You are on page 1of 2

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY

Taloto District, Tagbilaran City


Pre-College Department
FILIPINO 11
Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
IKALAWANG SEMESTRE
Quarter 1
UNANG LINGGO
Learning Module No. 1
Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 2 hours
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
Paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Layunin:
a. Nailalahad ang kahulugan ng pagbasa.
b. Naitatalakay ang iba;t ibang kahulugan ng pagbasa ayon sa iba’t ibang dalubhasa.
c. Naibabahagi ang sariling pagbabahalaga sa pagbasa bilang isa sa mga bahagi ng pangaraw-
araw na gawain.
Batayang Konsepto
Ang Pagbasa
Ano nga ba ang pagbasa?
Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwsyon. Iba-iba ang
pagpapakahulugan nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang kaisipang nakapaloob rito.
Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan, at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag
na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mababasa. Sa pagitan ng
pagbasa, nahahasa ang iab’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga
sa isang indibidwal sapagkat ito ay tutugon sa kaniyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa
kaniyang kapaligiran,sa bansa at marami pang iba na huhubog ng kaniyang pagkatuto.

Narito ang ilang pagpapakahulugan ng salitang pagbasa ng iba’t ibang dalubhasa:


 Gahawan at Montera 2013 –Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga
estudyante upang mapahusay at malinang ang kasanayansa maisang pag-unawa sa teksto. Ito ay
may malaking kaugnay sa iba pang amkrong kasanayan pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood
ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakanyahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng
damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng sisiplina o larangan.
 Johnston, 1990 –Ito ay isang kompleks at masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-
konsyus na paggamit ng mga estratihiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo
ng kahulugang ninais ipahatid ng awtor. Bilang isang komleks na prosesong pangkaisipan, ang
mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang
nakatutulong sa pag-unawa.
 Baltazar, 1977 –Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatutuo ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralaan ng tao ay mula sa kanyang karanasan
sa pagbasa.
Sa pamamagitan ng pagbasa, nakatuklas ng maraming kaalaman at karunungang tutugon sa kanyang
pangangailangang pangkabatiran sa iab’t ibang disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at
iba pa. higit sa lahat, mahalaga ang pagbasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong
panahon gawa ng mga makabagong teknolohiyang nagususlputan ngayon.

Ano ang Ugnayan ng Pagbasa at Pagsulat?

Ang pagbasa at pagsulat ay may malaking ugnayan lalo na sa pagsasalita at pakikinig. Mahalaga ang salita
sapagkat masasabi ng isang tao ang kanyang mga saloobin at nasa kaisipan. Pinaka mahalagang paraaan ito
sa pagsasalin ng karunungan at impormasyon.

Ang pagbasa at pagsulat ay magkaugnay at parehong mahalaga at dapat pag-ukulan ng ibayong pag-
aaral at panahon upang matuto ang isang tao.  Itinuturing na ang ugnayan ng pagbasa at pagsulat na nag-
iisang pinaka mahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika. Itinuturo ang pagbasa at pagsulat ng
magkahiwalay. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat. Ang literasi ay ang kakayahang
makabasa at makasulat. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawing pagtuturo.
IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY
Taloto District, Tagbilaran City
Pre-College Department
FILIPINO 11
Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
IKALAWANG SEMESTRE
Quarter 1
UNANG LINGGO
Learning Activity No. 1
Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 2 hours
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
I. Panuto: Ngayon ay ikaw naman ang bumuo ng iyong sariling pagpapahalaga sa gawain na
PAGBASA. Sumulat ng panungusap upang makabuo ng sariling pagpapakahulugan nito sa
pamamagitan ng akrostik. TIyaking lahat ng pahayag na isinulat ay may kaugnayan sa
konseptong binibigyang-kahulugan.

P-

A-

g-

b-

a-

s-

A-
II. Panuto: Sa pamamagitan ng venn diagram ay isulat kung ano sa inyong palagay ang
kaugnayan ng PAGBASA sa PAGSULAT.

You might also like