You are on page 1of 3

PAGBANGON

Ako si Jennifer Season. Isang ordinaryong mag aaral na naglilingkod sa


elementarya. Isa lang akong normal na bata kagaya ng iba, isang bibo at
tahimik na bata ang kaugalian ko noong nasa elementarya. Ngunit sa kabilang
palad, bata palang ako ay nakakaranas na ako ng pananakit, pang aabuso at
pang aaway saakin ng mga ibang mag aaral. Mahirap lang ako, at ang kasama
kolang sa pag ahon ng buhay ay ang aking ina. Hindi ko pinapansin ang mga
batang nariyan upang abusuhin ako at insultuhin dahil sa taglay kong
kahirapan, kahit isang pagkakataon ay hindi ako sumagot sakanila, sapagkat
alam ko ang kayamanan ko, ito ay ang aking ina. Nababalot ang buhay ko ng
sakit ng loob, ngunit ni isang araw ay hindi ko ito ibinuhos sa harap ng isang
tao, ipinilit kong umahon, at mag aral ng mabuti. Parte narin ng buhay ko ang
pagiging nerd, aktibo ako sa klase namin, kalubusan ay ako ang nakakakuha
ng matataas na marka. Mahirap ang pinag daanan ko noong elementarya, wala
akong kaibigan o kapwa na magpapahinahon saakin, ang aking inay ay
mayroong malalang sakit kayat't lubos kopang ginalingan sa pag aaral. Ito ang
payo saakin ng aking magulang na sisiguraduhin kong pahahalagahan ko kahit
sa kabilang buhay. Nais kong maging arkitektura, may potensyal ako sa
pagguhit at nais kong ibahagi ito sa maraming tao. Hilig ko ang pagguhit,
minsan ay ang guhit ko ang inireregalo ko saaking inay sa tuwing lumilipas ang
kaarawan nito. Alam kong sapat na ito para sakaniya, hindi humihiling ng
malalaking presyo ang aking inay, subalit, marunong siyang maging
makuntento.

Lumilipas at lumilipas ang panahon. Lumalala at lumalala ang


pananakit saakin ng aking mga kaklase na parabang katulong nila ako sa
paaralan. Nababalot ng pang aabuso ang buhay ko. Nakarating ako sa high
school na humihiling ng pagbabagong buhay, ngunit lumala ito, at naging
kadiliman ng buhay ko. Araw araw, maraming pang aaway ang nararanasan
ko, nadidiskubre ko na na parang may kailangan akong baguhin sa sarili ko, "
pero hindi e ". Halo halo ang pagtataka sa isip ko ng bakit kinasusuklaman ako
ng mga mag aaral, pasa, sugat at sabunot ang bubungad saakin sa pag apak
ko ng paaralan na para bang hindi ako karapatdapat na nandoon.

Naranasan ko ang depresyon sa batang edad, pinilit ko, lumaban at


tumutol ako para pilitin ang sikmura ko. Pinipilit ko ang sarili ko upang hindi
gumawa ng hindi kaaya aya. Ganoon ako ipinalaki ng inay ko, hinahayaan ko
sila, pinipilit ko ang galit ko sakanila. "Ngunit, tama ba ito?" "Hindi ba ito
sumusobra?" "Ang pang aabuso nila saakin na parabang hayop, paraan ba ng
biro iyon?" Mga tanong na sumusulpot nalamang sa isipan ko. Maraming taon
akong nagdusa sa pang aabuso nila. May araw na kinakausap ko ang sarili at
tinatanong sa mundo kung " Nabuhay lang ba ako sa malupit na mundong ito
upang masaktan? " ulit ulit na tanong ang nabibigkas ng utak ko. "Hanggang
dito nalang ba?" Ngunit hindi bat pinalaki ako ng magulang ko ng malakas at
may laban? Bakit? Bakit hindi ako maibalik sa panahong buo ang pamilya
namin habang nasa hardin na sama samang naglalaro at nagtatawanan. Bakit
hindi ako maibalik sa panahong hindi pa ako nakakaranas ng ganitong sakit?
Parang isa na sa pangarap ko ang maibalik sa nakaraan at ibalik ang
pinagmulan. "Nararapat ba talaga saakin ito?"

Mayroong pagkakataon na gusto konang sumuko. Ngunit naiisip ko,


"Paano ang aking inay?" "Sino ang mag aalaga sakaniya?" "Paano ang pangarap
at layunin ko?" Iyan ang mga salita na nakakapag bigay ng motibasyon saakin
at tumatatak sa isipan ko. Ayoko ng lumaban, ngunit pinilit ko. Ayoko ng mag
aral, ngunit pinipili ko ang kagustuhan ng inay ko. Pero. Nasasaktan ako,
minsan ay ako na ang nananakit sa sarili ko. Ulit ulit akong papasok sa
paaralan ng may halong sakit sa kalamnan ko. Ang hirap palang dumaan at
pumalibot sa mga taong kinasusuklaman ka ng lubos. Sa kagustuhan kolang
na alagaan at bantayan na lamang ang inay ko sa tahanan ay napilitan parin
akong bumangon at mag aral. Hindi ko maiwasang hindi masaktan, tunay ba
akong taong dapat mahalin? O taong dapat masaktan? Sa lahat ng
nararanasan ko, wala akong inisip kundi ang kapakanan ng aking ina. Palipas
ng palipas ang araw, hindi humihinahon ang pakiramdam ko, ang tanging
nagsisilbing pahinga at gamot ko nalamang ay ang aking ina. Sa ngayon ay
pinipilit kong lumaban, hindi alam ng inay ko ang pinagdadaanan ko, itinatago
ko ito sakaniya. Dahil ayokong ikasuklaman niya rin ako kagaya ng iba.
Tinatakpan ko ang aking mga sugat, itinatago ko ang aking mga bitamina para
sa pagtulog na aking pinahahalagahan. Ayokong malungkot at mahirapan ang
aking ina, may pinag dadaanan din siya. Malubha ang kanyang sakit, ganun
paman ay patuloy niya akong inaalagaan, nagpapasalamat ako sa panginoon,
dahil kahit papano, binigyan niya ako ng ina na lubos pa sa hinihiling ko.

Gusto kong maglaho at magwala, subalit ayaw ko ng mabuhay na


nakapaligid ng mga taong ayaw saakin. Hindi ko na nararamdaman ang
presensiya ng sarili ko, ang tanging naiisip ko nalamang ay ang aking ina. "
Kamusta ang araw mo anak ko?" Ang tanong na palaging nanggagaling sa inay
ko " okay lang po, inay" ang kasinungalingan na tugon ko, kay hirap sumikreto
sa inay ko, araw araw akong nakakaranas na parabang impyerno, ngunit wala
siyang kamalay malay. Pinilit kong hindi ibuga at umamin sa aking inay,
sapagkat ayokong madagdagan ang problema nito.

Iba't ibang sakit ang naranasan ko, depresyon at pagkabalisa ang


nadatnan ko sa gradong ito. Ako ang nangunguna, kayat't nakakaramdam ako
ng presyon, kaba at pilit mag aral para sa matataas na marka.

Maraming masasakit na karanasan ang nalakbayan ko sa buhay, ganon


paman ay nakatawid ako rito, sa gabay ng aking inay, nakatungtong ako ng
kolehiyo. Dito ay nakaraos ako, natuto ako ng pagpapahalaga, pag aalaga at
higit sa lahat ang pagkakalakas ng loob. Nakahinga ako ng maluwag, at
napagdisisyunan kong ayusin ang buhay ko, na ayusin ito sa tamang
pamamaraan at maka hingang maluwag sa lahat ng bugbog na naramdaman
ko noong nakalipas ako sa elementarya at highschool. Dito sa kolehiyo, nakaka
presyon, ayokong bumagsak at pinilit kong pumasa upang makamtan ang
pangarap ko. Doon, naramdaman ko ang pagkatao at ang presensiya ko. " kaya
moyan anak, nandito lang ako para sayo" ang matatamis na mga salitang pag
gabay saakin ng aking inay, kaya ako nakakalagpas sa mga pinag daanan ko.
Sa dating panghuhusga, bugbog, pang insulto, utus utusan at pang away
saakin ng iba na parabang susuko na ako, ngayon ay natawid ko ito at patuloy
na humahanga sa pangarap ko, ang pagiging arkitektura.

Maraming taon ang makalipas, ngayon ay isa na akong taglay na


arkitektura. Nabibili kona ang mga pangangailangan ko at ng inay ko, sugal ko
sakaniya ang buhay ko. Ng dahil sakaniya, nandito ako sa kinatatayuan ko
may karangalang trabaho. Pinaniwalaan ko ang inay ko, at doon, binigyan niya
ako ng daan patungo sa pagiging matagumpay. Sa kabila ng pinag daanan ko
ng maraming taon, nasuklian ito ng napakagandang reputasyon, nakabangon
ako mula sa presensiya ng inay ko. Gabay, pagmamahal at suporta ang
inililingkod nito saakin.

Ngunit ngayon, ang inay ko ay nasa ospital, nag aagaw buhay dahil sa
kaniyang sakit. Hindi ko kinakayang nakikita ang inay ko na nahihirapan sa
kaniyang malubhang sakit. Ngunit, ipinagmamalaki ko ang inay ko,
nakakayanan niyang lumaban, alam kong lalaban siya, malakas ang inay ko,
tinuruan niya ako upang maging bibong tao, kayat't alam ko na kakayanin
niya. Araw araw, bumibisita ako sa ospital ng may dalang bulaklak para sa
inay. Ibinabahagi ko sakaniya ang impormasyon ukol sa trabaho ko.
Kwentuhan, tawanan, at kulitan ang nadadatnan ko sa tuwing bibisitahin ko
ang inay. Kahit pagod ako, pinupuntahan ko ang inay, dahil nawawala ang
pagka bigo ko sa tuwing nakikita ko ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko.
Nakakatuwa si inay, " wag kang mag alala anak, lalaban ako" palagi nitong
saad, nakaka tunaw ng puso sa tuwing nakikita ko siyang handang lumaban.
Isang araw. Naka ipon at nakaraos ako, kayat't nagawa kong magpatayo ng
bahay sa isang lote. Ang bahay na ito ay ang pangarap na tahanan ng inay ko,
ipinagawa ko ito upang pagsilbing regalo ko sakaniya sa lahat ng sakripisyo
nito saakin. Maaliwalas at malaki ang bahay. Nasasabik ako, sa oras na
gumaling ang inay ko ay dadalhin ko siya dito.
Enter

Gawa na ang bahay. Sa oras na iyon. Naka tanggap ako ng tawag mula
sa ospital kung saan ang aking inay.. binalita nila na, hindi na nakayanan ni
inay..pinilit niyang lumaban, ngunit nahirapan siya. Naputol ang tawag at doon
ko namalayan na sunod sunod ang agos ng luha ko ng mapa upo nalang ako sa
sahig ng bahay na pinagawa ko para kay inay. Maraming buwan ang
pagkaluksa ko simula noong mawala si inay. Nagawa nga ang pangarap niyang
bahay, ngunit anong ilaw nito kung wala ang aking inay? Natapos ang bahay,
ngunit natapos ang buhay ng aking ina. Sa kasalukuyan. Nandito ako sa
puntod ng aking ina, hawak hawak ang litrato nito habang nakangisi. Patuloy
kong ibinabahagi ang aming nakaraan. Kinukwento ko ang tungkol sa trabaho
ko. Habang hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha ko. " inay, hindi
mo manlang nakapiling ang bahay na ipinagawa ko saiyo." Sambit ko sa inay
habang nakatingin sa puntod nito. " salamat sa lahat. Inay ko"

You might also like