illegal na recruiter, neo-
kolonyalismo, katiwalian at kurapsyon, kahirapan, problema sa pamilya, kawalan ng hustisya at
trabaho at trapong pulitiko. Isinama rin ang pagkakaiba-iba ng ideolohiya ng magkakapatid (at
ng bansa sa kasong ito) kung pagsama-samahin ang lahat, ay ang naging dahilan ng
pagkakawatak-watak, pagiging literal na lugmok at comma ng pambansang pagsulong. Sa
kabuuan, puno ng damdamin ang pelikula. Binubuhay nito ang mga natutulog na kalamnan ng
pagka-Pilipino at pinaaagos nito nang puro ang dugong nanalaytay sa bawat isa sa atin bilang
pamilyang nagkakaisa. Dulot ng nakakapanginig nitong natural na dayalogo, talagang kikirot at
tatagos sa puso ng bawat isa ang madrama’t simbolistikong pelikula. Ang pelikulang ito ay hitik
na hitik sa mga simbolismo at tayutay. Ito na marahil ang pinagsamang salamin ng sarili nating
buhay, pamumuhay at kalagayan bilang sentro ng hindi maipaliwanag na uri ng lipunan.
Ipinakikita rin ng pelikula ang kasalukuyang estado ng ating bansa na siyang nagsilbing
pamukaw-isipan sa atin bilang bahagi nito na mag-isip at kumilos nang naaayon sa ikabubuti at
sa kapakanan ng lahat. Kung wala tayong sariling kusa, magiging bahagi pa rin tayo sa patuloy
na pagdaloy ng makalumang kwentong ito. Nasa ating kamay, millennials, kung paano natin
baguhin at bigyan ng panibagong balangkas ang kwentong ito. Ang itay na tinutukoy rito ay ang
mga ninuno natin o bayaning nagbuwis-buhay alang-alang sa kapakanan ng bansa. Ang itay
bilang haligi ng tahanan, ay handang ipagtanggol ang pamilya laban sa anumang kapahamakan.
Ang ina naman na siyang naging dahilan para maging buo ang pamilya ay ang bansa natin. Dahil
sa may sarili tayong soberanya at konstitusyon, nagkaroon tayo ng pagkakakilanlan at kinikilala
tayo ng mga karatig nating bansa at ng daigdig, sa kabuuan. Dahil dito, nakikibaka tayong mga
Pilipino nang sa gayon ay makilala ang ating inang bayan. Ipinakita ng pelikula at ng direktor at
manunulat ang mga karanasan at katotohanang nasaksihan nila sa kanilang lipunan. Ang
pelikula ay nakapokus din sa mga isyung panlipunan kagaya ng kurapsyon, kahirapan, digmaan
at gobyerno. Eto ang ilan sa mga napulot kong aral sa penikula, ang pagpapahalaga sa pamilya,
pag-ibig sa bayan, tiwala at pananalig sa sarili, pag-asa at paninidigan/ Kakayahang
makapagdesisyon para sa sariling kapakanan, tiwala sa Panginoon, pagmamalasakit sa kapwa,
Pag-abot sa pangarap at Pagsasakripisyo.
Karapat-dapat lang ito panoorin lalo na ang mga millennials na kagaya ko dahil maraming aral
at mensahe ang mapupulot dito.

You might also like