You are on page 1of 4

YUNI KAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG

TANDA DANICA S.
BSED ENGLISH 3A

ABSTRAKSYON

Suriin ang akdang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na susukat sa


iyong antas ng pag-unawa.
PAGSUSURI
1. Ano ang sinasabi ng akda tungkol sa kahirapan?

Nagpapahiwatig na ang kahirapan ang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga mahihirap. Ang
estado ng buhay ay nagiging sanhi ng hindi pantay-pantay. Kapag mayaman ka aasikasohin ka
pero kapag mahirap ka lang, papabayaan ka lang ktulad ng nangyari sa kwento na namatay ang
anak ni Luding dahil pinabayaan siya ng mga nagtratrabaho sa hospital. Hindi sila inasikaso ng
dahil sila’y mahirap lamang. Dahil sa pagiging mahirap, napagkaitan sila ng karapatan
magkaroon ng pamilya.

2. Sino ang nagsasalaysay sa kwento? Nakatulong ba ang kanyang wikang ginamit upang
mapalitaw ang kanyang kalagayang panlipunan? Kung sakaling ibang pananaw kaya ang
ginamit ng awtor, ano kaya ang magiging epekto nito sa daloy ng kuwento?
Ikinuwento ng asawa ni Luding ang kuwento sa paraang madaling maunawaan. Ito ay dahil
gumamit siya ng mga salita na nagpapakita kung paano sila nabubuhay. Dahil mahirap sila,
simple lang at hindi magarbo ang mga salitang ginamit niya. Kung ibang tao ang
nagkuwento, maaaring hindi ito madaling sundin..

3. Ilarawan ang katangian ng pangunahing tauhan. Punan ang inihandang tsart sa ibaba.

Salik na
Pangunahing Bilang Asawa Bilang Bilang Tao Humubog sa
Tauhan manggagawa mga
Katangiang
Ito
ASAWA NI Mabait, maalaga at Bilang isa siya sa Dahil sa nangyari Ang katangian
LUDING mapagmahal na gumawa ng sa anak niya hindi niya bilang asawa,
asawa. hospital masasabi siya nakapag isip bilang
ko na siya ay ng tama at manggagawa ay
mabuting nakagawa siya ng hinubog ng
manggagawa. bagay na naging kanyang hangarin
ugat ng pagiging na magkaroon ng
hindi makatao maayos na
niya. pamumuhay,
magkaroon ng
anak. Habang ang

SOSYEDAD AT
YUNI KAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG
humubog sa
katangian niya
bilang to ay ang
hindi pagtrato sa
estado nila sa buay
ng tama.

SOSYEDAD AT
YUNI KAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG
4. Bilang mga taong kabilang sa mababang antas ng pamumuhay, anu-ano ang mga mithiin
nina Luding at ang kanyang asawa? Sa estadong mayroon sila, mayroon ba silang
karapatang hangarin ang mga bagay na ito? Ano ang mga hakbanging maaari nilang
gawin upang makamit ito?
May gustong mamuhay ng maayos sa pagkakaroon ng magandang trabaho, pamilya, at hindi
pagiging mahirap. Karapatan nilang gustuhin iyon. Upang maisakatuparan ito, kailangan nilang
mag-aral at gumawa ng mabubuting pagpili. Dapat maging masaya din sila sa kung anong
meron sila.
5. Ano ang dahilan ng pagkabilanggo ng pangunahing tauhan? Sa iyong sariling pananaw,
makatwiran ba ang kanyang naging tugon sa pagresolba sa suliraning kanyang kinaharap?
Karapat-dapat ba siyang mabilanggo? Pangatwiran.
Napakasama ng ginawa ng asawa ni Luding sa pagpapasiklab ng apoy sa ospital na ikinamatay
ng kanilang anak. Ngunit nang gumawa ng masama ang kanyang asawa bilang kapalit, hindi
iyon ang tamang gawin. Dapat siyang parusahan dahil maraming tao ang maaaring masaktan at
mawalan ng pamilya. Mahalagang tandaan na ang paggawa ng isang bagay na masama ay hindi
nag-aayos ng isa pang masamang bagay. Kahit masama ang loob niya, hindi okay na gumawa
ng mali.
6. Ipinakita ba sa akda ang pag-iral ng diskriminasyon sa ating lipunan? Paano ito nauugnay
sa ating kalagayang sosyal? Magbigay ng tiyak na halimbawa mula sa akda at maging sa
tunay na buhay.
Ang kuwento ay nagpapakita na ang ilang mga tao ay tinatrato nang hindi patas dahil sa
kung sino sila. Hindi tinulungan ng mga doktor at nars si Luding kapag kailangan niya ito, at
ayaw ng asawa ni Mr. Cajucom na tulungan siyang magkaroon ng kanyang anak.
Nangyayari ito dahil ang ilang tao ay may mas maraming pera at kapangyarihan kaysa sa iba,
at hindi nila palaging tinatrato ang lahat nang patas.

7. Paano tinanaw ng pangunahing tauhan ang langit? Ito ba’y kanyang pinaniniwalaan? Anu-
ano ang mga salik na nag-udyok sa kanya upang tingnan ang langit sa ganitong pananaw?
Ang asawa ni Luding noon ay naniniwala sa langit ngunit ngayon ay hindi na dahil pakiramdam
niya ay kinalimutan na siya ng Diyos. Pakiramdam din ni Luding ay hindi siya tinatrato nang
patas dahil mahirap ang buhay niya at nawalan ng anak. Iniisip nila na ito ay dahil mahirap sila
at hindi ito patas.

8. Ano ang ipinapahiwatig sa huling tagpo ng kuwento hinggil sa asawa ng bilanggo? Paano
mo bibigyang interpretasyon ito?
Ang pinapahiwatig ng huling tagpo ay nawalan na ng pag asa ang asawa ni Luding dahil
hindi na niya pinapaniwalaan ang langit at hindi man lang siya nakaranas ng langit dahil sa
buong buhay niya puro pasakit nalang ang nangyayari sa kanya. Ang hospital na isa siya sa
gumawa ang siyang sumira sa buhay nila.

SOSYEDAD AT
SOSYEDAD AT

You might also like