You are on page 1of 2

Mamu; and a Mother too

1. Mga Tauhan ng Pelikula (Papel na ginampanan ng bawat artista/tauhan at


katangian ng bawat isa)

 Iyah Mina bilang Mamu- isang transgender na sa kabila ng kanyang edad na 40


ay nangangarap na magpadagdag ng dibdib upang kahit papaano ay
makatulong sa kanyang trabaho bilang isang sex worker lalo na't ang kanyang
mga kasabayan ay 'di hamak na mas bata sa kanya. Subalit ang kagustuhan
niyang ito ay naudlot nang mamatay ang kanyang kapatid at mapunta sa
kanyang pangangalaga ang anak nitong si Bona na tulad niya ay parte rin ng
LGBTQ community. Sa kabila ng kanyang trabaho na para sa nakararami ay
marumi at hindi marangal ay mabait siya at matulungin sa kanyang kapwa kung
kaya’t bagamat hindi naging madali para sa kanya ay nagawa niya pa ring
gampanan ang pagiging ina kay Bona. Pagdating naman sa relasyon nila ng
kasintahang si Vincent, laging siya ang nasusunod. Lagi niyang sinasabing ang
mga desisyon niya ay para rin naman sa ikabubuti nito. Hindi niya naisip na
pakinggan ito at alamin ang nararamdaman nito na sa huli ay pinagsisihan niya
rin naman.

 Arron Villaflor bilang Vincent- ang kasintahan ni Mamu na nagnanais na


mahalin rin siya tulad ng pagmamahal niya rito. Minsan niya ng pinagbintangan
si Bona sa kasalanang siya ang may gawa, bagay na agad niya rin namang
pinagsisihan. Nagawa lang naman kasi niya ito dahil sa bugso ng kanyang
damdamin. Hindi kasi siya pinapayagan ni Mamu na magtrabaho sa malayo para
makatulong rito na siyang kinasama ng loob niya. Pakiramdam niya ay sobrang
liit ng tingin sa kanya nito at sa ilang taong pagsasama nila ay hindi pa rin siya
nito nagagawang pagkatiwalaan. Gusto niyang mapatunayan rito na hindi lang
siya palamunin tulad ng sinasabi ng ibang tao kung kaya’t nagpasya siyang
mangibang-bansa nang hindi hinihingi ang pagsang-ayon ni Mamu na sa huli ay
nalaman rin naman nito.

 EJ Jallorina bilang Bona- ang pamangkin ni Mamu na napunta sa kanyang


pangangalaga nang mamatay ang ina nito. Dahil sa naging trato ng kanyang ina
sa kanya noong nabubuhay pa ito ay hindi naging madali para sa kanya ang
magtiwala kay Mamu na siyang kumupkop sa kanya. Sa katunayan, may mga
pagkakataong pakiramdam niya ay hindi siya gusto nito at napipilitan lamang
itong kupkupin siya. Ang pagdududa niya sa pagmamahal sa kanya nito ay mas
lalo pang lumala no’ng minsang pinagbintangan siya ng kasintahan nitong
magnanakaw na pinaniwalaan naman nito. Idagdag mo pa ‘yong panahong
kinailangan niya ng makakausap ngunit hindi siya napagbigyan nito. Dahil dito ay
nagrebelde siya’t imbes na mag-aral, sa murang edad ay tumulad rito’t naging
sex worker dulot na rin siguro ng panloloko sa kanya ng kanyang kasintahang si
Franco hanggang sa umabot sa puntong magkasakit siya.

 Markus Paterson bilang Kiko- naging kaibigan at nagkaroon ng pagtingin kay


Bona kahit na pareho sila ng seksuwalidad. Sa kabila ng pambabalewala nito sa
kanyang nararamdaman at sa nangyari rito ay hindi nagbago ang pagtingin niya
rito. Nanatili siya sa tabi nito hanggang sa makita rin nito at masuklian ang
nararamdaman niya. Sa huli ay naging mabuti siyang impluwensiya kay Bona.
Malaki ang naging ambag niya sa paghikayat rito na magpatuloy sa pag-aaral.
Sa katunayan, sinabi niya pa kay Bona na kung ang problema lang naman nito
kung ba’t ayaw nitong bumalik sa pag-aaral ay ang pagpapagupit ng buhok,
huwag raw itong mag-alala dahil wala naman daw sa haba ng buhok ang
pagiging maganda.

2. Paano inilarawan ng Pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?


Inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay sa paraang hindi
tulad ng mga nakikita natin sa madalas nating panooring mga fancy love stories
na pelikula. Kahit na hindi ka bahagi ng LGBTQ community ay masasabi mong
bawat eksena ay may pinaghugutan o batayan sa totoong buhay at hindi lang
basta bahagi ng imahinasyon ng may-akda.

3. Paano nito iprinesinta ang realidad?


Iprinesinta ang realidad sa pelikula sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
pangyayaring tunay na nangyayari sa totoong buhay. Hindi lamang ito umiikot sa
buhay ng isang transgender sex worker, sa batang nagsisimula pa lang tuklasin
ang kanyang seksuwalidad at sa lalaking nagnanais na mabago ang tingin sa
kanya ng mga taong malalapit sa kanya at makatulong lalo na sa taong mahal
niya, tinatalakay rin nito ang kahirapan na hanggang ngayon ay isa pa rin sa mga
suliranin ng lipunan. Sa pagpapalawak, ipinapakita sa pelikula ang epekto ng
kahirapan sa mga taong dumaranas nito sa totoong buhay tulad na lang ng
pagtatrabaho ni Mamu bilang isang sex worker para kumita at mapunan hindi
lamang ang mga pangangailangan niya kundi pati na rin ng kanyang kasintahan
at pamangking si Bona. Ang trabahong ito bagamat marumi sa pangingin ng
lipunan ang siya ring naging daan para kumita siya ng pera para sa
pagpapagamot ni Bona nang magkasakit ito. Kumbaga, napasubo lamang si
Mamu sa trabahong ito dahil sa kahirapan ng buhay na makikita sa realidad.

You might also like