You are on page 1of 5

"Ang Kalupi"

ni Benjamin P. Pascual

Unang Deminsyon

Sa ating buhay, may nagagawa tayong pagkakamiling mga desisyon sa


buhay na pilit nating itinatago sa limot na pagsisisihan sa bandang huli. Dahil
narin sa patungpatong na mga problema sa buhay, hindi matahimik nating
konsesya at pagkabalisa.
Sa kwentong pinamagatang ang kalupi na ibigsabihin sa salitang hiram
na pitaka, ay pagtatagpung landas ng dalawang pangunahing taohan na sina
andres at aling Martha. Mahihinuha natin na ang maling akala ay nakakasama
sa ugnayan natin sa ibang tao, o sa ibang banda naman, sa maling paratang
natin sa kapwa natin ay may negatibong epikto.
Kinaumagahan, araw ng pagtatapos ng panganay na anak ni aling
Martha, ay abala ang ginang sa paghahanda at pag-aasikaso sa mga gawaing
bahay bilang pagsalosalo ng pamilya.
Pinasya ng ginang na mamalengke ng maaga upang mamili. Sa kanyang
paglalakad ay di inaasahang mabangga siya ng isang batang madungis at
humahangus pa sa pagmamadali nito sa pagtakbo.
Galit na galit ang ginang sa nangyari. Agad na nahusgahan ni Aling
Martha ang bata, ito ay mahirap, walang pinag-aralan at walang modo.
Pagkatapos ng nangyari, ay pumunta ang ginang sa kanyang suking
tindahan para mamili ng kakaylanganing mga sangkap sa pagluluto. Nang
kukuha na ng pambayad ang ginang ay tsaka na lamang nito natanto na
nawawala na ang kanyang kalupi (pitaka). Agad na nataranta at nag-isip. Sa
loob-loob nya ay hiyang hiya sya sa nangyari.
Napaisip si aling Martha, “nako! Natitiyak ko na ang bata ang dumukot
ng aking kalupi matapos akong sadyang bungoin kanina!” Agad kumaripas ng
paghagilap ang ginang umaasang mahanap ang batang nakabungo niya sa pook
pamilihan na sa tingin niya ay siyang kumuha ng kanyang pitaka.
Nang makita ang batang madungis ay agad na hinablot ng ginang ang
damit nito, at pilit na pinaamin sa pagkuha ng kanyang pitaka.Ngunit panay
ang tangi ng batang madungis, kahit pinipilipit na ng ginang ay patuloy ang bata
sa pagmamakaawa.
Halos mapuno na ang palingke sa tao, sa kakatanaw ng sa batang halos
mapunit na ang damit sa kakahatak ng ginang na nagaakusa na kumuha sa
kanyang pitaka. May naawa sa bata ngunit wala ni isa ang tumulong upang
awatin ang nangyayaring eskadalo. Hanggang sa may dumating nang utoridad
at nagtanong sa bata ang sinabi pang ito'y dadalhin sa himpilan ng mga pulis at
doon magpaliwanag.
Tumindi ang pagmamakaawa ni andres sa kanyang narinig na dadalhin
siya sa prisento. Ang binili nitong isda para sa tyahin ay malamang hinihintay
na kanina pa.Dahil sa mahigpit ng pagkakahawak ni Aling Martha sa bata ay
nagdulot ito ng matinding sakit sa bata kaya't kinagat nito ang kamay ng ginang
at kumaripas ito ng takbo papalayo.
Ngunit sa kasamaang palad, kasabay ng paglayo ng bata sa
mapanghusgang ni Aling Martha ay ang tilian ng mga naroroon. Nabangga ito
ng humahagibis na dyip. Bago mawalan ng hininga ang kawawang bata ay iginiit
nito na wala syang ninakaw.Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Aling
Martha na ang nangyari sa bata ay kapalit ng pagkuha ng kanyang kalupi.
Nang nakauwi na ng bahay si Aling Martha ay nagtaka ang mister nito
kung saan galing ang pinamili gayong naiwan nito ang pitaka sa bahay.Ng
narinig niya iyon ay nagging balisa sa pagsagot ang ginang. Sa pagkakataong
iyon ay nawalan ito ng malay.
Marahil hanggang sa ngayon ay binabagabag parin si Aling Martha sa
nangyari sa bata. Kung ang kwentong ito ay may karugtong, malamang na
sinusuyo/binabagabag parin ng kanyang kunsensya si aling Martha sa nangyari
sa bata. At nagtapat sya sa tiyahin ng bata ukol sa tutuong nangyari at ginawa
nito sa bata. At tiyak na manggagalaiti sag alit ang tiyahin ng bata sa malaman
nitong rebilasyon ganling sa nagakusang ginang.

Ikalawang Deminsyon

Bulyaw -pagalit o pabiglang pagsigaw sa isang bagay o tao


Gusgusing -nanlilimahid gusgus o punit-punit at maruming damit
Kipkip- taglay o dala sa ilalim ng kilikili
Kulapi -isang bagay na kalimitang sinisidlan ng pera o mga I.d. o sa salitang
hiram ay pitaka
Kuwartel- himpilan ng isang organisayon, barraks o sa salitang hiram ay
headquarters
Laylayan- sa salitang ugat ay laylay na nangangahulugang nakabitin

Mataman- matgal at masusi


Nakakintal- ibig sabihin sa maikling kuwento ay nakatatak
Nangangatog- o nanginginig
Pasilyo- nangangahulugang koridor o makipot na daanan
Pag-aapuhap- nangangahulugang naghahanap ng bagaybgay o sagot
Pasinghal- o ibig sabihin ay pasigaw
Pinisil – hinigpitan/sinakal
Tekas- ugali o pustora ng isang tao

Ikatlong Deminsyon

Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.


Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikli ng
kwento sa wikang ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito.
Naisalin niya sa wikang ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasa sila ni
Jose Bragado na nag-edit ng Pamullnawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36
na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong legal ng GUMIL, Metro Manila.
Nagsimula siyang sumulat noong dekada 1950, sumubok mag-ambag sa
komiks, hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway. Nagwagi sa Don Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa
Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip Ang Langit” (1981). Nagtamo naman ng
Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang “Utos ng Hari”
noong 1975.Naging Filipino seksiyon editor si Pascual sa People’s journal
Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances.
Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng
Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL)noong 1994 ang natatanging
ambag niya sa pagsusulat ng maiklingkwento, dula, at nobela.Sa edad na 69 ay
hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.
At unang nailathala sa Liwayway ang “Lalaki sa Dilim” (1976). Isa ito sa
mga nagawa ni Benjamin P. Pascual, na kung ipagkakatulad ito sa Ang Kulapi”,
pareho silang walang naging hustisya sa lipunan sapagkat masidhi ang kanilang
pinagdaraanan. At kung bigyang pansin ang storya, ito’y nagpapahalaga sa
bawat karapatan ng tao. At para naman sa kaibahan nila, ng kwento sa “Ang
Kalupi”, ito’y nagpapahitag na dapat muna nating kilalang mabuti bago natin
husgahan ang isang tao, at ang “ Lalaki sa Dilim” ay nagpapahiwatig sa mga
mapamansamantalang tao, at mga nagging isyu din sa ating lipunan ngayon.

Ikaapat na Deminsyon

Minsan sa buhay natin, may mga tao tayong, napagbibintahan ng mali


dahil akala natin sa pisikal palang na anyo nila ay di na maaasahan kaya naging
mapanghusga tayo, kaya nagustuhan ko tong kwento na to dahil naging parte
na ng buhay natin ang mga pangyayaring ito. Kaya masasabi nating
ipinahihiwatig talaga ng may akda ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa,
dahil ito din ay nakakadulot ng pinakamasakit ng trahedya sa buhay ng iba.
Hindi naman lahat ng pinaghihinalaan natin ay may totoo talagang may sala,
dahil kinakailangan pa rin natin ng totoong edidensiya. Sa buhay ng tao, lalo na
sa mga mahihirap na minsan, ay pinaghuhusgahan ng ibang tao. Kaya sa
kwentong ito, ito’y nagbibigay aral para sa ating lahat. Marami man sa mga taong
naging biktima ng maling hinala at pagbibintang ito’y dapat pa rin bigyan ng
hustisya dahil, ang bawat tao ay may karapatang ipagtanggol at pahalagahan
ang natataningin buhay na bigay ng Panginoon, at sa mga taong mapanghusga
dapat munang linawin para wala rin masasaktan na nato.

Ikalimang Deminsyon
Sa storyang ito ay minsan ko na ring naranasan sa buhay. Isang araw
ay inutusan ako ng ante ko upang magbayad sa mga bayarin, binigyan nya ako
ng limang libong peso. Habang nasa bahay pa, inilagay ko na sa bag ko lahat ng
mga dadalhin ko upang magtungo sa bayan. At ng matapos na ay agad na akong
nagtungo. Habang nasa jeep ay inaaliw ko ang sarili sa mga tugtugin na
pinariringan ko sa akong telepono. Habang naaliw ay may napansin akong isang
matandang lalaki sa tabi ko, may kausap din siyang matanda na para kasing
edad lang niya. Pero iniwas ko ang tumingin sa kanya dahil gusto kong
magfukos sa malalambing na tugtugin. At ilang oras ay bumaba na ako dahil,
doon na sa lugar na iyon ako magbaayad. Ng makapasok sa opisina sabay
langhap ng masasariwa’t malamig na hangin, agad kong dinukot sa bag ang mga
papelis na pagbabayaran ko kasama na roon ang pera. Ng inilabas ko, tanging
ang telepono ko lang ang aking nakita, wala ron ang mga papelis at pera.
Kinabahan ako ng sobra, pero naalala ko ang mukha ng matandang
katabi ko sa jeep, “Naku! Ninakaw ng matandang iyon ang pera ko,” naiinis kong
sambit. Pero habang sinabi ko yun, parang nawala rin naman ang kaba ko dahil,
inisip ko na kung ninakaw niya ang pera baka kinakailangan talaga niya. At
muli akong lumabas para tawagan ang ante upang sabihin na nawawala ang
pera. Ngunit sinabi ko nalang sa sarili na umuwi upang masiguro. Habang
papauwi maraming bagay ang pumasok sa isipan ko. At ng makauwi ay agad
akong nagtungo sa kwarto upang tingnan kong meron o wala. Ng pumasok sa
kwarto agad kong binulong sa sarili ko na bahala ang Panginoon, at ng makasilid
ay agad kong nakita ang pera sa mesa ko. At doon ko na tanto na dapat hindi
agad ako ng hinala sa matandang iyon, dahil hindi ko naman talaga alam kong
siya ba talaga ang kumuha ng pera. Kaya naging parte iyon ng karanasan ko na
maging sigurado sa lahat ng pagkakataon, dahil may mga inosenteng tao ang
madadamay at mapagbintangan. At ito ay naging aral na rin sa ating lahat.

Ikaanim na Deminsyon

Ang teoryang klasismo- layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring


payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
karaniwan daloy ng mga pangyayari, mtipid at piling -pili sa paggamit ng mga
salita at lagging nagtatapos nang may kaayusan
Ito’y naging klasismo dahil na rin sa naging kulang sa pagkakapantay-
patay ng kalidad ng tao sa lipunan kung saan ito’y dapat pahalagahan.

You might also like