You are on page 1of 14

Monteverde, Raine M.

06/17/19
BSED-FILIPINO III FILED 14

“Pangarap na Edukasyon”
Ni Raine Monteverde

Edukasyon ay sandata
Sa mga taong nangangarap
Edukasyon mahalaga
Sa mga taong nagsisiskap

Sa simula ay mahirap
Pero akoý nagsususmikap
Tapusin ang pag-aaral
Kaakibat ko ay dasal

Sa pinansyal ay gipit
Sa Diyos akoý kumakapit
Dasal ang nagging sandata
Upang problemaý makaya

Salamat Poong May Kapal


Di ako binabayaan
Upang aking pag-aaral
Sa ibaý magsilbing aral

“Wawaluhing Sukat” Gng. Rowenalyn Palos-Sagun


FILED14 PANULAANG FILIPINO Dalubguro
Lope K. Santos

Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal bilang Lope C. Santos - sa mag-


asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal.

Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa
kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan.

Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio


Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior
de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de
Derecho (Paaralan ng Batas).

Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga


manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan.

Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga


lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang atSampaguita. Siya
ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita.

Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos


ng Surian ng wikang pambansa.

Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging


Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit
mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Monteverde, Raine M. 07-10-19
BSED-FIL III FILED14

PANATA NG ISANG BALO


ni Lope K. Santos

ltinutulak ng bibig,
kinakabig ng dibdib.

May isang babaeng kababalo lámang,


na isa ang anak sa kinabaluhan;
palibhasa’y batà, maganda’t mayaman
kayâ kay-rumami ng nag-aagawan.

Ngunit sa tuwinang may lígaw na akyat,


di man sinasadya, luha’y nalalaglag;
at kung inaaliw ng bawat kausap,
lalong sumisidhi ang lungkot at iyak.

Anya: “Maginoo, ako’y patawarin,


ang pag-aasawa’y wala na sa akin,
anak ko na lámang yaríng mamahalin,
kayâ ma’nong ako’y inyo nang lisanin.”

Dapwa, pagkaalis ng panhik na lígaw,


pasusuhing anak ang inuulayaw:
“Ay!” anya, “anak ko, kawawa ka naman!
Di ba ibig mo nang magkabagong tatay?”

Malungkot ang balo pagkat napag-isa


katapat na lunas ang maging dalawa;
kung bawat magsabing ayaw mag-asawa’y
paniniwalaan. . . ang lahi’y lagot na!

“MAKABAGONG TULA” Gng. Rowenalyn Palos-Sagun


FILED14 PANULAANG FILIPINO Dalubguro
Jose Corazon De Jesus
(1894-1932)

Jose Cecilio Ramon Augusto


Pangilinan de Jesus

Mga Palayaw

•Pepito Matimtiman

•Huseng Batute

•Huseng Katuwa

•Anastacio Salagubang

•Sundalong Lasing

•Viterbi

•Paruparong Asul

•Bayaning May Sugat

Ipinanganak noong Nobyembre 22,1894 sa Sta. Cruz, Maynila.


Pangalawa sa tatlong anak nina Dr.Vicente de Jesus at SusanaPangilinan.
Lumaki sa Sta. Maria, Bulakan atnagtapos ng kayskul sa Liceo deManila, at
kumuha ng abogasya saEscuela de Derecho.
Nag-aral din siya ng humanidades,operang Italyano, at piyano sa hindi
ipinagpatuloy ni JCDJ ang pag-aabogasya at sa halip ay naging isang
mamamahayag.

1920- nagsulat siya sa mgakolum na “Buhay Maynila” at“Mga Lagot na Bagting


ngKudyapi” para sa Taliba.

1922- “Mga Butlig ng Panahon”,naman para sa Liwayway.


Monteverde, Raine M. 06-21-19
BSED-FIL III FILED14
KAHIT SAAN
Jose Corazon de Jesus

Kung sa mga daang nilalakaran mo,


may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,


nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa


at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,


isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan


ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,


akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!
“MAKALUMANG TULA” Gng. Rowenalyn Palos-Sagun
FILED14 PANULAANG FILIPINO Dalubguro
Monteverde, Raine M. 07-19-19
BSED-FIL III FILED14
Pagod na Ako

Tatlong salita, sampung letra


Na sumasagabal para patuloy na mahalin ka
Hndi koi to ginustong maramdaman bigla
Pero akoý sadyang napagod na.
Pagod na ako
Pero maniwala ka ikaw parin ang mahal ko
Ikaw parin ang nilalaman ng aking puso
Ikaw at ikaw parin ang iniisip ko.
Hindi ko rin naman ito tanggap
Pero pagmamahalan natiý hindi na sapat
At ayuko rin naming magpanggap
Na tila ayos lang ang lahat.
Hindi ko ginusto na ito ang ating magiging katapusan
Hindi ko ginustong ang tayo ay maging ikaw at ako nalang
Pero akoý sobra nang nasasaktan
Sobra na akong nahihirapan.

Pinilit kong lumaban


Para ipagpatuloy ang ating pagmamahalan
Pinilit kalimutan ang lath ng sakit
At sayo ay patuloy na kumapit.
Ngunit ngayon ay wala ng ibang maisip na paraan
Kundi ang tuluyang sumuko nalang
Kahit na sa pusoý may paghihinayang
Ngunit ayukong iyon nalang ang maging dahilan.
Pero hindi ko na talaga kaya
Hindi ko na kayang labanan ang pagod na nadarama
Hindi ko na kayang patuloy na humakbang pa
Dahil sobrang bigat na ng aking dala dala.
Naubos na ang natitira ko pang lakas
Mga sugat sa puso koý nakabakas
Nawalan na ako ng dahilan para lumaban pa
At tuluyan ng tinanggap na tayoý tapos na.

“SPOKEN POETRY” Gng. Rowenalyn Palos-Sagun


FILED14 PANULAANG FILIPINO Dalubguro
Monteverde, Raine M. 06S-19-19

BSED-FIL III FILED14

Kahulugan ng TULA:

Tulay Umaakit
ng damdamin ng mga sa mambabasa at sa
mambabasa at ng nakikinig.
may akda.

TULA

Layuning Akdang
magbigay inspirasyon, aral likha ay umaantig sa
at impormasyon sa ma tao. bawat puso ng
mambabasa at
takapakinig.
Monteverde, Raine M. 07-19-19
BSED-FIL III FILED14

Haiku:

“Pagmamahal”

Pag mamahal ko
Inay, sa iyo ko
Lamang iaalay

Tanaga:
“Kalikasan”

Kalikasaý mahalin
Ilog dapat linisin,
Hanging lalanghapin
O kay sarap amuyin

Karaniwang Anyo:

“Ismael”

Sa aking pagkapikit
Pinipilit diwaý makaidlip
Ikaw lang maging sa panaginip
Sýang gumugulo sa isip

At taon man yata ang abutin


‘Di ka pagsasawaang mahalin
Kahit ikaw ay bugnutin
Ikaw at ikaw parin ang iibigin.

“HAIKU,TANAGA AT K. ANYO” Gng. Rowenalyn Palos-Sagun


FILED14 PANULAANG FILIPINO Dalubguro
Monteverde, Raine M. 07-19-19
BSED-FIL III FILED14

Tulang Pilipino
Sa Panahon ng Amerikano
 Tumungo ang mga Amerikano papuntang Pilipinas. Dahil sa impluwensya nila,
natutunan natin ang ibig sabihin ng demokrasya, Ingles, at ang kulturang
Americano.
 Ipinakilala nila ang sistemang pampublikang paaralan. Ang mga Iskolar ay
tawag sa mga matatalinong bata na ipinadala sa Estados Unidos upang
mag-aral.
 Ang mga Thomasites ay naging unang guro na ipinadala sa Pilipinas.
 Ang mga 600 na Thomasites ay dumating sa Pilipinas noong Agosto 23, 1901
sa pamamagitan ng pagsakay sa S.S Thomas.
 Dahil sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, natuto ang mga kababayan
natin na magsulat at magsalita sa wikang Ingles. Hindi lang umunlad ang
edukasyon, pero pati na rin ang totoong kahulugan ng demokrasya.
 Sa panahon din nito, natutunan ng mga Pilipino ang pagiging kasarinlan. at
nilikha ang unang "Civil Government" ng Pilipinas. Napatunayan ng mga
kababayan natin noon na may kakayahan silang magtayo ng sarili nilang
konseho at gobyerno.

 Kaligirang Pangkasaysayan
 Sa halos tatlong daang taon na pananakop ng mga dayuhang Kastila sa
Pilipinas. Naiwagayway natin ang ating bandila sa bayan ng Kawit,
Cavite noong ika-12 Hunyo, 1898 sa pamumuno ni Hen. Emilio F.
Aguinaldo, noon bilang unang pangulo ng unang Republika ng
Pilipinas. Subalit ang kasarinlang iyon ay naging panadalian lamang
sapagkat lumusob ang mga Amerikano.

 Mga taon ng Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas

 [Abril 21, 1898]


Ideneklara ng Estados Unidos ang digmaan laban sa Espanya

 [Mayo 1, 1898]
Naganap ang makasaysayang labanan sa Manila Bay

 [Agusto 13, 1898]


Naganap ang Mock Battle of Manila.
sumuko ang mga kawal na kastila sa mga Amerikano

 [Disyembre 10, 1898]


Nilagdaan ng US at Espanya ang Kasunduan sa Paris. Pormal na inilipat sa
Amerika ang pananakop ng Pilipinas

 [Enero 23, 1899]


Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos Bulacan.
Hindi ito kinilala ng mga Amerikano

 [Pebrero 4, 1899]
Simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano
Binaril at napatay ng isang Amerikanong sundalo ang isang kawal ng
Pilipino ito ang simula ng digmaan.

 [Marso 31, 1899]


Inilipat ni Aguinaldo ang kabisera sa San Fernado, Pampanga. Bumagsak
sa kamay ng mga Amerikano ang Malolos Bulacan.

 [Abril 16, 1902]


Sumuko sa mga Amerikano si Hen.Miguel Malvar sa Lipa, Batangas

 [Setyembre 25, 1903]


Sumuko si Hen. Simeon Ola sa Guinobatan, Albay.
Ang pinaka matagal na Heneral na sumuko sa mga Amerikano.

 Mga Manunulat sa Panahon ng Amerikano

AMADO HERNANDEZ
Lider-Manggagawa, Manunulat, Makata,
at National Artist for Literature

 Ipinanganak: ika-13 Setyembre 1903


 Ipinanganak sa Hagonoy Bulacan at lumaki sa Tondo Manila
 Nag-aral: Unibersidad ng Sto. Thomas
 Namatay: Ika-24 Marso 1970
 Pangaral: Carlos Palanca Memorial Awards for One-act Play in
Filipino, National Artist of the Philippines for Literature
Mga Tula Ni AMANDO
1. Isang Dipang Langit
2. Buhay
3. Ako’y Manggagawa
4. Butil ng Buhangin/ Bayani
5. Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan
6. Inang Wika
7. Ang Uod
FLORENTINO COLLANTES
“KUNTIL-BUTIL”
isang Pilipinong makata na kabilang sa mga manunulat na nangunguna sa isang
muling pagbuhay ng interes sa panitikan ng Tagalog sa Pilipinas noong ika-20
siglo

 Ipinanganak: Ika-16 Oktobre 1896 sa Pulilan Bulacan


 Nag-aral: Bulacan National High School
 Namatay: Hunyo ika-15, 1951
Mga Tula Ni COLLANTES
1. Ang Lumang Simbahan
2. Ang Magsasaka
3. Parangal sa Bagong Kasal
4. Ang Patumpik-tumpik
5. Ang Tulisan
6. Labindalawang Kuba
7. Ang Pagsalubong
8. Nuno sa Punso
9. Balugbugan: Aguinaldo vs. Quezon

FRANCISCO ALVARADO
Panulaan At Dulaang Leytenhon-Samarnon
 Isang kilalang dramador ng zarzuela sa Lineyte-Samarnon (Waray). Siya ay
isang miyembro at pampanitikan na luminary ng Sanghiran san Binisaya na
organisasyon na itinatag noong 1909 upang linangin ang wikang Waray
MGA TULA NI ALVARADO
1. Panhayhay hin Bungtohanon, 1921
(Hinagpis ng Isang Taga-Bayan)
2. An Marol, 1925 (Ang Sampagita)
3. Kaadlawon, 1925 ( Araw)
4. Kagab-ihon, 1925 (Gabi)
5. Nihaga, 1930
6. Pilipinas, 1931
Panahon ng mga Hapon
 Kapaligirang Pangkasysayan ng bansang Japan sa panahon ng panitikan
- Ang bansang Japan ay Malaki ang pagnanais na siyang maghari sa buong
Asya.
- Lihim siyang pinalakas ng kanyang sandatahang panlakas, ang hukbong
dagat, katihan, at panghimpapawid.
- Layunin ng bansang Japan ang maitabaoy ang mga bansang Kanlurang
sumasakop sa ibang bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Malaysia, Vietnam at
Pilipinas.

 Ang Panitikang Pilipino noong Pananakop ng mga Hapones


- 1941-1945 Sinakop ng bansang Japan ang Pilipinas
- Sa panahong ito naabala ang pag-unlad ng panitikang Pilipino.
- Ipinagbawal ng mga Hapon ang mga pahayagan
- Ang lingguhang Liwayway lamang ng mga Roces ang nagbukas ngunit nasa
ilalim ng pangangasiwa ng hapong si Kin-Ichi Ishikawa
- Nagkaroon muli ng pagkakataong makapaglathalang mga kuwento at tula sa
pahayagang Liwayway
- Ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gaya ng Tribune at Free Press
- Sa panahong ito ang mga paksain sa mga kuwento, dula, tula at iba pa ay
ang buhay lalawigan
- Tumpak tawaging panahon ng pamumulaklak ng Panitikang Tagalog ang
tinutukoy na panahon ng Hapon
- Tinatawag din nila itong “Gintong Panahon”

 Mga Manunulat
Sa Panahon ng Hapon
Sangay ng Dula
JOSE MA. HERNANDEZ
- Panday Pira
FRANCISCO RODRIGO
- Sa Pula, Sa Puti

CLODUALDO DEL MUNDO


- BuLAGA
JULIAN CRUZ BALMACEDA
- Sino Ba Kayo?
- Dahil sa Anak
- Higanti ng Patay

Sangay ng Maikling Kuwento


NARCISO REYES
- Lupang Tinubuan
LIWAYWAY ARCEO
- Uhaw ang Tigang na Lupa
NVM GONZALES
- Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan

Mga Tula sa Panahon ng Hapones.


- May 6 na paksain ang mga tula
1. Pagkamakabayan o Tungkol sa bayan
2. Pag-ibig
3. Kalikasan
4. Buhay lalawigan o Nayon
5. Pananampalataya
6. Sining

3 Tatlong Uri ng tula ang lumaganp sa Panahong ito


1. Haiku
- Isang tulang may malayang taludturan na kinagigiliwan ng mga Hapones.
- Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
- Maikli lamang, ngunit hindi nagtataglay ng masaklaw at matalinghagang
kahulugan.

Hal:
“Tapat Dapat”
Kung maghahanap
Kaibigang kausap
Dapat ay tapat.

2. Tanaga
- Tulad ng Haiku, ito ay maikli lamang ngunit may sukat at tugma.
- Ang bawat taludtod nito ay may pitong pantig.
- Nagtataglay din ng mga matalinhagang kahulugan.
Hal:
“Pag-ibig”
Parang talang marikit
May taglay na pang-akit
Hangad niyang makamit
Huwag sanang ipagkait

3. Karaniwang Anyo
- Ang mga katangian nito ay nagtataglay ng sukat at tugma, indayog, aliw-iw.
Hal:
“Aso”
Akoý may alaga
Asong mataba
Bunto’t ay mahaba
Makinis ang mukha.

“INDIBIDWAL REPORT” Gng. Rowenalyn Palos-Sagun


FILED14 PANULAANG FILIPINO Dalubguro

You might also like