Professional Documents
Culture Documents
Depinasyon ng Pagbasa
“Ang pagbasa ay hindi lamang ang pagkilala sa mga nakasulat na
simbolo kundi ang pagbibigay ng kahulugan sa mga simbolong ito.”
Magracia et. al ( 2008)
Metakognitiv na Pagbasa
Decoding – kinikilala sa prosesong ito ang mga salitang binabasa at
binibigyan ng kaukulang kahulugan. 2. Encoding – inuunawa, inaayos at
binibigyang-anyo ang tekstong binasa.
DIMENSIYON NG METAKOGNISYON 1. Ang kaalaman ukol sa
sariling kaugnayan sa mga kailangan sa pagsasagawa ng gawaing
pagbasa. 2. Pagmomonitor sa sarili.
Hakbang sa Pagbasa
SOSYOLOHIYA
Ayon nga kay Auguste Comte, ito umano ang reyna ng lahat ng
agham. Dapat ipaliwanag ang mga kaganapang panlipunan sa isang
makaagham na pamamaraan. Ang lahat ng kaisipan sa sosyolohiya ay
bunga ng isang masusing pag-aaral at hindi mula sa haka-haka lamang.
ANTROPOLOHIYA
agham tungkol sa pinagmulan, pag-unlad, at mga pagkakaiba-iba
ng kaunlaran at paniniwala ng sangkatauhan
LINGGWISTIKS
Ang siyentifikong pag-aaral ng wika ay tinataawag na
linggwistiks. Saklaw nito ang mga gawaing observasyon, pagtatanong,
klasifikasyon, konklusyon, verifikasyon at revisyon.
SIKOLOHIYA
Siyentipikong pag-aaral ng pag-iisip ng tao at mga funsiyon nitó,
lalo na iyong nakakaapekto sa kilos
KASAYSAYAN
Isang sistematikong pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari upang
maunawaan ang ating kasalukuyan at mapaghandaan ang ating
hinaharap
AGHAM POLITIKAL
Isang disiplina ng agham panlipunan tungkol sa pag-aaral sa
politika, madalas sa pag-aaral ng estado, nasyon, pamahalaan, politika at
patakaran ng pamahalaan.
EKONOMIKS
Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano tutugunan ang mga
kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paraan.
Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya sa mga
suliranin (economist’s perspective). Sinisikap nitong mapalawak ang
kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong desisyon. Pangunahing
layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Humanidades
Ang mga teksto o akdang panghumanidades ay nababasa at nasusulat
bilang akdang fiksyon at di-fiksyon.
Di-fiksyon
◦ Sangay ng panitikan na ukol sa mga palagay o kuru-kuro sa
mga tunay na pangyayari o katotohanan kasama na rito ang
talambuhay, kasaysayan, mga sanaysay at mga ulat.
Fiksyon
◦ Akdang bunga ng malikhaing guniguni at malikhaing
pagsulat na binubuo ng mga akdang tuluyan gaya ng
maikling kuwento, drama, nobela at tula
Maikling Kwento
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento
ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na
hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang
tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng
diwa o damdaming may kaisahan.
Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.
Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
URI NG MAIKLING KWENTO 1. Kuwento ng tauhan - inilalarawan
ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa. 2. Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang-diin ang
kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Kuwentong Sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito
ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan
ang paglalarawan ng kaisipan. 4. Kuwento ng Katatakutan - ito ay mga
pangyayaring kasindak- sindak.
Kuwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag- uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan. 6. Kuwento ng Kababalaghan - pinag-
uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. 7. Madulang
Pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Kuwentong Pakikipagsapalarang - nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kuwento.
kuwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa.
Kuwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO Panimula - Dito
nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento. Saglit na Kasiglahan
- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin.
Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan. Tunggalian - May apat
na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban
sa kapaligiran o kalikasan. Kasukdulan - Makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
Kakalasan - Tulay sa wakas Wakas - Ito ang resolusyon o ang
kahihinatnan ng kuwento. Tagpuan - Nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling kuwento. Kaisipan -
mensahe ng kuwento. Banghay - pagkakasunod ng pangyayari sa
kuwento.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO Simula - ang bahagi ng
suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.
Gitna o Katawan Napaloob sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian,
at kasukdulan.Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
Wakas -Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang
kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. Ang
katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Sanaysay
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman
ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Pormal
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid
ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling
paksang tinatalakay. Tinuturing din maanyo sapagkat pinag-aaralan ng
maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din
ito dahil makahulugan, matalinhaga, at matayutay ang mga pangugusap.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay
obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay
seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.
Di-pormal
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay
mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga
bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang
personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang
mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang
may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan.
Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito
dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito
sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang
pananaw.
Tula
Ano ang isang tula? Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na
naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang tula ay
maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.
Halimbawa ng Tula: NGAYONG TAG-ULAN ni: Kiko Manalo
Magdala ng kapote ngayong tag-ulan, Sa sakit at sipon, magandang
panlaban, Sakto rin sa lahat ng kalalakihan, Upang AIDS, STD sadyang
maiwasan! Payong naman para sa mga babae, 2-folds, 3-folds o kahit na
iyong malaki, Double purpose ito lalo na sa gabi, Sa holdaper at rapist,
pwedeng pang-garote!
Elemento ng Tula Sukat-tumutukoy sa sukat ng taludtod sa 1 saknong.
saknong-grupo ng mga salita sa isang tula. Tugma-pagkakaparihas ng
tunog sa huling bahagi ng isang taludtod. Karikatan-maririkit na salita na
ginagamit upang masiyahan ang mga mambabasa. Talinhaga-natatagong
kahulugan ng tula.
Dula
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng
pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula,
dramatista, o dramaturgo.