You are on page 1of 35

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO
TUNGO SA
PANANALIKSIK
Bb. JEAN KRISTINE R. BRUCAL
Layunin:
 Matukoy at maunawaan ang kahulugan at katangian
ng pagbasa.

 Matukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang


tekstong binasa F11PB-IIIa-98
KAHULUGAN AT KATANGIAN
NG PAGBASA
GAWAIN 1: AKROSTIK
Bumuo ng isang akrostik buhat sa terminong
PAGBASA. Tiyaking ang bawat pahayag na
ilalagay sa bawat letra ay may buong diwa at
may tugma.
Kumusta na kayo?
Ang ating pag-uusapan ay tungkol sa
kahulugan at katangian ng pagbasa.
Handa na ba kayo?
Kahulugan ng
PAGBASA
PAGBASA
Kognitibong
Kasanayan

Kognitibo + Kasanayan
KOGNITIBO
 Ginagamit ang pag-iisip upang makaunawa at makaalam ng
bagong impormasyon.

KASANAYAN
 Kakayahan na kailangan paunlarin.
PAGBASA
 Isang proseso ng pagkuha, pagkilala,
at pag-unawa ng mga nakaimbak o
nakasulat na impormasyon o datos.
PAGBASA
 Ang pagbabasa ay isang proseso ng
pagtanggap at pagpapakahulugan sa
mga nakakodang impormasyon sa
anyo ng wika sa pamamagitan ng
limbag na midyum.
-Urquhart at Weir (1998)
PAGBASA
 Isang Psycholinguistic guessing
game ang pagbasa kung saan ang
nagbabasa ay nagbubuong muli ng
isang mensahe o kaisipan na
hinango sa tekstong binasa.

-Goodman (1957, 1971. 1973)


PAGBASA
 Ang pagbasa ay ang
pinakapagkain ng ating utak.

-G. James Lee Valentine (2000)


PAGBASA
 Ang pagbasa ay ang pag-unawa
sa kahulugan ng nakalimbag o
nakasulat at pagbibigay ng
interpretasyon dito.

-Hank (1983)
Katangian ng
PAGBASA
KATANGIAN NG PAGBASA
 Ayon kay Block at Pressley (2001), Harvey at Goudvis
(2000), and pagbasa ay isang katangian ng pagkilala
sa mga sagisag, titik o mga sumbolong naka-imprinta.
Ang isang mambabasa ay ginagamit ang mga
sumusunod na katangian
Katangian ng Pagbasa
1. Iniuugnay ang sarili sa binabasa.
2. Binabasang masusi ang mga mahahalagang
mga detalye.
3. Nakabubuo ng mga katanungan ayon sa
tekstong binasa.
4. Nagbabasa ng mga iba’t ibang uri ng
babasahin.
Katangian ng Pagbasa
5. Iniintindi ang tekstong binabasa.
6. Malugod na binabasa ang isang teksto.
PANGKATANG GAWAIN 1: i-Ulat ang Napatapat!
Hahatiin sa apat (4) na pangkat ang buong seksyon, bawat
pangkat ay bibigyan ng kani-kaniyang paksa. Ang paksang
mapapatapat sa bawat grupo ay magsasagawa ng saliksik upang
komprehensibong maiulat ang nilalaman ng kanilang paksa.
Kahalagahan ng
PAGBASA
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
 Nakalilibang
 Gabay sa mga kinakaharap na pagpapasiya
 Batayan ng mga moral na pangangatwiran at
pananaw
 Patnubay sa pagbalik sa kasaysayan
Hakbang ng PAGBASA
HAKBANG NG PAGBASA
Ayon kay William S. Gray, Ama ng Pagbasa, may apat na hakbang ang
proses ng pagbabasa.
PERSEPSYON

KOMPREHENSYON

REAKSYON

INTEGRASYON
HAKBANG NG PAGBASA
PERSEPSYON KOMPREHENSYON
 Hakbang sa pagkilala  Pagproseso ito ng mga
sa mga nakalimbag na impormasyon o
simbolo at maging sa kaisipang ipinahahayag
pagbigkas nang wasto ng simbolong
sa mga simbolong nakalimbag na binasa.
nababasa
HAKBANG NG PAGBASA
REAKSYON INTEGRASYON
 Hinahatulan o  Pagproseso ito ng mga
pinagpapasyahan ang impormasyon o
kawastuhan, kaisipang ipinahahayag
kahusayan at ng simbolong
pagpapahalaga ng nakalimbag na binasa.
isang tekstong binasa.
Mga Proseso ng
PAGBASA
PROSESO NG PAGBASA
1. Prosesong Salubungan
 Komunikasyon ito ng mambabasa at may-akda. Ito rin ang
saligan ng tinatawag na reader-response theory sa pagbasa.
2. Prosesong Biswal
 Nanganghulugan ito na ang malinaw na paningin ay malinaw
na pagbabasa
3. Aktibong Proseso
 Isa itong prosesong pangkaisipan na kumikilos ayon sa
siglang ibinibigay ng katawan, emosyon, at kakayahan na
kailangan sa masiglang pagbabasa.
PROSESO NG PAGBASA
4. Sistemang Panlingguwistik
 Nakatutulong ang pagbasa ng sistemang panglingguwistika
para maging magaan at mabisa ang paggamit ng mga
nakalimbag na kaisipan ng may-akda.
5. Iskema o Dating Kaalaman
 Ang mga nakaraang kaalaman ay salalayan din ng
mabisang pagbasa. Nakasalig din ito sa kakayahan,
kahusayan, at kasanayan sa aspekto ng mga salik na
pampisikal, pangkaisipan, pangkapaligiran, panlipunan, at
kaalamang pangwika.
Mga Pamamaraan o
Istilo sa PAGBASA
PAMAMARAAN O ISTILO SA PAGBASA
1. Iskiming
- Madaliang pagbabasa na ginagamit
upang magkaroon ng impresyon kung dapat
o di-dapat basahing mabuti ang teksto.
Paghahanap din ito ng mahahalagang
datos na maaaring gamitin sa mga
pamanahong papel o pananaliksik.
Nakatuon ito sa pagbasa ng pangunahing
detalye.
PAMAMARAAN O ISTILO SA PAGBASA

2. Iskaning
- Hinahanap sa ganitong pagbabasa
ang mga tiyak na impormasyon na
madaling nagagawa sa mga tekstong
maiikli, may malalaking tipo ng
pagkakalimbag, at pamilyar ang teksto.
Ginagalugad lamang nito ang mga susing
salita at subtitles.
PAMAMARAAN O ISTILO SA PAGBASA

3. Kaswal
- Pansamantalang pagbasa ito
sapagkat pampalipas-oras ang layunin
ng ganitong Teknik kung kaya’t magaan
lamang gawin.
PAMAMARAAN O ISTILO SA PAGBASA

4. Komprehensibo
- Iniisa-isa rito ang bawat detalye at
inuunawa ang bawat kaisipan. Epektibo ito
para sa akademikong pagbabasa dahil
sinusuri, binibigyang-opinion, tinataya,
binubuod, binabalangkas, sinusukat, at
hinihimay ang mga detalye ng teksto. Layunin
nito ang lubos na pagkatuto mula sa
masinsinang pagbabasa
PAMAMARAAN O ISTILO SA PAGBASA

5. Kritikal
- Tinitingnan sa Teknik na ito ang
kawastuhan at katotohanan ng tekstong
binabasa na magagamit nang personal
upang maiangkop sa mga pag-uugali at
maisasabuhay nang may pananagutan.
PAMAMARAAN O ISTILO SA PAGBASA

6. Pamuling-Basa
-Hindi nahihinto ang mga aral na
dulot nito habang pauli-ulit na binabasa.
Halimbawa nito ang mga klasikong teksto
tulad ng Bibliya, mga akda nina Jose
Rizal, William Shakespeare, at ng iba
pang dakilang manunulat
PAMAMARAAN O ISTILO SA PAGBASA
7. Basang-Tala
-Teknik ito ng pagbabasa kasabay
ng pagsusulat. Itinatala ang mga
nasusumpungang kaisipan o idea upang
madaling makita kung sakaling
kailanganin muli ang impormasyong
itinala. Gumagamit din ng highlighter at
marker ang mambabasa para madaling
makita at balikan ang mga impormsyong
nais bigyang-diin.

You might also like