You are on page 1of 39

PAGBASA:

isang prosesong Interaktib at Konstraktib

INIHANDA NINA:
G. JOSHUA DECENA
Bb. HAZEL AKIKO TORRES

PANGKAT:
BSE- FILIPINO 2
KAHULUGAN NG PAGBASA
1. Isa sa apat na kasanayang pangwika. ( Pagbabasa,
Pakikinig, Pagsasalita, Pagsusulat.)
2. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
nakalimbag na simbolo.
3. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais
ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang isinulat.
4. Ito ang paniniwalang pinanggagalingan ng lahat ng
kaalaman at impormasyon ng isang tao.
ILANG PAGTINGIN SA PAGBASA
ILANG PAGTINGIN SA PAGBASA
LAYUNIN NG PAGBASA
1. Layunin ng pagbasa na makapagdag ng kaalaman at mahahalagang
impormasyon at ideya sa mga mambabasa.
2. Layunin nitong mapaunlad ang ating bokabularyo o talasalitaan.
3. Layunin nitong mapaunlad ang ating imahinasyon.
4. Layunin nitong mahubog ang ating mapanuri at malikhaing pag-iisip tungkol sa
mga bagay-bagay.
5. Layunin nitong matuklasan at malinang ang kahalagahan ng pagbabasa para sa
bawat isa.
6. Layunin nitong makapagpasaya at maging gabay sa pag-aaral ng mga mag-
aaral.
7. Layunin nitong magdagdag ng karanasan sa mambabasa na kanilang
magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
8. Layunin nitong magbigay ng aral tungkol sa buhay.
PROSESO NG PAGBASA
PROSESO NG PAGBASA
PROSESO NG PAGBASA
PROSESO NG PAGBASA
YUGTO NG PAGBASA

1. Yugto ng Kahandaan sa Pagbasa


2. Yugto ng Panimulang Pagbasa
3. Yugto ng Debelopmental na Pagbasa
4. Yugto ng Malawakang Pagbasa
YUGTO NG KAHANDAAN SA PAGBASA

 Sa yugtong ito ang


nakakaranas ay ang mga
bata sa iba-ibang edad.
 Kakikitaan ng munting
pagbabago ang bata mula
sa hindi pa marunong
bumasa hanggang sa
makakilala at makabasa na
siya ng mga nakalimbag na
teksto.
YUGTO NG PANIMULANG PAGBASA
 Yugto na kung saan ay
nagsisimula ang bata sa
pormal na pagbasa na
kadalasay sa mga aklat na
pre-primer o primer.
 Dito rin nagsisimula ang
proseso sa pagkatuto ng
pagkilala sa salita at mga
simbolo, pag-alam sa
kahulugan ng salita o sa
kahulugan ng parirala at
pangungusap.
YUGTO NG PANIMULANG PAGBASA

 Nagaganap sa unang
baitang o sa edad 6 ½ taon
hanggang 7 taon.
 Sa yugtong ito rin nakikilala
ang iba-ibang kombinasyon
ng pantig sa pagbubuo ng
mga salita gaya ng mga
sumusunod:
YUGTO NG DEBELOPMENTAL NA PAGBASA
 Yugto na nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagbasa at pag-unawa
sa binasa.
 Narito ang ilang dapat isaalang-alang:
1.Simulan ang aralin tuwina sa 2.Simulan ang aralin tuwina sa
maayos, angkop at kawili-wiling maayos, angkop at kawili-
pagganyak  o panggi- sing ng wiling pagganyak  o panggi-
kawilihan. sing ng kawilihan.
3. Magbigay ng mga tanong 4. Ang komprehensyon sa binasa ay
pangganyak na siyang pag-uugnay ng dati ng alam o prior
knowledge at ng hindi pa alam.
sasagutin matapos ang
Iniuugnay ang bagong ideya o
pagbasa. impormasyon sa dati ng nakaimbak
na kaalaman sa kanilang isipan.
YUGTO NG MALAWAKANG PAGBASA
 Sa yugtong ito’y patuloy na nalilinang ang iba-ibang kasanayan
gaya ng komprehensyon, organisasyon, bokabularyo,
interpretasyon at iba pa.
• pag-aaral at interpretasyon ng talaan,
tsart, grap, dayagram atb.

• kasanayan sa paggamit ng Talaan ng


  Nilalaman at Indeks

• kasanayan sa paggamit ng diksyunaryo,


ensayklopedya, almanac atb.
ILANG MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT
ISAALANG-ALANG SA PANIMULANG PAGBASA

Motibasyon
Paglinang ng Kasanayan
Pag alam sa mga kombensyon ng mga
nakalimbag na aklat / babasahin.
Kasanayan sa pagkilala ng mga salita
ANG MGA LEBEL NG PAG-IISIP AT MGA
KASANAYAN SA KOMPREHESYON

1. Paktwal na Lebel
2. Interpretatib o Pagpapakahulugan
3. Aplikatib Lebel o Paglalapat
4. Transaktib Lebel
ANG MGA LEBEL NG PAG-IISIP

PAKTWAL NA LEBEL
 Ito ay payak na paggunita
(Recall) sa mga nakalahad na
impormasyon.
 Sumasagot sa tanong na Ano,
Kailan at Saan.
ANG MGA LEBEL NG PAG-IISIP

INTERPRETATIB NA LEBEL
 Tinatawag na “Pagpapakahulugan”
 Hinahanap ang nakakubling kahulugan
 “Reading between the lines” sa Ingles.
ANG MGA LEBEL NG PAG-IISIP

APLIKATIB NA LEBEL
 Tinatawag na “Paglalapat”
 Paglalapat ng mga taglay na
Iskemata ng mambabasa mula sa
tekstong binabasa.
 “Reading Beyond the lines” sa
Ingles.
ANG MGA LEBEL NG PAG-IISIP

TRANSAKTIB NA LEBEL
 Mahalaga rito ang salik na
Pansariling Pagpapahalaga o
“Value System” ng mambabasa.
 Ang “Reading with Character”
ang kumpletong ebolusyon o
kaganapan prosesong pangkaisipan.
NG MGA LEBEL NG PAG-IISIP AT MGA KASANAYAN
SA KOMPREHESYON
MGA DULOG AT ISTRATEHIYA SA
PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
1. Ugnayang Tanong sagot
2. DR-TA
3. DRA
4. ReQuest
5. Story Grammar
6. Group Mapping Activity
7. KWWL
( What I Know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What I Learned)
• RAPHAEL (1982, 1986) bumuo ng
“Ugnayang Tanong-Sagot” (UTS/QAR sa
Ingles).
• Ito’y nabuo dahil sa obserbasyon ni
Raphael na palaging may
pinapasagutang tanong ang mga guro
pagkatapos bumasa subalit hindi lamang
nabibigyan ng kaunting patnubay ang
mga bata kung paano sasagutin ang
mga tanong.
IBA’T IBANG URI NG TANONG
 Nasa Teksto Mismo
 Isipin at Hanapin
 Ikaw at Ang Awtor
 Sa Aking Sarili
 Nasa Teksto Mismo
  Ang sagot ay nasa teksto at
madaling hanapin.
 Ang salitang ginagamit sa tanong
at ang mga salitang gagamitin sa
pagsasagot ay nariyan na mismo.
 Isipin at Hanapin
Ang sagot ay nasa kwento ngunit
kailangan mong pag- ugnay-ugnayin
ang iba’t ibang bahagi ng kwento
para makita ang tamang sagot.
Ang mga tanong at sagot ay di
tuwirang makikita sa isang
pangungusap o talata. Galing ito sa
iba’t ibang bahagi ng kwento.
 Ikaw at Ang Awtor
Wala sa kwento ang sagot.
 Kailangang gamitin mo ang
dating kaalaman at kung ano ang
sinabi ng awtor sa teksto at pag-
uugnayin ang dalawang ito.
 Sa Aking Sarili
Wala sa kwento ang sagot.
Masasagutan mo ang tanong
na hindi kailangan basahin ang
kwento. Gagamitin mo lamang
ang iyong karanasan.
DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity)

Tinatawag na
“Pinatnubayang Pagbasa-
Pag-iisip.
Ito ay para sa paglinang ng
komprehensyon ng buong
klase/pangkat.. (STAUFFER)
DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity)
UNANG BAHAGI IKALAWANG BAHAGI
1. Pagbibigay ng  2.
Mga panubaybay sa
patnubay sa proseso gawain batay sa mga
ng pag-iisip sa pangangailangan ng
kabuuan ng kwento.  mga bata.
DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity)
UNANG BAHAGI ( 3 SIKLO)
 1. Pagbibigay ng 2. Pagbasa upang 3.Pagbibigay ng
mga hula na tiyakin o di kaya’y mga suporta at
ginagamit ang mga baguhin ang mga patnubay sa
impormasyong
hula batay sa mga pagbibigay ng mga
galing sa teksto at
personal na dating bagong impormasyon hula batay sa
kaalaman; na galing sa teksto at tekstong binasa at
sa dating kaalaman personal na
kaalaman.
DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity)
IKALAWANG BAHAGI
1. May panubaybay ng mga
gawain tulad ng paglinang ng
talasalitaan, pagbibigay ng
lagom at konklusyon sa tulong
ng Group Mapping Activity
(GMA).
DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity)
PAANO ISASAGAWA ANG DR-TA?
1.Pumili ng isang kwento o tekstong ipapabasa sa klase.
2.Tukuyin ang bahaging hihintuan (stop-points) – apat
hanggang lima lamang kung maaari. Huminto bago
ang pagtatapos ng kwento.
3.Maghanda ng mga tanong sa bawat bahaging
hihintuan. Iwasan ang pagbibigay ng mga paktwal o
literal na tanong.
4.Kung kinakailangan, paghandain ang mga batang
pantakip sa tekstong susunod na babasahin.
DRA ( DIRECTED READING ACTIVITY)
 Tinatawag na “ PINATNUBAYANG PAGBASA”.
Ang pagdulog na ito sa pagturo ng pagbasa ay matagal nang
ginagamit sa mga paaralan. Bagama’t may ilang modipikasyon
na ipinasok sa pagdaraan ng mga taon, nanatili pa rin ang mga
pangunahing layunin ng pinatnubayang pagbasa:
1. Maihanda nang husto ang mga bata sa pagbasa.
2. Mabigyang –diin ang pagkilala sa salita.
3. Ang paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa.
4. Mapatnubayan ang mga bata sa pagbasa ng isang itinakdang
kuwento.
RECIPROCAL QUESTIONING (REQUEST)
Tinatawag na “ TUGUNANG PAGTATANONG”.
Layunin na linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga bata sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa pagbasa, at
pag-uugnay ng mga impormasyon.
Isinasaalang-alang din ang istratehiyang ito ang pagmonitor sa sarili
hinggil sa prosesong isinasagawa sa pag-unawa ng isang teksto.
Ang istratehiyang ReQuest ni Manzo (1990) gumagamit ng tugunang
pagtatanong kung saan naghahalinhinan ang mga guro at mga mag-aaral
sa pagganap ng mga tungkulin ng tagatanong.
STORY GRAMMAR
Mahalaga para sa pag-unawa ang
pagkakaroon ng kaalaman sa
kayarian ng kuwento ( story
sense). Ito’y makakatulong upang
mahaka ng bumasa ang proseso
kung paano inilalahadang isang
kuwento.
GROUP MAPPING ACTIVITY
Sa estratehiyang ito , ang mga bata ay
pabubuiin ng isang grapikong
representayon na naglalarawan ng
kanilang personal na interpretasyon na
kaugnay ng mga tauhan sa mga
pangyayaring naganap sa isang kuwento
o di kaya nama’y ang kanilang sariling
interpretasyon sa konseptong inilahad sa
isang babasahing ekspositori. Pagsusuri
sa Kayarian ng Kuwento. 
KWWL
(What I Know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What I Learned)
Ano ang Nalalaman, Gustong Malaman, Saan Malalaman, Ano ang Nalaman

Ang Istratehiyang KWWL ay naglalayong


matulungan ang mga mag- aaral na gamitin amg
dating nalalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong
ekspositori.
Tinutulungan nito na magamit ng mga bata ang
dating kaalaman sa pagbasa ng mga bagong paksa
at matulungan ang mga mag- aaral na suriin at
saliksikin ang mga impormasyong nasaloob at
labas ng teksto.

You might also like