You are on page 1of 3

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY

Taloto District, Tagbilaran City

High School Department

FILIPINO 10
LEARNING MODULE NO. 4
IKATLONG MARKAHAN
IKAAPAT NA LINGGO

Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 2 hrs.
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
Parent/Guardian’s Signature: Target Score:
Paksa: Mahahalagang Elemento ng Epiko
Layunin:
a. Naitatalakay ang kahulugan ng epiko at ang mga mahahalagang elemento nito.
b. Nasusuri ang nabasang epiko kung mayroon ba itong taglay na mga mahahalagang
elemento.
c. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda sa pandaigdigang
nangyayari sa lipunan.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10, pahina 394-398

Batayang Konsepto:

Mahahalagang Elemento ng Epiko

Ang epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsan ay sinasaliwan ito ng mga
instumentong pangmusika. Mahaba ang epiko , binubuo ito ng 1,000 hanggang 55,000 na linya. Maaring
abutin ng ilang oras o araw ang pagtatanghal nito.
Ang epiko, bilang tulang pasalaysay ay may mga elementong gaya ng mga sumusunod:
 Sukat at Indayog –tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa bawat tiyak na
hati ng taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa bawat taludtod ay maaring maging wawalughing
antig (8), lalabindalawahing pantig (12), lalabing-animing pantig (16), o lalabingwaluhing pantig
(18). Isninasaayos ang epiko sa paraang maindayog o maaliw-iw.
 Tugma –Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa dalumpantig ng mga taludtod.
Tinatawag itong tugma.
 Taludturan –Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtud ng isng tula ay tinatawag na taludturan.
Karaniwang apat na taludtod ang bumubuo sa isang taludturan o saknong.
 Matatalinghagang Salita –Ang epiko ay ginagamitan ng mga matatalinghagang mga salita o
idyoma. Ang mga ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di tuwirnag nagbibigay ng
kahulugan sa idyoma.
 Banghay –Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari. Ito ay ang banghay. Maari itong payak o komplikado. Makikita ring maraming mga
pangyayari sa epikong hindi kapani-paniwala o hindi makatotohanan.
 Tagpuan –Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakakatulang sa pagbibigay-linaw sa paksa,
banghay at suliranin.
 Tauhan –Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di pangkaraniwang
kapangyarihan.
IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY
Taloto District, Tagbilaran City
High School Department

FILIPINO 10
LEARNING ACTIVITY NO. 4
IKATLONG MARKAHAN
IKAAPAT NA LINGGO

Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 2 hrs.
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
Parent/Guardian’s Signature: Target Score:
Pagsasanay:

I. Panunto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanugan at sagutin ito sa buong
pangungusap.
1. Sa paanong paraan nakasulat ang epiko?
________________________________________________________________________

2. Ano ang kaibahan ng sukat at indayog?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang matatalinghagang pananalita? Magbigay ng tatlong ha,imbawa ng
matatalinghagang salita at ibigaya ng kahulugan ng bawat isa, gamitin ang tsart sa ibaba
sa pagsagot nito.

Matatalinghagang Salita Kahulugan

Halimbawa:
 Balat-sibuyas Sensitibo

II.

Para sa Pagsasanay II, basahin ang ‘Si Rustam at Sohrab’ mula sa Epikong
Shahnameh na matatagpuan sa inyong aklat sa pahina 394-398.

Sagutin ang mga sumsusnod na katanungan.

1. Ano ang hula tungkol sa sanggol kay Rustam hindi pa man siya lumalabas?
______________________________________________________________________________

2. Paano mo ilalalrawan ang kagila-giallas na paraan ng paglaki ni Rustam?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Naging madali ba para kay Rustam ana makamtan ang kanyang kailangan? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Anong pangyayari ang nagbigay-daan sa pagkakalilala nina Rustam at Prinsesa Tahmina? Naging
matagal baa ng kanilang pagsasama? Bakit oo o bakit hindi?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Sa paanong paraan nagkaharap ang mag-amang Rustam at Sohrab? Ano ang mararamdaman mo
sa paghaharap na ito? Ipaliwanag ang inyong sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
6. Paano nakilala ni Rustam na si Sohrab ang kanyang anak? Ano ang naramdaman ni Rustam sa
nangyari kay Sohrab?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
7. Sa iyong palagay, ang epikong inyong nabasa ay isang magandang epiko? Nararapat bang
sundin ng isang epiko ang mga mahahalagang elementong tinalakay sa itaas? Bakit oo o bakit
hindi?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
III. Panuto:

Ang kuwentong inyong nabasa ay tungkol sa tunggalian ng isang ama sa

kanyang anak na sa huli ay nangibabaw ang pagmamahal ng amang si Rustam sa
kanyang anak na si Sohrab. Ngayon ay ilarawan mo ang relasyon mo at ng iyong
ama sa pamamagitan ng pagguhit ng isang emoji. Pagkatapos ay bigayan ng
maiksing pagpaliwanang kung bakit ito ang iyong ginuhit.

You might also like