You are on page 1of 2

Jendelyn G.

Cagatin March 31, 2023

10-Pegasus

Anak: Ina

Alas- dyis ng umaga at ako’y tahimik na nakahiga lamang sa kama. Nasa klinik kase ako ng
Doktor ko, si Dra. Climente. Mabait po siya at napakamahinahong doktor. Palagi ko siyang nakikitang
nakangiti at tumatawa. Siguro nga po ay palagi siyang masaya at para pong walang dinadalang
problema. Kung kaya’t sa halos buwan buwan kong paglabas-pasok sa kaniyang klinik ay nagiging
inspirasyon ko na siya upang maging doktor din, para makagamot din ako ng mga katulad ko na may
mga karamdaman. Naalala ko pa nong unang punta ko sa klinik niya upang magpatingin. Sa
maganda, malawak at malinis niyang waiting area pa lang masasabi ko na nakahanga hanga ang mga
tao dito. Natatandaan ko noon ang una naming nakakatuwang usapan.

“Anak, anong Pangalan mo?” ang mahinahong tanong niya sa akin. “Zeah Scarlet Cebastian
po” ang siya namang tugon ko sa kaniya sabay suot ko ng aking lumang sapatos na ang kaliwa ay
pula samantalang kulay dilaw naman ang kapares. Pagkatapos nasundan ng mga tanong na, “ Anong
pangalan ng mama mo?” “ Ilang taon ka na?” “Sinong papa mo?” at madami pang iba, pero
natatandaan ko naman na hindi niya na po tinanong mga paborito kong pagkain at ulam. Hindi na
rin po ako nagtagal, sapagkat may kasunod na pasyente pa na naghihintay sa kaniya. Sa paglabas ko
sa may pinto ay sinalubong naman ako ng aking ina, may mga ngiti sa kaniyang labi habang sinasabi
niya sa aking “ ang galing mo anak, pwedeng pwede na talaga kitang iwan” sabay talon ko sa
kaniyang binti at yakap ko sa kaniyang dibdib. Umalis din kaagad kami sa klinik pagkatapos iabot sa
kaniya ang reseta ng gamot, na may kasama mga papeles. Nakita ko po kase na makapal ito at may
naaninag akong kulay asul sa loob ng envelop. At pagkatapos po ay nagtungo kami sa Jollibee upang
tuparin ni inay ang kaniyang pangako na pagkatapos ko magpatingin sa doctor ay kakain kami sa
masarap at paborito kong kainan.

“Mama, anong araw na po ngayon? Malapit na po ba ang birthday ko? Gusto ko po ng


madaming balloons, at saka po dalawang cake, tapos mayroong din pong mga palaro at clown”
masaya niya naman akong tiningnan at sinabi pang “ sus, kahit pa sampung cake basta ipromise mo
sa akin na magiging happy ka!” ang naluluha luhang tugon niya sa akin ng mayroong pagngisi. At
pagkatapos ay masaya naming inubos an aming fried chicken at ang baso na mayroong coke. Hindi
na din kami nagtagal,at umalis na din kami kaagad sa restaurant na iyon.

Makalipas ang ilang mga araw.

Dumating na ang araw ng pagpasok, isang nakakapanabik na pagsisimula ng bagong klase


pagkatapos ng halos dalawang taong paghohome school ko, “ Sa wakas, mararamdaman ko na kung
paano nga ba ang maging simpleng bata na may simpleng buhay at nakapag-aaral sa tunay na
paaralan. Tunay na napakasaya ko sapagkat maeenjoy ko na din ang maging mag-aaral at makakilala
ng bago at mahuhusay na guro gayundin ng bagong kaklase” ang nababatid kong nadirinig ng isip ko
mula sa puso ko. At pinagpatuloy ko lang ang masasaya’t nakasasabik na gawain sa paaralan.

Dumating na ang pinakahihintay ko, ang aking kaarawan. Mayroong cake, mayroong
matataas at mabibilog na lobo, mayroon din namang clown at mga palaro. Masayang masaya ako
dahil ang lahat ng inimbita ko ay nagdatingan,at hindi lang dahil doon- sapagkat mayroon silang
dalang mga regalo. Mayroong nakabalot sa plastic, mayroong nakalagay sa paper bag at ang
malalaking regalo naman ay nakalagay sa isang makinang na mga kahon. “ Happy birthday to you,
Happy Birthday happy birthday, Happy Birthday to you” ang awitan ng mga dumalo.
Bago pa man matapos ang gabing iyon, ay dumating si Gng. Climente, ang aking doktor.
Hindi ko naaalala na nabanggit ko sa kaniya na ako’y magkakaroon ng selebrasyon kung kaya’t ako’y
ako’y nahihiya at nagtataka din. “ Ang akala ko ba’y palaging busy ang mga doktor kung kaya’y ni
hindi ko na sinubukang imbitahin pa siya. May dala dala siyang isang napakalaking regalo na
nakalagay din sa kahon. Napakagara, sapagkat tunay na kumikinang ang kahong ito. “ Ano nga bang
laman nito” ang tanog ko sa sarili ko, sabay punta sa iba pang mga panauhin ko.

Hindi pa man natatapos ang gabi, ay nangyari ang hindi inaasahan. Ang aking katawan ay
biglang humandusay sa sahig, at ang akin namang ulo ay nahilo. Kumukurap kurap ay nagising akong
nasa kama, nakasuot ng kuloy asul na damit. Mayroong nakalagay sa aking bibig at mayroon
namang naksabit sa aking kamay.

“ Inay, inay” ang sigaw ko ngunit tila ba walang nakaririnig sapagkat wala lumalabas sa bibig
ko na kahit na anong boses. At pagkatapos ng ilang minutong pagsigaw, ay biglang may pumasok sa
pintuan. Hindi ko ganoong maaninag ngunit suot niya’y kulay asul lamang. Umiiyak na humawak sa
aking kamay at sabay halik. Biglang tumulo ang aking luha, na para bang ulan. Hindi naman ako
makagalaw.

Maya maya ay nagwika siya “ Patawad anak. Patawad!” “ Hindi ka isang pagkakamali, bagkus
ay isang biyaya, hindi ka isang kamalasan anak, patawad! Patawarin mo ako, kung naging mangmang
ako nong mga panahong sinubukan kitang ipalaglag. Ngunit batid kong hindi lang yon ang aking
pagkakasala at pagkukulang sa iyo. Isang malaking pagkakamali ang ipalaglag ka. Nagawa ko lamang
iyon dahil sa ito na ang nakagisnan ng pamilya natin, dahil gaya ko ayaw kong magdanas ka ng iba’t
ibang paghihirap. Ayaw kong makita mo kung gaano kalupit ang mundo.” pagkatapos ay nanahimik
siya at pinahid ang luha niya.

“Simula pa lang nong unang tungtung mo sa aking opisina, mula sa unang pagdinig ko sa
tibok ng puso ko ay lumapit na agad ang loob ko sa iyo, ayaw ko na kaagad na paalisin ka, ngunit ang
iyong mama ay naghihintay sa may pintuan.” Sino ba namang mag-aakala na ang lingo linggong bata
na pumupunta sa akin ay siya na pa lang kahati ng buhay na may bahid ng dugo ko?” ang mga huling
salitang narinig ko bago ko pa siya narinig na humagolhol sa pag-iyak.

Doon din nong gabing iyon, sa pagpikit ng mata ko ay nakilala ko siya. Doon ko din
nasimulang maintindihan na ang resetang ibinibigay niya ay hindi para sa gamot ko, bagkus ay
pambili ng aking mga pangangailangan. Kung kaya’t kahit si inay ay hindi na kailangang maging guro
pa, sapagkat ang kaniya ng trabaho ay ang tumayong mga magulang ko; ang maging ina ko. Kung
kaya’t hindi niya na kailangang itanong kung anong paborito ko na manok upang ipagbawal sa akin.
At doon ay nagsimulang bumaba ang aking dugo, at nagsimulang humina ang tibok ng puso ko. At
doon inakala kong magtatapos ang kwento.

Pagkalipas ng isang buwan na aking pagkakakulong sa hospital, ay hindi ko na nagawang


kamustahin siya. Ni hindi ko manlang nagawang pasalamatan siya, para sa kabutihan niya. Siya na
tumayo bilang tunay kong ina, ang nagligtas at nagbalik sa akin sa mundong ito kahit pa kapalit ay
ang pamamaalam niya. Ngayon bago ko po tapusin ang mahabang mensahe ko at ang aking kwento
ay nais ko lamang pong ipakilala ang aking sarili muli. Ako po si Zeah Scarlet Cebastian Climente, ang
panganay na anak ni Nuerosurgeon na si Gng. Beverly Climente at tagapagmana ng Climente
International Hospital ay nagpapasalamat at nagbibigay pugay sa aking kinilala at minahal bilang
tunay na ina na si Seanzeah Cebastian para sa huling pagkakaton. Hanggang sa muli, paalam at
salamat po aking ina.

Nagmamahal,

Zeah Scarlet Cebastian Climente.

You might also like