You are on page 1of 9

Ano ba ang pagbasa?

Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwasyon. Iba-iba ang


pagpapakahulugan nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang kaisipang nakapaloob
dito. Narito ang ilan:

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag
na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung
gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas
malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang
pagkatao.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at
malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang
makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng
kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at maayos na
makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa
pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa
iba.

Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan
na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto. Ipinaliwanag ni
Johnston(1990) na ito’y isang kompleks o masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-
konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng
kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang
mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang
nakatutulong sa pag-unawa.

Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumang
wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang binabasa natin ay maaaring isulat
at ang anomang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin
sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.
Ayon naman kay Baltazar(1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa
iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang
karanasan sa pagbasa.

///////////////////////////

"Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura."

Ang Proseso ng Pagbasa

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang proseso, ito ay
may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”: (1)persepsyon,
(2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at
Semorlan, 2002).

Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng


mga tunog.

Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at


pagdama sa teksto.

Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at


mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang at
kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at epektibong
mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik
sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at
karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto.
Mga Teorya sa Pagbasa

Ano ang teorya sa pagbasa?

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at
salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa
sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).

Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa sa
proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa
konsepto ng pagbasa.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan ang
mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-pababa
(top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema.

Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas – Pababa:

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang
dating kaalaman at karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang
ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).
Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda
sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic
guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng
sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro
ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating
kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na
nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model
(Goodman, 1985 at Smith 1994).

Mga Proponent ng Teoryang Itaas – Pababa:

Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)

Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Ibaba – Pataas:

Ito ay salungat sa teoryang top-down.

Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad
ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.
Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag-unawa ng isang
bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak
ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel
o tabula raza.

Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na
umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

Mga Proponent ng Teoryang Ibaba – Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)

Teoryang Interaktibo

Pagpapaliwanag ng Teoryang Interaktibo:

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay
may dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng


teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa
sa teksto.
Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa
ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman
(schema) at mga pananaw.

Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo:

David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert Ruddell,
Robert Speaker (1985)

Teoryang Iskema (Schema)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema:

Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang
alam na o hindi alam ng mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson,
1984).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang
binasang teksto.

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa
kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang
kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga
hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang
tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto
mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng
kanyang isipan.

Metakognisyon sa Pagbasa

Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang pampag-iisip na
kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na
mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at
nagagamit nila ang angkop na estratehiya sa pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinang sa


mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip na
simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang control sa
mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain.

Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).

Prosesong Metakognisyon

Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa à Kaalaman ng


mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon à Kaalaman ng mambabasa
sa pagsubaybay sa kanyang pag-unawa kung kalian siya hindi nakauunawa

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang
sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan
ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?;
may magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa
pagbasa ang aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?

Mga Kasanayan sa Pagbasa


Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan sa Bilis
at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.

Kasanayan sa Bilis

- Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat

- Pagtingin sa higit na maraming salita

- Pagbasa nang higit na mabilis

- Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata

Kasanayan sa Pang-unawa

- Paglilinang ng talasalitaan

- Pag-unawa ng talata

- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag

- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri

- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito
ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay
nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 – 600 salita
bawat minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat
minuto. Ang bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng
binabasa.

Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-unawa
ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay
karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa
pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay
nakatatamo ng 70 – 90% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa malayang antas.

Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto
mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos
na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang
pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng
iba’t ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng
paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.

Mga katangian ng Mahusay na Mambabasa

Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang mahusay na
mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gusting
buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o
ang mismong buong aklat.

Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa unang bahagi ng
pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi
ng pangungusap ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga
pahina. Ito ang karaniwang tinatawag na fixations. Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag na
regression. Sa paghinto ng mata nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang
pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal ng pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang
gumagalaw ang mata, ang mga anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.

You might also like