You are on page 1of 118

BULONG

Ang opisyal na pangkatang gawaing


pang-akademiko sa asignaturang Sosyesad at Literatura.
Ang lahat ng nilalaman ng kalipunan ng mga akdang
ito ay orihinal na likha ng mga manunulatat at
tagapagtaguyod ng sining, wika at panitikan.
UKOL SA PABALAT
Hayaang nakapikit ang iyong mga mata
Ngunit lawakan mo ang buka ng iyong tainga
Bulatlatin ang nakatabing na tela
At silayin ang mga boses ng hulma
Dinggin ang sinisigaw ng aba

Sila ang piping nakakapagsalita


Mga bulag na nakakakita
At manhid na nakakadama
Ng sakit at pait
Ng lipunanng ginagalawan nila

Sumisigaw ngunit walang nakaririnig


Tumatangis ngunit walang nakakapansin
Marinig mo sana ang BULONG nila
PAUNANG SALITA
“Sumisigaw ngunit walang nakaririnig
Tumatangis ngunit walang nakakapansin”

Tinipon ang mga akdang ito para sa mga taong nabulag na sa


katotohanan ng mundo ngunit mayroong gumaganang pandinig
sa mga matataas na tao.
Ang ibat-ibang mga akda ay hinulma hindi sa pamamagitan ng
malikot na imahinasyon at mga
guni-guni bagkus ay ang mga karanasang nagparinig sa kanila
ng tunay na daing, nagdulot ng kamatayan, naggapos sa
tanikala at nagdala sa kadiliman na mayroon ang liwanag.
Tinatalakay ng kalipunang ito ang mga piping bilanggo sa
konsepto ng karahasan, kahirapan, kababaihan, kasalanan,
kamatayan at marami pang pangyayaring hindi pa naririnig ng
mundo.

Layuni n ng mga akdang nakapaloob dito ay tulungang


umugnay sa iyong balintataw ang kaisipang magmumulat sa
kamalayan mo bilang isang personang dapat nakaririnig ng
tawag ng katotohanan. Iparinig ang bulong ng naaping aba sa
ilalim ng mapagsamantalang hungkag na kaluluwa.

Kaya’t maghanda ka, mariing ituon ang iyong tenga sa bawat


salitang lalabas, sa bawat karanasang uugnay sa iyong
kaluluwa, dahan-dahan mong simutin ang bawat letrang
tutugma sa parehong karanasan na isinulat ng tagapagtaguyod
ng katotohanan. Kaya’t maghanda kang lisanin ang tahimik na
mundo at magtungo sa tunay ba kalagayan nito.
Sapagkat dito mo maririnig ang sigaw ng mga naaping aba.
BABALA
Sa iyong pagbabasa
magtungo ka sa tahimik
na lugar para mas
marinig ang tunay na
sumisigaw.
bu l o n g
bulong
Saka[l]
*Isang malayang tulang hinabi ng dukhang anak ng magbubukid
ni ROILAN D. DE GUZMAN

Nasasabik
Sa bawat pagbabalik
Nagbabalik ang bawat panahon
Ng mga sandaling ang simoy ng hangin
Ay masarap paring samyuhin
Nagbabalik ang bawat panahon
Ng mga sandaling ginigising ako ng lamig sa
umaga
Mula sa panaginip at pagihip ng hangin
Nasasabik
Sa bawat ala-alang bumabalik
Na sa tuwing araw ng anihan
Ay nasasabik
Sa limapisong sorbetes na binibili ng aking ama
Sa bawat hibla ng palay, himalay
Kung tawagin nila
Mahihimatay sa init
Ngunit sulit
Sa bawat perang makakamit

Ngunit …

Napalitan ang pananabik


Ng mga sakit
Masakit
Na ang halaga ng pawis
ay hindi sapat
Na pambili ng sorbetes
Ng mga alepores
Masakit
Na ang dating pananabik
at mga hagikgik
ay napalitan ng galit
Ng konseptong mapait
Na di na muling mananabik
Di na magbabalik
Dahil ang dating sinasaka
ay sinasakal na
WALA SA KASARIAN ANG TAGUMPAY
ni CYRISH MAY LOPEZ
Lagi akong pinagmamalaki ng aking tatay sa kanyang kainuman, sinasabi
nya palagi na matapang at malakas ako kung kaya’t magiging sundalo ako
balang araw. Guro ang aking ina at pulis naman ang aking ama kaya ganun
sya kadeterminado na sumunod ako sa yapak nya dahil nag iisa akong
lalaki na anak nya.
Jose tawag ng aking ama mula sa labas
“Bakit ho itay” ang aking tugon.
Kami ay may pupuntahan ng iyong ina kaya ikaw muna ang bahala sa iyong
mga kapatid , ani ni itay.
“Oho itay “ tugon ko.
Umalis na sila at sinilip ko ang aking mga kapatid sa sala na abala sa
panonood ng telebisyon at paglalaro, kung kaya’t umakyat ako sa aking
kwarto at dali daling kinuha ang aking kahong puno ng pampaganda. Aking
mga pisngi namumula , mga kilay kong kurbadang kurbada ang itsura, mga
labi kong mapupula at mga pilik mata kung malalantik. Pagkatapos nun
kinuha ko ang isang kurtina at ipinulupot sa aking katawan at rumampa na
rumapma katulad ng isang modelo ng isang miss universe.
Hanggang sa di ko namalayan ang oras biglang may nag bukas ng pinto at
ang tumambad sa akin ay mukha ng itay na galit na galit dahil sa nakita
nya, bigla nya akong sinampal ng malakas Sa lakas ng pagkakasampal nya
sa akin ay natumba ako sa sahig at unti unti akong bumabangon hawak
aking mga pisnging namumula dahil sa pag sampal.ngunit tinadyakan nya
ako
“Josee wala akong anak na bakla” ani ni itay.
Patuloy ako sa pagtanggi ngunit di sya naniniwala
“Lucio tama na nasasaktan ang iyong anak” ani ni ina na patuloy sa pag-awat.
“Wala akong anak na bakla Miranda inilabas mo yan na lalaki hindi babae, salot
yan sa pamilya natin” an ini itay.
Unti unting pumatak noon ang luha ko sa sinabi nya, lalo na hindi nya ako
matanggap bilang isang anak dahil ganito ako. Simula sa pangyayari nun, lumayo
na ang loob sa akin ng aking tatay, palagi nya akong sinasaktan at palaging
sinasabi sakin na wala akong kwenta. Dumating pa nga sa puntong ikinulong
ako sa bodega namin ng ilang araw dahil nakita nya akong rumarampa sa gitna
ng daan. Sa patuloy na pananakit sa akin ni tatay dahil hindi nya matanggap
na isa akong bakla na pag desisiyunan ko na umalis ng aming bahay nag
babakasakaling may tumanggap sa akin. Nag punta akong maynila para doon
hanapin ang aking kapalaran. Sa pagdating sa maynila hindi naging madali ang
aking buhay, naranasan kong ang mahusgahan ng ibang tao. Umeextra ako
bilang isang comedian sa isang bar upang mag patawa ng maraming tao doon.
Sa aking pag sisikap unti unting guminhawa ang aking buhay. Nakapag patayo
na ako ng sarili kong patahian na kung saan ako din mismo ang nag dedesenyo.
Isang araw maisipan ko silang balikan upang tingnan kung tanggap na nila ang
pagkatao ko at mga naabot ko sa buhay ko. Bumaba ako ng aking sasakyan.
Pinag masdan ang aming munting bahay na matagal na panahon na hindi ko
nasilayan.
“Tao po! Tao po! “ kumatok ako sa pag bukas ng pinto mukha ng aking inang
mahal na mahal ang bumungad sakin, maputi na ang buhok nya dahil sampung
taon ko silang di nasilayan. Niyakap nya ako ng mahigpit kasabay ng pag patak
ng luha nya.
“Anak ang tagal mong nawala, hinahanap ka namin ng matagal pero nabigo
kami na makita ka”ani ni inay.
“Nasaan ho ang itay?” sabi ko naman. Ngunit nawala ang ngiti ng aking ina sa
mga labi nya
“Anak ang iyong ama ay may sakit malala na ang sakit nararamdaman nya”
Nakita ko si itay na nakahiga sa kama na kung saan kita ko talaga sa kanya na
hinang hina na sya.
“Itay”sabi ko.
“Jose aking anak nag balik ka ang tagal kitang hinintay, ipagpaumanhin mo kung
ano man ang nagawa ko sayo nadala lamang ako ng aking emosyon” ani ni itay
”Itay wag nyo na ho yung pakaisipin dapat ang isipin nyo ho kung paano kayo
gagaling nandito po ako para tulungan ho kayo” tugon ko.
“Salamat anak sa kabila nang lahat na ginawa ko sayo hindi ka nag kimkim ng
galit sakin anak, anak kahit ano pa man ang kasarian mo anak ka pa din kita”
tugon ni itay.
Lumipas ang ilang araw namatay na si itay, tanda tanda ko pa ang sinabi nyang
kahit anong kasarian ko tanggap nya ako bilang anak nya. Kahit wala si itay
ipinagpatuloy din namain ang aming buhay mag kakasama hinuhusgahahan
man ako ng iba, pero andyan naman ang pamilya ko. Sa ngayon iba man ang
kasarian ko nag susumikap parin ako para sa pamilya ko.
LUPIT NG KAHIRAPAN
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Trabaho sa looban ng walon oras


Gayong yaong mga kamay ay puro na gasgas
Sobrang lago na ng buhok, kay hahaba pa ng balbas
Paghihirap niya’y ramdam mo ng wagas

Ilang musmos pa ang nakadepende


Mayroon pang sanggol na pinapadede
Palibhasa sa hirap ay maagang nahinete
Kung kaya pagtratrabaho’y ginagawa araw-gabi

Tahanan ay maliit na dampa


Na ang dingding pa ay sira-sira
Siksikan sa loob pag humiga
Pagdaan ng pagyo malamang magigiba

Pagsapit ng dilim at ng dapit hapon


Akala ng lahat para sa pagtitipon
Pagharap sa hapag ay kanya kanyang hapon
Na wari’y agawan at may hinahamon
May pagkakataon na hirap ay di sukat
At dinaranas na hindi naman dapat
Kung aabot sa tyan o tila lalapat
Halos ang pantawid ay hindi sasapat

Sadyang ganito lang ang buhay


Minsa’y nakatayo, minsa’y nakahapay
Minsa’y nakatungo, minsa’y naktunghay
Basta’t gawin na lang tama at mahusay
SA MATA NG HINDI PA NAKAKAKITA
*Isang tulang liham mula sa bibig ng batang nasa sinapupunan

ni ROILAN D. DE GUZMAN
Hindi ko pa man nakikita ang ganda ng mundo
Naniniwala akong puro kasinungalingan lamang ito
Sapagkat ang tunay na kagandahan ay walang makikitang kapintasan
Walang bahid ng anumang karahasan, kahirapan

Kagaya ng ibang liham


Hayaan mong umpisahan ko ito sa salitang “Kamusta ka?”
Kamusta nga ba?
Kumain ka na ba?
Sapat ba ang kanin at ulam sa lamesa.
Dahil mula rito naririnig ko ang pagkalam ng sikmura mo
Naririnig ko ang pagtangis ng mga alaga mo.

Ramdam ko rin yung panlalamig ng katawan mo


Mga dumi na naging burda na sa binti at bisig mo
Hindi narin ganun kabango ang amoy mo

Di ko man nakikita
Pero alam kong walang kang nasisilungan
Sa gabing malamig kayakap mo lang ang iyong bisig
Latag ang tagpi ng karton
Ang unan mo ay ang pag-asang bukas muli kang magigising at babangon

Pero salamat
salamat sa paglaban
Dahil kahit mali ang naging paraan
Nagawa mong pakainin ang kanilang tiyan

Salamat inay
tawagan ka man nilang kalapating mababa ang lipad
O anumang katagang tutugma sa iyong ginawa
pokpok.. kerida o kung ano pa
hindi nila alam kung sino ka

Bunga man ako ng iyong pagkakamali


Salamat dahil mas pinili mong labanan
Ang hamon ng buhay

Hindi ko pa man nakikita ang ganda ng mundo


Naniniwala akong puro kasinungalingan lamang ito
Pero naniniwala din ako na meron paring mabubuting tao
Salamat sa inyo
Nasasabik ako sa paglabas ko
PAASASISM
ni ROILAN D. DE GUZMAN

Hindi ako madaling maniwala


sa kung anong hula
Hindi rin ako madaling maniwala
na kapag naghulog ka ng piso sa tubig na may isda
ay matutupad ang kung ano mang hilingin mo
Hindi na rin ako naniniwala
na kapag may nahulog ng piraso ng pilik sa iyong mukha
Ay nagagawa nitong totoo ang mga bagay na di mo inaakala
Hindi na ako nainiwala
Dahil minsan ko ng nakita ang totoo
Lolokohin ka lang ng mga inaakala mo
TAKBO
ni CYRISH MAY LOPEZ

Takbo ! takbo! Takbo! Oo!


Yan ang trabaho ko
Sa araw araw na binigay ng Diyos
Buong araw din akong namamalimos

Galit ang nararamdaman ko


Dahil hindi matanggap kung bakit ako ganito
Mismong magulang ko ako’y inabando
Iniwan sa basurahan at ibinalot sa dyaryo

Dahil sa hirap natutong tumakbo


Sumama sa kabataan, sa mata ng purwesyo
Hablot doon! Hablot dito!
Ganyan kami kapag tumatakbo

Takbo! Takbo! Takbo!


Walang magawa kundi ang tumakbo
Para mabuhay tatakbo ako
Dahil ito ang aking trabaho
LARAWANG KUHA NI ROILAN DE GUZMAN

TAKIP ANG BIBIG


MASAKIT SA DIBDIB
ni AMANDA JANE HALUTHOT

Makulimlim na langit
Mundong mapait,
Magdalenang tahimik,
Gustong umimik.
HALAGA
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Ang halaga mo ay di inaalintana


Presyong dating mataas ngayon ay wala na
Pagod at hirap ay danas
Makamtan at makuha ka lamang

Butil ng bigas ay mahalaga


Binubuhay nito ang bawat magsasaka
Pero bakit binabalewala ang pagod ng mga Pilipino
At napapalitan lamang ng mababang porsyento

Isang butil mo’y isang sangkap


Sa tiyang kulang sa sarap
Bawat butil ng pawis mo’y isang palatandaan
Ng pagsulo’y ng kaginhawaan

Magsasaka ay may karapatan din


Sinasakripisyo nila ang buhay nila para sa atin
Mainit man ang panahon kanilang titiisin
Para tayo ay may makain

Bakit kailangan kaylangang bawasan ang presyo ng bigas


Kung ang hirap ng magsasaka ay walang katumbas
Bakit hindi natin tingnan ang kanilang halaga
Na mismong dugo at pawis ay halos maubos na

Sakit kanilang katawan ay hindi iniinda


Mabigyan lang ng suporta ang kanilang pamilya
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
Pera na anging bato pa
LARAWANG KUHA NI ROILAN DE GUZMAN

NAGLALAHONG MUNDO
ni ROILAN D. DE GUZMAN
A ng pagyakap ng tao sa umuusbong na makabagong teknolohiya ay nagbukas
ng ibat-ibang oportunidad sa pag-unlad ng bansa ngunit nagsara rin ng
pagkakataong na dapat tayo ay magkakaugnay. Sa patuloy na paglago’t
pagkaimbento ng mga makabagong gadgets at social networking sites ang magsabi ng
problema sa magulang at kaibigan ay isa ng patay na kultura sapagkat kinukumpisal
at hinihinga na lamang sa social media ang lahat ng sama ng loob na agad naming
dadagsain ng ibat-ibang komento at payo mula sa ibat-ibang tao.

Pang labintatlo ang bansang Pilipinas bilang isang bansang talamak ang
paggamit ng internet ayon ito sap ag-aaral na isinagawa ng Internet World Stats. Sa
ganitong pagkakataon lumalabas na malaki ang akses ng mga Pilipino sa internet,
sapat na upang gugulin nila ang kanilang oras upang libangin ang kanilang sarili.
Nagkakaroon din ng mataas ng tysansa ng ibat-ibang karahasang sangkot ang social
media. Nariyan ang cyberbullying, ang mga paguupload ng mga di kaaya-ayang
larawan, mga videos at minsan pa’y masasakit na salita.

Sa pagkonsumo mo ng iyong oras sa social media, alam kong pamilyar ka sa


mga nagkalat na larawang nagpapakita ng mga nakakatawang eksena at histura
na tinatawag nating memes. At para makarelate ang lahat ng facebook friends mo
ay isha-share mo ito. Ngunit kasabay ba ng paglapat ng iyong mga daliri sa iskrin
ay naiisip mo ba ang kalagayan ng taong iyong pinagtatawanan? Marahil, hindi na
siya nakikipag-usap sa ibang tao dahil sa kahihiyan na dala ng pagkalat ng kanyang
larawang na ikaw mismo ang isa sa dahilan.

Gayun din ay napansin ko kung paano kang mabilis na naniwala sa mga balitang
wala namang matibay na basehan na aksidente mo lang nabasa o napanood na
agad mong hinusgahan at bumuo ng maling konsepto sa iyong isipan. Isa kang
marupok na nilalang na madaling maniwala sa mga bagay na hindi mo naman talaga
alam ang pinagmulan. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Pulse Asia, 88% ng Filipino
na gumagamit ng internet ay nababatid kung ano ang fake news. Sa kabila ng mga
resultang ito ay patuloy pa rin ang malawakang pagkalat ng maling balita. Sa aking
palagay, ang mga taong ito ay batid lamang talaga kung ano ang ibig-sabihin ng fake
news ngunit hindi nila alam kung paano ito pipigilan at pangangasiwaan.

Alam naman nating malaki ang naitutulong ng ibat-ibang teknolohiya partikular


na ang social media upang mapadali ang komunikasyon. Ngunit sana’y matanim din
sa ating isipan na mayroon ding kaakibat na responsabilidad sa paggamit ng mga
ganitong uri ng teknolohiya. Maging responsible sa paggamit ng medya.

Panahon na upang pukawin ang ating mga sarili na matagal ng nalunod sa


paggamit ng makabagong kagamitan. Panahon na para kumawala sa sistema ng
maling paggamit ng social media at maging isang responsableng mamamayan sa
virtual world, huwag nating hayaang kumalat ang ibat-ibang uri ng karahasan, bagkus
ay kumilos tayo upang puksain ang mga pang-aapi at kaharasan na nagaganap sa
lipunan. Maaring hindi ikaw ang target, ngunit meron itong negatibong epekto sa
lipunang ginagalawan mo. Siguro ay panahon na rin upang bumalik sa nakaraan,
kung saan mas masarap pa rin ang pakiramdan ng makapagsabi ng problema sa
magulang at kaibigan.
LARAWANG KUHA NI ROILAN DE GUZMAN

BUNGA
ni AMANDA JANE HALUTHOT
Pag asa ba ng bayan
Ating ngang kabataan,
Ngunit pinabayaang
Karahasa’y matikman.
KABAONG
ni AMANDA JANE HALUTHOT

Ako na naman ay susulat ng tula,


Hindi tungkol sayo,hindi tungkol sakanila,
Kundi tungkol saakin to,
Kung paano ako inaapakan ng ibang tao,
Hinuhusgahan sa bawat galaw ko,
Hinuhusgahan sa bawat Mali ko,
Ito ba yong dahilan kung bakit ako ipinanganak
Dito sa mundo?
Inaapi at inaapak-apakan na parang insikto,
Ganun naba talaga kayo?
Sa bawat galaw ko para kayong hurado,
Hinusgahan ang aking pagkatao,
Bobo ako,panget ako,wala akong kwenta,wala akong pinag aralan,salot ako,
Yan kadalasan binibitaw sakin sa tuwing ako'y may kamalian,
Yung tama kong nagawa bat ayaw nyong subukan?
Bakit ba nag mulat kayo sa kamalian,
At pumikit naman kayo sa tama,?
Alam nyo pinilit ko paring maging masiyahin,
Pinilit ko paring maging matatag kasi Alam
Kong pagsubok lang to.
Subalit sa kaloob-looban ko gusto ko nang sumuko,
Napag isipan ko nangang kumuha ng mataas na lubid tapos itatali ko sa leeg ko,
Pero teka!
Itong naranasan ko
Ngayun ay isang depresyon
Siyam letra lang yan ngunit maraming taong nabiktima at nadapa at di na muli
bumangon,
Kailan nyo paba maappreciate ang
Tamang nagawa ko?
Doon nyo naba maappreciate pag nakapikit na ang aking mga Mata?
Doon nyo na ba maappreciate pag puno na nang kolorate ang aking mukha?
Doon nyo naba maappreciate pag ako na'y nakahiga?
Hindi sa Kama kundi sa kabaong na.
Ganyan Naman kayo.
Maappreciate nyo lang yung mga bagay sa isang tao pag wala ng hininga ito,
Pag Wala na Yung taong laging hinuhusgahan Nyo,
Kaya sana itong aking Tula ay tumatak sa isipan nyo,
Kasi sa salitang DEPRESSION ay maraming di na bumangon.
BAWAL NA GAMOT
ni AMANDA JANE HALUTHOT

G amot. Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang


makapagbigay-lunas sa sakit. Ito’y medisina upang madaling
mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit
kapag inaabuso.

May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon.


Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng
ganitong klasing droga. Iba’t iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung
bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito’y nakakasama
sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumagamit. Ang
ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan
sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na
naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng
ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga
gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.

Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang


sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba’y
gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula
ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang
mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga
magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya.
Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba’t ibang
bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na
mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na
gamot o droga.

Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming


mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan
ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo
lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng
oras para sa kanilang mga anak.

Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak


na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila
ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay.
KAHIT ANO KA MAN
MAY KARAPATAN KA
ni CYRISH MAY LOPEZ

S a mundong punong puno ng taong mapanghusga, mga taong di


tanggap ang kasarian ng iba. Sa paglipas ng panahon iba na ang
ihip ng hangin, na tila ba napapatanong ako na ano bang mali sa
mundo bakit pati kasarian hinuhusgahan ? Mga bakla at tomboy ang
unang hinuhusgahan, bakit nga ba? Dahil ba wala sila sa tunay nilang
kasarian pero dapat natin silang respetuhin . Madaming tao tinutulak na
lang sila papalayo at minamaliit.Pinagtatawanan sila sa mga kasuotan
nila dahil hindi daw ito naangkop sa kanila. Ibang iba ang tingin ng mga
tao sa kanila hindi nila sila pinagbigyan ng importansya dahil iba ang
kasarian nila. Hindi nila kayang respituhin ngunit kaya nilang ipahiya,
ganyan ang nangyayari sa ating bansa. Kung kaya’t maraming bakla at
tomboy ang nagtatago ng tunay na nararamdaman .Ang ibang magulang
ay pinapagalitan ang kanilang anak na maging bakla o tomboy kaya
tinatago na lamang nila sa kanilang magulang.

Bawat bakla at tomboy ay may karapatan, karapatang kailanman ay


di mawawala. Masakit man sa kanilang kalooban ang panghuhusgahan,
binabaliwala na lamang nila ito.Dahil para sa kanila ito ay isang pagsubok
lamang. Karapatan nilang lampasan ang mga pagsubok na natatanggap
nila tulad na lang ng panghuhusga. Dito nabubuo ang kanilang reputasyon
nalakasan nila ang kanilang loob at naniwala silang may karapatan din
sila. Karapatang mabuhay ng payapa,hindi manlang sila tunay na lalaki o
babae wag natin silang husgahan. Dahil tao din sila nasasaktan, iba man
ang kasarian pero kaya nilang maging isang modelo sa ibang tao, kaya
nilang gawin ang lahat tulad nalang kung ano ang kayang gawin ng iba.

Hindi lahat ng tao dapat hinuhusgahan kung alam natin na wala


silang ginagawang mali sating bansa. Hindi sila salot sa pag-unlad ng
ating bansa sa katunayan sila ang isa sa nag bibigay pag-asa sa ating
lipunan. Kasarian ang problema ng lipunan ngunit para sa kanila
sadyang mapang husga lang ang mga tao sa mundo. Ang tanging nais
lang nila mabuhay ng normal. Kahit anong hirap at sakit ang dinaanan
nila bumabangon pa rin sila upang matupad ang kanilang pangarap .
Gusto lang naman nilang maging malaya sa panghuhusga sa kanila dahil
ang panghuhusga ay nagpaparamdam sa kanila ng lungkot. Ikaw bilang
isang tao ay walang karapatan na kutyain at maliitin ang isang tao dahil
sa kanyang kasarian sapagkat sya ay tao din may nararamdaman.
Bagito Kronikels
ni ROILAN D. DE GUZMAN

Isang gabi ng karupukan


sarili’y di mapipigilan
Ramdam ang init ng katawan
Tatagos hanggang sa kalamnan

Ika’y yayakapin ng mundo


Ng mali’t tusong pagkatao
Dadalahin sa kasiyahan
Kasiyahang panandalian

Magigising ng walang saplot


ng gusto’t inaliping takot
Haplos nga ba pagmamahal
Isang hangal na kalibugan

Nadala ang gutom na katawan


Sa karanasang pinagsisihan
At di na muling kayang ibalik
Ang kabataang minsang naakit
INANG MAYSAKIT,
BUHAY NA MAPAIT.
ni AMANDA JANE HALUTHOT

Anong pagkakahigpit ng buhay ni Jose, Isang kayod isang tuka. Isang


mabigat na buntong hininga ang pinakalwan niya.

“Inay hahanap laang ako ng pagkakakitaan para may pambili ng


gamot mo, patitingnan-tingnan ko na lamang ulit kayo kay Aling Nene!”
at agad na nagmano sa nanay na nakahiga sa lapag ng kanilang bahay
kubo.

“Aling Nene, makikisuyo ho ulit ako sa inay” ani ni Jose

“Naku Jose kung hindi ka laang malakas sa akin, ilang beses ko ga


naming sasabihin sa iyo na ika’y mag-abrod na lamang ng mapagamot
mo ang iyong nanay, hindi yung isang kayod isang tuka ka dito. Ang
kinikita mo hanggang pagkain nyo lamang mag-ina, ni-hindi pa makabili
ng nararapat na gamot ng iyong ina” ani ni Aling Nene.

“Kung mag aabroad man ho ako, hindi din siguro ako matatanggap
dahil alam nyo naman po na elementarya lamang ang aking natapos
bukod pa roon, wala hong magbabantay kay inay!” ani ni Jose.

“Marami naming mga OFW na hindi din mga nakapagtapos, yung iba
nga mga wala pang pinag aralan basta masipag at matiyaga ka lamang
ay pasok ka sa hinahanap nila. At saka tutulungan naman kita sa pag
aayos ng mga dokumento mo na kailangan!” ani ni Aling Nene.

“Pag-iisipan ko ho Aling Nene, Sige ho mauna na muna ako.” Ani ni


Jose

(Habang naglalakad si Jose, nakita nya ang kaibigan nyang si Carlo


na kakalaya lamang sa kulungan dahil sa kasong droga)

“Oy Carlo, kamusta kana? Nakalaya ka na pala? Kailan pa? ani ni


Jose.
“Oo pare, nung isang linggo pa! Alam mo naman malakas tayo, may
kapit na mataas, Hahaha!” ani ni Carlo na may pagyayabang ang boses.

“San ang iyong tungo aking kaibigan?” ani ni Carlo

“Ah eto maghahanap na naman ng trabaho, may sakit na naman


kasi si inay e.” ani Jose

“Tamang tama pare, may alam ako. Malaki ang kita at sigurado ako
na mapagagamot mo ang nanay mo! Kaya nga lang dapat malakas ang
loob mo! Kaya mo ba? Ani Carlo

“Teka, ano bang trabaho yan?” ani Jose

“Mag-aalok ka lang gamot sa mga parokyano natin, ikaw ang


magiging look out ko habang ako ang nakikipag negosasyon!” ani carlo

“Teka, droga ba yan?” ani Jose

“Wag kang mag alala pare, hindi ka sasabit dito. Akong bahala sayo!
Ito na ang magiging solusyon mo sa problema sa pagpapagamot ng
nanay mo, sige ikaw din malay mo pag uwi mo wala ka ng maabutang
humihingang nanay! Ano game kaba?” ani Carlo

(Nag isip ng malalim si Jose, iniisip nya ang sinabi ng kaibigan at


ayaw nyang mangyare ang bagay na iyon sa kanyang ina. Napabuntong
hininga ito)
“Isang beses lang ito Jose, kaya mo to para sa nanay mo” ani niya sa
sarili

“Ano pare? Tick tock tick tock, tumatakbo ang oras” ani Carlo

“Sige pare! Ngunit ngayon ko lang gagawin ito ha. Ayokong ipahamak
ang sarili dahil walang mag aalaga sa nanay ko.” Ani Jose

“Sige pare. Di ka magsisisi!” ani carlo

(Tulad ng napag usapan nila, si Jose ang nag aalok sa mga customer
gamit ang cellphone at si Carlo naman ang nag aabot sa mga customer.
Hindi nila alam na ang isa pala sa mga kausap nila sa text ay isang pulis
na nagpapanggap na customer para iset-up sila at mahuli.)

(Nang iaabot na ni Carlo an gang supot ng droga, agad siyang


pinusasan ng mga pulis. Nakita ni Jose ang pangyayare kung kaya dali
dali itong nagtatakbo paalis sa lugar na pinangyarihan. Ngunit sa hindi
inaasahang pangyayari, nasundan siya ng isang pulis patungo sa kanilang
tahanan. Humahangos si Jose sa Inang nakahiga upang yakapin ito at
humingi ng tawad sa nagawa nito.)
Pinasok ng pulis ang tahanan nila at agad na inaresto si Jose sa harap
ng kanyang ina.

“Huwag po, patawad po hindi ko nap o uulitiiiin! INAAAAAAAAA!” ani ni


Jose na humahagolhul sa pagmamakaawa sa mga pulis
“Sa prisinto ka na lang magpaliwanag!” ani ng pulis
“INAAAA, INAAAA!”

(Habang kinakaladkad ito ng mga pulis kasabay ng pag agos ng luha


ng Inang nakatingin sa palayong anak.)
PEYSBUK
ni ROILAN D. DE GUZMAN

Tanungin mo nga ang sarili mo kung saan at paaano mo ito


sinimulan
Kung paano mo sinubukang ilapat ang mga daliri sa
talapindutan
At magsimulang balutin ng
Kaba
Takot
Pang-ngamba
Na baka bukas paggising mo
Nakatungin na sila lahat sayo
Mga matang mapanghusga
Mga dilang matatalas
Mga salitang lumalabas
Ikaw ang bida
Ikaw ang bida at
Ikaw ang biktima
Oo biktima ka pero ikaw ang gumawa ng problema
At dahil ikaw ang problema ikaw din ang solusyon
Sayo magsisimula
Hindi kahapon
Hindi bukas
Kundi ngayon
Simulan mo na ngayon bago
Mahuli at mawalan ng pagkakataon

Click with the better choice


Choose what is right
Build a Brighter Future
Manatiling
Lumalaban
ni AMANDA JANE HALUTHOT

Ano nga ba ang kahirpan


Ito lang naman ang pangunahin
Pangunahing problema ng bayan
Kaya kung isa ka dito kailangan mong gumawa

Gumawa ng paraan
Para maka usad minsan
Sa paglubog na kay hirap lumitaw
Kung hindi mo nais ikay matutuluyan

Ang karirapan ay di dapat pinoproblma


Pero di dapat binabalewala
Basta sabayan mo lang amg buhay
Sumama ka kung asan ka dalhin

Wag mong sayangin ang oras


Kailangan maging maganda ang pag lipas
Para hindi na madama ang hirap
At ganahan kanang harapin ang bukas
Sinilang kang mahirap
Dimo yan kasalanan
Mamatay kang mahirap
Yan ay malaking kabiguan

Wag kang manatiling naka tungo sa pag lakad


Ang guhit sa kalsada ay di dapat baybayin
Tumunghay ka at iyong tanawin
Kaibigan ang kahirapan ay dapat sugpuin
migrasyon
ni CYRISH MAY LOPEZ

Bansa ay naghihirap
Kaya dahilan ng paglipat
Para sweldo ay maging sapat
At anak ay di mamayat

Migrasyon ay naging dahilan


At Pilipino ay lumaban
Kabilang bansa ay nakitaan
Pag unlad at kaginhawaan

Sobrang kahirapan ang rason


At umalis at nagmigrasyon
Subalit ito ang solusyon
Sa kawalan nila ng aksyon

Sa pag alis ay walang alam


Pinoy na nakipagsapalaran
Maiwasan ang kahirapan
Maibigay ang kailangan

Nabubugbog ang iba


Pero ito ay tanggap nila
Pamilya ang inaalala
Sarili any binaliwala na

Migrasyon ay nakatulong
Para bansa ay makasulong
Ekonomiyang umuurong
Mga pinoy ay nag payabong
PAGLISAN
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Kay bilis nang panahon


Nang tayo’y magkalayo.
At sa isang iglap lang,
Damdamin ay naglaho.
walang kukurap
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Kaban ng bayan, biglang nawala


Gobyernong akala mo'y mag iingat sa ating kaban
Sila palang punot dulo ng ating kahirapan
Kahirapn ng ating bansa kurapsyon may gawa.
WAMPIPTI
ni ELAINE BENG MAGBIRAY
Laganap sa ating bansa ang kahirap, kapit sa patalim ay
titiisin magkaron lang ng karampon na pera. Pagsapit ng gabi
kababaihan ay kaganap sa dilim, kung maituturing"babaeng
mababa ang lipad" masakit isipin bilang isang tulad nilang
babae ay nagagawa nilang magbenta ng katawan para sa
konting pera, para sa pamilya o sa iba pa.
Prostitusyon ano nga ba ito?

Ang prostitusyon ay ang pagbebenta ng aliw ng isang


babae. Itinuturing itong hanapbuhay ng ilan sa mga
kababaihan sa buong mundo. Madaling pagkakitaan ng pera
kapalit ng isang gabing aliw.
Bakit laganap ito sa ating lipunan?

Isang pinaka dahilan kung ito nangyayare ay dahil sa


kahirapan. Kahirapan ang dahilan kung bakit may mga
babaeng nagbebenta ng aliw kapalit ng konting pera galing
sa pinagbebentahan nila aliw. Isa ang bansang Pilipinas na
sikat ang prostitusyon dito makikita at makakasalamuha ang
mga babaeng mababa ang lipad at mga lalaking hayok sa
laman.

Paano naten ito malalabanan?

Sa kasalukuyang panahon wala tayong magagawa para


mawala ito ngunit kaya natin itong mabawasan, sa tulong
ng mga awtoridad nahuhuli nila ang mga babaeng bata
palamang ay nagbibigay na ng aluw sa iba. Ang sulosyon ng
awtoridad dito ay ang paghahatid nila sa DSWD ng mga batang
kasama sa nagbebenta ng aliw sa iba. Sa pamamagitan nito
nababawasan ang bilang ng mga babaeng mamaba ang
lipad. Maituturing natin masamang gawain ito subalit para
sakanila ay ito ang pinagkukunan nila ng pera para ma buhay
ang kanilang pamilya .
Nawawalang
Kanlungan
ni ROILAN D. DE GUZMAN

Dahan-dahan ng pumapatak ang ulan, senyales na


kaylangan ko na namang ibahin ang aking kinalalagyan.
Kaylangan ko na agad tunguhhin ang lugar kung saan
hindi ako malalapatan ng patak ng ulan. Malamig na rin
ang simoy ng hangin, di sapat ang suot kong sando na
may burdang pulang puso sa gitna nito. Hanggang sa
may nahanap na akong lugar na matitigilan ar mukhang
pamilyar ang amoy at ang pakiramdam ko sa lugar na ito.
Dahan-dahan kong pinikit ang mata ko at inaalala kung
tama bang narating ko na ang lugar na ito at marahil ay
oo pero di ko na matandaan ang eksaktong panahon
kung kelan iyon, basta ang alam ko umuulan din noon at
malamig ang panahon.

Hindi parin tumitigil ang pagpatak ng ulan,


nararamdaman ko na rin ang paninigas ng aking katawan
sa lamig, sinabayan pa ng nagwawalang mga alaga ko sa
tiyan. Sa sobrang tagal ng pagtila ng ulan ay nagutom na rin
ako, pero mas pinili kong manatili nalang sa kinatatayuan
ko kaysa umalis para humanap ng makakain at mabasa
ng ulan.

Habang nagiintay na tumigil ang ulan ay minamasdan


ko ang liwanag na binibigay ng mga ilaw sa daan. Medyo
malabo man pagmasdan dahil sa malakas na pagulan ay
naaninaw ko parin ang ilan sa mga sasakyang dumadaan.

Maya-maya pa ay naaninag ko na may dalawang taong


paparating at mukhang tutungo sa parehong lugar na aking
sinisilungan. Mayroon silang dalang panggala sa ulan, ngunit
sadya atang malakas ang mga patak nito at hindi sapat na
gamitan lamang ng payong para maiwasang mabasa. Sa
gawi at kilos nila’y mahahalatang magkasintahan sila, dahan
dahang pinupunasan ng lalaki ang mukha ng kasintahan
niya dahil sa nabasa narin ito ng tubig ulan. Malayo ang
distansya nila sa akin, ngunit bahagya kong naririnig ang
kanilang pinag-uusapan. Hindi ko man malinaw na narinig ya
alam kong tungkol iyon sa karinderyang nais nilang puntahan
upang doon ipagdiwang ang kanilang anibersaryo. Bigla na
naming kumalam ang aking sikmura sa king narinig.

Ilang minuto pa ay unti-unti ng tumigil ang ulan, gayundin


ay umalis na ang magkasintahan at siguro ay patungo na sila
sa karinderyang kanina’y kanilang pinaguusapan.

Sa pagkakataong iyon ay bahagyang natigil ang aking


mundo, napapikit ako nang bigla kong maalala ang lugar
na kinalalagyan ko ngayon. Dito nga pala ako nagpaalipas
ng gabi at tinuring ko naring tahanan. Kaya pala pamilyar
ang amoy at pakiramdam. Nakalimutan ko na namang dito
na ako nakatira sa shed. Matagal tagal narin simula noong
iwan ako ng aking sa pamilihang bayan habang suot suot ang
sandong may burdang pulang puso na ibinigay nya sa akin
noong araw ding iyon. Simula noo’y natuto na akong mabuhay
mag-isa, sa tuwing gabi ay kayakap ko ang sarili kong bisig
kung malamig, sa basurahan nalang ako umaasa ng aking
hapunan, swertihan nalang kung minsan ay mayroong
paydtiken at ispayete akong makukuha.

Dahil tuluyan ng natigil ang pagbuhos ng ulan, umalis na


rin ako upang maghanap ng makakain at kung papalarin ay
mabubusog ang aking tiyan. Pagkatapos ay babalik uli ako sa
shed para magpahinga.
walang
TITULO
ni ROILAN D. DE GUZMAN
Nakita ko ang totoo sayo
Narinig ko narin ang mga kasinungalingan mo
Nararamdaman kong hindi talaga yun ang pakay mo
Natikman ko na ang pait ng buhay dahil sayo
Naamoy ko na ang lahat ng baho mo

Pero bakit,
Ikaw parin ang namumuno dito?
Korap na gobyerno.
Tunay na Sandigan
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA
Lahat naman tayo dumaan sa pagiging
dalaga at binata. Alam natin ang saya at ligaya na
magkaron nang grupo o barkadang kinabibilangan.
Madami tayong natutunan na magagandang bagay
ngunit dumadaan din tayo sa mga oras nang pag
papasaway. Sabay sabay tayo natuto uminom
nang palihim, o tumakas sa bahay para lamang
makasama sa gala nang tropa. O kaya naman ay
magpaalam na may praktis sa eskwelahan pero sa
tambayan nang barkada ang deretso. Lahat nang
ito ay parte nang kabataan. Ngunit lahat naman
nang sumusobra ay masama.

Nagsimula ka nang masermunan nang


magulang sa tuwing lumiliban ka sa klase upang
sumama sa inuman nang tropa. Palagi ka nang
napag sasabihan kapag sunod sunod ang alis mo
nang bahay at halos dika na nakakatulong sa mga
gawaing bahay. Hingi ka nang hingi nang pera pang-
gala at pag di ka nabigyan ay iisipin mong di ka nila
mahal at di ka manlang nila pinapagbigyan. Dito magsisimula
lumayo ang loob sa magulang at iisiping barkada na lamang ang
siyang malalapitan.

Mabubuo sa iyong isipan na sa barkada mo nararamdaman


ang tunay na pagmamahal dahil sa mga kasiyahan na nabibigay
nila sayo tuwing kayo ay may lakwartsa. Mas pinipili mo nang
lumabas nang bahay kasama ang mga kaibigan mo kesa
magtigil sa bahay kasama ang mga magulang na malayo ang
loob sayo.

Ang buhay barkadahan ay isa na siguro sa pinaka iingatan


at babalik balikan mong alaala pero sa reyalidad nang buhay,
siyamnapu’t walong pursiyento nang mga kaibigan mo ay nanjan
lamang sa oras nang kasiyahan ngunit bibitawan ka sa oras
nang kagipitan.
Bibihira ang kaibigang mananatili sa tabi mo anuman
ang pagsubok na dumating sayo. Sa puntong ito mo palang
malalaman na sa huli, magulang mo padin talaga ang
matatakbuhan mo. Sa huli, pamilya at pamilya mo padin pala
talaga ang sasalo at hanggang tumanggap sayo. Sila yung mga
taong hindi mawawala sa tabi mo gaano man katama o kamali
ang desisyon mo sa buhay. Magsasaya sa tamang desisyon mo
at sasamahan ka bumangon sa mga maling desisyon mo. Hindi
masamang magkaron nang barkada at mga kaibigan pero ang
pamilya, sila ang tunay na pang habang buhay.
ANG REGALO
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Lumaki sa mayamang pamilya si Jessie. Matagumpay na namamayagpag


ang negosyo nang kanyang mga magulang kaya nabibili niya anuman ang
kanyang gustuhin. Nakakapunta siya kung san niya gusto pumunta at
nagagawa lahat nang kanyang gustong gawin. Dahil na din nag iisang anak siya
ay ginagawa nang mga magulang niya ang lahat para sakanya. Nangako pa ang
tatay niya sakanya na bibigyan siya nito nang kotse pagtungtong niya nang 18.

Binibigay lahat nang luho at layaw upang maipadama sa kanilang anak


na mahal na mahal nila ito. Hanggang sa dumating ang panahon na iniwan
sila nang kanyang ina upang sumama sa ibang lalaki. Nangako ito sakanya
na babalikan siya nito upang kunin ngunit siya ay tumanggi sa sama nang
loob. Siya at ang tatay niya nalamang ang natitira. Dahil dito, mas lalongg
ponaramdam nang tatay niya kung gano siya kamahal nito sapagkat ayaw nang
kanyang ama na maramdaman niyang may kulang sa pamilya niya. Mas lalo pa
siya nitong sinanay na nakukuha ang lahat nang kanyang gusto. Doble kayod
sa pagtatrabaho dahil ito ang paraan na naiisip nang ama upang makabawi
sakanyang anak at mabigyan nang seguridad ang kinabuksan nito.

Ngunit isang araw, sa kalagitnaan nang pagtatrabaho, bigla nalamang


nahimatay ang tatay sa di malamang dahilan. Agad itong isinugod sa ospital
at duon napag alaman na siya ay may stage 3 cancer. Labis ang pagtangis
ni Jessie nang malaman niya ang sakit nang ama. Sa kagustuhang gumaling
ang ama, napilitan siyang ipagbili ang lahat nang naipundar nang kanyang
tatay upang gamitin sa pagpapagamot. Mula sa mansyon ay lumipat sila sa
apartment. Dumaan ang ilang buwan at medyo umayos ang pakiramdam nang
ama af nagpumilit itong bumalik na sa pagtatrabaho. Laking tuwa ni Jessie
dahil iniisip niyang babalik na sila sa dati nilang buhay. Dumating ang kanyang
ikaw-18 na kaarawan, at agad na hiningi angkanyang regalo. Umaasa siyang
kotse ang ibibigay nito ngunit sa halip ay isang bibliya na nakatali pa sa dilaw na
ribbon. Agad siyang nadismaya at itinapon ito pabalik sa mukha nang kanyang
ama. Umalis siya at nilayasan ang ama upang mamuhay mag-isa.

Hanggang sa siya ay nag-asawa at nagkaroon nang sariling pamilya. Isang


araw nabalitaan noyang pumanaw na ang kanyang ama at agad itong pumunta
sa dating tirahan nila. Laking gulat niya nang naroon at naitabi padin nang
kanyang ama ang bibliya. Kanya itong binuklat at laging gulat nang makita,
isang susi nang kotse ang bumungad sakanya. May kasama itong liham “happy
birthday anak, may kotse kana. mahal na mahal ka ni tatay”. Nang nabasa niya
yuon ay agad siyang nanlumo. Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman
ngunit ano pa ba ang magagawa niya ngayong wala na ang kanyang ama. Nasabi
niya nalang sa sarili “Sana inalagaaan at pinaramdam ko ang pagmamahal ko
sakanya nang siya buhay at andito pa.” Sabay yakap sa bibliya na regalo nang
kanyang ama.
EKSTASI
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Mga pinagbabawal,
Ay ating wag subukan.
Pagka’t kapalit nito
Tiyak pagsisisihan.
Dungis
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Mapatelebisyon, radyo o maging sa dyaryo ay ating nababalitaan,


Mga babaeng pinatay pagtapos pagsamantalahan.
O kung hindi man ay hinahayaang mabuhay at iiwan sa lansangan.
Ano nga ba ang dahilan at sinong may kasalanan?
Sinong dapat sisihin sa ginawang kababuyan? Sa ganitong pang-aabuso, ano
ba dapat ang kabayaran?
"Ikli kasi nang suot e." Ito ba'y katanggap tanggap na dahilan?
"Nakikipag inuman kasi sa lalaki!" Ito ba dapat ang kahinatnan.
Madalas babae ang biktima nang karahasan.
Ito'y hindi kontrolado at lalong hindi kagustuhan.
Bakit ba madalas walang boses ang kababaihan?
Nakakasuko na ang ganitong kalakaran.
"Nagpapagabi kasi sa daan."
Ito'y hindi kailanman magiging dahilan,
Upang kanilang danasin ang mapagsamantalahan.
Sanggol ngang walang muwang kanila pading pinapatulan
Kaya pano mo masasabing sila'y inakit lamang
Walang katanggap tanggap na rason
Para sa ganitong mga katuwiran.
Respeto at takot sa Diyos kanila dapat matutunan,
upang hindi nila maatim gumawa nang ganito kalalang kasalanan.
PAGIBIG O PAGKAKAIBIGAN
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Naranasan mo na bang umibig? Umibig sa isang taong


nakakapagpaligaya at nakakapag pakabog nang iyong damdamin?
Isang taong makakapag paramdam sayo na ikaw ay espesiyal.
Naranasan mo na din bang magkaron nang mga kaibigan, mga
kaibigang palaging nariyan sa tuwing ika'y nangangailangan.

Pagkakaibigang masasabi mong pamilya na ang turingan.


Paano kung dumating ang oras na kailangan mo mamili? Kailangan
mong mamili sa pagitan nang mga taong pareho mong iniingatan
at pinapahalagahan, na kapag may isang nawala ay pakiramdam
mo'y magkakaron talaga sa buhay mo nang kakulangan. Sa isang
banda, maiisip mong ang dapat mong piliin ay ang iyong mga
kaibigan sapagkat sila ang nasa tabi mo mapalungkot man o
mapasaya. Sila din ang karamay at kaagapay mo sa tuwing may
dumarating na pagsubok at problema.

Ngunit sa kabilang banda ay tila mapapaisip ka. Kung talagang


kaibigan mo sila'y dapat maunawaan ka nila, na sana ay maging
masaya sila kapag ikaw ay masaya. At sa taong iyong iniibig mo
ika'y mapapaisip, na kung mahal ka talaga niya ay handa siyang
mag-intay hanggang maging tama na ang lahat para sainyo, kahit
pa ang kalakip non ay pipiliin mo ang mga kaibigan mo. Sa ganitong
pagkakataon ay tiyak na maiipit ka.

Pero sa huli maiisip mo, hindi mo naman talaga kailangan pang


pumili nang isa kung pwede namang sabay mo silang mahalin at
bigyang nang halaga. Dahil kung mahalaga ka sa kanilang pareho
ay hindi ka nila ilalagay sa sitwasyon na alam nilang magdudusa
ka.
SUMPAAN
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Tayo ay nagsumpaan

Na di magkakalayo.

Sana magpakailanman

Mananatiling buo
NAWALANG BUHAY
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Nasarapan sa paggawa
Paggawa ay ayaw mag-alaga
Mumunting buhay ay nawala
Upang isalba sa buong madla.
TAGUYOD
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Tumigil na sa pagtatrabaho ang aking mga magulang.


Dipa naman sila matanda pero gusto na daw nila magpahinga
sa pagtatrabaho.
Ang inisip ko nuon, “okay lang para na din makabawi ako sa
hirap nila sa akin”.
Ngunit habang tumatagal pakiramdam ko ako’y naaabuso.
Pana’y lang ang hingi at hindi na nakukuntento. Kahit di
naman kailangan, kahit di mahalaga,
hihingi nang pera para lang makabili sila.
Ayos lang sana kung may halik manlang na kapalit
o kaya nama’y “ingat ka nak” pag sa trabaho ako’y pabalik.
Ngunit ang anak lang nilang tinuturing ay yung matalino kong
kapatid
kahit na sagot ko naman lahat kapag kami na ay said.
Pag wala akong maibigay, parang ako yung may kasalanan.
Hindi manlang nila ako tinatanong
kung sa trabaho ba ako’y hindi nahihirapan.
Wala naman akong ibang hinihingi kundi suporta
at pag-aalala lang ngunit bakit kahit katiting wala akong
maramdaman.
Ano bang tingin nila sakin hindi ako napapagod?
Tapos kapag swelduhan na mga kamay agad na nakasahod.
Nakakasama nang loob na naaalala kalang kapag meron
silang kailangan.
Wala ka nang pakinabang matapos mong mapakinabangan.
Pero kahit ganon tuloy padin ang buhay, kahit parang isang
paa mo’y nakabaon na sa hukay.
TIWALA
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Isang magkasintahan ang nagkahiwalay pansamantala nang landas upang


makapag-aral nang kolehiyo. Isa sa maynila at isa sa probinsiya. Isang gabe,
kanyang naramdaman ang init nang kanyang katawan. Agad niyang pinadalhan
nang mensahe ang kanyang nobya upang magpadala nang litrato nang kanyang
katawan.

Nuong una ay hindi pumayag ang kanyang nobya sa kadahilanang sila’y


hindi pa naman kasal at pribado ito para sakanya. Ngunit nagtampo ang nobyo
at sinambit na “hindi na nga tayo nagkikita, yan nalang ang tanging makakapag
paalala sakin sayo kahit papaano”. Napaisip ang kanyang nobya. Sa pag-
aalalang baka iwan siya nito kung di siya magpapadala nang litrato sapagkat
sila’y magkalayo, napilitan siyang magpadala nito sa kanyang nobyo. Labis na
kasiyahan ang naramdaman nang nobyo nang ito’y kanyang matanggap sa
kanyang “messenger”. Kanya itong tinitigan at pagkatapos ay inumpisahan
niya na ang pagtungo sa kalangitan sa ilalim nang kumot nang kanyang higaan.
Pagkatapos mairaos ang kanyang kaligayahan, muli niyang tiningnan ang litrato
nang kanyang nobya.

Tila nagbago ang tingin at dumumi ang imahe nang kanyang nobya para
sakanya. Nawalan na siya nang paggalang at respeto sa kanyang nobya at
sinambit “sarili niya nga’y hindi niya mabigyan nang mairespeto kaya bakit ko
yun ibibigay sakanya”. Kahit dahil lamang sa pagmamahal para sakanya nang
kanyang nobya ang dahil kaya napilitan niya iyong gawin. Naisip niya itong i-post
sa mga “social networking sites” at mabilis itong kumalat. Ito’y nakarating sa
iba’t ibang lugar at nakita nang napakaraming tao. Nang malaman nang nobya
ay agad itong tumangis at tiningnan ang sunod sunod na mensaheng dumarating
sa kanya tungkol sa nangyare. Iniisip niya ang kahihiyan na kailanman ay di
na maiaalis pa. Kinabukasan ay nakatungo siyang pumasok sa paaralan. Hindi
siya halos makatingin sa mga kaklase niyang siya ay pinagtatawanan. Sa isip
niya ano pang mukha ang kanyang ihaharap.

Hanggang sa nakarating na sa kanyang magulang ang malagim na


nangyare. Halos mapagbuhatan siya ng kamay nang mga ito at hindi siya
matingnan sa sobrang galit at pagkadismaya. Hindi niya ngayon malaman ang
gagawin dahil pati magulang na dapat tatakbuhan niya, halos itakwil pa siya.
Hanggang sa naisip niya na wala na siyang pag-asa, kinuha niya ang lubid at
naglagay nang upuan. Sinimulan niya itong itali sa kisame nang kanyang silid
tulugan. “Patawad.” Bulong niya at sabay na binanggit “Isang kahihiyan na diko
na kayang burahin kailanpaman.”
SUMPA NG BATO
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Bulbus sa maliit na supot


Supot na nakaka high
Ligaya ang taglay
Buhay ang linululustay
Totoy
ni AIRA TRISHA MARIE MANUBA

Kabataan daw ang pag asa nang bayan ayon sa ating bayani.
Ngunit bakit iba ang sa bibig nang kabataa’y namumutawi.
Mura dito mura doon, grabe at wala siyang kupas.
Sobrang lutong akala mo parang wala nang bukas.
Pero mas nagulat ako kung sino ang kanyang kausap.
Magulang pa niya ang sakanya’y nakikiusap.
“Anak huminahon ka naman.” sambit nang nanay.
Sinasagot niya lang taong sakanya ay bumuhay.
Sabay layas at punta sa bahay nang kabarkada,
tapos bili nang alak at pumwesto na sa mesa.
At nagsipag datingan iba pa nilang kaibigan,
sa kabilang banda may babae siyang binalingan.
Umikot na ang alak at sila ay nalasing,
deretso na sa kwarto at duon sila ay ginaling.
Pagkatapos ay umuwi na siya’ng parang walang nangyari,
ang hindi lang niya alam ilang linggo siya’y mayayari.
Nagbunga nang regalo ang dapat ay pagkakamali
ngunit sabi niya hindi pa siya handa na magpatali.
Yung babaeng kasama niya nung sa alak siya’y bangag,
maayos na sustento nalang ngayon ang hangad.
Nagmamakaawa siya kaso nga lang ikaw ay duwag.
Yung anak niyong hindi pa marunong maglakad
tinakbuhan mo na agad.
Hanggang sa siya ay nagpakalayo at nalulong sa droga.
Lalong nahumaling sa bisyo gaya nang barkada.
At dumating ang araw na siya ay nakulong,
nahuli nang pulis nang malamang sa droga ay lulong.
Nasira niya na buhay maibabalik pa nga ba?
Kung may mga pagkakamaling mahirap na itama.
Buhay na
Sinayang MO
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Ilan araw, linggo o buwan


Di MO PA masyadong nararamdaman
Mga kilos at galaw
NG batang sayong sinapupunan

Unang buwan di MO PA Alam


O baka nagbubulag bulagan at
Ayaw pakinggan
Kaya nanahimik nalang at nagiisip NG paraan
Kung pano tatapusin ang buhay
NG batang
Ayaw MO NG pasikatan NG araw

Iniisip ang sariling kinabukasan


Kahit sariling anak ang isasaalang alang
Lakas NG loob ipaglaban sariling kalayaan
Kahit buhay NG anak ang matapakan

Di na Iniisip na Isa itong kasalanan


Sa batas NG dyos, Tao o Mata NG sino man
San ka kumuha NG Lakas NG loob makipag Laban
Sa buhay at humanggad NG isang kapayapaan
Kung sarili mong anak kinitilan MO NG buhay.

Isang anghel na walang kinalaman


Sa sakit na dulot NG iyong nakaraan
Tanging ang hiling Lang ay magkaron NG buhay
NG unit hindi PA man sya tumatagal sayong sinapupunan
Pilit MO na agad Syang binawian NG buhay

At ngayon umaasa ka na makakita NG isang taong sayoy


magma mahal
Di MO ba naisip na baka ang taong magpapahalaga sayo
Ay ang tanong Sinayang MO ang buhay kahit kailan di MO
nagawang ipaglaban
HIDDEN AGENDA
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Kaban ng bayan, biglang nawala


Gobyernong akala mo’y mag iingat sa ating kaban
Sila palang punot dulo ng ating kahirapan
Kahirapn ng ating bansa kurapsyon may gawa.
SA KAKAUNTING LIWANAG
ni ROILAN D. DE GUZMAN

Pumaligid na sa aking mga mata ang dilim


At ang lamig ay nag-umpisa nang yumakap sa akin
Mapanglaw ang mga ilaw
At may kaunting pag-asa na natatanaw
DUKOT
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Ingat ingat ka baka ka madapa


Madapa sa piling ng masasama
Laman loob mong iniingatan
Napunta pa sa masasama.
Wag po!
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

“Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig sayo”

Paulit ulit na kataga ng mga kalalakihang nasa harap ko. ISA!


DALAWA! TATLO! Kahit umabot pa ng sampo walang patutunguhan
ang panglalaban ko, di parin magbabago na dinaranas ko parin ito.
Bakit ba ako napunta sa lugar na to?
Bakit sa lahat ng tao, ako pa ang napili nyo?

TADYAK!!!!!...
SUNTOK!!!...
SIPA!!!....
Ang inabot ko makalaban lang sa mga taong ito.

Natatandaan ko pa ang mga nangyare bago ako mapunta rito. Mga


ilaw na parang alitaptap lamang ang makikita mo. Isang tahimik
na kalsada ang tinatahak ko, ang sanay tahimik na pag uwi ko sa
tahanan namin ay ganito pa ang inabot ko. Isang grupo ng kalalakihan
ang biglang nangharang sakin, animo’y mga agila kung magmanman
sakanilang pagkain.

Nakakalungkot isipin na sa pag aasam kung magtipid, ay ako pa ang


nagipit. Ang kunting pamsahe na maiipon ko sa pagtitipid ay buhay at
dignidad ko naman ang kapalit.

Nagtagumpay sila sa kanilang mga binalak, nagawa nilang sugatan


ang aking puso at damdamin. Para akong nawalan ng buhay,
maituturing akong buhay na patay. Buhay sa katawan ngunit patay
sa puso at damdamin. Di na ata ako makaka ahon sa pagkalugmok
kong ito, habang buhay kong dadalhin ang bangungut na nangyari
sa pagkadalaga ko. Ang tangi kong hiling ay may tao pa sanang
tumanggap saakin sakabili ng madilim kong pagkatao, may lalaki pa
kayang kayang mahalin ako sa kabila ng mga dinanas ko.
pedestrian
ni AMANDA JANE HALUTHOT

Ayos akong daanan


Bat sisirain?
Wala na bang paglagyan?
Pera ng bayan?
MUNDONG MAKULAY
ni AMANDA JANE HALUTHOT

Yaman din lamang na napag uusapan,


Ngayon sa bayan ang tungkol sa kasarian,
Hayaan nyong umpisahan ko ang katotohanan
Na mamumulat sa atin sa mundong ginagalawan

Bakit ng ba pinag aawayan?


Ano ang kanilang kasalanan?
Porke ba nabuhay na iba sa inyong nakasanayan,
May karapatan na kayong sya ay husgahan?

Bakla, Shokla, Beki kung tawagin


Mas babae pa sa babae kung susuriin,
Masayang kasama, hindi maihahambing
Pumapawi ng problema sa tuwi-tuwina

Lalaki kung kumilos


Minsan ay padaalos-dalos
Suntok nya’y sing lakas ng lalaki
Di mo aakalain na sya ay babae

Pinaparatangan na salot sa lipunan


At sinasabing mga taong makasalanan
Tinanggalan ng karapataang ipakita tunay nilang kasarian
Dahil ang turing ng lipunan sa kanila’y kahangalan

Lahat ng inyong pinakinggan, inyong inilingan


Lahat ng kanyang pinaniwalaan, inyong tinalikuran
Pagkat iniisip nyo sa mundong makulay,
Hindi kalian man sila nababagay
AMA KO AY OFW
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

M aliit pa lamang si Maria, wala na sa kanyang tabi ang kanyang ama,


hindi niya ito kasama sa kanyang pagtanda . hindi nito nasubaybayan
ang kanyang paglaki. Ngunit umuuwi naman ito tuwing dalawang
buwan sa isang tao. Hindi naman nagmimintis ang kanyang ama sa pagbibigay
sa kanilang pangangailangan nilang mag –iina.

Nakatapos si Maria ng Elementary at ganun pa rin ang kanyang ama


uuwi at nagpapadala , dumating siya ng highschool parang dumadalang na
ang pag uwi at pagbibigay nito sa kanila . ngunit sinabi ng kanyang ina nab
aka may pinagiipunan ito kaya di na nagpapadala.

Naramdaman niya na may nagbago na sa kanyang pamilya , alam niyang


di na tulad ng dati ang kanyang pamilya . may naririnig pa siya na may isa ng
asawa ang kanyang ina, at ito ay napatunayan niya ng dahil ito sa bahay nila.
Hindi niya matanggap at kwinestyon niya ang pangmamahal nito sa kanyang
ama.umalis siya ng bahay dahil hindi niya tanggap at nadadalas na ang
pagpunta ng kanyang tiyuhin sa kanila, siya naman ay nagpunta sa lugar ng
kanyang lola sa probinsya.. ilang beses siya kinausap ng kanyang ina ngunit
di niya ito hinaharap, bagkus napagsalitaan niya pa ito ng masam.

Isang araw may kumatok sa bahay ng lola niya at nagulat na lang siya ng
Makita niya na ama niya ito at may kasama na buntis na babae. Nagalit siya
rito ng nalaman niya na kaya nag asawa ng iba ang kanyang ina dahil ito ang
unang nagtaksil. Nalaman din niya na isang taon na itong nakauwi at hindi sa
kanila umuuwi kundi sab ago niyang asawa.

Umuwi siya sa nanay niya at laking pagsisi niya ng Makita niyang nakaratay
ang kanyang ina at may malbhang karamdaman na dinadamdam, nag sisisi
siya na di niya pinakinggan ang kanyang ina nung malas pa ito. nandun ang
kanyang tiyuhin at nakita niya ang pagmamahal nito para sa kanyang ina.
Ang nangyayari sa pamilya ay di kasalanan ng anak . kundi ng magulang
dahil naging mahina ang mga ito.
SINO ANG NAGTANIM ?
SINO ANG KUMAIN?
ni ELAINE BENG MAGBIRAY

Ang magsasaka ay maagang gumising


Dahil magagawa ng pansaing
Para sa pamilya na may hinaing
Dahil sa gutom na kanilang daing

Ang magtanim at di biro


Maghapong naka upo
Pag tumigil ka at tumayo
Lupa ay matutuyo

Mga ibon sa nayon


Nakikinabang sa butyl na binaon
May anak na pinagbabaon
Kaya habog ditto, habog doon

Sikat ng araw , ikaw ay kaylangan


Ngunit di sobra
Baka pati lupa ay matuyo na
Pati erigasyon ay maglaho na
Umulan ka sapagkat ikaw ay mahalaga
Wag lang sosobra
Baka ang aanihin ko ay malunod na
Dahilan para malugi at maapektuhan kita

Kung di sila nagtanim


Wala tayong kanin
Kaya wag sayangin
Bigas na aking tinanim.
ISANG MAINIT NA KAPE
ni ROILAN D. DE GUZMAN

Tuwing umaga
Humihigop ako ng mainit na kape
Yung mas lamang ang coffee mate kaysa kapeng barako
Umaabot hanggang gilagid ang tamis
Gayon pa man,
Nakaharap ang bahay namin sa silangan
Dahilan upang matanaw ko ang pasikat na araw
Nakakasilaw ngunit napakasarap titigan ng liwanag na sinasabog nito
Salamat na din sa puno ng niyog na humaharang sa sinag na
nagmumula rito
Dahilan para di masyadong masilaw ang mata ko
Nooy hindi ko pa rin naliligpit ang aking hinigaan
Tinakasan din kase ako ng sipag at dinala agad ako sa kusina
Di ko namalayang paubos na ang isang tasang kape na iniinom ko
Ramdam ko na din ang tamis na dumadaloy mula sa labi ko patungo
sa tyan ko
At ng sandaling naubos ko na ang kape, tumayo na ako at nilagay ang
tasa at kutsara sa lababo
Tinungo ko muli ang akong kwarto
Nagbabakasali na baka sisipagin na ako na ligpitin ang higaan ko
Napaupo ako sa katre at dooy muling tumama sa king mukha ang
liwanag ng araw
Sa pagkakataong ito mas diretsyo ang sinag na natatanggap ko
Sapagkat di sapat ang dahon ng niyog na tumatakip dito
Maganda ang repleksyon ng aming bintana sapagkat nilagyan ito ng
disenyo ng tatay ko noong ito ay kanyang ginawa
Tuwing umaga humihigop ako ng kape
Ngunit hindi parati sa lugar na ito
Iba yung pakiramdam ko dito
Malamig ang hangin at mararamdam mong totoo
Ang sarap palang bumalik sa lugar na kinagisnan mo
Hindi katulad sa lugar na pinapangarap mo
Tahimik dito
Walang magsasabi sayo kung ano ang gagawin mo
Payapa ang isipan mo
Maririnig mo lamang ang huni ng mga ibon at ang pagpagaspas ng
hangin
Tuwing umaga pinapangarap ko na
Sana parati nalang ganito
Gigising at hihigop ng mainit na kape
BANGON
ni ROILAN D. DE GUZMAN

Andito na naman ako


Nakatingin sa kawalan
Sinisilip sa kalawakan
Ang kislap ng mga bituin
Pero di na matanaw
Ngunit hinintay ko ang sandali
At unti unti ay sumisilip ang liwanag
Ang liwanag na nagmumula sa kung saan
Sasabog sa kawalan
Kakapit sa mga ulap at
Uugnay sa dagat
Parating na ang umaga
Kumapit ka
Lumaban ka
Eto na
MGA
LARAWAN

BANTAY KALIKASAN LARAWANG KUHA NI ROILAN DE GUZMAN


UNSEEN BEAUTY OF THE SEA LARAWANG KUHA NI ROILAN DE GUZMAN
PAGLIPAD NG MGA BAGWIS LARAWANG KUHA NI ELAINE BENG MAGBIRAY
BANTAYOG LARAWANG KUHA NI ROILAN DE GUZMAN
SA KANYANG MGA MATA LARAWANG KUHA NI ROILAN DE GUZMAN

SUN PROTECTION LARAWANG KUHA NI ROILAN DE GUZMAN


BISYO
ni CYRISH MAY LOPEZ

Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan isang katagang tumatak sa ating


isipan, ngunit sa panahon ngayon ang kabataan ang sumisira sa ating
lipunan. Kabataan din ang syang mismo ang sumisira pati na rin sa kanilang
mga sarili. Pag gamit na bawal na gamot, paninigarilyo at pag inom ng
alak ang nagiging sanhi ng lahat kung kaya’t ang nagiging bunga buhay ay
nawawasak. Sa ating mundo nangyayari ito dahil sa kakulangan ng atensyon
ng ating mga magulang o di kaya’y pang bubugbug ng mga mahal sa buhay.
Hindi nila alam na sila mismo ang nag tutulak na mapalihis ng ibang landas
ang isang kabataan. Habang tumatagal dumadami ang kabataan napupunta
sa pariwarang buhay. Sinasabi ng ibang kabataan nag papakasaya lang sila
ngunit ang hindi nila alam na papasobra na ang pag gamit na bawal na gamot
na syang nagiging dahilan kaya nagagawa nila ang bagay na di dapat gawin
sa madaling salita lumalakas ang kanilang loob. Dito din nagsisimula ang
pagiging isang batang ina at ama dahil lamang sa alak na kanilang pinag
sasaluhan, dahil nawawala sila sa kanilang sarili kapag madami silang nainom
na alak kung kaya’t nag kakaroon ng pangyayari na di dapat nangyayari na di
nila nalalaman.
Dumadating sa punto na hindi makontrol ng mga kabataan ang kanilang
mga sarili. May mga bagay na nagagawa silang kasalanan katulad nalang
ng pang bubully sa mga kapwa kabataan o di kaya’y nawawalan na sila ng
respeto sa iba. Unting-unti ng dumarami ang mga kabataang nalululong sa
masamang bisyo kung kaya’t nauubos na ang populasyon ng kabataan na
gumagawa ng tama. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na hindi na sila
puwedeng magbago, may paraan ang lahat upang bumalik muli sila sa tamang
landas na dapat nilang tahakin, nalululong man sila sa masamang bisyo pero
may solusyon na magagawa. Sisimulan nila ito mula sa kanilang mga sarili
sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga magulang o sa mga taong na
nakapaligid sa kanila. Kailangan nilang sundin ang sinasabi ng kanilang mga
magulang o kaya sa mga taong nakapaligid sa kanya upang maiwasan nila
ang masamang bisyo.
Sa pamamagitan nito matutulungan ang mga kabataan na magbago o
gumawa na nang tama. At bigyan ng pag asa na magkaroon ng pangarap sa
buhay. Kung kaya’t ang sinasabi nilang katagang ‘ ANG KABATAAN ANG PAG-
ASA NG BAYAN” ay mag kakaroon ng saysay para mas mapaunlad ang ating
bansa. At dahil dito lalong lumalakas ang reputasyon ng mga kabataan na
mas gumawa ng kabutihan upang makatulong ito sa ating bayan imbis na
malululong sila sa masamang bisyo. Nakakatulong din ito sa kanila upang
mabuhay sila ng masagana, bukod dito pwede pa silang maglingkod sa ating
bansa upang makatulong sa nakararami at sa kanilang pamilya. Sila din ang
magiging modelo upang ang mga ibang kabataan ay umiwas sa masamang
bisyo.
KORAPSYON
ni CYRISH MAY LOPEZ

Ito ay matagal na
Sana ay malutas na
Maraming naghihirap
At nahihirapan pa
SELDA NG KAHIRAPAN
ni CYRISH MAY LOPEZ

“Kamusta na kaya sila?” sambit ko sa sarili habang nakahiga


sa madumi at mabahong sahig, dito sa kulungan. Ako si Ana, 21
anyos at kasalukuyan nakakulong.
Ang buhay namin ay hindi nalalayo sa kalagayan ng ibang tao,
nakatira lang kami sa isang maliit at sira sirang kubo niluma narin
ng panahon. Dose anyos ako ng mamatay sa isang aksidente ang
aking ama. Dahil sa kahirapan ng buhay ay hanggang Grade 3
lamang ang natapos ko. Lima kaming magkakapatid ako ang
pinakamatanda samin kung kaya’t obligasyon kong tulangan
si inay sa paglalabada kina Aling Perla para magkaroon ng
pangtustos sa pangaraw-araw na gastusin. Halos hindi pa sapat
ang kita kahit dalawa na kami ni ina nag lalabada at kumakayod
para sa aming pamilya.
Dala ng kakulangan sa pinasyal ay kinakailangan naming
magtulong tulong magkakapatid na kumita ng pera sa
pamamagitan ng pangangalakal at pangongolekta ng bote, bakal
o kahit anong puwedeng ibenta. Sa pagtakbo ng oras at araw,
pinipilit naming kumita para magkaroon ng panlaman sa tiyan
kahit dalawang beses lamang sa isang araw. Pero dumating sa
punto na pati si ina ay bumigay na din, nagkasakit ng malubha at
makalipas ng 6 na buwan ay tuluyan na niya kaming iniwan. Hindi
lang responsibilidad sa pag aalaga sa mga kapatid ko ang naiwan
kundi malaking utang din na nagastos namin sa pag papagamot
sa aking Ina.

“Lisa bilisan mo para makarami tayo na makolekta ng basura


na pwede natin ibenta “ sigaw ko sa kanya.
“Oo ate Ana binibihisan ko lang si ineng” ani ni Lisa.
Bote, bakal, at plastik ang tanging palagi naming isinisigaw.
Sa tambakan ng basura lumilipas ang maghapon naming
magkakapatid. Sa araw araw naming pangongolekta maswerte
na ang dalawandaang piso na kita. Hindi rin sapat ang kinikita
ko sa paglalabada. Kapansin pansin na ang pangangayat ng mga
kapatid ko. Hanggang sa isang araw.
“ Ate, ate… ate Ana!..” humahangos na tumakbo ang kapatid
ko sa akin habang ako ay naglalaba.
“Bakit Lisa?” Nag aalala kong tanong sa kanya.
Nawalan ng malay ang bunso naming kapatid sa tambakan.
Dali dali akong umalis at pinuntahan ang kapatid ko. Namumutla
at di pa rin nagigising ang kapatid ko, kaya dinala ko agad naming
siya sa pinakamalapit na hospital. Pero ng dumating kami sa
hospital, hindi kami pinansin ng mga tao dun dahil sa dugyot at
mabaho namin na pananamit. Umiiyak na ang mga kapatid ko, at
sobrang galit ang nararamdaman ko. Hindi na maganda ang lagay
ng kapatid ko kaya kahit pinipigilan ako ng nars at gwardya, pinilit
kong pumasok sa office ng doktor.
“Doc pakiusap tingnan nyo na ang kapatid ko.” Nagmamakaawa
kong sambit sa doktor.
“Pasensya na ineng pero malaking pera ang kelangan
nyong bayaran, at mukhang kahit isang kusing ay wala kayong
maibibigay?” panghahamak na sambit ng doktor sa akin.
Dahil sa sinabi ng doktor, nagdilim ang paningin ko, agad
kong dinampot ang isang bolpen at sinaksak sya sa leeg. Nang
matauhan ako sa ginawa ko ay agad akong tumakbo palabas. Pero
naharangan agad ako ng gwardya at agad hinuli. Humahagulhol
ang mga kapatid ko ng makita nila ako. Nag aagaw buhay naman
ang bunso namin na kasalukuyan ng nakahiga sa sahig ng hospital.
Nakulong ako dahil sa ginawa ko. Nabalitaan kong namatay ang
bunso namin, na hindi man lang nalalaman ang sakit. Nakaligtas
naman ang doktor na nasaksak ko. Magkakahiwalay na ang mga
kapatid ko dahil ibat- ibang tao ang umampon sa kanila. Wala na
kong balita sa kanila. Araw araw sa kulungan nag aabang ako na
may dumalaw para makibalita. Nasaan man sila, alam kong malaki
ang galit nila sa akin. Isang araw na naman ang lumipas dito sa
kulungan. Isang araw na pinahihirapan ng mga kasama dahil sa
pagiging mahina ko. At isa na namang gabi na malamig, nakahiga
sa madumi at mabahong sahig ng selda na tumutulo ang luha at
inaalala ang mga nangyari sa buhay ko. Isang gabi na naman na
nagtatanong na “ kung hindi kami mahirap, masaya kaya kami
ngayon? “
PAGBABAGO
ni CYRISH MAY LOPEZ
Isang kwento tungkol sa pag babago
Nag umpisa tayong dalawa sa salitang ikaw at ako
Hanggang sa maging salitang tayo
Gumawa tayo ng sarili nating kwento
Isang kwento na bibida sa mundo
Ayaw nating humantong sa salitang baka mag bago
Pero di ko inaasahan na dadating sa puntong magiging totoo
Ngunit napagtanto ko na sa ginagalawan nating mundo
Ay sadyang Maraming nag babago
Isang kwentong puno ng pag babago
Kasabay ng pagbugso ng ULAN, ang pagpatak ng aking luha
Luha na walang katapusan, na sya ding tumapos sa ating kasiyahan
Kulog at kidlat ay nagsidatingan ,at parang sumabay sa aking nararamdaman
Pinaghalong lungkot at galit ang ipinaranas ng ulan
Upang matanggal ang maduming nararanasan
Kasabay ng pagbabago ng klima , ang pagkamatay ng bagay nabubuhay at ng
pakiramdam
Sadayang ganto ang mundo gawin mo man ang lahat pilit na may magbabago
Gaya ng mga bagay at pagtingin nya sayo
Dahil ganun lang talaga, sa una lang lahat masaya
Sa una lang ipapakita kung gaano kahalaga
Kaya kung ako sayo mamimili na ako
Bibitaw naba ako o kakapit sa pangako mo na ikaw at ako
Dahil ito ang totoo tayo ang sumisira sa ginagalawang mundo
Ultimo sarili natin ay ating niloloko
Klima muling nagbago,sumikat muli ang araw nasilayan ang panibagong
panahon
Panahon na kailan man hindi mananatili, dahil katulad mo hindi ka nanatili
sakin
Dahil kahit panahon nag babago, upang sirain ang mundong ating ginagalawan
Ikaw nagbago ka upang sirain ang relasyong ating ipinundar
Sadyang pagbabago ng panahon ang sisira sa ating samahan lalong lalo na
salitang tayo na ating binuo
Sa pag bago ng panahon may pag asa pa itong bumalik sa ganda ng kapaligiran
na iyong kinagisnan
Ngunit nung ikaw ang nag bago, wala ng pag asang bumalik ito dahil may bago
ka ng mahal
Kasiyahan ng ibang tao makitang maging ligtas sila , pero kasiyahan mo ang
makasama ang bago mo
Pagbabago ang sya mismong sisira sa atin sa klima man o pagmamahal ng
isang tao
Dahil kapag nagabago ka lahat ng alaala mawawala nalang bigla.
PANTAY NA PAGKILALA
ni CYRISH MAY LOPEZ

Di mo man maisip yaring problema ng lipunan,


Tingin sa tao, tila ba ay di timbang
Babae o lalaki sila ay iisa lamang,
Subalit tila mata mo ay bulag sa katotohanan,

Babae ay may sariling gampanin sa ating bayan,


Lalaki din naman ay may tungkulin sa lipunan,
Bakla, tomboy man ay may puwang sa sanlibutan,
Di dapat husgahan sa anyo at kasuotan,

Pantay na pagtingin dapat ay ugaliin,


Walang mayaman o mahirap,
O di kaya'y Walang bata't matanda,
Sa mundong ating ginagalawan isiping pantay-pantay tayong isinilang.

Husgahan mo ng nararapat,
Isaalang alang ang karapat-dapat.
Lipunan ay sobrang magulo,
Tumingin sa lahat ng angulo.
Pagkakakilanlan ay hindi siya ang puno at dulo,
Kawalang respeto sa iba ang nagdudulot.

Magkaiba man ng kasarian, iisa lang ang tinatanaw.


Wag maging sakim sa lipunan,
May mga tao parin nahihirapan at tinatapaktapakan.
Makataong panghuhusga ay igawad,
kapaligiran ay magliliwanag.
Kasarian ay hindi basehan,
ugali ay huwag gamitin sa kasamaan.
Tao din sila na nasasaktan,
Pangungutya ay huwag kaugalian.

Maaaring katangian nila'y hindi ninyo gusto


Sapagkat iba sila, iba kayo
Hindi nila kayo pipiliting pakisamahan
Sa paligid nila ay kontento na at nasisiyahan.

Kalahati ng lugar ay tao,


ang kalahati ay hindi nagpapakatotoo.
Pawang papel na blangko,
Tinta ng bolpen ay inaabuso.
Sa bawat letra at kataga na isinusulat,
Pilit nilang binubura para di makabuo ng isang aklat.
Kataga na siyang bumubuo,
Iakma mo man ay hindi magiging konkreto.
Kasarian ng ibang tao,
Binibigyan ng masamang nilalaman na sa lipunan ay pilit inilalayo.
Ugali ay makapangyarihan, Maling gamitin iyo sa kamalian.
Sino ka man sa mundong ibabaw,
Hindi masisindihan ang iyong lampara kapag ayaw mong magpailaw.

Hindi kayang tanggapin ng nakararami,


'Pagkat pansarili lang pinipili.
Gawing positibo ang puso,
Iwasan ang negatibo para sa paglago.
Bakla ka man o tibo,
Basta layunin mo ay sa ikabubuti ng mundo ipaglaban mo.
Lalaki ka man o babae,
Sarili mo ay dapat ipabmalaki.
PAGBABAGO
ni CYRISH MAY LOPEZ

Paano?
Paano ko sisimulan ito,
kung alam kung Sa huli talo ako
Napakadami ng problema ng ating lipunan
SUMABAY KA PA!
Kung kelan masosolusyonan na,
DUMAGDAG KA PA
Haisst isa kang problema
Gusto mo bang ilahad ko sa kanila ang ating kwento ?
Kwento kung paano naging takbo ng ating relasyon?
Kung paano naging BASURA ang ating kaligayahan?
Kung paano naging BASURA ang ating samahan?
At higit sa lahat kung paano naging BASURA ang ating
pagmamahalan

Mahal natatandaan mo pa ba ang sinabi mong


“MAHAL KITA”
Na akala ko’y totoo ngunit hindi naman pala
Mahal, pinag malaki kita sa iba
Lahat ng ating alaala, itinapon mo
Tinapon mo, tulad ng isang basura
Akala ko hindi ka katulad nila
Akala ko hindi ka isa sa kanila
Pero mahal nagkamali pala ako, dahil isang araw
nagising ako sa katotohanan
Na ang lahat ng mga salitang binitawan mo sakin
noon
Ay pawang KAPLASTIKAN lamang, dahil ayaw mong
malaman ko na may mahal ka ng iba
Pinilit kong linisin upang maging mabuti sa
pakiramdam
Unti unti kong inayos upang maging magandang muli
Ngunit isang araw nakita ng dalawang mata ko ang
isang kalat “ISANG PAPEL”
Papel na nakita mo na pahara hara sa daan
Kasabay ng pag patak ng luha ko ang sakit na
nararamdaman
Dahil, mahal di mo alam kung gaano kasakit na hindi na
ako ang pumapapel sayo, kundi sya na
Inaaliw ko ang sarili ko, naglakad lakad ako
Pinagmamasdan ang buong paligid,
Mga batang naglalaro ng tumbang preso, gamit ang
“ISANG LATA at” tsinelas
Na pagkatapos paglaruan iiwan na lang basta- basta
Ngunit patuloy akong naglalakad, hanggang sa may
masipa ako Isang lalagyang walang laman
Isang lalagyan ang walang laman ang nakita ko sa daan
“ ISANG BOTE” dinampot ko ito
Tinitigan ko ito, isang boteng walang laman ngunit pag
nalagayan ng laman mapapakinabangan Kaya napag
tanto ko na wala man akong pakinabang ngayon
Pero dadating sa puntong magkakaroon pa rin ako ng
pakinabang
Itinapon mo man ako ngunit sa huli mag sisisi ka
Pinilit kong maging matatag tulad ng” ISANG BAKAL”
Bakal na kailanman di ako kayang wasakin
Mahal, itinapon mo man ako basta basta Iniwan mo man
ako basta basta
Ngunit pag may pumulot saking iba, mag sisisi ka
Wala man akong halaga sa ngayon
Ngunit dadating sa puntong mapapagtanto mo din
Na nag kamali ka

You might also like