You are on page 1of 2

PANGALAN:__________________________ PANGKAT/BAITANG:_________________

PETSA:______________________________ GUR0:____________________________

ULAT SA PAGBASA

Aklat Paglalahad Blg. __________________________________________________________________

A. Pamagat : Ang Batang Hindi Makuntento

B. May-akda : Mary Rose Torregoza

C. Tagpuan :

a. Lugar : Sa may pamilihan; bahay nina Faustina


b. Panahon : Maaliwalas n aumaga, may pasok ng araw na iyon si Faustina

D. Tauhan :

a. Pangunahin :
1. Faustina- nag iisang anak nina Aling Clara at Mang Ponciano
2. Aling Clara- ina ni Faustina; naglalabada
3. Mang Ponciano- ama ni Faustina; naglalako ng tuyo at daing
b. Pantulong :
1. Aling Marcelina- may ari ng inuupahang bahay nina Faustina
2. Juana- kamag-aral ni Faustina
c. Gustong tauhan ? Juana
Bakit ? Dahil di siya nahihiya kahit na ang damit na kanyang suot ay hindi bago
d. Ayaw na tauhan ? Faustina
Bakit ? Dahil siya ay maluho at hini marunong makuntento sa kung anong meron siya.

E. Banghay ( Pagkakasunod-sunod ng pangyayari )

Simula : Si Faustina ang batang hindi makuntento sa kung anong meron siya. Siya ay nag-iisanganak at
binibigay ang kanyang gusto kahit gipit sa buhay ang pamilya nila. Walang maayos nahanap-buhay ang tatay niya
pati na din ang kaniyang nanay, ang kanyang tatay ay naglalakolamang ng tuyo at daing, ang kanyang nanay
naman ay naglalabada."Nanay, bilhan mo naman ako nito" aniya na kanyang anak. Sumilip siya sa kanyang
pitaka atnapakamot siya sa kanyang ulo. "Pasensya kana anak sa susunod nalang kapag bumalik tayo dito
pangbayad kasi ito ng bahay kay aling marcelina" Naglakad ng mabilis si Faustina papuntang sakayan at doon
nalamang inantay ang kanyang ina.Inis ang kanyang nadarama sa kanyang ina sa kadahilanang hindi nabili ang
kanyangnagustuhang damit sa nadaanang shop.Si aling Clara ay hindi na nagtaka sa inasal ng kanyang anak dahil
ganito ito sa tuwing hindinabibigay ang gusto. Pumasok sa shop si aling Clara. "Miss, magkano itong damit"
tanong niyasa isang babaeng nagbabantay. "550 pesos po ma'am"Binuksan ni aling clara ang kanyang pitaka at
kinuha ang limang daan na natitira sa kanyang pitaka at iniwan ang bente pesos upang ipamasahe ito sa pag-uwi
nila."Miss, pwede bang limang daan nalang kulang kasi dala kong pera eh gustong gusto pa namanng anak ko
yan" ngumiti nang mapait si aling Clara. "Sige na nga po ma'am" binalot na ng babaeang damit at inabot kay
aling clara at inabot na din ni aling clara ang limang daan sa babae."Salamat miss" Naglakad na si aling Clara
patungo sa sakayan at nakita niya ang anak na si faustina na nakatayoat nakakunot ang noo. Tinawag niya ito
ngunit parang wala itong narinig."Anak binili ko na ang iyong nagustuhang damit, hindi pa naman ako sinisingil ni
alingmarcelina sa susunod nalang siguro ako magbabayad" ang nakakunot na noo ni faustina biglanalamang
umaliwalas at ngiti na abot tenga ang nakita ni aling Clara sa kaniyang anak.

Gitna : . Nang makauwi sila sakanilang bahay bumungad ang asawa ni aling Clara na si manong
ponciano. "Pumunta dito si aling Marcelina sinisingil na ang bayad sa bahay" tumingin si alingCara sa kanyang
anak na si Faustina na tuwang tuwa pumunta sa kwarto upang isukat angnabiling damit. "Si Faustina nagpabili
kasi ng damit"Tumaas ang kilay ni manong ponciano ng marinig ang sinabi ng kanyang asawa. "Binilhan
monanaman ng damit ang anak mo kitang baon na baon na tayo sa utang" iniwan ni aling Clara simanong
ponciano at pumunta sa kusina upang magluto na ng hapunan, hinayaan nalamang niya si manong Ponciano na
magtalak ng magtalak dahil ganto ito sa tuwing binibili ang gusto nangkanilang anak lagi siyang tinatalakan
nito.Kinabukasan, ginising ni aling Clara ang anak na si faustina dahil ito ay may pasok. "Faustinagumising kana at
mahuhuli kana sa klase" tumayo na ang bata at eksayted na eksayted dahilisusuot niya ang bagong
PANGALAN:__________________________ PANGKAT/BAITANG:_________________
PETSA:______________________________ GUR0:____________________________

damit.Pagkatapos kumain ni Faustina dali daling tumungo ng banyo upang maligo. Nang ito'y mataposnang
maligo, nagbihis at nagpaalam na ito sa kanyang nanay at tatay na siya'y aalis na. Nakasalubong ni Faustina ang
kanyang kaklase na si Juana. "Juana, bago ba iyong damit"umiling si juana at sinabing. "Hindi siya bago eh,
mukhang bago lang kasi nilabhan siya ninanay" ngumiti si Faustina at tinuro ang kanyang bagong damit. "Ito
kasing akin kakabili langkahapon eh. Baka mamaya o bukas bumili ulit kami ni nanay. Nginitian nalamang ni
juana si Faustina at sabay naglakad patungo sa eskwelahan. Nang matapos ang klase lumabas na ng paaralan si
faustina at nang marinig niya ang boses ngkanyang ina. "Faustinaaaaaaaaa" lumingon siya at lumapit sa kanyang
ina. "Bakit po kayonandito nanay" ngumiti ang kanyang ina. "Sabay na tayo umuwi pero samahan mo muna
akomamalengke bago tayo umuwi"Sumimangot si Faustina ng ayain siya ng kanyang ina na samahan siya ngunit
bigla den nawalaang malungkot niyang mukha nang maisip niya magpabili ulit ng damit rito. "Nanay, bilhan
moulit ako ng damit" tumango nalang si aling clara.

Wakas : Nang matapos na sila mamalengke tumungo si Faustina sa isang shop malapit sa palengke, pumasok
siya rito at nakasunod lamang sakanya ang kanyang ina.May nakita siya magandang bistida at inakay niya ang ina
doon. "Nay, ito po ang gusto ko"tinawag ni aling clara ang nagbabantay. "Miss, magkano ito" kinuha ni aling
Clara ang pitaka sakanyang bulsa. "Tatlong daan po" kinuha na ni aling clara ang tatlong daan sa pitaka at
nakitananaman niyang tuwang tuwa ang kanyang anak. Napabuntong hininga si aling Clara pagkalabas ng shop
dahil nabawasan nanaman ang pangbayad nila ng bahay, tatlong buwan na silang hindi nakakabayad kay aling
Marcelinasiguradong umuusok na ang ilong nito dahil hindi pa sila nakakabayad. Nang sila'y makauwi nagulat
nalamang sila ng nasa labas na ang kanila gamit at nakitangnagmamakaawa ang asawa nito na wag muna silang
palayasin. Tumakbo patungo si aling Clarasa kanyang asawa at pinapatayo ito. "Aling Marcelina, parang awa niyo
na wag mo muna kami palayasin magbabayad ako sa susunod na linggo kulang pa kasi itong pera naming naipon
eh"tumigil si aling Marcelina sa pagtapon nang gamit nila palabas ng bahay. "Mag-aapat na buwan na kayong
hindi nagbabayad, kailangan ko din ng pera pangtustos sa mga pangangailangannamin" Nakita ni Faustina na
umiiyak ang kaniyang magulang na nagmamakaawa na wag silang palayasin. Tignan niya ang bagong bili sakanya
ng nanay niya na bistida at inisip niya lahat ng binili sakanya, naluha siya nang inisip niya lahat ng binibili sakanya
na imbes na ito'y pangbayadsa bahay ito'y naging pangbili ng mga gusto niya.

F. Aral / Mensahe :
1. Makuntento tayo sa mga bagay na meron tayo.
2. Huwag gumastos sa mga bagay na hindi mahalaga lalo na kung ang pera ay nakalaan para sa mas
mahalagang bagay o pangangailangan.
3. ________________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________________

You might also like