You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Filipino 8
Ika-29 ng Marso, 2022

I. Layunin

1. Nakapagbibigay ng mga salitang maaaring iugnay sa salitang pag-ibig.


2. Nakapaglalapat ng himig sa mga piling saknong ng aralin.
3. Nakalilikha ng tula para sa isang minamahal.

II. Nilalaman

A. Tiyak na Paksa
“Kay Selya”
B. Kagamitan
- Kagamitang Biswal
- Laptop
- Projector
- Chalk & Chalkboard
C. Sanggunian
- Ang pinaikling Bersiyon “Florante at Laura”
- Internet

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagtala ng Liban
- Pambungad na tanong:
1. Kilala nyo ba si Gat.Fracisco Baltasar?
Siya ang may akda ng FLORANTE AT LAURA
2. “Ano ba ang ibig sabihin ng gat.?”
- Gat.: isang maginoo, titulo ng pagkamaharlika o pagkadakila. Ito ang mga taong merong
malaking ambag na ginawa sa ating bansa. Gaya ni Gat. Jose Rizal.
Sa ingles naman ang kahulugan nito ay “historical title of nobility for a man of
recognized prominence or greatness, especially of Philippine heroes: Lord; Sir
(used before a name)”
3. Kanino kaya inialay ni Francisco ang kanyang akdang Florante at Laura?
Inialay niya ito sa kanyang “Ex.” Na si Selya o sa totong buhay naggagalang
Maria Asuncion Rivera (M.A.R).

B. Pagganyak
- Magbigay ng mga salita o salitang maaaring iugnay sa salitang PAG-IBIG.

Pag- ibig

C. Paglalahad

- Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang isa sa mga sikat na katha ni Francisco Baltazar na
pinamagatang Florante at Laura – “Kay Selya”
D. Paglinang
- Bago tayo tumungo sa ating aralin sagutan muna natin ang talasalitan. Punan ng tamang letra ang
patlang upang mabuo ang kasingkahulugan ng salitang ibinigay.
Talasalitaan
pagsaulan- al_la_an_n S.alalahanin mahahagilap- ma_ah_na_ S.mahahanap
pinapanganiban- ki_at_ta_uta_ S.kinatatakutan hilahil- s_l_ra_in S.suliranin
karalitaan- k_h_rap_n S.kahirapan namamanglaw- n_lul_ngk_t S.nalulungkot
suyuan- p_g-ii_ig_n S.pag-iibigan panimdim- is_p_n S.isipan
maidlip- n_k_tul_g S.nakatulog inilimbag- ig_nu_it S.iginuhit

- Pagtalakay sa tulang kay Selya

Kay Selya
Ni Francisco Baltazar
1. Kung pagsaulan kong basahin sa isip "Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama."
ang nangakaraang araw ng pag-ibig, at sinasagot ko ng sabing may tuwa-
may mahahagilap kayang natititik "Sa isang katao'y marami ang handa."
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
2. Yaong Selyang laging pinapanganiban 13. Anupa nga't walang 'di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
, baka makalimot sa pag-iibigan;
sa kagugunita, luha'y lagaslas,
ang ikinalubog niring kapalaran
sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!“
sa lubhang malalim na karalitaan.
14. Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
3. Makaligtaan ko kayang 'di basahin, Ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?
nagdaang panahon ng suyuan namin? nahan ang panahong isa niyang titig
kaniyang pagsintang ginugol sa akin ang siyang buhay ko, kaluluta't langit?
at pinuhunan kong pagod at hilahil? 15. Bakit baga ngayong kami maghiwalay
4. Lumipas ang araw na lubhang matamis ay dipa nakitil yaring abang buhay?
at walang natira kundi ang pag-ibig, Kung gunitain ka'y aking kamatayan,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib sa puso ko Selya'y, 'di mapaparam.
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip. 16. Itong 'di matiis na pagdaralita
5. Ngayong namamanglaw sa pangungulila, nang dahil sa iyo, o nalayong tuwa,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa, ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.
nagdaang panaho'y inaalaala,
17. Selya'y talastas ko't malalim naumid,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.
mangmang ang musa ko't malumbay na tinig,
6. Sa larawang guhit ng sintang pinsel,
di kinabahagya kung hindi malait
kusang inilimbag sa puso't panimdim palaring dinggin mo ng tainga't isip.
nag-iisang sanlang naiwan sa akin, 18. Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
at 'di mananakaw magpahanggang libing. na inihahandog sa mahal mong yapak;
7. Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
sa lansanga't ngayong iyong niyapakan,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,
19. Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop
yaring aking puso'y laging lumiligaw.
tubo ko'y dakila sa pahunang pagod;
8. di mamakailang mupo ng panimdim
kung binabasa mo'y isa mang himutok
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin, ay alalahanin yaring naghahandog.
ang ulilang sinta'y aking inaaliw. 20. Masasayang nimpas sa lawa ng Bai,
9. Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
sa buntung-hininga nang ika'y may sakit, kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
himutok ko noo'y inaaring-langit, ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.
paraiso naman ang may tulong-silid. 21.  Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
10. Nililigawan ko ang iyong larawan tonohan ng lira yaring abang awit
sa makating ilog na kinalagian;
na nagsasalitang buhay mo'y mapatid,
binabakas ko rin sa masayang doongan
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
11. Nagbabalik mandi't parang hinahanap, 22. Ikaw na bulaklak niring dilidili,
dito ang panahong masayang lumipas; Selyang sagisag mo'y ang MAR
na kung maliligo'y sa tubig aagap, sa Birheng mag-ina'y ipimintakasi
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. ang tapat mong lingkod na si FB
12. Parang naririnig ang lagi mong wika:

- Pag-isipan at pag-usapan:
1. Anong damdamin ang masasalamin sa mga saknong ng pag-aalay ni Balagtas para kay Selya?
2. Masasabi bang labis-labis na minahal ni Balagtas ang kanyang Selya? Ano- anong saknong ang
nagpapatunay nito?
3. Anong mabuting bagay ang ibinunga ng kalungkutang nadarama ni balagtas nang mabigo sa pag-
ibig?

E. Paglalahat
- Sino ba sainyo ang nakaranas nang umibig at mabigo? Paano nyo ito hinarap?
 Matapang na hinarap ni Francisco ang kanyang kabiguan. Ito rin ang kanyang naging
inspirasyon sa paglikha ng tula at para na rin maibsan ang sakit na kanyang pinagdaanan.
Ikaw mag move-on kanarin at gawing inspirasyon ang mga natutunan mo sa iyong kabiguan.

F. Paglalapat
- Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Pumili ng awiting maaaring ilapat ang himig sa mga piling saknong ng aralin.
Paubaya, Leron leron sinta, o kaya’y Ugoy ng duyan
(kinakailangan lamang na ang awitin ay may himig andante o mabagal)
Pangkat 2: Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang nilalaman ng mga saknong bilang 5 hangang 7
Pangkat 3: Dula
Isadula ang nilalaman ng saknong bilang 8 hangang 12
IV. Ebalwasyon

- Lumikha ng tula na binubuo ng 2 saknong na may 4 na taludtod na iaalay sa iyong


iniibig/iniirog

Pamantayan Puntos

Nilalaman 50

Kaangkupan 25

Orihinalidad 25

Kabuoan 100

V. Takdang Aralin
 Basahin ang susunod na aralin “Sa Babassa Nito”.
 Ano-ano ang mga habilin ng may akda sa kanyang mga mambabasa?

Inihanda ni: Nabatid:


CHRISTIAN C. CLAVECILLAS MA. THERESA D. BANDOLA
GURO

You might also like