You are on page 1of 8

MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA

1. Pagkilala sa mga Salita (word perception) - Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng
salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas.

2. Pag-unawa (comprehension) - Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas


mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.

3. Pagpapahalagang Literari (literary appreciation) - may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa


pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.

4. Pananaliksik at Pandiksyunaryong Kasanayan (Research & dictionary skills) - May


kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang di- makita o matagpuan

Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang
at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at epektibong
mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at
teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating
kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto.

MGA KASANAYAN SA PAGBASA

Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan
sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.

Kasanayan sa Bilis

- Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat


- Pagtingin sa higit na maraming salita
- Pagbasa nang higit na mabilis
- Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata

Kasanayan sa Pang-unawa

- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto.
Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang
bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 –
600 salita bawat minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita
bawat minuto. Ang bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at
kahirapan ng binabasa.

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-
unawa ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang- unawa
ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng
mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na
mambabasa ay nakatatamo ng 70 – 90% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa
malayang antas.
Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto
mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng
lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang
kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y
naglalahad ng iba’t ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan
at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng
teksto.

KARANIWANG SULIRANIN SA PAGBASA

1. Malabong paningin.
2. Kakulangan sa kaalamang panlingguwistika.
3. Kakulangan sa kaalaman sa pagsusuri at pag-unawa sa bagong salita o malalim na salita na
ginamit sa loob ng parirala, sugnay, pangungusap, talata, kwento, at sanaysay.
4. Kakulangan sa kaalaman, impormasyon at karanasan na may kaugnayan sa impluwensyang:
Pangpisikal,pangkapaligiran, panlipunan at kaalamang paksa.

MGA TEORYA SA PAGBASA

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso
at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-
unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).

Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag- unawa
sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay
sa konsepto ng pagbasa.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan
ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-
pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C) teoryang iskema, at (D) teoryang
interaktibo.

1. TEORYANG ITAAS – PABABA (TOP-DOWN)

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon
nang dating kaalaman at karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na
ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-
akda sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya
ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang
mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay
madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang
mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.Ang
teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model
(Goodman, 1985 at Smith 1994).

Mga Proponent ng Teoryang Itaas – Pababa:

Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)

2. TEORYANG IBABA – PATAAS (BOTTOM – UP)

Ito ay salungat sa teoryang top-down. Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa
teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang
simbolo. Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag- unawa
ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas
(up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.
Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong
papel o tabula raza. Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa
kundi sa teksto.Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig
sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto. Tinatawag ito na
“outside-in” o “data driven” sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmumula o
nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto.

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


Mga Proponent ng Teoryang Ibaba – Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)

3. TEORYANG INTERAKTIBO

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay
may dalawang direksyon (McCormick, 1998).Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-
down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.Samakatuwid, nagkakaroon ng
epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa
estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga
pananaw.
Binibigyang diin ng teorya ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto. Sinusuri ang
naging proseso at hindi bilang isang produkto. Sinusuri ang naging proseso sa kasagutan ng mag-
aaral. Sa teaoryang ito, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at
kabatiran sa taglay na kaalaman at sa aking kasanayan ng mambabasa.
Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo:

David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert
Ruddell, Robert Speaker (1985)

4. TEORYANG ISKEMA (SCHEMA)

Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang
alam na o hindi alam ng mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at


Pearson, 1984).Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto. Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa
kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang
kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang
mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang
tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto
mismo. Dahil dito, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman
ng kanyang isipan.

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


Pinaniniwalaan na ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili.Ito ay nagbibigay lamang ng
direksyon sa nakikinig o nagbabasa kung paanong gagamitin at mabibigyang kahulugan ang teksto
mula sa kanilang dating kaalaman. Ang dati ng kaalaman ang siyang saligang kaalaman at ang
kayariang balangkas ng dating kaalamang ang iskemata.

IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA

1. ISKANING

Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak
tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita
ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa
pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa
sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto. Ang scanning ay isang uri ng
pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang
babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa
materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa
partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan
sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero
ng isang taong nais makausap.

2. ISKIMING

Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y
pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na
maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang
gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng
pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at
nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.

3. PREVIEWING

Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang
estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at
pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:

a. Pagtingin sa pamagat, heading at sub-heading na karaniwang nakasulat ng italik.


b. Pagbasa ng heading na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

4. KASWAL

Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay
o pampalipas ng oras.
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON

Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan
kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa
layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.

6. MATIIM NA PAGBASA

Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para
matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.

7. RE-READING O MULING PAGBASA

Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o
masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. PAGTATALA

Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging
mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

METAKOGNISYON SA PAGBASA

Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan
sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang pampag-iisip na
kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay
na mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at
nagagamit nila ang angkop na estratehiya sa pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinang sa


mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip
na simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang
control sa mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain.

Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).

Prosesong Metakognisyon
• Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa
• Kaalaman ng mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon
• Kaalaman ng mambabasa sa pagsubaybay sa kanyang pag-unawa kung kailan siya hindi
nakauunawa

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang
sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko
naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong
mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?

MGA ESTRATEHIYA SA PAGBASA

Batay sa interaktibong pananaw ng pagbasa, ito ay nagbibigay ng pangunahing diin sa paggamit ng


dating kaalaman (iskema) at konsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing pagbasa ay kakikitaan
ng aktibong partisipasyon ng mambabasa. Narito ang mga estratehiya na nagpapakita ng interaktibong
pananaw sa pagbasa.

Ang Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip

Ang Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip o Direct Reading – Thinking Activity (DRTA) ay isang
estratehiya sa pagbasa na binuo ni Russell Stauffer (1969) kung saan ang mambabasa ay nagbibigay
ng kanilang sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito makikita ang tuwirang interaksyon sa pagitan
ng mambabasa at ng teksto.

Ang paraang DRTA ay binubuo ng tatlong pangunahing hakbang na inaasahang magagawa ng


mambabasa: (1) pagbibigay-hula, (2) pagbabasa, at (3) pagpapatunay ayon sa impormasyong nasa
teksto.

Ang SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa

Ang SQ3R na estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis Robinson (1970) na nangangahulugang


Survey, Question, Read, Recite at Review. Ang estratehiyang ito ay napatunayan nang epektibo
upang malinang ang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral ng estudyante. Ito’y angkop gamitin sa mga
tekstong ttuluyan o prosa sa panitikan, agham panlipunan at agham.

SURVEY (PAGSUSURI)

● Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng estudyane sa mga malalawak na balangkas,
pamagat ng kabanata, simula, paksa, at buod.
● Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili ng
estratehiyang gagamitin.

Mga Hakbang

● Pagtingin muna sa pamagat


● Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng may-akda sa aklat
● Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
● Pahapyaw na pagbasa

QUESTION (PAGTATANONG)
● Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuha at paglilinaw ng dahilan ng pagbasa.
● Ang mga tanong na nabubuo ay nagiging batayan sa pagbabalik-aral.
● Ang mga tanong bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin ng mga estudyante ang mga
sagot habang sila’y nagbabasa
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
Mga Hakbang

● Pagsulat sa mga tanong na nalinang bago bumasa, habang bumabasa o pagkatapos bumasa

READ (PAGBASA)

● Ito’y masusing pagbabasa upang magkaroon ng tiyak na layunin sa pagbasa at malinaw na


bigyan ng kahulugan ang suliraning lulutasin.
● Ito’y maingat ngunit mabagal na pagbasa na binibigyang-diin ang mga alalahaning detalye.

Mga Hakbang

● Pagtuon ng pansin sa mga pangunahing ideya o kaisipan ng teksto.


● Pagsama sa mga pansuportang detalye sa pangunahing kaisipan
● Pagbigay pansin sa mga uri ng ilustrasyon, mapa, tsart, at iba pa
● Pagbalangkas sa binasa

RECITE (PAGSAGOT)

● Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga tanong na hindi ibinatay sa mga naisulat.
Kapag hindi makasagot ay saka na titingin sa teksto o aklat.
● Ang sariling sagot sa mga tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.
● Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin pagkatapos ng pagbasa.
● Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang mga
bagong kaalamang galing sa sariling salita’y hindi madaling malimutan.

Mga Hakbang

● Pagbuo ng sariling sagot


● Pagsagot sa sariling salita sa mga bagong kaalaman

REVIEW (PAGBABALIK – ARAL)

● Ito ay isang kritikal na reeksaminasyon tungo sa pag-uugnay ng nilalaman at sa paglalahad.


● Ang pag-aaral ay hindi kumpleto hanggang hindi nailalagay sa isipan at kailangang matandaan ng
mga estudyante ang mga natutuhan. Ito’y nagagawa sa pamamagitan ng pagbabalik-aral.

Mga Hakbang
● Sariling pagsulat
● Pagsagot sa mga tanong
● Pagtatalakay
● Paglalagom
● Paulit na pagbasa

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

You might also like