You are on page 1of 3

PPTP

PAGBASA
 Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmulan ng
impormasyon.
 Ang pagbasa ay proseso ng pagsasaayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri ng impormasyon o ideya na
kinakatawan ng salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan.
 Ayon kina Villafuerte et.al (2005), ang pagbasa ay Gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at
kasiyahan.
 Ayon kina Anderson et.al (1985) sa aklat na “Becoming a Nation of Readers” ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Sa pagbabasa kailangan/ mahalaga ang imbak na kaalaman o (stock
knowledge) ng isang mambabasa upang mas malalim na maunawaan ang mga konsepto at impormasyong natatagpuan sa
tekstong binasa.”
 Ayon kina Wixson et al (1987) Tinukoy nila nag pagbasa bilang isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksiyon ng:
 Imbak o umiiral na kaalaman ng mambabasa.
 Impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa.
 Konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
 Ayon kay Kenneth Goodman (1976), ang pagbabasa ay isang psycholinguistic guessing game
 Para kina Bernales et.al (2001), ang pagbasa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa paghasa ng talino at isipan
“MAGBASA KA UPANG MABUHAY”

 Ito ay winika ni Gustave Flaubert, isang manunulat na pranses.


 Maaaring ipakahulugan na ang asimilasyon ay ang pakikipag-ugnayan ng mambabasa sa binabasa o kaya’y paglalapat ng
natutuhan sa aktuwal na pamumuhay ng nagbabasa.

MGA URI NG PAGBASA


1. PAGTATALA - Ang pagbasang ito ay may pagtatala ng mahahalagang kaisipan o ideya bilang pagkuha ng impormasyon.
2. KASWAL O MAGAAN NA PAGBASA - Ang kaswal o magaan na pagbasa ay pansamantala lamang. Ito ay ginagawa
kung nais mo lamang maglibang o magpalipas ng oras.
3. PREDIKTING O PAGBIBIGAY-HINUHA - Ito ay mula sa bahagi ng teksto kahit hindi pa natatapos ang katapusan o
kabuuan nito. Ang prediksyon ay nakatutulong sa mambabasa upang malinang ang kakayahan sa masusing pagbasa.
4. INTERPRETING O PAGPAPAKAHULUGAN - Sa pamamagitan ng susing salita ng binasa at mga dating kaalaman ng
mambabasa, mabibigyan niya ng sariling interpretasyon o pagpapakahulugan na ipinahihiwatig ng teksto.
5. MASUSING PAGBASA – Ito ay nangangailangan ng maingat na pagbasa. Ang layunin nito ay maunawaang mabuti ang
binabasa tulad ng pagbasa ng report o research.
6. ISKANING - Ito ay isinasagawa upang matukoy o mahanap kaagad ang partikular na impormasyon.
7. ISKIMING - Ito ay mabilisang pagbabasa upang makuha ang pangunahing punto ng teksto at pangkalahatang ideya o
impormasyon.
PROSESO NG PAGBASA (ANDERSON)
PROSESO NG PAGBASA (WILLIAM GRAY)

I. PERSEPSYON
 kinikilala ng mambabasa ang mga nakalimbag na simbolo.
II. KOMPREHENSYON
 Ang pag-unawa sa impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng nakalimbag na simbolo ay nagaganap
III. REAKSIYON
 hinahatulan o pinagpapasiyahan ng isang mambabasa ang kawastuhan, kahusayan, at kahalagahan ng binasang
teksto.
IV. ASIMILASYON
 Ang dating kaalaman at karanasan ng isang mambabasa ay iniuugnay o isinasama sa mga kaalamang nabasa sa
hakbang na ito.
KATEGORYA NG PAGBASA

INTENSIBONG PAGBASA EKSTENSIBONG PAGBASA


Ito ay pagsusuri sa gramatikal, panandang diskurso at iba pang Ito ay isinasagawa para makakuha ng pangkalahatang pag-
detalye sa estruktura para maunawaan ang literal na kahulugan, unawa sa maramihang bilang ng teksto. Brown (1994).
implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang sulatin.

ANTAS NG PAGBASA

SINTOPIKAL

ANALITIKAL

MAPAGSIYASAT

PRIMARYA
1. PRIMARYA – Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong para makamit ang literasi sa pagbasa. Ito ay
tumutukoy sa tiyak na datos at espesipikong impormasyon.
2. MAPAGSIYASAT – Dito nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakakapagbigay ng mga hinuha o
impresyon. Nagbibigay ng mabilisan pero makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto
3. ANALITIKAL – Dito ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip para malalimang maunawaan ang kahulugan ng
teksto (Katotohonan at Opinyon)
4. SINTOPIKAL – Tumutukoy ito sa pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na
kadalasang magkakaugnay. Nakapagbibigay ng sariling perspektiba o pananaw batay sa mga binasa.

TEORYA NG PAGBASA
 TEORYANG BOTTOM-UP
 Ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa teksto patungo sa utak ng mambabasa.
 “Data Driven Model o Part of the Whole Model”
 “Tabula rasa”
 TEORYANG TOP-DOWN
 Sa teoryang ito, sa mambabasa nagmumula ang pag-unawa sa teksto na kabaligtaran ng teoryang bottom-up.
 “Inside Out Model, Concept Driven Model o Whole to Part Model.”
 TEORYANG INTERAKTIB
 Nakikipag-ugnayan ang mambabasa sa awtor sa pamamagitan ng teksto.
 Ang teksto ang kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang
kanyang kaalaman sa wika
 TEORYANG ISKEMA
 Nakabatay sa lawak ng talasalitaan, kaalaman, at karanasan ng mambabasa ang pag-unawa sa binabasang teksto.
Patuloy itong lalawak habang nabubuhay ang tao.
 Ang Iskema ay nadaragdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.

You might also like