You are on page 1of 4

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY

Taloto District, Tagbilaran City


Pre-College Department
FILIPINO 11
Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
IKALAWANG SEMESTRE
Quarter 1
IKALAWANG LINGGO
Learning Module No. 2
Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 2 hours
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
Paksa: Iba’t Ibang Genre ng Nakasulat na Teksto
Layunin:
a. Naiisa-isa ang iba’t ibang genre ng nakasulat na teksto at ang katangian ng bawat isa.
b. Nakapagsasaliksik ng isang halimbawa ng isa sa mga inilahad na genre ng nakasulat
na teksto.
c. Nasusuri ang katangian at kalikasan ng ibinigay na halimbawa.
d. Napahahalagahan ang iba’t ibang genre ng nakasulat na teksto bilang isa sa mga
mahahalagang bahagi ng mayamang panitkan ng Pilipinas.

Batayang Konsepto:

Iba’t Ibang Genre ng Nakasulat na Teksto


May dalawang panlahat na anyo ang teksto: ang prosa o tuluyan at patula.

 Prosa –tinatawag ring tuluyan ay maluwag na pinagsama-sama ng mga salita sa katutubong anyo ng
pangungusap.
 Tula –ay ang pagbuo ng mga pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig.
May dalawang kayarian ang tula:
1. Malayang Taludturan –tinatawag sa Ingles na free verse. Sapagkat Malaya, hindi ito
isinaalang-alang ang tiyak na bilang ng pantig at pagpili ng salitang dapat na
magkasingtunog sa dulo ng taludtod.
2. Tradisyunal –Ito naman ang uri ng tula na may tiyak na bilang ang mga pantig,
taludtod at mga saknong.

Ang mga sumusunod ay napabibilang sa uri ng mga tekstong nahahanay sa uring prosa o tuluyan:

1. Maikling Kuwento –Ito ay isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari
o kakintalan.
2. Dula –Isa itong anyo ng akdang panliteratura na binibigyang-buhay sa pamamagitan ng karaniwang
pagtatanghal sa entablado.
3. Sanaysay –Pagpapahayag ito ng kuro-kuro o opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o
pangyayari. Ito’y isang paglalahad at may dalawang uri; maanyo o pormal ( kung saan ito’y
nangangailangan ng pananaliksik tungkol sa paksang isusulat) at Malaya o impormal (karaniwan
lamang ang paksang ginagamit sa sulatin kaya hindi na kailangan ng ibayong pananaliksik).
4. Nobela –Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito’y hango sa
tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasaklaw ng mahabang panahon at ginagalawan ng
maraming tauhan.
5. Alamat –karaniwang hindi batid kung sino ang may-akda o sum8ulat nito. Ang mga paksa nito ay
tungkol sa pinagmula ng tao, bagay, lugar at iba pa. dahil karamihan sa mga ito ay pasalindila
lamang, nagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon ang isang alamat.
6. Anekdota –Ito’y likhang-isip ng mga manunulat na ang layunin ay magbigay-aral.
7. Pabula –Tungkol sa mga hayop ang karaniwang paksa nito. Layon nitong gisingin ang interes ng mga
bata at makapagbigay-aral sa mga mambabasa.
8. Parabula –Ito’y salaysaying hango sa Bibliya. Layunin din ntong makapapagbigay-aral.
9. Balita –Isang paglalahad sa mga pangyayaring nagganap sa lipunan sa pang-araw-araw.
10. Talumpati –Karaniwang ito’y binibigkas sa harap ng mga tao. Layunin nitong humikayat,
magpaliwanang at magbigay ng opinion ukol sa isang pangyayari o paksa.
11. Talambuhay –Ito’y tala ng kasaysayan sa buhay ng isang tao. Ito ay maaring pansarili o paiba.
IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY
Taloto District, Tagbilaran City
Pre-College Department
FILIPINO 11
Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
IKALAWANG SEMESTRE
Quarter 1
IKALAWANG LINGGO
Learning Activity No. 2
Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 2 hours
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:

Pagsasanay:
Panuto: Humanap ng isang halimbawa ng kahit na ano sa mga inilahad na iba’t ibang genre ng nakasulat
na tekstong prosa. Maari kayong humanap sa internet, mga aklat at lumang mga magasin ng mga
halimbawa at sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

 Ano ang pamagat ng iyong nakuhang teksto?


___________________________________________________________________________
 Sa anong uri ng prosa ang tekstong ito napabibilang?
___________________________________________________________________________
 Ano ang mga katangian at kalikasan ng teksto na na naging batayan mo sa iyong sagot sa
pangalawang tanong? (Magbigay ng limang katangian)
o _________________________________________________________
o _________________________________________________________
o _________________________________________________________
o _________________________________________________________
o _________________________________________________________
 Idikit sa ibaba ang sipi o kopya ng iyong tekstong nasaliksik:

You might also like