You are on page 1of 14

YUNIT 1- PAGBASA

SA IBA'T-IBANG
DISIPLINA
GROUP 1
KABANATA 1:
KAHULUGAN NG
PAGBASA

Sa pagtatapos ng yunit, inaasahan na ang mga


mag-aaral ay:

a) nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng pagbasa;


b) nailalahad ang kahalagahan ng pagbasa sa iba't ibang disiplina; at
c) napahalagahan ang mga hakbang sa pagbasa;
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik

Ang pagbasa ay sinasabing unang hakbang sa


pagtamo ng kalaaman. Ito ay may kaugnayan sa
pagkatuto at sa pagsulat. Ang pagbasa rin ay
tumutukoy sa kognitibong proseso ng pag-unawa
sa mensahe ng wikang nakasulat.
TEORYA- ay isang maraming kahulugan. Sa una, ang teorya ay maaaring isang
magkakaugmang pangkat ng nasubukan nang panglahatang mga mungkahi, na
itinuturing bilang tama o tumpak, na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo
ng paliwanag at prediksiyon (hula) para sa isang uri ng kababalaghan.

LAYUNIN - Ang salitang ugat ng salitang layunin ay layon. Ang ibig sabihin ng
layunin ay pagkakaroon ng layon. Kapag sinabing may layunin, ibig sabihin ay
may intensyon. Ang kasingkahulugan nito ay obhektibo.

YUGTO - Ingles: Chapter, Part - Kabanata (isang libro, nobela, eksena ng isang
pelikula, etc.)
Ang Pagbasa ayon sa
iba't-ibang awtor
Ang pagbasa ay kompleks, daynamikong proseso ng pagdadala ng
mensahe sa teksto pagkuha ng kahulugan mula sa teksto. Ito ay
integratibong proseso ng pagsasanib ng apektibo, perseptwal at
kognatibong domeyn.- Rubin at Bernhardt

Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba't


ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag- aralan ng
tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.- Baltazar
Ang pagbasa ay isang "psycholinguistic
guessing game" - Goodman

Para sa lubusang pag-unawa sa isang teksto, kailangan ang


dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kaniyang
kakayahang bmuo ng mga konsepto at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyon. - Coady
Ang kakayahang pangkaisipan ay ang
panlahat na kakayahang intelektwal ng isang
tagabasa. - Badayos

Ang pagbasa ng anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa


ating isip, damdamin at kaasal -Belvez
Mga Layunin ng Pagbasa

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.


2. Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito sa
ating kaisipan.
3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan
ng aral.
4. Mapaglakbay ang ating diwa sa mga lugar na
pinapangarap nating marating.
5. Mapag-aralan natin ang kultura ng ibang lahi at
mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa
kulturang ating kinagisnan.
Mga Teorya
sa Pagbasa
Katulad ng ibang metodo sa pagtuturo. ang pagbasa ay
dumaraan din sa proseso ng pagbabago sa paglipas ng
panahon. Mula sa tradisyunal na pagkilala sa mga nakalimbag
na salita hanggang sa pag-unawa sa mga ito. Dito, ang mga
magaaral ay nagkakaroon ng kontrol at manipulasyon sa
kanyang binasa.
1. Teoryang Bottom-up -Batay sa "Teoryang
stimulusresponse" ang sentro ng pagbasa ay ang teksto na
kailangan munang maunawaan ng mambabasa bago siya
makapagbigay ng kaukulang reaksyon o interpretasyon.
2. Teoryang Top- Down - ang mambabasa ay nagiging isang
aktibong partisipant sa pagbasa dahil sa taglay niyang "Stock
Knowledge" o mga nakaimbak na kaalaman bunga ng kanyang
mga karanasan.
3. Teoryang Interaktiv - Learning is a two-way process. Hindi
monopolyo ng mga mambabasa ang pag-unawa sa tekso. Sa
paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at topdown),
nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng
mambabasa.
4. Teoryang Iskema - Tinutukoy sa teoryang ito sa kalayaan ng
mambabasa na magbigay ng kahulugan sa teksto. Ang iskema
ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.
Tatlong Yugtong
Estratehiya sa Pagbasa
Ipinaliwanag ni Vicki A. Jacobs ng Harvard Graduate School of
Education ang tatlong yugtong estratehiya sa pagbasa. Ang
mga yugtong ito ay ang mga sumusunod:

1. Bago Bumasa
2. Pinatnubayang Pagbasa
3. Pagkatapos Bumasa.
Mga Uri Ng Pagbasa
1. ISKANING- Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng
paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o
key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan
pansin.
2. ISKIMING-Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya'y pagpili ng materyal na
babasahin.
3. PREVIEWING- Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o
chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng
sumulat.
4. KASWAL- Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang
pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras.
5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON- Ito'y pagbasang may layunin
malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung
may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala.
6. MATIIM NA PAGBASA- Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa
na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang
pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
7. RE-READING O MULING PAGBASA- Paulit na binabasa kung ang binabasa
ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan pagkakabuo ng
pahayag.
8. PAGTATALA- Ito'y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga
mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng impormasyon.

You might also like