You are on page 1of 13

Santos, Cir Arnold S.

III Hunyo 21, 2019

BSED-FIL III FILED14

SA PAMILIHAN NG PUSO
Ni: Jose Corazon De Jesus
Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda


ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.

Huwag kang iibig sa dangal ng irog


kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.

Huwag kang iibig dahilan sa nasang


maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya…

Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo


at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.

Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga


ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.

Sa itong pag-ibig ay lako ng puso


di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.

MAKALUMANG TULA Gng. Rowenalyn Palos-Sagun


FILED14PANULAANG FILIPINO Dalubguro
TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS ALYAS HUSENG BATUTE

Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong taong 1896.


Ang kaniyang ama ay si Dr. Vicente de Jesus at ang kanyang ina ay si Susana
Pangilinan. Siya ay nakatapos ng Batsilyer sa Batas nguni't hindi siya kumuha ng
eksaminasyon.
Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong siya ay 17 taong gulang pa
lamang. Noong taong 1920, siya ay nagulat sa Taliba sa kolum niyang BUHAY
MAYNILA. Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay
Florentino Collantes . Ang una nilang paghaharap ay sa Instituto de Mujeres
kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa Paru-paro's Bubuyog. Siya ay
tinaguriang Hari ng Balagtasan.

Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong tula sa kaniyang kolum na


Buhay Maynila. Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula.
Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday,
Ang Manok Kong Bulik, Ang Pagbabalik, and Sa Halamanan ng Dios ay madalas
basahin sa mga unibersidad at kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula
dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman. Si Jose Corazon de Jesus ay
namatay noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36 dahil sa ulcer. Siya ay inilibing sa
ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang Isang Punongkahoy at ang ANG
AKASYA.
Santos, Cir Arnold S. III Hulyo 10, 2019

BSED-FIL III FILED14

TURUAN NG TAGALOG ANG MGA TAGALOG


Ni: Jose Corazon De Jesus

Katakataka nga itong ating bayan,


Lumalatay wari itong kahihiyan,
Ang dilang pilipit sanay sa dayuhan,
Ang sariling wika’y kinagagarilan.

Maraming marunong sumulat ng Ingles,


At sa kastila ay ubod nang bilis,
Iyong pasulatin sa wikang matamis
At ang kanyang dila ay magkakadirit.

Maging sa pagkanta, maging sa pagtula,


Mga bata bati’y sanay na sa dila,
Ngunit pagbigkas ng sariling wika,
Ano’t tarantado ang pagsasalita.

Kung kaya sa akin iyang isipang


Sa wikang Tagalog turuan ang baya’y
Isang kagitingang walang kapantay,
Mereseng si Guinto ay bigyan ng dangal

MAKABAGONG TULA Gng. Rowenalyn Palos-Sagun


FILED14PANULAANG FILIPINO Dalubguro
TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS ALYAS HUSENG BATUTE

Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong taong 1896.


Ang kaniyang ama ay si Dr. Vicente de Jesus at ang kanyang ina ay si Susana
Pangilinan. Siya ay nakatapos ng Batsilyer sa Batas nguni't hindi siya kumuha ng
eksaminasyon.
Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong siya ay 17 taong gulang pa
lamang. Noong taong 1920, siya ay nagulat sa Taliba sa kolum niyang BUHAY
MAYNILA. Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay
Florentino Collantes . Ang una nilang paghaharap ay sa Instituto de Mujeres
kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa Paru-paro's Bubuyog. Siya ay
tinaguriang Hari ng Balagtasan.

Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong tula sa kaniyang kolum na


Buhay Maynila. Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula.
Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday,
Ang Manok Kong Bulik, Ang Pagbabalik, and Sa Halamanan ng Dios ay madalas
basahin sa mga unibersidad at kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula
dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman. Si Jose Corazon de Jesus ay
namatay noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36 dahil sa ulcer. Siya ay inilibing sa
ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang Isang Punongkahoy at ang ANG
AKASYA.
Santos, Cir Arnold S. III Hulyo 10, 2019

BSED-FIL III FILED14

Love at Nurse-sight
Ni: Cir Arnold S. Santos III

Para akong tanga na mag-isang tumatawa


sa tuwing naaalala ang una nating pagkikita
Simula sa pagcheck ng BP Hanggang sa pagcheck mo ng
height sakin
sa pagcheck ng weight na gusto kong sabihin sayo na "kuya
I'm willing to wait"

Hanggang isang araw nag lakas loob na i chat ka


parang guguho ang mundo ko nung nag reply ka ng "HAHA"
parang gusto kong makita at marinig kang tumatawa
na minsang inisip ko na sana ako ang dahilan kaya ka
masaya

Minsay nagkasalubong tayo sa hallway


Nagtama ang ating mga mata
Parang gusto kong magpasagasa sa highway
nung kumaway-kaway ka pa

Hanggang sa madalas tayong nagchachat


Hindi ko namalayang nahuhulog na pala ako sayo
na sa tuwing kachat kita yung puso ko parang kabayo
sa bilis ng tibok nito na parang pagod sa kakatakbo mo sa
isipan ko

Sa Paglipas ng araw ay naging matumal na


Ang dating masayang magkausap ngayon ay malugkot na
Tunay ngang kapalit ng kasiyahan ay kalungkutan
Mabuti na sigurong ika'y aking kalimutan

Yung dating nagsimula sa pagkuha ng BP hanggang sa


pagcheck mo ng height sakin
Sa pagcheck ng weight ay gusto kong sabihing "kuya
hanggang dito na lng i can't no longer wait"
Siguro hanggang doon lng talaga At wala ng i wowork out
pa
Hindi ko na pipilitin dahil ayaw ko ng masaktan pa
mag babackread na lng ako sa conversation natin
baka sakaling akoy muling kiligin
sa mga chat mong kumain ka na ba?
at ang sagot kong Hindi pa kahit ang totoo ay tapos na

siguro kailangan ko na ring i delete ang conversation natin


parang yung feelings ko sayo na kailangan ko ng putulin
Salamat sa masasayang alaala na pinaranas mo sakin
Hanggang dito na lang siguro ang Love story natin

Hindi man naging Happy ang ending


Atleast kahit sa madaling panahon ika’y aking nakapiling
Salamat sa lahat hanggang dito na lang
Cir Arnold Lubos na Gumagalang

“SPOKEN POETRY” Gng. Rowenalyn Palos-Sagun


FILED14PANULAANG FILIPINO Dalubguro
Santos, Cir Arnold S. III Hulyo 10, 2019

BSED-FIL III FILED14

1. Pamagat
• Bago mo simulan ang tula, isipin mo na ang pamagat. Kung bulaklak ang
pamagat, kailangang tungkol sa bulaklak o dalaga ang tula. Kadalasan, mahirap
pumili ng pamagat. Pero kung alam mo na ang tema, mas madali na. Pwede ring
kukuha sa unang linyang tula o kukuha na lang sa stanza ang ipapamagat.
Pwede ring tapusin muna ang tula bago lagyan ng angkop na pamagat.
2. Mga Uri
• Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-
kaniyang bahagi. Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.
• Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry
sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.

 Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)


Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at
damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang
tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta. Ang Tulang liriko na uri ng mga
tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at
aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling
damdamin, iniisip, at persepsyon
• Awit
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod
ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at
ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan. Ito ay ang karaniwang awiting ating
naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.
• Soneto
Isang tula na karaniwang may 14 linya. Hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
• Oda
Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado
sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang
inspirasyon para sa oda.
• Elehiya
Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan

• Dalit
Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa
layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang
Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
 Tulang Pasalaysay (narrative poetry)
• Isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at
ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o
kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong
tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.
• Epiko
Isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na
naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng
makabuluhang sa isang kultura o bansa
• Awit at korido
Isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang
kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa
tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang
tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.
• Balagtasan
Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang
paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
• Karagatan
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag
na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang
alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
• Duplo
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga
salawikain at mga kasabihan.
• Karaniwang Tulang Pasalaysay
Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
 Tulang Patnigan (joustic poetry)
• Karaniwang itinatanghal sa theatro. Ito ay patulang ibinibigkas na kung
minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin. Naglalarawan ito ng
mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa
nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

3. Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan
4. Imahen
Imahen o Larawang-diwa - Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga
bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan. Ito ang pinakapuso ng
panulaan. Ito ay tumutukoy sa muling paglikha ng makata ng anumang
karanasan dulot ng iba’t ibang pandama sa pamamagitan ng mga salita. Iniiwan
nito sa mambabasa ang mga tiyak at malinaw na larawan.
5. TAYUTAY
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang
kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga
o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang
kanyang saloobin

 Uri ng tayutay

• Pagtutulad (Simile) – Ito ay simpleng paghahambing ng dalawang


bagay na magkaibaulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa sa
pangkalahatang anyongunit may mga pagkakat. Ito’y gumagamit ng mga salita’t
pariralang tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at
iba pa.
Halimbawa:
Gaya ng halamang lumaki sa tubig
Ako’y tila isang nakadipang kurus
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos
Ang buhay ay tulad ng isang batis
• Pagwawangis (Metaphor) – Ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng
paglilipat ng mga salitang nangangahulugan ng isang bagay na nagpapahayag
ng ibang bagay. ibang bagay. Sa madaling salita, sa pagwawangis ay inaalis ang
hambingang salita’t pariralang ginamit sa pagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang
A ay gaya ng B at sa pagwawangis ay ang A ay B.
Halimbawa:
Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan
Ng mga lihim nya’t mga karanasan
Ang buhay nyang hiram ay naging tanggulan
Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan
• Pahalintulad (analogy) – Ito ay isang tayutay na may tambalang
paghahambing na nagangahulugan ng pagkakawangki ng mga pagkakaugnay.

Halimbawa:
“At siya’y namangha at kanyang namalas,
Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap;
SAAN MAN TUMITIG,
DILAG AY NAGLIGID
SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG- GUBAT
“MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.”
• Pagsasatao (personification) – Ito ay tayutay na paglilipatsa
katangian ng tao sa mga walang buhay. Ang mga bagay ay tinuturing na mga
tao na may damdamin, kaisipan, nagsasalita, nakadarama ng kalungkutan,
kaligayahanat kabiguan na parang tao. Sinasabi ring paglalapat ng kaasalan sa
mga bagay na non-human
Halimbawa:
PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN
Sa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim
IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirin
Ay biglang nawala dahil sa bagyong darating.
ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAALAALANG
Ang tao ay marupok sadyang maksalanan
Ang gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan
Ang gawang masama’y kanyang kinaluwalhatian

• Paurintao (transferred epithet) – Ito ay isang tayutay na paharaya at


pasalaysay ang paraan ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay
o kaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.

Halimbawa:
“Kung minsa’y Buwan kang
Ang MAYUMING GANDA at iwing liwanag sa TULOG KONG PUSO’Y
Kay limit sugpuin ng TUKSONG PANGARAP;
Ang katauhan ko;
Likas mang pihikan sa kaway ng galak
Di mamakailang
Binalisa moring kung ilang magdamag;
Pagkaumaga na . .
• Pangitain (Vision) – Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang nilalaman
ng isip ay animo’y tunay na kaharap o nakikita ng makata.

Halimbawa:
Tayo na pangarap at ating galain
Ang di nakikitang pook-salimsim
ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN
AT ANG MGA TALA’Y ATING DADALAWIN
Tayo ay magpakpak
ng bagwis ng hangin
At kita’y lalapag
sa may panginorin
• Panawagan (apostrophe) – May kagyat na pagputol sa naunang
paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ng isang tao o
bagay, karaniwan nang isang patay o isang harayahing bagay.
Halimbawa:
“Nakapugol ako sa kasunong saklap
Na sa aking dibdib ay halos gumahak
Kaluluwa ko’y tigib, puso ko ay wasak,
Sa piitang sakit, aliping nalagmak…
O ibon, maanong sa iyong paglipad,
Isakay mo ako sa angkin mong pakpak
Tulungan mo nga ng sa dusa’y umalpas,
Ibig kong malimot ang huling magdamag!

• Pagmamalabis (hyperbole) – Ito ay isang tayutay na ang ang


kaigtingan ay sobra sa normal na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag.
Halimbawa:
Dadanak ang dugo sa lupain ito
Kapag di nangyari itong aking gusto
Susumpain ka pa ng dinidiyos mo!
Daraanan mo ibabaw ng bangkay ko!
• Pagpapalit-saklaw (Synedoche) – Ito ay isang tayutay na
bumabanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat ng kabuuan.
Halimbawa:
1. Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo
2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko
3. Ipakilala natin sa buong baya na tayo’y may pagkakaisa
• Pabugtong (riddle) – Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-
mat o pampalitong sinasalita upang maging pahulaan.
Halimbawa:
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Datapwat pag ako’y minsanang pinatay,
Ang buhay kong ingat lalong magtatagal
-Kandila

• Pasintunog (onomatopoeia) – Ito ay paggamit ng mga salitang kung


ano ang gamit o tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:
Magbuhat na noo’y pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simabahan;
ANG KAMPANANG BASAG NA BAHAW NA BAHAW
KUNG ANO’T TUMUNOG SA MADALING ARAW.
AT ANG TINUGTOG AGUNYAS NG PATAY;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May PUNTOD nang LIBING SA HARAP NG ALTAR
• Pagpapalit-tawag (metonymy) – Ito ay isang uri ng tayutay na
gingamit sa pagpapalit ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na
pinatutungkulan. Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na
magkakaugnay. Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan. “Siya’y laking
iskwater”, ibig sabihin nito’y basagulero o palaaway.
Halimbawa:
“Ang pag-ibig ay ating kaligtasan
Banal na pag-ibig at katotohanan.”
6. Bisang Pandamdamin , Pang Kaisipan at Pang Kaasalan
• Bisang Pandamdamin - tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong
naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
• Bisang pandamdamin - tungkol naman ito sa pagbabago sa isang
kaisipan dahilan sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
• Bisang pankaasalan - may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng
pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos
itong mabasa.

You might also like