You are on page 1of 3

Ang Puso ng Isang Halimaw

Ni: Gian Patrize L. Baldos

Malaki ang pagsisisi ko sa aking buhay, sa kinalakihan kong lugar, sa aming


kahirapan… sa aking ina. Nakatira kami sa isang lugar na malayo sa kabihasnan.
Kasama kong naninirahan dito ang aking ina. Kasama sa pagkamuhi ko sa king
tinitirahan, kinamumuhian ko rin ang aking ina. Bakit? Sapagkat ako’y tampulan ng
tukso dahil sa kanyang hitsura. Hitsura na tila ba halimaw. Sunog ang kalahati ng
kanyang mukha, pati ang kanyang balat sa kamay, bulag ang isang mata sapagkat
naapektuhan rin sa pagkasunog. Siya ngayo’y isang hamak na mag-uuling, na
kakarampot ang kita at hindi man lang maibigay ang mga gusto ko.

“Hahahaha! Anak ng halimaw! Malamang halimaw ka rin Juana!” Araw-araw,


..ang nakakabinging tukso ng mga kaklase ko sa akin ang bumubungad sa akin.
Masakit, Oo na umabot na sa puntong gusto ko na silang lahat gantihan. Hinahatid
naman ako ng aking ina noong ako’y nasa elementarya pa, hindi ko alintana kung may
nakakita man sa amin na kasama ko siya. Pero habang ako’y lumalaki unti-unting
namulat ang mga mata ko sa katotohanan na ako pala’y nakatira kasama ang isang
halimaw.

Nasa hayskul na ako ngayon, isang araw niyan umulan ng malakas, nakita ko
ang mukha ng aking ina sa labas ng gate ng aming paaralan, nakangiti at bakas sa
kanyang mukha ang kagalakang masundo ako mula sa paaralan muli.

“ Hahahahaha, Oyy Juana, kahit maganda ka pa wala pa ring magkakagusto sa iyo


dahil may lahi kang halimaw!” sigaw ng mga lalaki kong kamag-aral.

“Tsssss, Kadiri” dagdag pa ng grupo ng mga babae na dumaan.

Tumindi ang pagkamuhi ko sa aking ina noong narinig ko ang pangungutya ng


mga kaklase ko sa akin. Tumulo ang liha ko gaya ng pagpatak ng mga ulan.

“ Bakit ba kasi ganyan ang hitsura mo! Dahil sa’yo sirang-sira ang buhay ko
ngayon! Bakit hindi ko pa kasi mamatay!” Hindi ako nakapagpigil at nasigawan ko siya.
Bukang-liwayway noon, naisipan kong takasan lahat ng aking pagdurusa, takasan lahat
ng pangungutya at sakit…. takasan ang aking ina. Dumukot ng biente-pesos sa mesa
na akin lamang nakita, saktong-saktong pamasahe sa dyip papuntang siyudad. Noong
nasa paanan na ako ng pintuan, nakarinig ako ng isang munting iyak na nangggaling sa
aming kusina. Sumilip ako at nakita kong luhaan si ina habang nagsasaing at nagluluto
ng talbos ng kamote para sa amin sanang agahan. Medyo kumirot ang aking puso,
ngunit sawa na ako sa buhay ko ditto. Dahan-dahan akong lumabas at tuluyan ko ng
iniwan ang tirahang iyon.

Napadpad ako sa siyudad ng aming probinsya. Wala ako ni isang kusing, kaya
pinsukan ko lahat ng pwedeng pagtrabahuan para matustusan at maigapang ko ang
aking pag-aaral. Wala na rin akong planong balikan ang aking ina, siya ay parte na rin
ng aking madilim na nakaraan.

Ginawa ko lahat ng aking makakaya, at nakatapos ako ng hayskul. Pinagpatuloy


ko ang aking pangarap at nakapagtapos na rin saw akas ng kolehiyo. Ngayon, isa na
akong propesyunal na enhinyero. Mayroon na rin akong sariling pamilya at mayroon rin
akong isang anak.
“ You are so intelligent and such a brilliant person, who are your parents?”

“ They are deceased.” Iyan ang palaging tinatanong sa tuwing nakakabuo ako ng isang
matagumpay na proyekto at yun na lamang ang palagi kong sagot.

Binigyan ako ng project malapit sa paaralan na pinag-aralan ko noon. Ewan ko pero tila
ba nanadya ang tadhana. Tinanggap ko ang nasabing proyekto sapagkat gusto kong
ipamukha sa mga kaklase ko noon kung ano na ang narating ko ngayon.

Nang malapit ng matapos ang proyekto, aksidenteng nahulog ang mga hallow
blocks sa kinalalagyan nito.Sa kasamaang palad, ang mga hallow blocks na ito ay
malapit sa akin, natamaan ako ng mga hallowblocks. Pagkatapos noon, wala na akong
namalayan sa mga nangyari.

Nagising ako sa isang maliwanag na kapaligiran, una kong nakita ang mukha ng
aking anak at asawa.

“Oliver, anong nangyari?”

“Juana,salamat sa diyos at ikaw ay nagising na. Nabagsakan ka ng mga hallow blocks


mahal, mabuti nalang na may matandang babae na mabilis na tumakbo at yumakap sa
iyo. Sakanya lahat bumagsak ang mga hallow blocks.”

“Nasaan siya ngayon mahal?”

“Sa kasamaang palad, pumanaw na siya mahal. Pero napagtanong ko kung saan siya
nakatira ang sabi malapit daw sa paaralang kasalukuyang itinatayo ninyo. Pero hindi
ako particular kung saan talaga, ang sabi sa tahanan daw ng halimaw siya nakaira.
Ewan.”

Noong sinabi ng asawa ko iyon, napagtanto kong si inay ang nagligtas sa akin. Noong
araw ring iyon, bumalik ako sa aming kubo, bumalik ako sa aming tahanan. Bukas ang
pinto kaya tumuloy na lamang ako. Noong nakita ko ang bahay, kumorot ang aking
dibdib, dito ko nabuo lahat ang aking pangarap, dito ako nabuhay. Nang may isang
babaeng lumabas galing sa kusina.

“Ineng naligaw ka yata?” Tanong ng babae

“ Ahh, ikaw yung iniligtas ni ate.”

“Ate?” nagtataka kong tanong

“Oo, ate ko ang nagligtas sa iyo, halika nasa likod ng bahay ang puntod niya.”

Naiyak na lamang ako ng nakita ko ang naksulat sa kanyang puntod ‘SILVINA


SANCHEZ’. Pangalan iyon ni inay.

“ kapatid ka ni Silvina?”

“Oo. Kapatid niya ako. Kaawa-awa iyang si ate noong nabubuhay pa. Naging care-taker
kami ng isang mansion ng isang mayaman na negosyante noon. Tatlong buwan pa
lamang ang kanyang anak noon, mamatay kasi ang kanyang asawa dahil sa sakit, kaya
mag-isa niyang itinaguyod ang anak. Napakabusilak ng kanyang loob. Isang araw noon,
nasunog ang mansion na aming pinagtatrabahuan. Kumaripas kami ng takbo, nang
napagtanto niyang nasa ikalawang palapag pala ang kanyang anak. Hindi niya
inalintana ang init ng apoy at lumusong sa loob ng bahay buong tapang at pagmamahal
niyang iniligtas ang kanyang anak. Ang kanyang katawan ang kanyang ginawang
pantakip para maproteksyonan ang kanyang anak mula sa apoy. Kayo noong lumabas
siya, sunog na ang kalahati ng kanyang katawan. Matapos ang insedente, nagtayo
kami ng sariling bahay at habang nagpapagaling siya ay ako naman ang nagtatrabaho.
Ngunit isang gabi niyan, nadatnan kong wala na sila ng kanyang anak sa bahay, nag-
iwan siya ng sulat na ayaw daw nilang maging pabigat sa akin. Pero hindi ko naman
inisip kahit kalian na silay pabigat.”

Pumagitna ang katahimikan sa aming dalawa.

“Hindi pa naman katagalan nang ako’y makapunta rito. Matagal-tagal ko ring hinanap si
ate at nang nadatnan ko siya, naawa ako nag-iisa na kasi siya. Itinanong ko kung
nasaan na ang kanyang anak ngunit sinabi niyang kumawala na daw sa kanyang mga
bisig. Ilang buwan na raw ang nakaraan ng Makita at mahanap niyang muli ang
kanyang anak, masaya siya spagkat maayos ang lagay ng kanyang mahal na anak,
sinisilip daw din niya ito paminsan-minsan. Hindi na lamang daw niya ginambala pa ito
sapagkat alam niyang masaya ana ang kanyang anak na wala siya. Haaay, si ate kung
ano naming pinangit ng mukha, siya naming ginada ng kalooban.” At tumawa ng
mahina ang kapatid ni inay.

“Inay! Hindi man lang kita nayakap at nasbihang mahal kita. Salamat…. Salamat”

Luhaan akong nakayuko matapos kong marinig lahat ng kwento tungkol sa aking
Ina. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya. Ako pala ang dahilan
kung bakit sunog at mukha syang halimaw. Ako ang dahilan kung bakit nagtitiis sya sa
dusa na ako pala ang may gawa. At ako din ang dahilan ng kanyang pagpanaw.
Ngayon ako naliwanagan, na walang ibang halimaw sa aming dalawa kundi ako. Ako
na walang inisip kundi ang kamuhian sya. Ako ang halimaw na pumatay sa
kanya. Hinayaan akong mapagisa ng kapatid ni ate sa harap ng puntod na iyon. Sa
puntod na aking ina, sa puntod ng isang taong sa akin ay labis na nagmahal. Isang
taong itinuring ko noon na halimaw, halimaw na may busilak na puso at
napakadakilang damdamin.

You might also like