You are on page 1of 9

BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

GRADUATE SCHOOL
Telefax: (6347) 2372350
(6347) 2375830 City of Balanga 2100 Bataan, Philippines
Website: www.bpsu.edu.ph Email: graduateschoolmc@gmail.com
Email: bpsugraduateschool@gmail.com Telefax: (6347) 2376658

FED 422-PANITIKANG FILIPINO

Pangalan: Aika Kristine L. Valencia Guro: Dr. Guillermo Q. Roman Jr.

SI NENENG
ni John T. Hingco
Bihisan n’yo si Neneng
ng damit na bakles
at pantalong hapit
Pahiramin n’yo pa siya
ng bagong sinturon
upang bumakas
ang kanyang kabigha-bighaning
baywang.

Di ba’t seksi?
koka-kola badi.
Hanapan niyo siya
ng laso sa buhok
na kulay asul o pula
Teka muna.
Parang may kulang pa.
Meyk-apan n’yo muna
ang mukha ni Neneng
upang mamula-mula
ang kanyang labi’t mukha.

Di ba’t maganda na siyang tingnan;


Mapula-pula pa
sa gumamela ang kanyang
bibig at mukha
Nakatitiyak ako
na maiibigan talaga siya
ng mga dayuhan
Ebeta ni Neneng
ipadala sa mga Hapon at Gyerman
Pipili talaga sila ng kanilang
mapapangasawa.

O, Neng, ngiti muna.


Tingin sa kanan na medyo sayd byu
Medyo nakausli ang puwit pagkatapos
Palitawin ang iyong dibdib.

O, sige na-
Layts, kamera, aksyon.

I. ISTRAKTURA NG TULA:
 may malayang taludturan

II. PAKSA
 Tinatalakay ang pangyayari o suliraning panlipunan ukol sa pagbubugaw o pagbebenta sa
mga kakabaihan sa mga dayuhan o prostitusyon.
 Ipinapakita rin sa tula ang mababang pagtingin sa kababaihan

III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG:


 Gumamit ang may-akda ng hayagan o literal na mga salita na madaling maunawaan ng
mambabasa.

IV. MGA PILING PAHAYAG


 Bihisan n’yo si Neneng Kahulugan: Ginamit na simbolismo ang
ng damit na bakles pangalang Neneng sa mga kabataang babae
at pantalong hapit na kahit sa murang edad ay nasasadlak na
Pahiramin n’yo pa siya sa maling gawain na gaya ng prostitusyon.
ng bagong sinturon
upang bumakas
ang kanyang kabigha-bighaning
baywang.

 Nakatitiyak ako Kahulugan: Ipinapakita lamang ng saknong


na maiibigan talaga siya na ito ang pangyayari sa ating lipunan na
ng mga dayuhan gamit na rin ang makabagong teknolohiya
Ebeta ni Neneng at internet, ang kababaihan ay nagagawang
ipadala sa mga Hapon at Gyerman ibenta sa mga dayuhan. At dala na rin ng
Pipili talaga sila ng kanilang kahirapan, minsan nagagawa rin nilang
mapapangasawa. kumapit sa patalim.

V. TEORYA: TEORYANG FEMINISMO-MARKISMO- Ang layunin ng panitikan ay


ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinahaharap.
Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning
dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

ITAY, UWI NA IWAN ANG SAUDI

ni: Eugenio M. Pablo

Itay, uwi na, iwan ang Saudi


Si Inay maysakit
lumulubha
lumalala
Nagpapakonsulta siya sa mga diskuhan
Kasama ni Kumpare mo Bistre
Nagpapagamot siya sa bahay
madyungan
Charity at pong ang kanyang karamdaman!

Ang ating tahanang noo’y matibay


Unti-unting gumigiray
Ang matibay nitong mga haligi
Ngayo’y bumubulik, mabubuwal

Itay uwi na,


Iwan ang Saudi, si Inay iligtas…

I. ISTRAKTURA NG TULA:
 Gumamit ng malayang taludturan, ang tula ay walang sukat. Ito rin ay itinuturing na
pinakamodernong anyo ng panulaang Filipino.
 Nagpapakita ng uri ng tugma sa katinig.

II. PAKSA
 Nagpapakita ng suliraning pampamilya.
 Sa tulang ito, tinatalakay ang karaniwang nangyayari sa isang pamilya na ang asawa ay
naghahanapbuhay sa ibang bansa, na kung saan ang babae ay nagkakaroon ng ibang
karelasyon habang ang lalaki ay nagsasakripisyo na maghanapbuhay sa ibang bansa.

III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG :


 Maayos at gumamit ang may-akda ng matatalinghagang salita at tayutay na nakaragdag
sa kariktan ng tula.
IV. MGA PILING PAHAYAG
 Nagpapagamot siya sa bahay
madyungan
Charity at pong ang kanyang karamdaman!
Kahulugan: pagkalulong sa sugal
 Ang ating tahanang noo’y matibay
Unti-unting gumigiray
Kahulugan: Pagkasira ng dating matibay at maayos na pamilya
Nilalaman: Sa unang saknong ng tula ipinapakita ang pagkalulong ng ina sa iba’t ibang uri ng
sugal at pakikipagrelasyon nito sa ibang lalaki o kumpare nito.
Inilalarawan naman sa ikalawang saknong ang unti-unting pagksira ng pamilya, ang dating
matibay na relasyon ng mag-asawa ay nagbabadyang mawasak dahil sa paglayo o
paghahanapbuhay ng lalaki sa Saudi.
Sa huling saknong naman, nais ng persona sa tula (anak) na bumalik na sa Pilipinas ang kanyang
ama upang maisalba pa ang kanilang dating masaya at maayos na pamilya.
V. TEORYA
 Teoryang Realismo-ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Naglalarawan ng
makatotohanang pangyayari sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng
ordinaryong suliranin sa buhay. Ang pananaw ng teoryang ito ay higit na mahalaga
ang katotohanan kaysa kagandahan.
 Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political at iba pa.)

NANG GUMRADWEYT SI OTOY

Tahan na
Dahil ipagbibili ni Tatay mo
Ang kalabaw
Para may ibabayad ka sa accounting
sa iyong paaralan
Arkila ng toga
Graduation fee pa
May nakalaan na ritong
Credit card
Para sa iyong sapatos
Na imamartsa
Ang photographer na ma-syat
Baka makalimot
Kulitin uli
Meron ka palang handa?
Sa boarding house
Ma-celebrate pala kayo
Oo, sige ipalista lang muna
Serbesa at Tanduay
Babayaran lang nating di magtatagal
Ay…
Puntahan mo nga pala, iyong ninang
Magbibigay nga pala ‘yon ng manok at palay
Ano?
Graduation ring pa?
O, sige
Sabihin ko sa Tatay mo
Ipagbibili ang damuraga na pinaalaga
Kay Pukay
Mabuti naman kung ikaw makatapos
Makatulong sa ating gastos
Pagtawag ng pangalan
Pumalakpak talaga nang matagal
si Nanay
Luha ng kasiyahan
Parang di maipaliwanag.

Pagtapos ng graduation,
Ba’t umiiyak pa rin si Nanay?
Ano?
Si Otoy nangumpisal?
Kanya palang syotang si Inday
manganganak na, hindi magtatagal

I. ISTRAKTURA NG TULA:
 Gumamit ng malayang taludturan, ang tula ay walang sukat at tugma. Ito rin ay
itinuturing na pinakamodernong anyo ng panulaang Filipino.
II. PAKSA
 Patungkol sa buhay ng isang ordinaryong pamilya na nagnanais mabigyan ng
magandang buhay ang kanilang anak.
III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG :
 Gumamit ang may-akda ng hayagan o literal na mga salita na madaling
maunawaan ng mambabasa.
IV. PILING PAHAYAG
 Luha ng kasiyahan
Parang di maipaliwanag.
Kahulugan: labis na kaligayahan

Nilalaman: Ipinapakita sa tula kung paano pinipilit ng ina at ama na makasabay


magtapos ang kanyang anak, kaya nagawa nilang ipagbili ang alagang kalabaw upang
matustusan ang mga gastusin ng anak sa graduation nito.
Iniisip ng magulang na pagkatapos ng graduation ay makatutulong na ang kanilang anak
sa gastusin sa pamilya. Ipinakita ang pagluha ng ina sa sobrang katuwaan nang tawagin
na ang pangalan ng kanyang anak. Bilang isang magulang na may payak at ordinaryong
pamumuhay, tanging edukasyon lamang ang sinasabing maipapamana nila sa kanilang
anak. Kaya napakalaking bagay sa magulang na magtapos nila ng kolehiyo ang kanilang
mga anak.
Ngunit sa huling saknong ipinakita pa rin ang pagtulo ng luha ng ina, ngunit ito ay luha
nan g kalungkutan. Nagmistulang pangarap na gumuho ang ikinumpisal ng kanyang anak
na nagtapos, dahil ito ay magiging ama na.
V. TEORYA
 Teoryang Realismo- Layunin nito na maipakita ang mga karanasan at nasaksihan
ng may-akda sa kanyang lipunan. Ito ay hango sa mga pangyayari sa totoong
buhay.

HUMAYO KA, SAMUEL


ni: Hebron G. Samilano

Pagod ka na ba, Samuel?


O, nababagot na sa kinasapitan
mo?

Huwag kang matakot patuloy pa,


Samuel
kahit na matuklasan mo rito sa mundo
ang pangungulila, pagkaasiwa at kapinsalaan na inihasik ng iyong mga kauri
basura sa mukha ng kalupaan
lason sa gitna ng karagatan
at usok sa kahanginan.

Humayo ka, Samuel:


huwag lumingon sa lakas mong sinayang
kung sa lakas ng loob, magiging maliksi
ka muli
Hakbang pa Samuel… igalaw ang
paa
kasabay ng tungkod ng pag-asa

Hayo na, Samuel:


at ingatan mong huwag matapakan
ang kalbo nang kabundukan
ang lahat ng nabalutan ng itim nang
mga ulap
na patuloy na binubuga ng mga
dambuhalang bakal
Sige, hayo pa, Samuel…
Baka pa naman marating mo ang hardin
ng mga bulaklak
may ngiting matamis, matingkad at
matimyas

Loko, dapat kang maglakbay uli


Samuel
huwag lang basta sakay sa mga bagwis
ng kahapon
kundi magising ka sa katotohanan
na ikaw ngayo’y talagang kailangan
kumilos upang mapigil ang paninira
sa mga gawain na sa iyo inihabilin
Hayo, Samuel, hayo.

I. ISTRAKTURA NG TULA:
 Gumamit ng malayang taludturan, ang tula ay walang sukat.
 May mga taludtod na nagpapakita ng tugma sa katinig o tinatawag ding Di-ganap.
II. PAKSA
 Pangangaral sa tao ukol sa pagkasira ng kalikasan
 Ang tula ay nangangaral sa tao na kailangang kumilos o mag-ambag ang bawat
isa para sa ikaaayos at ikagaganda ng nasirang kalikasan. Binibigyang-diin din sa
tula ang pagkasira ng mundo na mismong tao rin ang may sala.
III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG :
 Maayos at gumamit ang may-akda ng matatalinghagang salita at tayutay na
nakaragdag sa kariktan ng tula.
IV. MGA PILING PAHAYAG
 Huwag kang matakot patuloy pa,
Samuel
kahit na matuklasan mo rito sa mundo
ang pangungulila, pagkaasiwa at kapinsalaan na inihasik ng iyong mga kauri
basura sa mukha ng kalupaan
lason sa gitna ng karagatan
at usok sa kahanginan.
Kahulugan: Ginamit ang pangalang Samuel bilang simbolismo ng tao. Ipinapakita rito
ang pagkasira ng kalikasan at mga uri ng polusyon na mismong tao ang gumawa.

 Hakbang pa Samuel… igalaw ang Kahulugan: Panghihikayat sa tao na bawat


Paa isa sa atin ay may magagawa kung tayo
kasabay ng tungkod ng pag-asa ay kikilos at magkakaroon ng malasakit
sa ating kalikasan.

 ang lahat ng nabalutan ng itim nang Kahulugan: Mga pabrika na nagbubuga


mga ulap ng maruming usok
na patuloy na binubuga ng mga
dambuhalang bakal
Nilalaman ng tula: Ipinapakita ang kasalukuyang nangyayari sa ating mundo at sa ating
kalikasan. Inilarawan sa tula ang kaunlarang hinahangad ng tao ngunit unti-unti naman
nilang nasisira ang kalikasan. Sa huling saknong, binigyang-diin dito na ang tao, bilang
bahagi ng isang lipunan ay kailangan kumilos at makiisa para sa pagsalba at ikaayos ng
nasira nating kalikasan. Sinasabi rin sa tula na ang kaunlaran ay maaari nating makamit
nang hindi masasaalang-alang ang pagkasira ng mundo.

V. TEORYA
 Teoryang Sosyolohikal- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipapakita rito
ang pamaraan ng tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na
nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin.

SI TANDANG JUAN
ni: Eugenio M. Pablo

Si Tandang Juan
otsenta anyos
may pahiwatig
ang tingin sa akin
Ang maputi niyang
buhok
nagpapatunay
ng mga pangungunot
ng kanyang noo.

Gumanti ako
ng tingin
dahil parang hindi
ako makaunawa
pero bigla akong
natauhan
dahil sa kanyang
mata aking
nakita kislap
ng aking kinabukasan!

I. ISTRAKTURA NG TULA:
 Gumamit ng malayang taludturan, walang tiyak na sukat at wala ring
tugma ang pagkakasulat ng tula.
II. PAKSA:
 Tinatalakay ang pangyayari o suliraning panlipunan ukol sa pagbubugaw
o pagbebenta sa mga kakabaihan o prostitusyon dahil sa kahirapan.
 Tulad ng unang tula na naisulat ni Eugenio M. Pablo na Si Neneng, halos
pareho ang nilalaman nito at nais talakayin ang suliraning panlipunan ng
kababaihan sa kasalukuyan.

III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG :


 Maayos at gumamit ang may-akda ng matatalinghagang salita

IV. MGA PILING PAHAYAG:


Ang maputi niyang dahil sa kanyang
buhok mata aking
nagpapatunay nakita kislap
ng mga pangungunot ng aking kinabukasan!
ng kanyang noo.
kahulugan: katandaan kahulugan: nabigyang-pag-asa

Nilalaman: Ipinapakita sa tula ang kalagayang panlipunan, dala ng kahirapan


maraming kababaihan ang nakagagawa ng mali o kumakapit sa patalim upang
maiahon ang sarili o pamilya sa kahirapan.

V. TEORYA:
 TEORYANG FEMINISMO-MARKISMO-Ang layunin ng panitikan ay
ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinahaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon
bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at
suliranin ng lipunan.

You might also like