You are on page 1of 2

TEKSTONG DESKRIPTIBO

“ANG MAPAGLARONG NGUTI NG ISANG INA”

Ang nguti ay isa sa mga magagandang tanawin na makikita natin mula sa mukha ng isang
tao. Mga mapupulang labing humuhugis arko sa bawat pagkakataon na magkakausap kami at
mga matang nagpapahayag ng mga kaaya-aya at masasayang karanasan na tila nag-uutos sa
aking mga labi na gantihan rin ito ng matatamis na nguti. Ngunit sa likod pala ng nakahahawang
nguting ito ay may kumukubling kalungkutan at kahirapan na nadarama ng aking ina.
Sa pagbungad pa lamang sa pintong binabalutan ng puting pinta ng aming tahanan ay
masisilayan na rito ang aming sala. Sa gitna nito ay naroon nakapwesto ang malaking telebisyon
napinaliligiran ng tatlong malalambot na sofa. Ito ang lugar sa loob ng aming bahay kung saan
kami ay sama-samang nanunuod at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari. Dito rin naming
paulit-ulit na pinakikinggan ang kwento ng aking ina. Bata pa lamang ako nang marinig ko ang
kwento na aming ina. Sabi nito, simula pa lamang nang malaman niyang dinadala ang panganay
na anak nila ni Papa ay labis na kagalakan na ang kanilang nadama, at labis pa itong nadagdagan
nang kaming mga sumunod pang mga anak ay ibiniyaya sa kanila ng Panginoon. Bakas sa mga
mata nito na tunay ang bawat salitang kaniyang isinasambit. Hindi lamang iyan kundi marami
pang mga masasayang pangyayari ang sinabi nang aming ina.
Sa loob ng ilang taon nang iluwal ako sa sinapupunan ng aking ina, kailanma’y hindi ko
naramdaman na may malaking problema ang aming pamilya. Ito ay sa mga kadahilanang sa
bawat pag-uwi naming magkakapatid ay malayo palang kami, mula sa aming tahanan ay amin ng
natatanaw ang isang babae. Ito ay may tama lang sa tangkad, matabang katawan, may mahahaba
ang buhok na nagbibigay hugis sa kanyang mukha, na sumasalubong sa amin sa tapat ng aming
bahay na may galak at nguti na makikita sa kanyang mga labi. Hindi mababakas sa kanyang
mukha ang pagod resulta sa buong araw na pagtatrabaho.
Akala ko maayos ang lahat, akala ko walang problema, akala ko kami na ang masayang pamilya,
ngunit ang lahat ng ito ay isang maling akala lang pala. Isang beses nang mapaaga ang aking
pag-uwi hindi ko inaasahan ang aking nadatnan. Papalapit pa lang ako sa aming pinto, narinig ko
na ang hagulhol ng aking ina. Nababalot ng tanong ang aking isipan. Hindi ko alam ang aking
gagawin. Binuksan ko ang kahoy na humahadlang upang makita ko ang hinagpis na nadarama ng
aking ina. Bawat hikbi, bawat patak ng mga luhang sumisimbolo ng kalungkutan na dumadaloy
sa kanyang mga pisngi ay siya rin ang bawat kirot na nadarama ng aking puso. Halata sa
kanyang mukha ang pagkagulat nang Makita niya ako. Dali-dali niyang pinunasan ang luha sa
kanyang mukha at sa muling pagkakataon ay nagkaroon na naman ng hugis sa kanyang mga labi.
Muli itong ngumiti na tila wala siyang sakit na nadarama. Ngunit hindi maitatago sa kanyang
bilugang mga mata ang hinagpis sa mga ito. Dito ko nalaman ang balita na nagpabago sa aming
buhay. Ilang taon na pa nang malaman niya ito at ilang taon na rin siyang nagdudusa dahil dito.
Hindi ko inasahan ang ganitong pangyayari sa aming buhay, lalo’t pa sa aking ina.
Labis akong nasasaktan sa mga oras na iyon kaya’t siya’y aking hinagkan. Kaya sa mga
pangyayaring iyon ako’y natauhan. Natutunan ko na hindi lahat ng nguti ay saya, hindi lahat ng
tawa ay tuwa at hindi lahat ng ating nakikita ay totoo, sapagkat may pagkakataon na ang puso
lamang ang makadadama nito. Simula noon ay hindi na ako muling nagpalinlang pa sa mga
nguting ipinapakita ng aking ina. Hanggang ngayon ay ikinukubli niya parin ang lungkot sa
kanyang mga nguti, ngunit bago pa ako maniwalang muli ay tinititigan ko muna ang kanyang
mga mata. Marahil ay ito lamang ang kanyang paraan upang patuloy na maging matatag, ang
makita kaming masaya. Kaya’t para sa kanya, kami ay magpapakatatag rin.
Isang mapaglarong nguti ng aking ina, na araw-araw niyang pinapakita sa amin ang saya na
nadarama, ngunit sa likod ng lahat nang nguti at tuwa, ay may mabigat na dina-dala. Klase-
klasing mga nadarama na hindi ipinapakita, nguting nakakaakit at tawa na nagbibigay saya sa
puso ng bawat isa. Ngunit alin ba ang totoo? Hindi mo makikita ang totoo kung hindi mo siya
tinititigan sa kanyang mga mata, mga matang mahirap makuha pero ramdam mo ang tunay na
kanyang dala-dala. Ang nguti ng isang inang walang katulad.

You might also like